Ang help desk checklist ay mahalagang tool para sa anumang business upang maayos ang customer service at magpataas ng customer loyalty. Ito ay naglalaman ng mga kailangang gawin para gumana nang maayos ang help desk at matiyak na natapos ang lahat ng importanteng tasks. Narito ang listahan ng mga dapat gawin para sa isang organisadong help desk.
Nag-oorganisa at nagpapatakbo ba kayo ng sariling help desk ninyo? Narito ang isang komprehensibong listahan ng mga dapat gawin at hindi dapat palampasin.
Ang isang organisadong help desk ay batayan ng isang mahusay na support department, na nagpapabuti sa customer satisfaction at nagpapataas sa customer loyalty.
Ang help desk checklist ay isang summary ng mga kailangang gawin para gumana nang maayos ang help desk ninyo. Ito ay isang napakahalagang tool sa paglikha o pag-manage ng bagong help desk para matiyak na natapos ang lahat ng importanteng tasks.
Ang help desk ay mahalaga para sa anumang business, malaki man ito o maliit. Nagbibigay-daan ito sa mga customer at kliyente para madaling makipag-ugnayan sa customer service at makatanggap ng tulong sa anumang mga isyung nararanasan nila.
Ito ay isang mahalagang tool para sa mga business na:
Ang unang bagay na dapat tanungin ay kung ano ang gusto ninyong magawa gamit ang help desk.
Mahirap sukatin ang tagumpay ng help desk ninyo nang hindi nagse-set ng mga partikular na goal at nache-check kung natutugunan ang mga ito o hindi.
Dapat ang goals ay measurable, time-bound, at realistic. Mas detalyado, mas mabuti. Halimbawa: “Gusto kong malutas ng help desk team namin ang 95% ng queries sa loob ng 24 oras.”
Mag-develop ng targets para sa kabuuan ng customer service department at para rin sa bawat indibidwal. Magsimula sa malalaking objectives at pagkatapos ay subukang hatiin ito nang mas maliliit – at salamat dito, mas mapapalapit kayo sa mga layunin ninyo.
Sa pag-set ng partikular na goals, nagtatrabaho ang team ninyo patungo sa pag-set ng targets kaysa “ginagawa lang nila ang trabaho” nang walang direktang pakay sa likod nito. Mae-engganyo ang mga empleyado ninyo at mananatiling maalam kung ano ang inaasahan sa kanila.
Ang goal ay dapat achievable, kaya mas mainam na magkaroon ng medyo mas mababang targets na madaling maabot lagi kaysa hindi dahil imposibleng target ito.
Kapag nai-set na ang goals ng help desk, oras na para pumili ng software na gagamitin ng team ninyo. Maraming iba’t ibang uri ng help desk software na magagamit, kaya mahalagang hanapin ang nababagay sa pangangailangan ng business ninyo.
Ang help desk software ay mahalaga sa pag-manage ng queries at reklamo ng customer. Binibigyang-daan nitong i-track at i-monitor ang mga interaksiyon ng customer, pati na rin ang pagtago ng lahat ng communication sa iisang lugar. Ginagawa nitong mas mabisa at focused ang trabaho ninyo.
Ang software na pipiliin ay dapat:
Aling tools ang gagamitin sa pagpili ng help desk software?
Kapag magkakasama at nagtatrabaho ang maraming tao sa iisang team, mahalagang bumuo ng isang sistemang mag-oorganisa ng communication at task delegation.
Ang pag-organisa ng team batay sa department ay nagbibigay-daan sa pag-manage ng customer queries sa mas mabisang paraan. Pinadadali nitong makahanap ang customer ng tamang agent na puwedeng kausapin para panatilihing epektibo ang communication.
Kailangang ayusin ang help desk team ninyo sa iba’t ibang department batay sa skill sets at expertise nila. Halimbawa: “Customer Support,” “Sales,” at “Technical Support,” etc.
Dapat ay may leader ang bawat department na magiging responsable sa pagbibigay ng tasks sa ibang miyembro ng team at para tiyaking lahat ng customer queries ay maaasikaso sa napapanahong paraan.
Ang agents na nasa parehong department ay kailangang ayusin ayon sa kanilang skill level (o “seniority”). Mahalaga ring maglunsad ng malinaw na communication sa pagitan ng departments para mabilis malutas ang anumang isyu.
Para makapagbigay ng pinakamaayos na serbisyo sa mga customer, kailangan ninyo ng isang mahusay na sistemang nagbibigay-daan na makipag-ugnayan sila sa inyo sa iba’t ibang oras.
Ang pag-set ng business hours ay nagbibigay-daan para malaman ng mga customer kung kailan sila makaaasa ng sagot mula sa inyo. Makatutulong itong bawasan ang bilang ng katanungang dumarating sa gabi o sa weekend kapag walang sasagot sa kanila. Gayundin, ang business hours ay nakaaapekto sa SLA compliance ninyo.
Kailangang magpasya kung anong oras hahawakan ng support agents ang customer queries, kaya tingnan kung kailan karaniwang nakikipag-ugnayan ang mga customer sa inyo. Huwag kalimutan ang mga time zone kung nagbibigay kayo ng international support service. Tiyakin ding ang mga oras na ito ay malinaw na nakikita sa website at/o contact page ninyo.
Tip: Kung makatanggap ng mga katanungan sa labas ng business hours ninyo, maglagay ng isang automated response system para ipaalam sa mga customer kung kailan sila makaaasa ng sagot mula sa inyo.
Nakapagdesisyon na kayo at pumili na ng help desk software solution na bagay sa pangangailangan ninyo. Oras na para i-set up ang lahat ng features nito at ihanda ito para sa customer support ninyo.
Pinadadali ng isang mahusay gumanang help desk system na i-manage nang maayos ng support team members ninyo ang queries ng customer at i-track ang progreso nila.
Nag-iiba ang proseso depende sa software na pipiliin ninyo. Gayunman, ang ilang bagay na tiyak kailangang gawin ninyo ay:
Hindi namin masasabi kung ano ang hitsura ng implementation ng help desk ng bawat provider, pero masasabi namin sa inyo kung paano ito gagawin sa LiveAgent. Simple lang ang pag-set up ng help desk na ito at hindi masyadong matagal para masimulang gamitin ito.
Nililinaw ng support portal ng LiveAgent ang kailangang gawin – magdagdag ng mga user, i-set up ang email ninyo, kumonekta sa sariling mailbox, magdagdag ng live chat button sa website ninyo, ikonekta ang mga social page ninyo, mag-set up ng customer portal at call center, at okay na lahat – handa na kayo.
Ito ang channels na puwedeng gamitin para mag-communicate sa mga customer ninyo.
Mas magiging maganda ang pakiramdam ng mga customer tungkol sa karanasan nila sa brand o produkto ninyo kung bibigyan sila ng maraming paraan para mag-reach out sa inyo. Binibigyan din sila nito ng sense of control kung paano nila gustong makipag-ugnayan sa inyo. Kung iisa lang ang option na puwede nilang gamitin, baka hindi sila masyadong ma-engganyong mag-reach out kapag may masamang mangyari.
Kailangang magdesisyon kayo kung anong channels ang gagamitin ng mga customer para mag-reach out sa inyo at i-configure ito nang naaayon. Ang ilang channels na inirerekomenda namin ay:
Gumamit ng isang email address para sa bawat channel na ino-offer ninyo (hal. support@yourcompany.com, sales@yourcompany.com).
Para ma-implement ang isang mailbox bilang channel, kailangang mag-set up ng isang mail server at i-configure ito para sa bawat uri ng email. Tiyakin ding merong sapat na space na inilaan para mailagay ang mga papasok na message para hindi mawala ang mga ito dahil lang sa kawalan ng available space. Tandaan na ang email-only support ay may mga sagabal.
Kung gusto ninyong mag-offer sa customer ng isang lugar kung saan sila puwedeng mag-discuss ng mga isyu tungkol sa produkto, puwedeng mag-set up ng community forums, halimbawa sa Facebook. Para gawin ito, gumawa lang ng isang Facebook page para sa kompanya ninyo at magdagdag ng discussion board. Puwede ring mag-set up ng community forum sa ibang mga social network, tulad ng Twitter at LinkedIn.
Ang live chat ay isang mahusay na paraan para magbigay ng real-time na suporta sa mga customer, at puwedeng gumamit ng LiveAgent para ma-set up ito. Kung gusto ninyong magbigay ng 24/7 na customer support, gumamit ng customer self-service chatbots para kausapin ang mga customer ninyo at sagutin ang simpleng tanong nila (tulad ng “Paano papalitan ang password ko?”). Madali itong ma-scale up o scale down depende sa bilang ng tao na nangangailangan ng suporta sa anumang oras.
Kung may knowledge base kayo, puwedeng magdagdag ng how-to-articles para sa mga produkto o pag-troubleshoot sa mga karaniwang isyu. Makatutulong itong bawasan ang bilang ng tanong na pumapasok sa email o telepono. Gayunman, tiyaking ang knowledge base articles ninyo ay updated, sakto, at nagbibigay ng halaga sa mga customer ninyo.
Puwedeng mag-offer ng phone support sa ilang partikular na oras sa isang araw, pero dapat tiyaking may sapat na customer service agents na mag-aasikaso sa bilang ng incoming calls. Kailangan ding mag-set up ng isang phone system (e.g. VOIP) at call center software tulad ng Liveagent para epektibong ma-manage ang calls.
Puwede ring gumamit ng social media para magbigay ng customer service. Isipin ang FB messenger – nagbibigay ito ng madaling paraan para mag-reach out ang customer ninyo. Tiyakin lang na mino-monitor ninyo ang pumapasok na message para makapagbigay ng napapanahong tulong.
Ginagamit ng customer ang contact form sa pag-submit ng kanilang concerns sa online na interface. Pinasisimple nito ang proseso ng pakikipag-ugnayan sa kompanya ninyo.
Ang pagkakaroon ng contact form sa website ninyo ay nakatutulong sa mga customer na makatipid sa oras. Bawas-abala ito kasi hindi na nila kailangang gumamit ng telepono nila o magpadala ng email.
Kailangang magpasya kung anong fields ang isasama sa contact form ninyo: pangalan, email address (optional), message, at iba pa.
Puwedeng gumamit ng tool gaya ng Gravity Forms o Contact Form Seven sa WordPress kung wala kayong kaalaman sa programming. Kung ang website ninyo ay ginawa sa ibang platform, tanungin ang developer kung paano ang implementation ng feature na ito para sa inyo.
Kailangan ding magpasya kung saan makikita ang contact form sa website ninyo. Puwedeng ilagay ito sa isang page gaya ng “Contact Us” o i-embed sa sidebar o footer.
Siguraduhing i-test ang contact form bago ito i-publish sa website at gumagana nang tama ang email address na nauugnay dito.
Kapag gagawa ng contact form, tandaan na:
Bago mag-umpisang tumanggap ng mga customer inquiry sa mga communication channel ninyo, kailangang tukuyin ninyo ang isang epektibong proseso sa pagharap sa kanila, halimbawa ang paggamit ng automated ticket distribution system.
Tinutulungan nito ang mga agent ninyong tumugon nang mas mabilis at maging epektibo sa trabaho nila.
LiveAgent at lahat ng advanced ticketing features nito na nakaka-streamline ng support service workflow
Sa paggamit ng email templates, madaling magdagdag ng konektadong impormasyon sa isang nakahanda nang draft, na makatutulong na makatipid sa oras.
Naii-streamline nito ang proseso ng paggawa ng bagong email na tutulong makatipid sa oras at pinadadali ang pagpadadala ng maramihang sunod-sunod na message. Nakatutulong din itong magbigay ng consistent na branding sa lahat ng email communication ng kompanya ninyo.
Kailangan sa customer service ang mabilis na pagsagot sa mga tanong at ang pagbigay ng update sa bawat hakbang.
Para nalalaman customer ninyo ang tungkol sa pag-usad ng kanilang mga katanungan. Nakatutulong din ito na pahusayin ang customer satisfaction sa pamamagitan ng pagbibigay ng update tungkol sa katayuan ng kanilang mga ticket.
Kailangang malaman ninyo kung sino ang may access sa kung anong impormasyon. Napakahalaga nito pagdating sa customer service kasi dapat malinaw na tinukoy ang roles at responsabilidad ng mga empleyado para walang kalituhan sa mga ito o kung paano dapat na makipag-ugnayan ang mga miyembro ng team ninyo sa isa’t isa.
Nakatutulong ito para malaman ng bawat empleyado ang limitasyon nila at pigilan silang ma-access ang impormasyon na hindi sila awtorisadong makita.
Malinaw na tinutukoy ng SLA rules kung ano ang inaasahan ng customer at kung ano ang responsabilidad ng provider para malinaw sa mga partido ang kahihinatnan kung hindi matugunan ito.
Nagbibigay ito ng transparency at pananagutan kapag nakikitungo sa mga customer na hindi nasisiyahan sa isang serbisyo. Nakatutulong din itong pigilan ang customer service agent na gumawa ng pangakong hindi nila matutupad.
Isinasama at tinutukoy ng isang service level agreement ang internal goals at metrics. Ang susi rito ay pagbalanse – ang masyadong marami o kaunting rules ay nakasasama sa mga relasyon sa business, kaya ikonsidera ang flexibility na kakailanganin para ang lahat ng kasama ay masiyahan sa SLA nila.
Ang isang ticket management system ay kritikal na bahagi ng anumang help desk. Pinapayagan nitong i-track, i-manage at mag-assign ng ticket sa nararapat na agent. Nagbibigay din ito ng history ng lahat ng interaksiyong naganap sa pagitan ng kompanya ninyo at ng bawat customer.
Tinutulungan nito ang mga agent na i-track ang lahat ng bukas at saradong ticket at mabilis na malutas ang mga isyu. Nagbibigay din ito ng history ng lahat ng interaksiyong naganap sa pagitan ng kompanya ninyo at ng customer para matuto kayo sa nakaraang pagkakamali at pagbutihin ang serbisyo ninyo.
Maniwala kayo – magiging mas mahirap i-manage ang mga ito nang sabay-sabay sa paglipas ng panahon. Pero huwag mag-alala, alam namin ang solusyon.
Ang pinakamabuting option ay ang pagpili ng isang help desk software na may offer na omnichannel inbox para i-manage ang iba-ibang channel sa iisang lugar. Salamat sa solusyon na ito, puwedeng i-handle ang mga ticket mula sa iba’t ibang channel (hal., email, chat, social media) at i-integrate ito sa isang unified inbox para mas madaling makita at mabilis makasagot.
Ito ang maibibigay ng LiveAgent, at ito ay simpleng i-set up at gamitin. Makapag-uumpisa kaagad kayo sa loob ng ilang minuto sa paggawa ng isang bagong account at pagdagdag ng email address ninyo. Sa libreng trial, puwedeng i-test ito bago bumili.
Para masulit ang help desk ninyo, dapat ikonsidera ang pagkonekta nito sa iba pang application na ginagamit ninyo.
Binibigyang-daan nito ang pag-manage sa isang lugar ng lahat ng customer interactions para mas madaling i-track at malutas ang mga isyu. Magiging mas productive kayo kung ang pag-manage sa lahat ng customer interactions ay mula sa iisang interface.
Depende ito sa apps na gusto ninyong konektahan. Ang ilang apps gaya ng LiveAgent at Zendesk ay may built-in integrations sa iba’t ibang software. Kung walang built-in integration ang napili ninyong app, kadalasan ay may connector na magagamit para magawa ninyo ito.
Dahil sa filters, naaayos ang mga ticket batay sa priority. Halimbawa, kung may tanong ang isang customer tungkol sa status ng account nila at kailangang i-check ng agent kung naka-block ito o hindi, puwedeng i-filter ang lahat ng bukas na ticket gamit ang subject line na iyon.
Dahil sa filters, naaayos ang mga ticket ninyo batay sa priority para madaling mahanap at malutas ng agent ang isyu. Bilang resulta, hindi na nila kailangang tingnan ang bawat ticket para mahanap ang kailangan nila.
Depende ito sa help desk software na ginagamit ninyo. Sa ilang software solution gaya ng LiveAgent, puwedeng gumawa ng filters sa pamamagitan ng pag-type ng keywords (hal., “account status”). Puwede ring manual na gumawa ng filters na kapaki-pakinabang kung gusto ninyong i-customize ito o gumamit ng ibang set ng criteria kaysa sa kung ano ang available sa software mismo.
Dahil sa rules at workflow, puwedeng ma-automate ang ilang partikular na aspekto ng help desk ninyo. Halimbawa, kung nagre-request ng password reset email address ang customer ninyo, puwedeng awtomatikong ibigay ang impormasyong ito ng isang automated reply.
Sa pag-automate ng ilang tasks, makakatipid kayo sa oras, mapabubuti ang bilis ng pagsagot, at mababawasan ang human error.
Mag-iiba ang proseso depende sa software na ginagamit ninyo, pero kadalasan ay madaling gawin ito. Tingnan ang tutorials sa paggawa ng rules at workflow para sa help desk software kung di kayo sigurado kung paano gawin ito.
Ang automated rules ay karaniwang ginagamit sa LiveAgent para mag-transfer ng ticket sa ilang department, magdagdag ng tags, markahan ang ticket bilang spam, o lutasin ang mga ito.
Habang nagiging komplikado ang problema ng custmer, puwedeng mas mahirapan ang mga agent na tutukan ang lahat ng impormasyon. Tutulong ang knowledge base na lutasin ng agent ang mga isyu sa paghahanap ng sagot gamit ang sariling pagsisikap, na hindi na kailangan pang makipag-ugnayan sa ibang department, supervisor, at iba pa.
Ang isang internal knowledge base ay tumutulong sa team na mapanatili ang iisang pananaw sa customer support data at bilang resulta, mas mabilis malulutas ang mga isyu. Pinapadali rin nito para sa mga bagong agent na maging updated.
Para sa mga partikular na solusyon, kailangan ng insight sa mga option ninyo. Ang isang internal o pampublikong knowledge base na naglalaman ng lahat ng impormasyon ng produkto at proseso ay self-service para sa mga customer at empleyado ninyo.
Ang isang magandang internal knowledge base ay may ilang pangunahing features:
Karaniwang naka-schedule ang training nang kahit isang beses bawat taon, pero ang may gusto ay dapat mas marami pang option. Gayunman, kung may magbabago sa kompanya na makaaapekto sa daloy ng trabaho ng help desk agent kagaya ng software update o pagbabago sa policy, baka dapat ikonsidera ang pag-train sa kanila nang mas maaga kaysa ipagpaliban ito.
Ang training ay tumutulong sa mga bagong agent na maging pamilyar sa mga policy at procedure ng kompanya, pati na rin sa customer service skills na kailangan para makapagbigay ng matagumpay na karanasan sa help desk. Gayundin, binabawasan nito ang turnover ng empleyado sa paglikha ng isang environment kung saan nararamdaman nilang pinahahalagahan sila dahil alam nila kung paano gawin nang maayos ang trabaho nila.
Magagawa ito sa pagpapa-shadow sa isang bihasang agent sa loob ng isa o dalawang araw. Puwede ring isama ang training bilang bahagi ng orientation kapag may bagong sumali sa team.
Kung may malaking bilang ng mga agent na kailangan ng training nang sabay-sabay, puwedeng kumuha ng isang outside consultant na eksperto sa customer service skills at procedures kagaya ng help desk management techniques o kung paano harapin ang pasaway na customer.
Dahil sa customer satisfaction ratings, nasusukat ninyo kung gaano nasisiyahan o hindi nasisiyahan ang mga customer sa support experience ninyo.
Mahalaga ito sa anumang organisasyong nagseserbisyo kasi ang ratings ay puwedeng magbigay ng insight sa pagpapabuti ng help desk ninyo. Gayundin, malalaman ng mga miyembro ng team ninyo kung saan sila magaling at mahina.
Kailangan ay may sistemang nakalagay para ang customer ay puwedeng mag-iwan ng feedback pagtapos ng bawat interaksiyon sa mga empleyado ng service desk, ito man ay sa telepono o email. Puwede ring gumamit nga periodic survey (hal., isang beses kada quarter) na nagtatanong tungkol sa pangkalahatang satisfaction level sa paglipas ng panahon, pati na rin mga partikular na tanong na nauugnay sa kamakailang interaksiyon.
Kapag na-implement na ang mga pagbabagong ito, mahalagang i-test kung gumagana nang maayos ang lahat o hindi.
Nagbibigay ito ng perspective kung gaano kahusay gumagana ang lahat at kung ano ang puwedeng mapabuti o baguhin. Bilang resulta, ang customer service experience ay magpapatuloy na tumakbo nang maayos sa kabila ng anumang adjustments na kailangang gawin sa paglaon.
Ang isang paraan ay ang pag-launch ng isang beta version na magagamit ng iilang tao lang. Kapag na-test at naaprubahan na ito ng users, puwede na itong ilabas sa publiko. Puwede ring i-test ang help desk sa paggamit ninyo nito o paghiling na gawin ito ng isang taong hindi kasama sa paglikha nito.
Ang isang help desk ay hindi tunay na “natatapos.” Kailangang patuloy na maghanap ng mga paraan para mapabuti ito at ang customer service experience ninyo.
Tinitiyak nito na ang team ninyo ay palaging nagtatrabaho nang mahusay at nagbibigay ng magaling na customer experience. Dahil dito, nasusukat ninyo kung gaano kahusay gumagana ang mga pagbabago para makapagpatuloy sa pagpapahusay nito.
Set goals and configure your help desk platform accordingly. Organize your support agents by department and determine the business hours during which they will be available. Create communication channels (such as a mailbox, community portal, knowledge base, social media accounts, and live chat) and a contact form. Integrate your help desk with other third-party apps and enable customer satisfaction ratings. Take a look at the checklist above to find out more.
The contact information of your customers, such as their names, email addresses, and phone numbers. Additionally, detailed information about the case (such as description and attachments), a list of tags associated with each ticket, its status, and priority level.
The ticket management system, communication channels, internal knowledge base, automation and integration. These five components work together to provide a smooth customer experience.
Provide them with detailed base documentation and video tutorials. You can conduct training sessions and offer additional training options for those who are interested.
There are many ways to implement a help desk system. You can use a software as a service (SaaS) model, which is the most popular option, or you can install the software on your own server. If you'd like to test a help desk software solution, check out LiveAgent. It's free to try and has the best customer support in the industry.
Ang ultimate call center checklist
Interesado ba kayong magtayo ng isang call center pero walang kayong ideya kung saan magsisimula? Naglagay kami ng call center checklist na gagabay sa inyo sa bawat hakbang.
Checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho
Maghanap ng impormasyon tungkol sa kompanya sa kanilang website at social media. Alamin ang commute at maghanda ng tamang damit at bag. Set ng alarm at kalmahin ang sarili. Mag-research ng kompanya at pag-commute. Gumising nang maaga at magpakalma.
LiveAgent ay isang epektibong tool para sa customer service at pagpapaunlad ng network at customer satisfaction. Maraming mga user ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan at tagumpay sa paggamit ng LiveAgent para sa kanilang mga negosyo. Ang produktong ito ay nagbibigay ng mas mahusay, mabilis at eksaktong suporta na nagdudulot ng mas mataas na customer satisfaction at sales.
Pinakamahusay na mga kasanayan sa help desk
LiveAgent ay isang epektibong software sa pangangalaga sa kustomer na nagbibigay-daan sa mga ahente na makipag-usap nang hindi gumagamit ng kanilang tunay na pangalan. Ito ay mahalaga para sa customer service, pagpapaunlad ng network, at customer satisfaction. Ang L.A.S.T. method ay mahalaga para sa customer loyalty at reputasyon ng negosyo. Ang LiveAgent ay may iba't ibang communication channels at dapat itong gamitin para sa positibong epekto sa customer satisfaction at sales. Mag-set up ng mga departamento ng help desk para mapahusay ang kalidad ng paglilingkod sa mga kustomer sa iba't-ibang lokasyon.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team