Hello, ako si John. Paano ko kayo matutulungan?
Gusto kong i-check ang status ng order ko.
Walang problema. Pahingi po ng inyong order ID.
Ang order ID ko ay GQ34566
•
•
•
Ang live chat software ng LiveAgent ay mabilis, maaasahan, tutulong sa pag-asenso ng business ninyo, at tutulungang maging mas produktibo ang inyong mga customer support team.
Gamitin ang live chat software para ma-convert ang mga website visitor bilang paying customer sa loob ng ilang segundo lamang. Sa pagpapaandar ng automation, natutulungan ng matalas na chat routing option ang mga user na makipag-chat sa nararapat na agent na talagang makatutulong sa kanilang mabigyan ng tamang uri ng serbisyo.
Talagang makatitipid kayo ng maraming oras sa advanced features ng LiveAgent. Gamitin ang oras ninyo sa pagtutok sa mas mahalagang gawain — ang pagtataguyod ng mas makabuluhang ugnayan sa inyong mga customer.
Ipinapadaan ang data sa machine...
Sa pag-sign up, tinatanggap ko T&C at Privacy policy.
Pinagsasama ng LiveAgent ang mahusay na live chat, ticketing at automation na nakatutulong sa aming magbigay ng mahusay na support sa aming customers.
Ginawa ang LiveAgent para matulungan kayong makatipid sa napakahalaga ninyong oras. Isang simpleng (copy-paste) integration lamang ang agad na magkokonekta sa inyo sa mga customer ninyo. Niruruta ng LiveAgent ang mga bagong incoming chat sa nararapat na miyembro ng inyong team, at masinop ang pagsasaayos nito ng sistema batay sa online chat availability ng mga agent habang sila ay nagla-log in o log out sa kanilang shift.
Ang live chat support software ay ang pinakamahalagang bahagi ng isang komplikadong help desk software na nakakapagbukas ng komunikasyon sa isang business at sa kanilang audience. Gamit ang LiveAgent, puwede ninyong ma-install ang live chat module (o ang tinatawag na live chat widget) sa inyong website sa ilang segundo lamang, at makakapag-usap na kayo agad ng inyong mga customer at prospect.
Kadalasan, ang nirerepresenta ng live chat ay ang chat solution lamang. Ibig sabihin, ang tanging gamit sa pag-uusap ay ang mga messaging channel lamang. Pero puwede ring may voice at video ang isang chat solution. Ang ibig sabihin nito ay puwede ring mag-offer ang kompanya ninyo ng video chat, hindi lang mga regular na chat service.
Ang video chat ay isang espesyal na karagdagan sa web chat. Mas epektibo ang magiging paglutas ninyo sa mga isyu gamit ang screen sharing, na lubos na makatutulong sa mga industriyang service-oriented.
Ang web chat software ay isang customer communication platform na nagpapaganda ng daloy ng pag-uusap ng mga customer at ng customer support team. Kapag nakipag-usap ang customer gamit ang chat app, makakakuha ng bagong ticket ang inyong agent sa universal inbox ng LiveAgent. Masasagot agad ito ng mga agent, na magdudulot ng pag-unlad ng inyong customer engagement.
Hanap ng mga customer ang agarang sagot sa kanilang mga tanong. Ang pinakamabilis na paraan para matugunan sila ay ang paggamit ng live chat.
Nagtataka ba kayo kung bakit maraming mga visitor ang umaalis sa inyong website na hindi nagiging customer? Kausapin sila nang live at kunin ang kanilang atensiyon.
Ayusin agad ang lahat ng isyu ng inyong mga customer bago sila mainis at magpunta sa iba. Pagbutihin ang karanasan ng inyong mga customer sa inyong mga produkto.
Kayang hawakan ng isang live chat agent ang maraming customer nang sabay-sabay. Napapahusay ng LiveAgent ang pagiging produktibo ninyo, pati na ang customer satisfaction.
Panoorin kung paano namin ginawa ang integration ng live chat sa iisang omnichannel communication platform. Ang LiveAgent ay isang customer support software na may mga pangkaraniwang live chat feature na kakailanganin ninyo. Pero may isinama rin kaming mga bukod-tanging bagay na di ninyo matatagpuan sa ibang software. Sa LiveAgent website chat feature na talaga makikita ang lahat.
Mag-set up ng rules para awtomatikong maimbitahan ang mga visitor para makipag-chat at nang maging customer sila. Sa proactive na chat invitation, makakausap ng inyong mga agent ang mga visitor gamit ang chat widget. Makatutulong ang chat notification sa pagpapaganda ng inyong customer loyalty dahil mas mabilis at mas epektibo na ang interaksiyon ninyo sa mga customer. Dagdag na info…
Panoorin ang paggalaw ng inyong mga visitor sa inyong website at makipag-ugnayan sa kanila. Sa website monitoring feature, maaari mong makita ang kabuuan ng kanilang customer journey, pati na ang mga partikular na URL na kanilang tinitingnan. Kung kinakailangan, madaling makontak ng inyong customer service team ang isang potensiyal na customer anumang oras. Dagdag na info…
Bigyan ang mga agent ng pagkakataong maghanda ng kasagutan nila bago pa man ipadala ng customer ang unang message. Sa feature na ito, masisilip agad ng sales team ang chat message habang tina-type pa lang ito ng customer. Sa ganitong paraan, makapagbibigay agad ang mga sales rep ng agarang solusyon na magpapahusay sa user experience. Dagdag na info…
Nagbibigay ba kayo ng support sa iba’t ibang wika? Sa LiveAgent, puwede kayong mag-set ng gusto ninyong wika para sa chat box para mas makapagbigay kayo ng mas mahusay na chat experience. Dagdag na info…
Sa mundo ng live chat software, ang LiveAgent ang pinakasulit at pinakamahalagang software na mabibili ng inyong pera.
Mga live chat feature dagdag pa sa standard na help desk functionality.
Nadagdagan ang bawat ticketing at live chat feature dahil sa built-in na call center.
Makikita sa maraming solutions ang live chat tool, kaya ang kailangan ninyong hanapin ay ang advanced chat features na naka-integrate sa mas complex na customer service ecosystem. Pumili sa 4 na plan depende sa inyong pangangailangan. Kung gusto ninyong gamitin ang live chat app, puwedeng subukan ang aming Ticket+Chat. Ang All-Inclusive plan ay may built-in cloud call center at video call software, na may abilidad para kunin ang mga social media post para ilagay sa LiveAgent.
May offer ang LiveAgent na advanced help desk software features, kasama na ang matatag na ticketing system na may automation, social media integration sa Instagram at Facebook, isang call center, at isang support center. Mayroon kaming higit sa 180 help desk features na available sa kasalukuyan!
Ang pagpili ng tamang live chat support software ay maaaring magdulot ng 29% na dagdag sa conversion rates.
Matindi ang pagbawas sa oras ng pagtugon sa mga parating na customer service request.
Paghusayin ang karanasan sa shopping ng inyong mga customer sa pagbibigay ng real-time na tulong.
Kaya ng live chat software ng LiveAgent ang integration sa maraming communication channels, at may offer itong halos 200 na magagandang features.
Ang live chat ay nagbibigay ng mas mabilis na paraan ng komunikasyon sa inyong kliyente o customer. Agad silang nasasagot ng isang customer care agent at nakapagbibigay ng sapat na pag-alalay. Ang live chat ay binubuo ng isang simpleng chat window kung saan nag-uusap ang isang kliyente at customer care agent para maayos ang isang partikular na isyu tungkol sa isang produkto o serbisyong alay ng kompanya. Isa ito sa maraming paraan ng pagbibigay ng customer support.
Sa live chat, diretsong nakikipag-usap ang customer sa isang customer support agent. Kapag nakakonekta na ang customer sa isang agent gamit ang Live Chat, agad masisimulan ang kanilang usapan. Tinatanggal na ng live chat ang matagalang paghihintay sa pagsagot. Puwede nang makipag-ugnayan ang kliyente sa customer care agent sa pag-click ng isang chat button sa inyong website. Susulatan ng kliyente ang isang simpleng form at magsisimula na agad ang pag-uusap nila ng customer support agent. Sa live chat, sa isang chat window mag-uusap ang customer at agent para matugunan ang anumang isyu.
Kailangan ang live chat sa pagbibigay sa mga kliyente ng diretsong customer support. Ang live chat ang isa sa pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng pagkonekta ng mga kliyente sa inyo. Maaaring tumaas ang inyong ROI kapag binigyan ninyo sila ng mas mabilis na paraan ng pagkonekta sa inyo. Laging ikinatutuwa ng mga customer ang mabilis na pagsagot sa kanilang mga tanong, na siya namang dahilan ng pagtaas ng kanilang loyalty at satisfaction. Ang isang customer na loyal at kuntento ay puwedeng bumili ulit sa inyo sa hinaharap, na siyang patuloy na bubuhay sa inyong negosyo.
Ang pagbibigay ng mabilis at epektibong customer support ang makakapagpasaya sa inyong mga kliyente at makadaragdag ng loyalty nila sa inyong brand o kompanya. Sa panahon ngayon, wala nang gaanong pasensiya ang mga tao sa paghihintay, lalo na sa di maaasahang uri ng support. Kapag agad ninyo silang nabigyan ng support, mas tataas ang bilang ng inyong loyal customer na malaki ang posibilidad na muling bumili ng inyong produkto o gumamit ng serbisyo.
Sa live chat software, madali ninyong ma-customize ang mga pre-existing na button o puwedeng gumawa kayo ng bago. Matapos ang customization, kailangan lang ninyong ma-integrate ang button sa paglalagay (copy-pasting) ng generated code ng inyong page.
Ang live chat ay isang feature na nagagamit ng mga customer sa real time na pagkonekta at pakikipag-usap sa isang business. Para makipag-chat sa isang business, hanapin lamang ang chat button widget sa kanilang site, at mag-type na agad.
Sa LiveAgent, habangbuhay kaming nagbibigay ng libreng account na may kaunting limitasyon. May offer din kaming 14-araw na libreng trial para sa lahat ng aming subscription. Pero pagkatapos ng trial period, walang sisingilin sa inyo. Hihinto lang ito sa paggana. Pero kung nais ninyong ipagpatuloy ang paggamit ng subscription, kailangan na ninyong ilagay ang detalye ng inyong credit card. Ang darating na mga charge sa inyo ay kaalinsunod ng aming pricing plan.
Laging mainam na bagay ang pagkakaroon ng live chat software para mas maging angat kayo lagi sa kompetisyon. Kung maganda ang inyong website traffic at nais ninyong magbigay ng real-time support, laging may katuturan ang paglagay ng live chat kahit malaki man o maliit ang inyong negosyo.
Maraming benepisyo ang paggamit ng live chat software, pero ang pangunahin sa mga ito ay ang sumusunod: pagtaas ng sales, mas mahusay na customer experience, mas mabuting customer satisfaction, at mas epektibong customer service workflow.
Ang mga common feature ng live chat ay ang mga canned na kasagutan, proactive na chat invitation, mga chat transfer, website visitor tracking, chat analytics, unlimited na chat history, at ticket distribution.
Para maging mahusay na live chat agent, kailangan ay maging mabait o friendly, mapagpasensiya, maalam, masinop, laging handang tumulong, at mahusay humawak ng oras. Bilang isang mahusay na live chat agent, kailangan mong siguraduhin na ang mga customer ay laging nakararanas ng mahusay na customer service.
Alam mo ba kung ano ang isang bagay na mayroon ang Huawei, BMW, Yamaha, at O2? Tama ang hula mo... LiveAgent!
Maging una sa pagtanggap ng mga eksklusibong offer at pinakabagong balita tungkol sa aming mga produkto at serbisyo diretso sa inyong inbox.
Ikinatutuwa namin ang pag-sign up mo kamakailan sa LiveAgent.
May ipapadalang message sa iyong email address na naglalaman ng iyong login details matapos ma-install ang iyong account.
Kung makakapaghintay ka pa nang saglit, makaka-access ka na ng account mo diretso mula dito matapos ang installation.
Pagkatapos ng proseso, ipapadala namin ang mga detalye ng login sa iyong mailbox.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Maraming petsa ang bakante