Kayo ba ay nasa proseso ng pag-transition ng inyong call center sa bagong software provider? Para makapag-facilitate ng suwabeng transaction, baka gusto ninyong sundan ang checklist na ito.
Sa paglaan ng oras para gawin ang mga bagay nang tama, maiiwasan ninyo ang potential na problema at masisigurong ang inyong customers ay patuloy na makakukuha ng pinakamahusay na serbisyo.
Ang importansiya ng call center transition checklist
Kayo ay nagdesisyong lumipat ng contact center providers sa isang dahilan.
Kung gusto ninyong makatipid ng pera, pagalingin ang inyong customer service, o mag-upgrade ng ilang software, mahalagang makasiguro na ang transition ay suwabe hangga’t maaari. Ang matagumpay na transition ay napakahalaga para sa kahit anong call center dahil ang hindi mahusay na pagsagawa nito ay makapipinsala sa business time at pera.
Sa checklist na ito, kayo ay siguradong bawat aspekto ng transition ay nakonsidera, mula data migration hanggang employee training.
Sino ang magbebenepisyo mula sa isang call center transition checklist?
project team
management team
mga may-ari ng business
team leaders
business stakeholders
Ang call center transition checklist ay isang comprehensive na guide para sa key stakeholders na kasali sa transition process. Kaya kahit na ano pa ang inyong tungkulin, ang aming checklist ay makatutulong sa inyong masigurado na ang transition process ay walang fractions.
Diskubrehin ang call center transition checklist
Call center transition checklist
Bago gumawa ng anumang major na desisyon, importanteng maintindihan ang pangangailangan ng inyong kompanya at goals para sa call center.
Bakit importanteng maintindihan ang pangangailangan ng inyong kompanya?
Kung hindi ninyo naiintindihan ang pangangailangan ng inyong kompanya, madaling kayong mapababago ng isip ng features ng bagong provider. Bagama’t ito ay maganda, maaaring hindi ito ang kailangan ng inyong kompanya para maabot ang goals ninyo.
Paano maiintindihan ang pangangailangan ng inyong kompanya?
Umupo kasama ng inyong team at pag-usapan kung ano ang inyong hinahanap sa isang bagong provider. Tanungin sila tungkol sa kanilang karanasan sa kasalukuyang call center software at ano ang nakikita nilang dapat mapabuti.
Ang pagkolekta ng mga impormasyon ay makatutulong para maintindihan ninyo ang inyong business requirements at makatiyak na ito ay natugunan sa transition process.
source: myperfectresume.com
Aling tools ang puwedeng gamitin para maintindihan ang pangangailangan ng inyong kompanya?
interviews kasama ang management
surveys ng team members
data na nakolekta ng customer service department
Kapag alam na ninyo ang positibo at negatibong aspekto ng inyong current provider, makakakuha na kayo ng mas mainam na ideya para sa perpektong hinahanap ninyo.
Bakit importante mag-analyze ng inyong kasalukuyang provider?
Ang pagkakaroon ng makatotohanang view ng inyong kasalukuyang provider ay importante para hindi kayo mag-set ng hindi makatuwirang expectations.
Paano magsagawa ng analysis ng inyong kasalukuyang provider?
Una, mangolekta ng data mula sa team members, customers, at management. Magtanong tungkol sa kanilang karanasan sa kasalukuyang software, tulad ng kung ano ang nagustuhan nila at aling features ang ginagamit nila.
I-review ang customer service data para makita kung gaano karami ang nagawang reklamo. Hanapin ang patterns sa data na makatutulong sa inyong maintindihan kung saan may pagkakamali sa kasalukuyang provider.
Aling tools ang gagamitin sa pag-analyze sa inyong kasalukuyang provider?
interviews sa team members
surveys ng team members
nakolektang data ng customer service department
Kapag kayo ay nagkaroon ng mabuting pag-unawa ng pangangailangan ng inyong kompanya, ilista ang criteria para sa inyong bagong provider.
Bakit importante ang paglista ng criteria?
Makakapagkumpara kayo ng providers sa isa’t isa at makakapili ng pinakamahusay na option para sa inyo.
Paano magsulat ng listahan ng criteria?
Magsimula sa pag-brainstorm ng lahat ng features na mahalaga sa inyong kompanya, pagkatapos ay i-rank sila ayon sa kahalagahan. Maaari ninyong hanapin ang factors na ito:
libreng trial
help desk na 24/7
integrated CRM
smart call routing
personalization
features na nakaka-enhance ng agent productivity
unli na bilang ng call recordings
bilang ng users
presyo
Aling tools ang gagamitin para magsulat ng list ng criteria?
brainstorming kasama ang team members
gumawa ng table o spreadsheet sa Google Docs
i-rank ang pinaka-importanteng features
Sa paggamit ng inyong criteria list, mababawasan ninyo ang bilang ng potential providers. Samakatwid, kayo ay makakapagdesisyon nang mas madali. Panahon na para palalimin at maghanap ng impormasyon tungkol sa natitirang providers.
Bakit importanteng mag-conduct ng malalimang research?
Titiyaking ang inyong desisyon ay pinag-isipan nang husto at mabawasan ang risk ng pag-invest sa maling call center software solution.
Paano mag-conduct ng malalimang research?
Bawat provider ay merong sariling website kung saan kayo makakakita ng maraming info tungkol sa kanilang services. Maghanap ng case studies at reviews mula sa customers na nakagamit na ng software at i-check ang social media channels (Twitter, Facebook, LinkedIn) para makita kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa provider.
Aling tools ang gagamitin sa pag-conduct ng malalimang research?
website ng bawat provider
reviews ng customers
LinkedIn
industry groups
Nakatutulong makita kung ang tools na ginagamit ng inyong potential na call center provider ay compatible sa inyong ginagamit sa kasalukuyan. Dapat din ninyong malaman kung anong features ang ino-offer at kung meron ito ng lahat ng kailangan ninyo.
Bakit importante ang pag-check ng tools at features?
Ilan sa mga providers ay merong sarili nilang tools kung saan maaari maging mas komplikado ang transition process. Halimbawa, puwede kayong magkaroon ng problema kung hindi ito compatible sa ginagamit ninyong CRM system.
Paano mag-check ng tools at features na ino-offer ng potential provider?
Ang sariling website ng bawat potential provider ay dapat maraming impormasyon tungkol sa kanilang services, pati ang listahan ng tools na puwedeng ma-integrate sa kanila.
Tingnan ang LiveAgent – ito ay nagbibigay ng maraming advanced features. Bagaman ang malawak na range ng options ay napakalaki sa simula, meron itong libreng trial, kaya kayo ay makakadesisyon kung ito ay tama para sa inyo nang walang gastos.
Ang pag-unawa sa lahat ng intricate details ng kasamang features at integrations ay mahalaga bago gumawa ng kahit anong desisyon.
Aling solutions ang gagamitin para i-check ang available features at tools?
website ng bawat potential provider
support center
libreng trial
Pagkatapos gawin ang inyong research, dapat meron na kayong ilang providers na na-meet ang lahat ng criteria sa inyong listahan.
Bakit importante ang pagpapaliit ng inyong listahan?
Ang hakbang na ito ay makatutulong sa inyong mag-focus sa providers na pinakamahusay para sa inyong kompanya. Ang prosesong ito ay nakakatipid ng oras sa proseso ng evaluation.
Paano magpaliit ng listahan?
Tukuyin ang bigat para sa bawat criterion sa pamamagitan ng pag-evaluate ng importance nito (kung hindi mo pa nagagawa). Ikumpara ang bawat provider laban sa criteria na inyong na-set at alisin ang mga hindi naka-meet ng gusto mo.
Maaari mong ma-rate ang bawat provider ayon sa kung ilang features ang ino-offer nila, i-multiply bawat grade sa bigat, at idagdag ang mga resulta. Ang providers na merong pinakamataas na scores ang mahalagang ikonsidera.
source: blogmarketingacademy.com
Aling tool ang gagamitin sa pagpapaliit ng listahan?
comparison table sa Google Docs o Excel
Ang tanging paraan para makakuha ng ganap napag-unawa kung paano gumagana ang solution ay mag-sign-up para sa trial version at subukan ninyo ito.
Bakit importante ang pag-testing?
Ito na ang pagkakataon para makita kung gaano kahusay gumana ang software sa inyong environment at kung nami-meet ba lahat ng inyong expectations.
Paano mag-test ng providers?
Kontakin ang bawat potential provider at magtanong para sa trial version or demo. Ilang providers ang maaaring mag-require na tawagan sil, kaya importanteng meron kayong nakahandang listahan ng mga tanong.
Tip: Huwag kalimutang gumawa ng notes sa panahon ng trial para maalala kung ano ang inyong nagustuhan at hindi nagustuhan sa isang provider.
Aling tools ang gagamitin para sa testing?
ang contact form sa website ng bawat provider
phone number ng bawat provider
spreadsheets para sa paggawa ng notes
Pagkatapos mag-evaluate lahat ng potential providers, kinakailangang magdesisyon kayo at pumili ng isa sa kanila.
Bakit importante ang paggawa ng desisyon?
Ito na siguro ang pinaka-importanteng hakbang sa proseso. Kung kayo ay matagal naghihintay, mas maraming oras ang lilipas na walang nagaganap na pagbabago sa inyong kompanya.
Paano gumawa ng desisyon?
Kailangan ninyong ikonsidera lahat ng conclusions na inyong inilabas sa ngayon at pumili ng provider na tama para sa inyo at inyong kompanya.
Tip: Kung kayo ay hindi makadesisyon, ikonsiderang magbotohan sa inyong organisasyon (sa kondisyong lahat ay nakapag-test ng bawat call center software solution).
source: Jennifer A Smith/Getty Images
Aling tool ang gagamitin sa pagdesisyon?
voting sa Google Docs o Excel
Ngayong alam na ninyo kung alin ang susunod na magiging call center software ninyo, panahon na para kontakin ang provider at ayusin ang detalye.
Bakit importanteng kontakin ang provider?
Para makakuha ng mas maraming impormasyon tungkol sa mga kailangang gawin para mangyari ang paglipat.
Paano kontakin ang provider?
Kadalasan, kailangan ninyo magbigay sa kanila ng ilang info tungkol sa inyong kompanya at ang tipo ng serbisyong hinahanap ninyo. Maghanda ng listahan ng detalyadong tanong.
Aling tool ang gagamitin sa pagkontak sa provider?
phone, email, o contact form sa website nila
Pagkatapos ng lahat ng napagkasunduan, panahon na para pumirma sa kontrata at gawin ang paglipat.
Bakit importante ang pagpirma ng kontrata?
Ang dokumentong ito ang nagba-bind sa parehong parties ng kanilang agreement at nagsisiguro na ang bawa’t isa ay alam kung ano ang kanilang pinapasok.
Paano pumirma ng kontrata?
Ang providers kadalasan ang nagpapadala sa inyo ng kontratang pipirmahan at isosoli, o sa LiveAgent, mag-subscribe lang kayo sa tool at magsimulang gamitin ito agad.
Mga dapat kasama sa kontrata:
ang pangalan ng provider
ang pangalan ng customer
tipo ng serbisyo
tagal ng kontrata
presyo at payment terms
service level agreement (SLA)
iba pang relevant details (e.g. termination o confidentiality clause)
Aling tools ang gagamitin sa pagpirma ng kontrata?
Google Docs o PDF document
Tayo ay magsisimula na ng preparation phase. Kung paano isinasagawa ang transition ay merong makabuluhang epekto sa magiging outcome. Ang prosesong ito ay hindi makasisimula nang walang detalyadong plano.
Bakit importante ang paggawa ng detalyadong plano?
Kung kayo ay walang project transition plan, mas malamang na merong ilang hakbang na magmintis at ang transition ay mas magiging mahirap kaysa sa kinakailangan. Bukod pa dito, ang kakulangan ng plano ay magiging dahilan ng kaguluhan sa inyong kompanya at may negatibong epekto sa trabaho ng inyong mga empleyado.
Paano gumawa ng detalyadong plano?
Ang pinakamainam na paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng isang timeline at paglista ng lahat ng tasks na kailangan makumpleto. Ang aming call center checklist ay maaaring praktikal dito dahil kabilang dito ang lahat ng hakbang na kailangan ninyong gawin.
Ang tasks ay dapat ma-assign sa ilang tao para malaman ng lahat kung sino ang accountable para saang task. Ang mabuting transition planning ay mahalaga para sa pag-organisa ng epektibong proseso.
Aling tool ang ginagamit sa paggawa ng detalyadong plan?
timeline – Google Docs o Excel
tasks list – Google Docs, Excel, o Word document
Asana, Trello, o Basecamp – tracking tasks
Ngayon naman ang panahon para mag-focus sa features na gusto ninyong makita sa inyong bagong call center software.
Bakit importante ang pagdesisyon sa ilang features?
Importante maging tiyak kung ano ang inyong hinahanap at mai-share ang impormasyong ito sa inyong provider. Sa ganitong paraan, malamang na mas makukuha ninyo ang software na kailangan ninyo.
Paano magdesisyon sa ilang features?
May ilang bagay na dapat ninyong ikonsidera:
ang tipo ng business ninyo
ang laki ng inyong kompanya
anong features ang available at alin ang inyong kailangan
source: gen-i.co.uk
Aling tool ang ginagamit sa pagdesisyon sa ilang features?
mind mapping software, tulad ng MindNode o Freemind
Isa sa pinaka-importanteng tasks habang nasa transition ay ilipat ang inyong data galing sa kasalukuyan ninyong software solution papunta doon sa bago.
Bakit importante ang paglipat ng kasalukuyang data?
Tinitiyak nitong hindi mawawala ang mahalagang impormasyon ninyo at makakapagtrabaho ang inyong mga empleyado nang walang istorbo.
Paano mag-transfer ng kasalukuyang data?
Ang pinakamainam na paraan para gawin ito ay ang paggamit ng data migration tool. Ito ay makatutulong sa inyong maging mabilis at madali ang paglipat ng lahat ng impormasyon mula sa isang system patungo sa iba, pati na rin ang pag-prevent ng data loss sa transition.
Kung hindi ninyo alam kung paano gawin ito nang secure, puwedeng magtanong sa provider para matulungan. Kaya dapat nilang tulungan kayo sa proseso.
Aling tool ang ginagamit sa paglipat ng kasalukuyang data?
data migration tools – DMTool o Data Loader
Mahalagang ma-onboard ninyo ang inyong team kasama ang bagong software bago mag-transition.
Bakit importante ang onboarding?
Sa paggamit ng training program, matutulungan ninyo ang inyong team na maintindihan kung paano gumamit ng bagong software nang mapagana at mapatakbo ito nang mas mabilis. Makatutulong din sa inyong agents na magamay ang bagong software at ang features nito.
Paano i-onboard ang inyong team sa bagong call center software?
Ang pinakamainam na paraan ay ang paggamit ng training program, na makatutulong sa inyong team na matutuhan kung paano gamitin ang bagong software at makasimula agad. Importante ding ma-verify na lahat ay pamilyar sa bagong system bago kayo tuluyang lumipat doon.
Ang transition ay hindi dapat magkaroon ng kahit anong negatibong epekto sa inyong call center workflow. Magkaroon ng adequate training period para makatiyak na lahat ay handa sa paggamit ng bagong software.
source: evolveip.net
Aling tools ang gagamitin para sa onboarding ng inyong team?
training sessions – PowerPoint, Keynote, o Google Slides
manuals at help articles – PDFs o Word documents
video tutorials
employee handbook
regular coaching at extra training para sa mga interesado
Para maiwasan ang delays, importanteng sumunod sa deadline ng plan ninyo.
Bakit importanteng ma-meet ang deadlines?
Kapag hindi ninyo na-meet ang deadline, makaka-delay ito ng buong proseso at maaaring maging dahilan ng problema para sa inyong call center.
Paano mag-meet ng deadlines?
Pumili ng project manager para sa transition, at siguraduhing alam ng lahat kung kailan ang paparating na deadlines. Sa paggawa nito, kaya ninyo mag-track ng lahat at makasiguradong matatapos ito sa oras.
source: electrochem.org
Aling tool ang ginagamit sa pag-meet ng deadlines?
timeline – Google Docs o Excel
task list – Google Docs, Excel, o Word document
Asana, Trello, o Basecamp sa pag-track ng tasks
Bago lumipat sa bagong software, huwag kalimutang magpa-test run muna.
Bakit importanteng magpa-test run?
Ito ay makatutulong sa inyong siguraduhin na lahat ay gumagana at ang transition ay suwabe. Bibigyan din kayo ng pagkakataong maayos ang anumang problema bago mag-launch.
Paano mag-test run?
Ang pinakamainam na paraan ay ang paggamit ng pilot group. Kumuha kayo ng ilang empleyado para mag-test ng new software para makasiguradong handa na itong gamitin. Magbibigay ito ng pagkakataong makakuha ng feedback sa kanila.
Aling tools ang gagamitin para mag-test run?
pilot group – test users, isang representative group ng call center agents, o volunteers
test plan – document na may steps na inyong kukunin habang may test run
testing tools – software na gamit para sa testing, tulad ng Selenium o Appium
Kung handa na kayo, lumipat na sa bagong software at simulan nang gamitin ito.
Siguraduhing mapapanatili ninyo ang consistent performance sa paggawa ng regular na pag-check sa bagong software.
Bakit importanteng magsagawa ng regular check-ups?
Kung merong problema, mabilis ninyong maaayos ito. Makatutulong ding makumpirma ninyo na suwabe ang transition at ang bagong software ay gumagana nang tama.
Paano magsagawa ng regular check-ups?
Ang pinakamainam na paraan ay gumamit ng quality assurance team na tumulong mag-test ng bagong software at alamin kung na-meet nito o hindi ang inyong expectations. Tutulong ang pagkakaroon ng ganitong team na matutukan ang call performance, customer satisfaction, pati na rin ang pagkuha ng feedback mula sa kanila na makakatiyak na ang call center ay nakakapagbigay ng pinakamagaling na serbisyo.
Aling tool ang gagamitin para makapagsagawa ng regular check-ups?
checklist – document na may items na iche-check sa proseso
monitoring tools – AppDynamics, New Relic, o ibang performance monitoring software
ang ilang providers ng call center software (e.g. LiveAgent) ay may offer na sarili nilang performance analysis, kaya di na kailangan ng external tools
Magkaroon ng regular na meetings kasama ang agents ninyo para makuha ang kanilang feedback at malaman kung kumusta na sila sa ginagawa nila.
Bakit importanteng mag-conduct ng review meetings kasama ang agents?
Sila ay may kakayahang makapagbigay sa inyo ng feedback at sabihin sa inyo kung ano ang kanilang naiisip tungkol sa bagong software. Mabibigyan din kayo ng pagkakataong makita kung kumusta na sila at kung kailangan nila ng tulong.
Paano mag-conduct ng review meetings kasama ang agents?
Mag-set ng oras at araw in advance at siguraduhing magpadala ng agenda sa una pa lang para matulungan silang maghandapara sa meeting. Habang nasa meeting, siguraduhing magtanong tungkol sa kanilang experience kasama ang bagong software at kung meron anumang bagay na kailangan ma-improve.
source: segalbenz.com
Aling tool ang gagamitin para mag-conduct ng review meetings?
meeting template – document kasama ang items na pag-uusapan
feedback ng agents – document na kinolekta ang feedback ng agents
meeting notes – document sa pagsulat ng notes
video conferencing tools – Zoom, Skype, o Google Hangouts
Kapag nakakuha na kayo ng feedback mula sa inyong customers at employees, kailangan ninyong mapabuti ang system. Ang call center software transition ay isang proseso, kaya kailangan ninyo gumawa ng ilang adjustments sa pagdaan ng panahon.
Bakit importanteng gumawa ng kinakailangang adjustments?
Meron dapat pagbabago kapag may isang bagay na hindi gumagana nang maayos o kapag gusto ninyong ma-improve ang customer service ninyo.
Paano gumawa ng kinakailangang adjustments?
Humanap ng gaps para sa improvement at gumawa ng pagbabago ayon dito. Puwedeng itong pagbabagong gagawin ay sa software, sa proseso, o kahit sa team.
Minsan kailangan ninyong subukan ang iba’t ibang ideya para makita kung ano ang pinakamagaling para sa inyong kompanya at sa customers.
source: thefdagroup.com
Aling tool ang gagamitin sa paggawa ng kinakailangan adjustments?
corrective na action plans
reports
Mga halimbawa ng call center provider criteria
Pagkakaroon ng libreng trial o demo:
Laging magandang ideya ang sumubok ng kahit anong potential na call center solution bago bumili. Karamihan ng providers ay may offer na ilang uri ng libreng trial o demo para masubukan ninyo ang features at functionality ng kanilang platform.
Dali ng paggamit:
Ang call center software ay dapat madaling gamitin para sa inyong team. Ang interface ay dapat intuitive at ang features ay madaling i-navigate.
Tech support:
Importanteng magkaroon ng access sa mahusay na tech support kapag may transition sa bagong call center provider. Tanungin ang provider kung available ang support at gaano katagal sila nakakatugon sa support tickets.
Integration:
Ang call center software ay dapat may kakayahan na madaling mag-integrate sa inyong kasalukuyang systems, para makatipid sa oras at hassle habang nasa transition process.
Malinaw na pagpepresyo:
Huwag kalimutang ikonsidera ang presyo ng serbisyo kapag gagawin ang inyong desisyon. Siguraduhing makakakuha kayo ng magandang halagang sulit sa pera at alam ninyo kung ano ang inyong eksaktong binabayaran.
Seguridad:
Tiyaking ang provider na inyong napili ay merong mahusay na security protocol. Ang inyong data at impormasyon ng customer ay dapat protektadong nakatago sa lahat ng oras.
Training program:
Ang provider ay dapat mag-offer ng comprehensive na training program para sa inyong team. Dapat may kakayahan silang magbigay ng lahat ng kinakailangang resources at support.
Omnichannel agent desktop:
Ang provider ay dapat ding mag-offer ng omnichannel agent desktop. Dito mapapangasiwaan ng agents ninyo ang lahat ng channels (voice, chat, at email) mula sa iisang interface.
Advanced features:
Dapat mag-offer ang call center software ng range ng advanced features, tulad ng intelligent call routing, automatic call distribution, at IVR.
Historical reports:
Dapat ding mag-offer ang provider ng historical reports para ma-track ninyo ang performance ng call center at matukoy ninyo ang areas for improvement.
Personal fit:
Panghuli, huwag kalimutang ikonsidera ang personal fit ng provider. Kapag sila ay kapareho ng company culture ninyo, magiging komportable kayong gamitin ito sa trabaho.
Kapag naghahanap ng bagong call center solution, magtanong tungkol sa ganitong criteria. Sa pag-research ninyo, mas makakapagdesisyon kayo nang tama para sa inyong business.
Wala nang mas hihigit pa sa LiveAgent pagdating sa customer service. Lahat ng nabanggit na features ay kasama at marami pang iba – maki-engage sa inyong customers sa lahat ng channels nang mas maganda ang daloy, lahat mula sa iisang lugar.
Kasama ang real-time analytics, magkakaroon kayo ng pagkakataong makita kung paano gumagana ang call center ninyo kahit anong oras. Gusto ba ninyo itong subukan?
Summary ng call center transition checklist
Research Phase
Intindihin ang pangangailangan ng inyong kompanya
Gumawa ng analysis ng inyong current provider
Sumulat ng listahan ng criteria
Gumawa ng mas malalim na research ng bawat “kandidato”
Tingnan kung tama ang tools at features na ino-offer ng potential providers
Choosing Phase
Paliitin ang inyong listahan ng potential providers
Sumubok ng ilang providers gamit ang trial version o demo
Gumawa ng desisyon
Kontakin ang provider
Pirmahan ang kontrata
Preparation Phase
Gumawa ng detalyadong plano
Desisyunan ang ilang features
Ilipat ang kasalukuyang data sa bagong software
I-onboard ang inyong team sa bagong software
Implementation Phase
Ma-meet ang deadlines na naka-set sa inyong plano
Magsagawa ng test run
Magsimula gamit ang bagong call center software
Maintenance Phase
Magsagawa ng regular check-ups
Gumawa ng review meetings kasama ang agents
Gumawa ng kinakailangang adjustments
Mga halimbawa ng call center provider criteria
Pagkakaroon ng libreng trial o demo
Madaling gamitin
Tech support
Integration
Malinaw na pagpepresyo
Seguridad
Training program
Omnichannel agent desktop
Advanced features
Historical reports
Personal fit
Call center transition checklist FAQs:
What is a call center transition process?
A call center transition process is a set of steps that you follow to move from your current software provider to a new one.
What should a call center transition plan include?
A call center transition plan should include: criteria for choosing a new provider; the steps involved in the transition process; who will be responsible for each step; what resources are needed and when the transition will take place.
How can I prepare for a call center transition?
Read our checklist to help you prepare for a call center transition. Make sure to consider the criteria for choosing a new provider. You should also familiarize yourself with the steps involved in the transition process.
What is the time frame of the whole call center transition process?
The time frame for the entire process of call center transition will vary depending on your current provider and the new one you choose. It can take anywhere from several weeks to a few months.
Ikinatutuwa namin ang pag-sign up mo kamakailan sa LiveAgent. May ipapadalang message sa iyong email address na naglalaman ng iyong login details matapos ma-install ang iyong account. Kung makakapaghintay ka pa nang saglit, makaka-access ka na ng account mo diretso mula dito matapos ang installation.
Kasalukuyan naming ginagawa ang inyong LiveAgent dashboard...
Pagkatapos ng proseso, ipapadala namin ang mga detalye ng login sa iyong mailbox.
Installation status
0%
////////////////////////
Loading...
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.