Ano ang Batayang Kaalaman?
“Ang Batayang Kaalaman ay koleksyon ng impormasyon tungkol sa partikular na paksa.”
Ano ang Panloob na batayang Kaalaman sa LiveAgent?
Ang panloob na batayang kaalaman ay mahalaga sa sariling-serbisyo ng iyong mga empleyado. Tulad ng pinapahiwatig, ito ay ipinapakita lamang sa loob. Ibig sabihin ang mga empleyado mo lamang ang makakatingin dito. Ang Panloob na BK (Batayang Kaalaman) ay maaaring maging mahalagang mapagkukunan ng impormasyon ng kumpanya. Maaari rin nitong mapabuti ang kahusayan, pagganap at kaalaman ng empleyado.
Ano ang impormasyong maaari mong ibahagi sa panloob na batayang kaalaman?
Ang panloob na BK ay maaaring may kasamang:
- Proseso ng pag-onboard
- Pagsingil/Pag-invoice
- Impormasyon ng Kumpanya
- Istraktura ng Organisasyon
- Mga balita tungkol sa kumpanya – mga parangal, mga pagdiriwang
- Nagpapatuloy na mga promosyon/mga benta
- Sariling-serbisyo na pang-IT para sa iba’t-ibang mga departamento (mga gabay kung paano, mga videong nagtuturo at marami pa.)
Paano mo mao-organisa ang iyong batayang kaalaman sa loob ng LiveAgent?
Upang mapanatili ang iyong batayang kaalaman sa kumpanya na organisado, lumikha lamang ng iba’t-ibang mga kategorya para sa iba’t-ibang mga paksa. Halimbawa, maaari kang lumikha ng iba’t-ibang mga seksyon para sa proseso ng pag-onboard, balita sa kumpanya at mga gabay sa kung paano. Ito ay lilikha ng istraktura kung saan ang iyong mga empleyado ay madaling mahahanap ang anumang impormasyong kailangan nila.
Bukod dito, maaari kang magdagdag ng opsyong Forum at Mga Suhestiyon/Puna para sa bawat kategorya. Kaya, ang bawat ahente ay may access sa database ng mga karaniwang tanong at sagot na tinanong na ng ibang pang mga ahente. Lubhang binabawasan nito ang oras na kailangan upang lutasin ng bawat ahente ang kanilang problema.
Paano lumikha ng panloob na BK?
Ang panloob na BK ay karaniwang bahagi ng mas complex na software, tulad ng software ng help desk. Sa ganitong sistema, maaari kang lumikha ng parehong panloob at panlabas na mga batayang kaalaman.
Hakbang 1 – Mag-log in/Lumikha ng account sa LiveAgent
Ang unang hakbang ay mag-log in sa iyong account sa LiveAgent. Kung wala ka pa, huwag mag-atubiling gamitin ang aming 30-araw na libreng pagsubok.
Hakbang 2 – Mag-navigate sa Batayang Kaalaman
Pagkatapos mong mag-log in, mag-navigate lamang sa Batayang Kaalaman batay sa ipinapakita sa screenshot sa ibaba.
Hakbang 3 – Lumikha ng mga kategorya
Para sa pinahusay na organisasyon, lumikha ng mga kategorya batay sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iyong kumpanya. Pindutin ang lumikha at punan ang lahat ng kinakailangan mga detalye.
Huwag kalimutang piliin ang panloob na pag-access kung nais mong maging pribado ang impormasyon at tanging ang mga miyembro lamang ng iyong organisasyon ang makaka-access.
Hakbang 4 – Umpisahang lumikha
Matapos mong lumika ng iyong mga kategorya, maaari mo nang simulang punan ito ng mga nilalaman. Maaari kang lumikha ng mga kategorya ng mga artikulo, Forum o Suhestiyon.
Kung mayroon kang LiveAgent, basahin ang aming malalim na gabay sa Batayang kaalaman o tingnan ang demong video sa ibaba.
Ano ang mga benepisyo ng Panloob na Batayang Kaalaman?
Kasama sa mga benepisyo ay:
- Pinabuting karanasang kustomer
- Pinabuting kahusayan ng ahente
- Mas mataas na mga benta
- Mas mabuting imahe ng tatak
- Pinahusay na antas ng serbisyo/suportang kustomer
- Mas mataas na pagiging produktibo
- Pinagbuting kaalaman ng empleyado
Mga halimbawa sa totoong buhay:
Proseso ng pag-onboard
Ang proseso ng pag-onboard ay maaaring maging matagal at mabigat minsan, lalo na kung wala kang tamang sistema ng pamamahala. Tingnan natin ang isang halimbawa. Ang iyong kumpanya ay nag-onboard ng bagong miyembro sa departamento ng serbsiyong kustomer. Kaya, kailangan mong tiyakin na ang empleyado ay nakakasabay sa mga impormasyon ng kumpanya, pagsasanay at istraktura ng organisasyon.
Mas madalas kaysa hindi, ang dami ng mga bagong impormasyon/kaalaman ay medyo nakaka-stress tandaan para sa bagong empleyado. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng panloob na BK ay maaaring matiyak na ang ahente ay dumadaan sa maayos na pag-onboard. Ang lahat ng impormasyon ay naroon, kaya ang bagong ahente ay maaari ring balikan at magnilay sa panloob na impormasyon kung kinakailangan.
Mga bagong update/impormasyon ng kumpanya
Kahit na ang bihasang nakatatandang ahente sa serbisyong kustomer ay hindi alam ang lahat ng mga sagot. Minsan may mga update sa produkto, bagong promosyon o legal na pagbabago na maaaring hindi namalayan ng ahente. Kapag nakatali ka at hindi alam kung saan hahanapin ang sagot sa iyong mga katanungan mayroong isang lugar lamang na pupuntahan — ang panloob na batayang kaalaman. Ang panloob na batayang kaalaman ay nagbibigay-daan sa iyo upang hanapin ang impormasyon ng mabilis. Bilang resulta, ang lahat ng mga ahente ay maaaring magbigay ng mabilis at kalidad na serbisyong kustomer.
Paano ka pipili ng software upang lumikha ng kalidad na panloob na batayang kaalaman?
1. Isulat ang mga pangangailangan at kagustuhan ng iyong kumpanya
2. Magsaliksik sa mga website sa paggsusuri ng software
3. Piliin ang pinakamahusay na software sa help desk
4. Ikumpara ang mga opsyon sa presyo, mga tampok, kakayahang magamit at pagpapasadya
5. Mag-sign up sa mga libreng pagsubok, upang subukan ang bawat software at gumawa ng huling desisyon.
Would you like to have your own Internal Knowledge base?
LiveAgent is a help desk solution for companies that want to improve their customer service.
Hindi alam ang LiveAgent?
Ang LiveAgent ay naka-cloud-base na help desk at software sa suportang kustomer na tumutulong magbigay ng mahusay na serbisyong kustomer sa mga kumpanya, subaybayan ang kasiyahan ng mga kustomer at bawasan ang pangkalahatang gastos sa suportang kustomer.
Upang maging mas tiyak, ipinapakita ng sistema ang lahat ng mga tiket ng serbisyong kustomer sa isang lugar. Kaya, ang mga email, tawag, katanungan sa SoMe at live chat ay ipinapakita lahat sa isang interface at pantay na ipinamamahagi sa pagitan ng iyong mga ahente sa serbisyong kustomer. Bilang resulta, anumang kumpanya na gumagamit ng software ng help desk ay maaaring humawak ng mga katanungan ng kustomer mula sa iba’t-ibang suportang channel sa mahusay na pamamaraan.
Iba pang popular na mga tampok sa LiveAgent:
- Panloob na mga tawag
- Awtomatikong Pagtawag Pabalik
- Awtomatikong pamamahagi ng tiket
- IVR
- CRM
- Mga naka-can na mensahe
- Pangkalahatang ideya ng mga analitiko
- Gamification
Gusto mong malaman ang marami pa? Tingnan ang lahat ng mga tampok sa LiveAgent.
Want to create an omnichannel experience?
LiveAgent offers a free 30-day free trial to those that want to improve their customer service right away.
Frequently Asked Questions
Ano ang Panloob na Batayang Kaalaman?
Ang panloob na batayang kaalaman ay mahalaga sa sariling-serbisyo ng iyong mga empleyado. Kaya, ipinapakita lamang ito sa loob. Halimbawa, maaari itong maging mapagkukunan ng mahalagang impormasyon ng kumpanya.
Ano ang mga benepisyo ng Panloob na Batayang Kaalaman?
Kasama sa mga benepisyo ang pinabuting karanasan ng kustomer, pinabuting kahusayan ng ahente at mas mataas na pagiging produktibo ng ahente.
Paano mo inaayos ang iyong panloob na batayang kaalaman?
Upang mapanatiling maayos ang panloob na batayang kaalaman, lumikha lamang ng mga kategorya para sa bawat paksa. Halimbawa, ang proseso sa pag-onboard, balita ng kumpanya o mga gabay sa kung-paano. Lilikha ito ng isang istraktura kung saan madaling mahahanap ng mga empleyado ang kinakailangang impormasyon.
Live chat para sa mga pang-edukasyon at hindi pang-gobyernong organisasyon
Discover the benefits of live chat for educational and non-governmental organizations! Enhance student, parent, and donor relationships with real-time support for applications, registration, and more. Enjoy 24/7 customer service, no setup fees, and cancel anytime. Transform communication strategies and build lasting connections. Visit now to learn how live chat can modernize your services!
Template na email sa huling pagkakataon
Discover powerful FOMO email templates to boost sales and engage clients with urgency. This collection includes strategies for last-chance offers, reminders for inactive accounts, and more. Perfect for leveraging scarcity marketing and maximizing conversions. Visit now for free access and expert tips!
Dagdagan ang mga conversion rate sa LiveAgent
Pagbutihin ang mga conversion rate sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga aspeto ng diskarte sa iyong custome support tulad ng pagpapatupad ng live chat at pagbibigay ng suporta ng real-time.