Inbound call center software

Mapapabilib ninyo ang mga customer at tataas ang kanilang pagiging kuntento.
  • ✓ Walang setup fee   
  • ✓ 24/7 na customer service    
  • ✓ Hindi kailangan ng credit card    
  • ✓ Puwedeng ikansela anumang oras
Header Animation
Helpdesk software

May inbound call center software sa loob mismo ng inyong help desk

Kahit na mabilis ang paglago ng mga digital channel ngayon, ang phone support ay nananatiling isa sa pinaka-popular na paraang pinipili ng customer sa pakikipag-ugnayan sa parehong B2B at B2C na mga industriya. Ayon sa research, mas gusto ng 39% ng consumers ang support gamit ang phone kaysa ibang communication channels.

Gamit ang LiveAgent, puwede kayong mag-set up ng isang virtual call center sa loob mismo ng inyong help desk at tumanggap ng mga tawag mula sa landline o sa website. Mas madali ang pag-manage ng inbound customer communications, pagpapahusay ng performance ng inyong support team, at pag-generate ng mas maraming inbound sales.

Forbes logo
airbus logo
Nascar logo
USC logo
Slido green logo
Youtube video: Call Center Software Demo | LiveAgent

Ano ang inbound call center software?

Natutulungan ng inbound call center software ang mga business na mas epektibong hawakan ang mataas na volume ng mga tawag mula sa mga customer. Gumagana ang software dahil sa IVR (Interactive Voice Response) technology at intelligent call routing system na nakatutulong sa pagbawas ng mga call drop at call wait time habang sinisigurado ang mga caller na makokonekta sila lagi sa mga nararapat na agent.

Bakit magandang gumamit ng inbound call center software?

Sa paggamit ng isang propesyonal na software para sa inbound call center, puwedeng baguhin ng business ninyo ang pamamalakad ng mga incoming customer communications.

Pare-parehong service experience

Sumasagot man ng mga customer request o may isinasarang sale, positibo ang puwedeng kalabasan ng gawaing ito ng mga agent kung natutulungan sila ng gamit nilang call center software na maraming magagandang features.

Mas malaking customer satisfaction

Gamit ang integrated IVR, puwedeng ma-streamline ang lahat ng komunikasyon dahil nafo-forward na sila sa nararapat na department o agent, na bawas sa oras ng paghihintay at ambag pa sa pagtaas ng customer satisfaction.

Clock icon

Dagdag na dami ng inbound sales

Dahil sa instant na access sa detalyadong impormasyon ng caller, puwedeng mag-upsell at cross-sell sa mga kasalukuyang customer ang mga agent ng kaakibat na produkto o serbisyo, na makadaragdag sa pagtaas ng sales.

All-in-one call center software ng LiveAgent

Sumasagot man ng mga customer request o may isinasarang sale, positibo ang puwedeng kalabasan ng gawaing ito ng mga agent kung natutulungan sila ng gamit nilang call center software na maraming magagandang features.

Magandang daloy ng voice integration

Walang hassle na integration ang offer ng LiveAgent sa 99+% ng aming national, regional, at global na VoIP partners – piliin ang inyong VoIP provider, ikonekta ang unlimited na SIP trunk, at mga lokal na numero. Puwede rin ang PC-to-PC calls. Matatawagan kayo ng mga customer sa isang click lang ng button doon mismo sa inyong website.
Person holding a pen in the left hand
Call routing feature in LiveAgent's call center software

Smart call routing

Para masigurado ang mabilis at angkop na komunikasyon, awtomatikong niruruta ng LiveAgent call center software ang mga tawag ayon sa dapat unahin o random na pag-assign. Sa priority assignment, ibinibigay ang tawag sa libreng agent na may pinakamataas na priority at pinakamatagal na oras mula noong huli nitong tawag, habang ibinibigay sa kung sino mang libreng agent sa kasalukuyan ang ginagawa sa random assignment.

Intelligent IVR system

Gamit ang komprehensibong Interactive Voice Response (IVR) designer tool, puwede kayong gumawa ng kahit gaano kakomplikado at personal na IVR trees, mag-automate at bilisan pa ang voice support ninyo, makatipid ng resources, at makasisiguradong laging naibibigay ang tawag ng customer sa nararapat na department o agent.
Interactive voice response
Woman sitting in front of the sandclock

Unlimited na mga call recording

Gumamit ng unlimited na call recording na di na kinakailangan ng dagdag na call recorder software at protektahan ang pagtago ng lahat ng incoming customer calls at voicemail messages sa inyong LiveAgent account para sa anumang legal, pang-training, o support na dahilan. I-play, i-download, o balik-balikan ang mga recorded call anumang oras na kailangangang gawin ito para mas mapagsilbihang mabuti ang mga customer.

Integrated na video chat

Maglagay ng Video Chat button saanman sa website ninyo para magamit ng mga customer sa pagtawag sa inyo mula sa kanilang computer para sa mas personal na uri ng pag-uusap. Ang LiveAgent video call ay browser-based, kaya di na kailangang mag-install pa ng anumang external 3rd party app. Maitatago nang maayos ang mga video call bilang mga ticket.

LiveAgent - Powerful WYSIWYG editor
Two people analyzing reports in front of the plants

Call center analytics

Makakuha ng pangkalahatang resulta ng inyong inbound call center performance dahil sa in-depth reporting. Mag-generate ng iba’t ibang uri ng report para matutukan ang lahat ng importanteng call center metrics at KPIs, kasama na ang pagiging produktibo ng mga agent at agent ranking report para matukoy kung sino sa kanila ang top performing at sino ang kailangan ng karagdagang training.

Gamitin ang LiveAgent call center software para maparami pa ang inbound sales

Ang LiveAgent cloud-based call center ay maraming kaakibat na features na makatutulong sa mga agent na mag-generate ng mas maraming sales habang kasalukuyang kausap ang customer at nagbibigay ng support.

Business woman walking and holding a mobile phone

Hybrid ticket stream

Anumang support channel ang gamit ng customer, lahat ng komunikasyon sa bawat isa sa kanila ay nakatago sa iisang hybrid ticket sa ilalim ng iisang ticket ID kung saan makikita ang lahat ng importanteng detalyeng kailangang malaman tungkol sa customer at sa isyu nila.

LiveAgent - Powerful WYSIWYG editor

Komprehensibong customer insights

Sa built-in CRM ng LiveAgent, agad makikita ng mga agent kung sino ang kausap nila. Magdagdag ng fields para sa bawat contact nang mailagay ang kanilang data, lumikha ng notes, mas madaling ma-access ang ticket history nila – at malalaman ninyo agad ang kabuuang konteksto nila para makapagbigay kayo ng mas personal na support. Puwede pang pakinabangan ito para sa oportunidad sa pag-upsell at cross-sell.

Woman sitting in front of the desk thinking about the right solution

Bahagi ng isang multichannel communication platform

Ang inbound call center ay isang bahagi lang ng mas complex na omnichannel help desk solution. Sa LiveAgent, mahahagilap kayo ng mga customer mula saanman. Kahit anong channel pa ang gamit nila – email, phone, live chat, o social media – mas madali at mas epektibong mahahawakan ng mga agent ninyo ang lahat ng interaksiyon sa customer mula sa iisang lugar na lang sa tulong ng unified dashboard, at makapagbibigay pa ng magandang daloy ng omnichannel customer experience. Kasama sa software ang 180+ features, 40+ integrations, at halos walang katapusang customization options para umayon ito sa mga pangangailangan ng business ninyo.

Paano pumili ng pinakamahusay na inbound call center software

Kung ang hanap ninyo ay isang libreng inbound call center software, kadalasan ay limitado lang ang functionality ng ganitong tool. Sa paghahanap ng mga solution, bigyang pansin ang may set ng pinakamahalagang features tulad ng IVR, mga call routing option, unlimited na call recordings, reporting, etc. Dapat ay madali lang itong i-set up na magagamit agad ng support team ang kumpletong call center functionality sa ilang minuto lang at gamit ang ilang simpleng clicks lang.

Woman choosing and ordering an item from the menu

Fixed ang buwanang fee, walang extra charge

Magkaroon ng access sa isang cloud-based call center software na parehong may inbound at outbound na kapasidad, wala pang extra charge sa paggamit kada minuto – diretso mismo sa loob ng inyong help desk solution. Ibinibigay ng LiveAgent ang pinakamahusay na halagang makukuha ng inyong pera dahil sa fully transparent na pricing kung saan nabi-bill lang kayo batay sa real usage kada buwan. Walang kaakibat na pangmatagalang kontrata, basta’t magbayad lang habang ginagamit ito.

Package Name

All-Inclusive

Bagay sa mga maliliit na negosyo, agency, at kahit sa malalaking korporasyon

$39 /mo

Ikaw ay Nasa Mabuting Kamay!

Alam mo ba kung ano ang isang bagay na mayroon ang Huawei, BMW, Yamaha, at O2? Tama ang hula mo... LiveAgent!

Subukan ito nang libre Hindi Kailangan Ng Credit Card

FAQ

Ano ang inbound call center?

Ang ibig sabihin ng inbound call center ay nakatatanggap ang isang business ng mga tawag, kadalasan mula sa mga kasalukuyan nilang customer. Kaya maituturing ito bilang customer service o technical support na humaharap sa ganitong uri ng customer. Ang outbound call center naman ay nakapokus sa pagkuha ng karagdagang customer. Ito ay konektado sa trabaho ng sales department.

Paano mapapahusay ang aming inbound call center?

Dalawang bagay ang puwedeng gawin para mapahusay ang inbound call center ng business ninyo. Una ay magbigay ng sapat na training. Ikalawa ay ang pagbibigay ng tamang tools sa mga agent. Kadalasan, nauubos ang oras ng mga agent sa paghahanap at kakapalipat-lipat nila sa iba’t ibang platform kaya apektado ang kanilang workflow at workload kung wala silang gamit na tamang help desk solution/software. Panghuli, bigyan ng motibasyon ang mga agent tulad ng rewards, at dapat palagi kayong may engagement sa kanila. Araw-araw ninyong tanungin ang opinyon nila tungkol sa workflow at hikayatin silang magbahagi ng mga bagong ideya para mapabuti ang trabaho.

Paano Matutulungan Ng Call Center Software Ang Inyong Business?

Ang call center software ay may daan-daang features na magpapaganda sa inyong customer service workflow. Halimbawa, ang IVR, Automatic Callback, o Call transfer ang ilan sa mga standard na tutulong sa mga agent na maging mas epektibo ang paghawak nila ng mga tawag. Ang isang malaking benepisyo sa pagkakaroon ng call center software ay mapapaganda ang customer satisfaction ng business ninyo, na magdudulot ng dagdag na sales at mas pinahusay na pagiging produktibo ng bawat agent.

Maraming magkakaibang mga kasangkapan ng call center ang tumutulong na mapadali ang panloob at panlabas na mga komunikasyon. Tuklasin kung alin sila sa mga ito.

Mga kasangkapan ng call center

Ang LiveAgent ay isang kasangkapan ng call center na nakakatulong sa pagtaas ng loyalty at revenue ng negosyo. Kasama rin ang mga tampok tulad ng automatic call distribution at mga pagsusuri. Mayroon ding mga kailangang isasaalang-alang na mga patlang ng kontak at kahalagahan ng pagtitiket. Gayunpaman, may ilang negosyo ang hindi nakakita ng kahalagahan ng software sa pagtitiket, na nagdudulot ng pagsikip ng kita ng buong negosyo. Kaya dapat laging isaalang-alang ang mga kagamitan sa pagpapatakbo ng call center upang mapanatili ang mataas na antas ng kasiyahan ng mga customer.

Nais bang malaman kung paano gawin ang pag-audit ng call center? Nasa ibaba ang pangunahing listahan ng pag-audit sa call center na maaari mong magamit sa iyong pansariling proseso ng pag-audit.

Listahan Ng Pag-Audit sa Call Center

Ang call center ay isang opisina na nag-aalaga ng mga tawag sa telepono para sa kahilingan ng suporta ng mga kustomer. Upang mapanatili ang mataas na antas ng customer satisfaction, dapat na laging tama ang pagtugon sa mga katanungan ng mga kustomer. Mahalaga ang iskrip sa call center na nagbibigay ng positibong tono sa buong iskrip at nagbibigay ng maliwanag na tagubilin sa mga ahente. Maaari ding magamit ang software ng pag-iiskrip upang masiguro ang komunikasyon sa pagitan ng ahente at kustomer. Kinakailangan ding suriin ang pangkalahatang pagganap at kahusayan ng ahente upang masolusyonan ang mga problema ng mga tagatawag. Kailangan ding isaalang-alang ng mga negosyo ang halaga ng kustomer upang magkaron ng matagumpay na merkado.

Ang mga tagapamahala ng call center ay kailangang alam kung paano magagamit ang teknolohiya ng call center upang mapaghusay ang karanasan sa serbisyong kustomer. Alamin ang tungkol sa pamamahala ng call center.

Pamamahala ng Call Center

Ang LiveAgent ay isang customer service software na nag-aalok ng VoIP phone systems, self-service software, inbound call center software, complaint management system, client portal software, email management software, at iba pa. Ito ay mayroong mga feature, integration, at alternatibo na maaring subukan sa pamamagitan ng isang FREE trial. Mayroon ding mga sales contacts na maaring makontak at mga social media kung saan maari ding mag-subscribe sa newsletter para sa mga update at discount. Ang Quality Unit, LLC ang magpo-provide ng mga serbisyo at may ganap na reserbado ng karapatan.

Alamin kung saan makahahanap ng binebentang call center. Intindihin ang customer support concepts nang malaliman kasama ang simpleng mga paliwanag mula sa professionals.

Call center for sale

Para sa mga modernong call center, kailangan ng digital technologies at infrastructure tulad ng CRM, live chat, at mga equipment tulad ng computers at telepono. Ang costing para sa isang call center ay depende sa pangangailangan at lokasyon. Posible ang pagbili ng isang call center pero mas mainam mag-outsource. Maraming call center franchises at independent organizations.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo