Ipinapadaan ang data sa machine...
Sa pag-sign up, tinatanggap ko T&C at Privacy policy.
00:00/03:20
Nako-convert ng ticketing system ang customer requests bilang tickets na puwedeng ipamahagi sa customer support team. Mapapahusay nito nang di hamak ang ticket management dahil makaka-access ang help desk agents mula sa iisang lugar na lang para maayos ang customer queries nang mas mahusay.
00:00/02:24
Automatic na tina-track at tina-transform ng LiveAgent ticketing software ang lahat ng customer issues bilang ticket. Bawat papasok na uri ng communication ay nagiging ticket para mas madali itong pangasiwaan sa task management. Ang user interface ay adaptable at intuitive.
Paghusayin ang website ninyo at magsimula ng pag-uusap sa visitors, salamat sa modernong messaging software. Dagdagan ang customer loyalty sa mabilis na pagtugon sa chat requests dahil sa isang powerful tool. Tingnan kung ano ang makukuha ng parehong customers at customer service teams ninyo sa LiveAgent.
Pinuhin ang customer journey gamit ang sumusunod:
Ang LiveAgent ay isang IT ticketing software na pinagsasama ang maraming channels tulad ng emails, chats, calls, at social media para makapagbigay ng holistic customer service sa customers ninyo. Pero hindi lang iyon. Ang LiveAgent ay may offer na customer portal na may multi-knowledge base support, forums, at customer feedback at suggestions. Diskubrehin kung ano ang kakayahang maibibigay ng pinaka-advanced na helpdesk ticketing system sa inyong organisasyon.
All-in-one solution
Hybrid ticketing
Puwedeng manggaling ang incoming ticket mula sa anumang channel tuwing may customer na kokontak sa support. Inoorganisa na ng LiveAgent ang lahat ng communication para di na kayo maghanap pa nang matagal. Ilagay ang anumang customer demand sa iisang help desk ticket thread kahit galing pa ito sa email, live chat, o social media.
Team communication
Mahusay na workflow
Gumamit ng canned responses para sumagot ng mga common na tinatanong sa customer tickets, at pababain ang agent response times. Mas mabilis maaayos ng help desk team ang mga common na isyu, at makaka-focus sila sa mas komplikadong customer queries. Mag-focus sa mga bagay na mas kailangan ng agarang atensiyon ninyo.
Knowledge management
Diskubrehin kung paano kayo matutulungan ng ticketing sa pangangasiwa ng customer requests, pagpapataas ng customer retention, o pagpapahusay ng kaligayahan ng customer
Pasiyahin ang customers
Pasiyahin ang customer ninyo gamit ang ticketing system na tutulong sa inyong magbigay ng mas mabilis at mas knowledgeable na mga sagot. Mag-offer ng convenience para sa inyong customers at sagutin sila sa ilan mang channels habang napapanatili ninyong organisado ang lahat.
80 %
ng consumers ang umaasa sa bilis at dali Ang majority ng customers ay kinokonsidera ang bilis, maalam na pagtulong, dali, at pagiging friendly bilang mga importanteng elemento ng customer service.
Pataasin ang ROI
Nakaka-appreciate ang customers ng magandang customer service sa anumang business. Taasan ang kikitain ninyo dahil sa mas mabilis at maaasahang support, habang pinabababa ang mga gastusin sa customer service department dahil sa isang dedicated na help desk ticketing system.
86 %
ang handang magbayad para sa magandang serbisyo Bawasan ang gastusin ninyo habang tumataas pa ang kita ninyo. Handa ang customers lagi na magbayad nang dagdag para sa napakagandang customer service experience.
Magkaroon ng loyalty
Ang mga nagpapasalamat na customer ay laging nakaka-appreciate ng magandang serbisyo at knowledgeable na tulong ng customer support agents. Paghusayin ang customer service ninyo sa mga panahong mataas ang ticket volume at makapagtataguyod kayo ng malakas na customer loyalty sa magagandang interaksiyon.
73%
Mas mataas na satisfaction rates Magbigay ng personalized conversations para paligayahin ang mga customer ninyo. Ang aming fully-featured na live chat software ay makatutulong sa inyong customer satisfaction, pati na sa magaling na agent experience.
Pinakamagandang presyo
Walang kontrata, walang hidden fees–month-to-month billing lang. Fully transparent na pagpepresyo, masisingil lang kayo sa tunay na nagagamit kada buwan. Pumili ng tamang plan at magsimulang magbigay ng pinakamahusay na customer support.
Most Popular
Magbigay ng pinakamahusay na customer care at organisahin ang inquiries ninyo gamit ang ticketing
Ipinapadaan ang data sa machine...
Sa pag-sign up, tinatanggap ko T&C at Privacy policy.
Maging pamilyar sa ticketing solutions at alamin ang software commitments. Kasama rito ang base pricing, software o hardware requirements, built-in features, integrations, suportadong customer communication channels, at kahit customer support para sa help desk users. Kapag nakuha na ninyo ang lahat ng vital information, makagagawa na kayo ng informed decision sa kung anong software ang pinakamahusay para sa sitwasyon ninyo.
Ang pinaka-common na isyu tungkol sa pagpili ng pinakamahusay na ticketing software para sa business ninyo ay kasama ang pricing options. Ang mga presyo ng ticketing software ay nakadepende sa ilang factors, tulad ng basic features, custom integrations, reliability, at marami pa. Siguraduhing ikokonsidera ninyo ang lahat ng options na ito at magkumpara ng pricing tiers nang masigurong tama ang makukuha ninyong software nang hindi magbabayad nang sobra.
Anumang help desk software ay dapat nakapagbibigay ng mahusay na support para sa users nila. Kaya kinakailangan ang user-friendly self-service options at direct contact options. Makokontak ng LiveAgent customers ang aming 24/7 support line gamit ang email, live chat, o phone anumang oras. Makakapag-browse rin kayo ng aming external knowledge customer base para sa self-service options.
Magbigay ng napakagaling na customer service gamit ang tools na tutulong sa inyong maasikaso ang bawat importanteng customer channel. Halimbawa, bigyan ang customers ninyo ng options na makontak kayo sa email, live chat, calls, o kahit sa social media. Sa dagdag na customer portal at external knowledge base, makasisiguro kayong mahahanap ng customers ang gusto nilang option.
Nakakalula na ba ang dami ng incoming requests ninyo? Tutulong ang bawat magandang ticketing software sa pag-scale up kung kinakailangan at tutulungan kayong makapagpasok pa ng mas maraming customer support agents. Puwede ring maganap ang kabaligtaran nito. Maluwag kayong makakapag-downgrade kung tingin ninyo ay sobra kayong nagbabayad para sa features na di naman ninyo ginagamit.
Dapat nasa customer support team ang lahat ng kailangan nila sa pagbibigay ng support. Ang pagkakaroon ng limitasyon ng software ay di naman talagang masamang bagay, lalo na para sa help desks na di kailangan ang bawat tool at feature na ino-offer ng software. Isipin ang lahat ng kakailangin ninyo at pumili ng pinakamahusay na option sa nararapat na halaga.
Dapat magtrabaho bilang iisang unit ang customer service reps. Pakinabangan ang help desk collaboration tools, mag-share ng customer profiles, at madaling makakapagtulungan sa customer issues. Kahit sino ay puwedeng tumulong. Tutulungan kayo ng LiveAgent gamit ang notes, tags, contact information, at pag-split ng customer tickets kung kailangan.
Rekomendado para sa lahat ng naghahanap ng pagkakataong magbigay ng magaling na customer service sa lahat ng channel Mahusay ang LiveAgent bilang pangkalahatang help desk system na kayang hawakan ang anuman uri ng customer support. Meron itong suporta sa email, live chat, call center, social media, at customer portal na may knowledge base. May offer din ang LiveAgent na iba-ibang productivity features, analytics, at maraming native integrations sa ibang makakatulong na software. At saka ang LiveAgent customer support agents ay available sa lahat nang 24/7.
Ilan sa LiveAgent customers ang kilalang mga kompanya tulad ng BMW, O2, Yamaha, Slido, Forbes, Nascar, at Airbus.
Ang LiveAgent ay may offer na apat na plans na iba-iba ang features at access sa communication channels. Piliin ang nararapat sa inyo sa tamang halaga. At saka puwede naman kayong bumili lagi ng iba pang features nang di kailangang mag-upgrade ng plan.
Libre $0 bawat agent/buwanAng libre naming account ay may offer na ticketing features na kapaki-pakinabang sa inyo kung di naman gaanong kalakihan ang customer support ninyo.
Ticket $15 bawat agent/buwanLiveAgent ticketing na kaya ang lahat ng inyong email communication. Kasama sa plan ang maraming silbing ticketing features na tutulong sa pang-araw-araw na trabaho, pati na rin customer portal na may external at internal knowledge base.
Ticket + Chat $29 bawat agent/buwanMaglagay ng pinakamabilis na live chat widget sa market ngayon sa website ninyo. Kunin ang mabilis at popular na communication channel bilang dagdag sa inyong ticketing. Makakakuha rin kayo ng powerful website tracking at iba pang magaling na chat features.
All-Inclusive $39 bawat agent/buwanAng All-Inclusive plan namin ay kasama ang lahat ng nabanggit sa ibang plans at may dagdag na call center capabilities na may unli call recordings, IVR trees, at video calls. May kasama ring social media multi channel support para mailagay ninyo ang Facebook, Instagram, Twitter, at Viber accounts ninyo.
Ang LiveAgent ay may libo-libong customers mula sa iba-ibang business areas at industries sa buong mundo. Ang customers ay mga indibidwal at iba-ibang laki ng business. Ang LiveAgent ay isang multi-channel help desk na magagamit ninyo sa pagbibigay ng support sa bawat importanteng customer channel. Ang aming ticketing system software ay tutulong sa inyong mag-handle ng emails, live chat, calls, social media, at customer portal na may knowledge base. Lahat ay suportado ng higit sa 130 features, at puwede kayong gumawa ng 195 integrations sa ibang software. Ang LiveAgent ay may offer ding 24/7 customer support para sa bawat client.
Rekomendado para sa lahat ng naghahanap ng well-rounded na help desk software na madaling gamitin Tulad ng LiveAgent, nagbibigay ang Zoho Desk ng all-in-one customer support solution sa abot-presyong halaga. May kulang itong features tulad ng geotargeting o website visitor tracking pero mahusay ito sa ibang ino-offer sa customers. Isa ang Zoho Desk sa pinakakilala na at reliable na help desks na available ngayon. Ilan sa Zoho Desk customers ang Daimler, McAfee, RioTinto, Rogers, Essilor, Cummins, at Lycamobile.
Libre $0/buwanKasama sa libreng plan ang tatlong agents at may offer na ticketing features at supporting features tulad ng SLAs, pribadong knowledge base, help center, at mobile apps.
Standard $14/buwanKasama ang advanced ticketing key feature, social at community channels, at access sa integrations. Marami ring dagdag na features na tutulong sa help desk support.
Professional $23/buwanKasama sa professional plan ang multi-department ticketing, telephony, time tracking, agent collision detection, at iba pang valuable features na magpapaganda pa sa Zoho Desk ninyo.
Enterprise $40/buwanKasama sa pinakamahal na plan ang live chat at ang support ng Zia - artificial intelligence. Kasama sa plan na ito ang lahat ng available na Zoho Desk features tulad ng multi-level IVR, custom functions, iba-ibang business hours, at marami pa.
Ang Zoho Desk ang isa sa pinaka-ginagamit na help desk sa mundo. Tinutulungan nito ang libo-libong help desk na makapagbigay ng napakagaling na support. Bagay ang Zoho Desk sa mga business anuman ang laki, at may offer silang napakagaling na solution sa maraming help desk. Kasama sa plans ang iba-ibang kapaki-pakinabang na features at hiwalay na customer channels na magagamit ng mga kompanya, depende kung ano ang kailangan. Dagdag pa, may offer ang Zoho Desk na saktong presyo at reliability. LiveAgent vs Zoho Desk comparison
Rekomendado para sa lahat ng naghahanap ng help desk na may focus sa live chat Gumagawa ang HappyFox ng help desk at dedicated live chat business software na maraming iba-ibang features. May app para sa parehong Mac at Windows operating systems, pati na rin Android, iPhone, at iPad gadgets. Magagamit ang HappyFox sa pag-handle ng tickets, pakikipag-chat sa website visitors at pag-track ng page activity nila. Ilan sa HappyFox customers ang Sennheiser, Whirlpool, M4Research, Power Quality Consultants, ORD Capital, at Rockhurst University.
Nagsisimula ang presyuhan ng HappyFox sa $29 kada month. Tataas ito depende sa pipiliin ninyong plan. Ang HappyFox ay may offer na apat na plans.
MightyAng Mighty plan ay may offer na features tulad ng omnichannel ticket creation, knowledge base, migration assistance, at SLA management.
FantasticAng Fantastic plan ay may offer na kasama sa Mighty plan, at dagdag na multi-brand help desk, custom ticket queues, 24/7 email support, optional EU data center, at SLA breach notification.
EnterpriseBukod sa kasama ang lahat ng nasa dalawang naunang plans, ang Enterprise plan ay may offer na proactive agent collision, task at asset management, 24/7 email at chat support, at uptime SLA.
Enterprise PlusAng Enterprise Plus plan ay may offer na lahat ng posibleng features mula sa ibang plans at may dagdag pang agent scripting, 2 TB attachment store, all-time reporting history, 24/7 support sa email, chat, at phone, at pati na rin customer success manager.
Ang HappyFox ay isang kilalang help desk at chats application na bagay sa mga business na nangangailangan ng call center capabilities. Ginagamit ito sa buong mundo, at may offer na comfort at reliability sa paggamit. Ang HappyFox ay may offer na daan-daang features na may napakadaling gamiting interface sa bawat plan. Ginagamit ito ng higit sa 12,000 kompanya sa buong mundo. LiveAgent vs HappyFox comparison
Rekomendado para sa lahat ng naghahanap ng flexible at reliable na help desk solution Ang Zendesk ay isa pang kilalang help desk solutions na well-rounded din na available ngayon sa market. Sa medyo mas mataas nitong presyo, ang Zendesk ay ginawa para sa customer support desks na ine-expect ang top service anuman ang presyo. Makipag-in touch sa customers gamit ang mga importanteng channel na suportado ng premium features. Ilan sa Zendesk customers ay Dropbox, Etsy, Nokia WiFi Help Center, League of Legends, Kickstarter Support, Zoom Helper, at Ultimate Ears Help Center.
Foundational support 19€ bawat agent/buwanKasama ang essential support para sa email, Facebook, at Twitter.
Suite team 49€ bawat agent/buwanAng Suite team plan ay may offer na ticketing system at messaging sa web, mobile at social media. At saka makaka-access kayo ng automation, workflows, hanggang sa 50 AI-powered na automated answers, unified agent workspace, apps, at integrations, bukod pa sa ibang kapaki-pakinabang na features.
Suite growth 79€ bawat agent/buwanDagdag sa features ng nakaraang plan, makaka-access kayo ng customer portal, AI-powered knowledge management, customizable ticket layout, SLA management, at multilingual support, bukod pa sa ibang features.
Suite professional 99€ bawat agent/buwanKasama sa Suite professional plan ang bawat feature ng ibang plans at may dagdag na conversation routing batay sa skill ng agent, community forums, pribadong conversation threads, advanced voice capabilities, customizable dashboards, at marami pa.
Ginagamit ang Zendesk ng halos 170,000 customers sa buong mundo. Mga iba-ibang laki ng business ito mula sa iba-ibang industriyang nangangailangan ng maaasahang help desk solution. Ang Zendesk ang isa sa pinakamaraming features na solution na makukuha ninyo sa medyo mas mahal na presyo. Nagbibigay ito ng top-notch service, magaling na usability, at karanasang walang kaproble-problema. LiveAgent vs Zendesk comparison
Rekomendado para sa may gusto ng mas simple at may standard na help desk features Ang Teamsupport ay isang ticketing tool na may customer management capabilities at maraming integrations. Magaling itong software para sa collaboration at teamwork, product at inventory management, pati na rin sa analytics. Ilan sa Teamsupport customers ay Asure Software, ICANotes, Form I-9 Compliance, Multi-Systems, Suntell, at RealPlus.
Teamsupport pricingAng offer ng Teamsupport pricing ay quote-based plans na may presyong nagsisimula sa $50 kada buwan. Puwede rin kayong mamili sa Essential, Professional, at Enterprise plans na merong iba-ibang features para sa bawat bahagi ng Teamsupport.
Customer support Kasama sa plans ang ticket management, customer self-service, knowledge base, collaboration, CSAT, customer support, API, SLA management, at marami pang kapaki-pakinabang na features. Real-time chat Anumang plan ang mapili ninyo, ang real-time chat ay puwedeng magkaroon ng CRM at help desk integrations, security, multi-channel incident management, at standard na support bilang kinakailangang features. Puwede kayong magdagdag ng features sa mas mahal na plans para makakuha ng chatbots, advanced security, onboarding services, o kahit premium support. Customer success Ang kasamang features sa plan ay subscription revenue management, customer health profile, customer segmentation, email integration, CSM productivity monitoring, at marami pa. LiveAgent vs Teamsupport comparison
Rekomendado para sa lahat ng may gusto ng adaptable na general-purpose help desk software Ang Freshdesk ay isa pang well-rounded na help desk tool na merong powerful features at abilidad na magdagdag ng bawat importanteng customer channel sa iisang system. Isa ito sa pinaka-popular na help desk solutions na gamit sa buong mundo. Ilan sa Freshdesk customers ay Bridgestone, Lesley University, Pearson, Exabytes, Decathlon, Hired, at 360training.com.
LibreKasama sa libreng plan ang email at social ticketing, ticket dispatch, knowledge base, ticket trend report, data center location, at team collaboration features.
Growth 15€ bawat agent/buwanKasama sa plan na ito ang lahat ng nasa libreng plan at may extra features. Automation, collision detection, marketplace apps, helpdesk report, SLA at business hours, at iba pang kapaki-pakinabang na features.
Pro 49€ bawat agent/buwanLahat ng nasa ibang plans at may dagdag na custom reports at dashboards, napapahabang API limits, CSAT surveys, custom apps, multilingual knowledge base, multiple products, at marami pa.
Enterprise 79€ bawat agent/buwanKasama sa enterprise plan ang lahat ng nabanggit na at may dagdag na skill-based na routing, sandbox, audit log, agent shifts, IP range restriction, email bot, assist bot, auto-triage, article suggester, robo assist, at marami pang iba.
Ginagamit ang Freshdesk ng maliit at medium na laki ng business sa buong mundo dahil sa kanilang fully-featured help desk na suportado ang halos bawat importanteng customer channel. Ito ay highly adaptable rin at nakakapag-adjust sa agent workflow. LiveAgent vs Freshdesk comparison
Rekomendado para sa lahat ng naghahanap ng pinag-isang powerful na CRM ticket software at help desk solution Bahagi ang HubSpot Service Hub ng mas malawakang package ng hiwalay na business tools ng HubSpot. May offer itong support para sa lahat ng major communication channels sa iisang help desk platform na meron na lahat mula sa ticketing hanggang sa VoIP calling. Ilan sa HubSpot customers ay Chargebee, iZooto, POSist, Truegrowth, Roambee, E-Zest, at Niswey.
Starter 41€ bawat buwanInaalis ng Starter plan ang branding mula sa live chat, meeting scheduling, documents, at 1-to-1 email. Kasama sa plan ang shared inbox, team email, ticket pipelines, simpleng ticket automation, basic bots, calling, slack integration, templates, at ibang kapaki-pakinabang na features.
Professional 331€ bawat buwan para sa limang bayad na usersDagdag sa Professional plan ang help desk automation, ticket routing, external knowledge base, video hosting, standard contact scoring, forecasting, customer surveys, custom reporting, at marami pang iba.
Enterprise 1104€ bawat buwan para sa sampung bayad na usersKasama sa Enterprise plan ang lahat ng nasa ibang plan at dagdag ang user roles, hierarchical teams, field-level permissions, calculated properties, record customization, conversation intelligence, goals, playbooks, at marami pa.
May offer ang Hubspot na malawak na uri ng solutions, kasama na ang marketing solution, customer communication hub, at sales solution. Ang Hubspot ay hindi isang all-in-one solution dahil binebenta nila ang kanilang mga produkto na may hiwa-hiwalay na subscription plans. Ang Hubspot Service Hub ay isang dedicated na customer service platform na tutulong sa users na mag-handle ng tickets at kumonekta sa ibang solutions kung gusto nila. LiveAgent vs HubSpot Service Hub comparison
Rekomendado para sa lahat ng may gusto ng powerful na IT management tool na merong help desk capabilities May offer ang Solarwinds na malawak na IT management solution dahil sa sarili nilang help desk platform na naka-focus sa ticketing service portal at chat. Ideyal na package ito sa mga business na kailangang mag-focus sa network management, infrastructure monitoring, at iba pang technical services. Ilan sa Solarwinds customers ang AT&T, Ford Motor Company, CBS, MasterCard, Nestle, Blue Cross, at Blue Shield.
Team $19 bawat user/buwanKasama sa plan ang incident management, isang service portal, at unli na requestors.
Business $39 bawat user/buwanBukod sa features ng nakaraan plan, kasama sa Business plan ang service catalog, change management, SLA, groups, custom roles, internationalization, at real-time na 24/7 chat support.
Professional $69 bawat user/buwanMay dagdag ang professional plan na features tulad ng custom fields at forms, advanced automations, network discovery, contract management, license compliance, scheduled reports, API access, at dagdag na support options gamit ang chat, phone, o email.
Enterprise $89 bawat user/buwanKasama sa Enterprise plan ang bawat nabanggit na feature sa ibang plan at dagdag pa ang visual CMDB at dependency mapping, multi-factor authentication, onboarding services, at hanggang sa 1,500 API calls bawat user kada minuto.
Nagbibigay ang Solarwinds ng customer service platform na ang primary focus ay mga business na nasa larangan ng network management at IT infrastructure. Ideyal ito para sa IT service teams na kailangang mag-handle ng network at IT infrastructure issues ng kanilang users. LiveAgent vs Solarwinds comparison
May offer ang LiveAgent na state-of-the-art system na kayang mag-handle ng bawat vital na customer channel. Bawat customer channel at powerful tool ay suportado ng advanced features na tutulong sa inyong mabilis at maaasahang pag-aayos ng incoming tickets. Ikonekta ang ibang apps sa LiveAgent sa tulong ng aming integrations at lumikha ng ultimate customer service hub para sa inyong agents. Mahalaga sa amin ang customer loyalty, kaya puwede kayong makipag-usap tungkol sa kahit ano sa aming customer support team nang 24/7. Makakuha ng access sa aming solution sa mainam na presyo at masusulit ninyo ang pera ninyo.
Puwera na lang kung gusto ninyong mag-focus sa canned responses lang, dapat ang staff ninyo ay trained sa parehong basics at advanced na bahagi ng ticketing at customer support. Kaya naman madaling aralin para sa lahat ang ticketing software, kahit sa mga komplikadong eksena, at tulungan ang agents ninyong matutunan kung paano gumamit ng fully-featured na help desk software. May offer ang LiveAgent system na masinop na start-up guide na ituturo kung paano mag-set up ng lahat para makapagsimula. Ang website namin ay meron ding Academy. Puno ito ng articles na sakop ang buong spectrum ng help desk systems tulad ng ticketing, live chat, call center, at marami pa. Tutulungan din nito ang inyong agents na matuto kung paano maging full-fledged help desk experts at maaasahang customer service agents.
Ang customer interaction ay di laging nangangailangan ng bawat tool, channel, o feature sa poder ninyo. Ang iba-ibang business ay iba-iba ring solutions ang kailangan pagdating sa ticketing challenges. Kung nagbayad kayo sa features na di naman ninyo gagamitin, mababawasan ang agent productivity at baka mauwi lang ito sa mga komplikasyon sa inyong customer service platform. Siguraduhing mapapakinabangan ninyo ang kabuuang advantage ng libreng trials nang makita kung ano ang puwede at hindi puwede sa inyo.
Ang mga trial ay importante dahil nasusubukan natin ang system dito pati na ang interface na may features. Huwag palampasin ang libreng trial dahil lang sa nadala kayo ng mabubulaklak na salitang nabasa ninyo sa website. Sa libreng trials, nasusubukan ninyo ang basic features at naipapakita kung paano ninyo mapapangasiwaan ang complex events at mga sitwasyon sa pang-araw-araw na customer support.
Ang kasalukuyan ninyong binabayarang help desk interface na may features ay puwedeng sapat na sa ngayon, pero naiisip ba ninyo ang mangyayari sakaling mag-upgrade kayo? Karamihan sa ticketing systems ay may offer na iba-ibang may bayad na plan na ang iba ay merong features at ang iba ay wala. Siguraduhing pumili kayo ng solution na may customizable na user interface na puwede ninyong ma-upgrade at nang magamit ninyo kung kinakailangan.
Ang presyo ng ticketing help desk software ay puwedeng mula sa pagiging libre hanggang sa pagiging sobrang mahal. Depende ito sa maraming factors. Lagi ninyong ikonsidera ang ilang bagay bago kayo magdesisyong pumili ng system. Mag-iiba-iba ang presyo dahil sa features at quality nito, sa bilang ng integrations, sa popularidad ng napiling brand, usability sa iba’t ibang scenarios, scalability, at marami pang ibang factors. May ilang pricing models na kailangang ikonsidera para masigurong sulit ang help desk system at bagay ito sa inyong business model.
Per ticketSa per ticket pricing models, babayaran lang ninyo kung ano ang kailangan ninyo. Bagay ang ganitong pricing model sa help desks na may mababang bilang ng customer tickets. Ang malaking negatibo nga lang nito ay baka bumaba ang motibasyon ng agents na mag-handle ng support, dahil ang bawat ticket na na-handle ay katumbas sa malaking bayad na mapupunta sa service provider.
Per licenseKasama sa license pricing models ang mga license para sa isa o marami pang users. Ang sinumang meron nito ay makagagamit ng software nang matagalan basta nakapagbayad na sila. Ang presyo ng license ay puwedeng lump sum o nasa subscription basis.
Per deviceTulad ng license pricing model, puwede kayong magbayad ng lump sum o subscription fee para magamit ang ticketing software sa maraming device. Ang final sum ay parang kabuuang bayad sa bawat device na nagamit sa help desk.
Per agentAng agent-based model ang pinaka-common at ang pinakagusto ng marami dahil nagbibigay ito ng tamang mga condition. Ang presyo ay nakadepende sa bilang ng software users. Puwede nilang magamit ang software sa bawat bayad na feature nang walang limitasyong naka-set ng ticketing o runtime.
May ilang piling bagay na tinatanong ng daan-daang organisasyon sa demo calls. Una sa lahat, kailangan ninyong alamin kung ano ang binabayaran ninyo kung sakali. Tanungin ang tungkol sa suportadong customer communication hub o channel options, pati na rin ang kasamang features sa mga plan o ano ang supported integrations sa ibang software. Tapos presyuhan na. Ang total cost ng pagmamay-ari ninyo ang isa sa pangunahing priorities.
Ang implementation ng ticketing software ay madaling proseso sa pangkalahatan na puwedeng mag-iba-iba sa ilang larangan. Ang pangunahing pinagkaiba ay kung ito ba ay web-based o application-based software. Kadalasan, lalaktawan ninyo ang installation process sa web-based solutions kaya masisimulan agad ninyong magamit ito. Kailangan lang ninyong magbigay ng email address at mag-register ng libreng trial. Kapag nakumpirma na ninyo ang email, puwede nang mag-log in at maging pamilyar na sa help desk platform. Bilang halimbawa, ang LiveAgent ay may offer na masinop na getting started guide mula pa lang sa simula. Nagagabayan ang bawat bagong user sa ilang simpleng hakbang na natutulungan silang makapag-set up ng bago nilang solution.
Ang ticketing software ay naging isa na sa pinaka-kailangang tools sa pag-handle ng customer support. Ang pag-manage ng customer incoming request gamit ang ticketing ay tutulong sa inyong magbigay ng mas mabilis, mas maaasahang advice, pati na rin ang pagbigay ng kapasidad sa agents na mag-handle ng malaking bilang ng customer requests. Ang ticketing systems ay makapagbibigay ng karagdagang value sa anumang help desk. Depende ito sa customer communication channels, features, at integrations na gusto ninyong asahan, pati na rin sa trained customer support agents. Tumugon sa requests nang mas madali, at kunin ang tamang ticketing software para sa help desk ninyo.
Subukan ang lahat ng aming offer sa libreng 14-araw na trial
Maraming pagpipilian pagdating sa ticketing software pero hindi lahat sila ay kaya ang challenge ng modernong customer support sa partikular na sitwasyon. Ang LiveAgent ticketing software ay isang multi-channel help desk solution na sumusuporta sa bawat customer channel na kailangan ninyo. Magbigay ng convenient na communication options at pinakamahusay na customer experience gamit ang tamang tool. Suportado ng LiveAgent ang email, real-time chatting, call center, customer portal na may knowledge base, FAQs, at forums, pati na social media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, at Viber.
Ang ticket software o ticketing software ay isang kinakailangang tool sa pagbibigay ng customer support. Bawat ticket software ay may ticketing system na kinakalap ang komunikasyon mula sa piling channels at tina-transform ito bilang tickets. Ang mga ticket na ito ay inoorganisa sa iisang convenient na dashboard para sa madaling pag-access ng help desk teams. Ang tickets ay madaling iorganisa, i-filter, at maaayos ng customer support agents salamat sa ticket software capabilities. Ang magandang ticket software ay sumusuporta ng maraming communication channels at may offer na iba-ibang features at integrations para mas ma-extend ang capabilities nito.
Ginagamit ang ticketing software ng help desk teams kahit saan para taasan ang efficiency at bilis ng customer support. Dahil sumusuporta ito ng iba-ibang features at channels, naa-access ng help desk teams ang customer communication nang mas mabilis, at efficient nitong maaayos ang customer queries. Tutungo ito sa pagtaas ng customer satisfaction rate at sa mas mataas na efficiency ng help desks. Ang ticketing software ay maganda ring tool para sa contact management at ng all-in-one tool para sa komunikasyon.
Ang LiveAgent ticketing system ay may iba-ibang automation options na tinatawag na Rules. Ang rules ay puwedeng custom-made, na nagpapadali sa anumang help desk na gumawa ng partikular na workflow. Malaking madaragdagan ng rules ang agent efficiency at mapapahusay ang response times. Mababawasan din ang mga pagkakamali habang binabawasan din ang mga gastusin ng mga help desk. Puwedeng ma-access ang LiveAgent automations at ma-set up ang configuration options sa dami ng mapagpipiliang options dito.
Literal na sobrang simpleng i-set up at simulang gamitin ang LiveAgent. Puwede ninyong simulan sa paggawa ng libreng 14-araw na trial. Ilagay ang inyong email at halos handa ka kayo sa set up at handa nang ilagay ang account ninyo. Ang LiveAgent ay may offer na masinop na Getting Started window matapos ang unang setup ninyo para masundan ito at mabilis na madaanan ang proseso. Ilagay ang inyong email accounts, mag-set up ng live chat widget, at isang call center. Gumawa ng knowledge base at magdagdag ng social media accounts. Maghanda na sa mabilis na pagbibigay ng napakagaling na support. Isa pang paraan sa pag-extend ng LiveAgent capabilities ay ang integration features at plugins.
Ang LiveAgent ticketing software ay madaling magagamit ng kahit sino. Kapag na-set up na ninyo ito, makaka-access na kayo ng aming Getting Started guide na gagabay sa inyo sa kabuuang proseso ng pag-set up ng online help desk ninyo. Kapag natapos na ninyo ito, matututuhan na ninyo ang lahat ng kailangan ninyo para makapagbigay ng essential at advanced na ticketing tasks.
Ang LiveAgent ay isa sa pinakamagaling na help desk solutions na available sa anumang help desk. Nanalo na ito ng maraming awards tulad ng Best Customer Service Software 2021 award at Best Customer Success Software ng Digital.com. Kasama sa ibang awards ang Leader in Issue Tracking Software at Top Live Chat Software.
Madalas nagbabago ang presyuhan ng ticketing software para mas ibagay ang requirements ng customer support desks. Maipapakita rin ng mga pagbabagong ito sa presyo ang pagdagdag o pag-alis ng ilang features, dagdag na value mula sa integrations, at minsan kahit sa demand para sa help desk software sa isang partikular na panahon.
May iba-ibang statistics at metrics na mata-track ninyo sa LiveAgent. Halimbawa, mata-track ninyo ang oras na ginugugol ng agent sa pagbibigay ng support, agent ranking, at kanilang achievements sa tulong ng gamification features. May kumpletong analytics na available sa help desk software. Mag-track ng website visitors o alamin kung aling channels ang pinaka-popular sa inyong customers. Tutukan ang Service Level Agreements gamit ang SLA reports at marami pa.
Ang pagtitiket sa telepono ay makakatulong sa pagkakaisa at kaayusan ng komunikasyon sa kustomer at kumpanya. Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng LiveAgent, isang software na nag-aalok ng tiket sa telepono. Ang LiveAgent ay may iba't ibang mga tampok para sa pagpapaunlad ng serbisyong kustomer tulad ng pamamahala ng tiket, mga panuntunan sa negosyo, at mga kontak ng help desk. Maaari rin itong may sandaling pagtigil at automaytikong pagtawag pabalik. Ang LiveAgent ay mayroon ding mga integrasyon sa iba't ibang mga systema tulad ng VoIP at complaint management system. Isang malakas at kumpletong kustomer service software ang LiveAgent na maaaring subukan ng mga kumpanya para sa mas magandang karanasan sa kustomer.
Libreng live chat software para sa website ninyo
Ang libreng live chat software para sa website ninyo ay sinisigurado ang pagbibigay ng personalized na customer experience, mas mainam na brand interaction, at maging mas angat sa kompetisyon.
Mga sagot sa galit na customer
Ang mga negatibong feedback ng mga customer ay dapat na agarang tugunan upang maiwasan ang pagkalat ng negatibong word-of-mouth at mai-maintain ang loyalty ng customer sa business. Mahalaga na harapin ng propesyonal ang mga reklamo ng customer at magpakita ng empathy at pag-unawa. Maraming mga email response templates ang maaaring gamitin upang maaga at maayos na sagutin ang mga reklamo ng customer. Kinakailangan din na alamin ang tungkol sa partikular na sitwasyon ng bawat customer at mag-isip ng paraan upang ayusin ang kanilang mga reklamo.
Mga Pakikipag-ugnayan sa Help Desk ng ZOLA
Ito ay tungkol sa mga detalye ng mga contact at suporta ng ZOLA para sa kanilang serbisyo sa kustomer. Nag-aalok ang ZOLA ng email, call center, at suporta sa social media pati na rin sa kanilang sariling batayan ng kaalaman para sa kanilang suporta. Meron ding legal na kontak tulad ng kanilang Terms and Conditions at Privacy Policy. Ang ZOLA ay nagbibigay ng serbisyong maka-kasal at pamamahala sa pagpaparehistro.
Ikinatutuwa namin ang pag-sign up mo kamakailan sa LiveAgent.
May ipapadalang message sa iyong email address na naglalaman ng iyong login details matapos ma-install ang iyong account.
Kung makakapaghintay ka pa nang saglit, makaka-access ka na ng account mo diretso mula dito matapos ang installation.
Pagkatapos ng proseso, ipapadala namin ang mga detalye ng login sa iyong mailbox.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Maraming petsa ang bakante