Mailchimp

Ano ang Mailchimp?

Ang MailChimp ay isang email marketing software na itinatag noong 2001. Isa itong web-based application pero puwedeng ma-download ang data nito, at may ibang features na puwedeng gamitin offline. Ito ay may 3.5 milyong users na gumagamit ng serbisyong ito para magpadala ng higit sa 4 bilyong emails kada buwan. Madali lang ang integration ng Mailchimp sa LiveAgent.

Paano ito gumagana?

Sa pagkonekta ng Mailchimp sa LiveAgent, puwede nang ma-subscribe at unsubscribe ang contacts sa inyong email marketing lists diretso mula sa  ticket interface. Madali lang mag-subscribe ng contacts, pero kailangang magpadala muna ng opt-in email na kailangang kumpirmahin ng contact para sa subscription. Subukan ninyo ang integration nang makita kung gaano kalakas ang dating ng email marketing tool kapag katambal ng isang customer support app.

Mga benepisyo

  • Pangasiwaan ang mga subscription
  • Mas mabilis sumagot sa mga customer
  • Isang solution sa management ng email marketing

Paano ikonekta ang Mailchimp sa LiveAgent?

Ang LiveAgent ay may native integration para sa Mailchimp na makikita sa plugins section. Kung gusto ninyong mag-integrate ang Mailchimp nang mas ma-manage nang husto ang mga customer ninyo, sundan ang guide na ito.

Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > System > Plugins at hanapin ang Mailchimp sa listahan. I-click ang activate switch sa may kanang bahagi.

Mailchimp plugin sa listahan ng LiveAgent plugin
Mailchimp plugin

Magre-reset ang LiveAgent para makita ninyong aktibo ang plugin sa itaas ng listahan sa bandang gitna ng mga aktibong plugin. I-click ang configuration button o ang cog icon na katabi ng switch. Dito ninyo kailangang ilagay ang inyong API key.

I-click ang button na Get Mailchimp API key para dalhin kayo ng LiveAgent sa inyong Mailchimp account. Gumawa ng API key at ilagay ito sa plugin configuration. I-click ang Save kapag tapos na.

Mailchimp plugin configuration at setup
Mailchimp plugin setup
Gumawa ng API key sa Mailchimp para ma-integrate ito sa LiveAgent
Gumawa ng API

Puwede na ninyong ma-manage ngayon ang mga subscription mula mismo sa LiveAgent. Buksan ang anumang customer support ticket at hanapin ang Mailchimp icon sa kanang panel. I-click ito nang makita ang options sa management ng inyong marketing communication. 

Ang Mailchimp integration plugin ay aktibo at gumagana sa LiveAgent ticketing system
Mailchimp sa LiveAgent

Paano ikonekta ang Mailchimp sa LiveAgent gamit ang Zapier?

Puwedeng ikonekta ang Mailchimp sa LiveAgent gamit ang serbisyo ng Zapier. Gumagamit ito ng trigger at action ng mga user na pumipili ng dalawang apps at gagawa ng isang integration. Ilang minuto lang ang itatagal ng prosesong ito, at di kinakailangang marunong ng coding para magawa ito. 

Kung kailangan ninyo ng Zapier account, gumawa dito. Kung meron na kayo, pumunta sa LiveAgent + Mailchimp integrations page sa Zapier.

LiveAgent at Mailchimp integrations page sa Zapier
LiveAgent + Mailchimp

Sa page, mag-scroll down hanggang makita ang headline na nagsasabing Connect LiveAgent + Mailchimp in Minutes. Dito ninyo kukunin ang isang trigger at action. Isipin kung ano ang gusto ninyong gawin ng integration at piliin ito.

Ipinapakita namin dito bilang halimbawa ang integration ng LiveAgent trigger na New Customer at Mailchimp action na Add/Update Subscriber. Pagkatapos, i-click ang blue na Connect button. 

Napiling LiveAgent trigger at Mailchimp action
Napili na ang action at trigger

Ang susunod na hakbang ay ang pag-configure ng LiveAgent trigger. Ang kailangan lang gawin ay i-click ang Continue at mag-log in sa inyong LiveAgent account gamit ang Zapier. Ang huling hakbang ay ang trigger test. Puwede itong laktawan pero rekomendado naming subukan ito. 

LiveAgent trigger setup
Trigger setup
LiveAgent trigger test
Trigger test

Para naman sa Mailchimp action, mag-log in lang sa Mailchimp at piliin ang account ninyo. Sa susunod na hakbang, puwede ninyong piliin ang inyong audience at piliin kung paano kukuha ng customer data ang Mailchimp mula sa LiveAgent. 

Sulatan ang mga required na fields. Kung di pa kayo sigurado kung ano ang ilalagay sa email address field, tingnan itong guide para makatulong. Matapos ito, puwede pa ninyong tukuyin ang mga kondisyon ng inyong email marketing service.

Mailchimp action setup
Action setup

Kapag tapos na kayo, gumawa ng isang panghuling test ng integration.

Mailchimp at LiveAgent integration test
Integration test

Tapos na. Tingnan ninyo ang resulta sa inyong Mailchimp account. Naka-subscribe na dapat ang mga customer sa inyong mga campaign simula ngayon. 

Isang bagong contact ang idinagdag sa LiveAgent
Isang bagong contact sa LiveAgent
Isang bagong contact ang idinagdag sa Mailchimp matapos ang matagumpay na integration
Isang bagong contact sa Mailchimp

Bumalik sa Zapier kung kailangan pang gumawa ng mas maraming integration. 

Frequently asked questions

Ano ang Mailchimp?

Ang Mailchimp ay isang magaling na marketing tool para maging in-touch pa rin ang kompanya ninyo sa inyong mga kliyente. Puwede rin kayong gumawa ng mga interesanteng campaign, at puwede ring masundan at suriin ang lahat ng campaign data. 

Paano ang integration ng Mailchimp sa LiveAgent?

Narito ang isang madaling guide:

1. Gumawa ng account sa Mailchimp

2. Mag-log in sa LiveAgent

3. Pumunta sa Configurations - System - Plugins

4. I-activate ang Mailchimp

5. Kopyahin at ilagay ang API key sa Mailchimp

6. at GAMITIN NA 

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo