Shopify

Ano ang Shopify?

Ang Shopify ay isang eCommerce platform na ginagamit para gumawa ng online stores para magbenta ng mga produkto at serbisyo. Ginawa ang Shopify na maraming kasamang bukod-tanging features tulad ng drop-shipping, product marketing, iba’t ibang uri ng payment options, at customer engagement tools. Sa Shopify, mas madali ninyong magagawa ang bagong e-store at simulan ang pagbebenta ng inyong mga produkto o serbisyo. 

Ang Shopify ay isang platform na dapat ginagamit ng bawat negosyante dahil madali itong sundan at gamitin. Sa Shopify, makakatipid kayo ng oras at pera, at makakapokus kayo sa ibang aspekto ng inyong business.

Paano ito magagamit?

Puwede ninyong gamitin ang Shopify integration sa pagbibigay ng mabilis at epektibong support sa inyong customer o kliyente. Sa LiveAgent, puwedeng ma-track ang mga customer support email, magbigay ng phone support, at maglagay ng real-time na live chat button na may preset design sa inyong webpage.

Kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng live chat button sa inyong store website dahil walang hassle na uri ito ng option na puwedeng gamitin ng mga customer ninyo para kausapin kayo tungkol sa anumang impormasyon ng mga produkto, mga isyu, at iba pa. Mapapabuti pa nito nang husto ang customer engagement, pati na rin ang customer satisfaction

Paano ka makakakuha ng benepisyo sa Shopify integration?

  • Mas maayos mag-manage ng customers sa lahat ng mga channel
  • Makapagbibigay ng mabilis na support sa mga customer 
  • Makatutulong ang paglalagay ng live chat button sa inyong site sa pagtaas ng customer engagement at satisfaction
  • Epektibong magagawa ng live chat na maging paying customers ang leads at website visitors

Paano maglagay ng LiveAgent live chat button sa inyong Shopify store

Kung gusto ninyong maglagay ng LiveAgent live chat button sa inyong website, sundan ang simpleng guide na ito. 

  • Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > System > Plugins. Makikita rito ang Shopify integration with chat button plugin sa listahan ng plugins. Kapag nakita na ninyo, i-click ang activate switch. Kapag naging green ito, magre-restart ang LiveAgent.
Shopify Integration na may chat button sa listahan ng LiveAgent plugin
Shopify Integration na may chat button
  • Kapag nag-restart ang app, hanapin ang aktibong Shopify integration with chat button plugin sa itaas ng listahan ng plugin at i-click ang cogwheel icon para ma-configure ang plugin. Kailangan ninyong ilagay ang data – ang inyong Shopify store URL, API key, at password. Puwede rin kayong pumili ng live chat button design para sa inyong Shopify store.
Shopify chat button plugin configuration sa LiveAgent
Plugin Configuration
  • Mahahanap ninyo ang API key sa inyong Shopify settings. Pumunta sa Apps, i-click ang Manage private apps sa ibaba ng page at ang Enable private app development. Lagyan ng check ang lahat ng mga mark at i-click ang Enable private app development. I-click ang Create private app.
I-manage ang private apps sa ibaba ng Shopify Apps section
I-manage ang private apps option sa ibaba ng page
  • Pangalanan ang app at maglagay ng emergency developer email address sa fields. Pagkatapos, i-click ang Show inactive Admin API permissions. Mag-scroll pababa at hanapin ang Script Tags. Palitan ang permissions mula No access papunta sa Read and Write.
Palitan ang Script tags permissions mula Read and write sa Shopify
Palitan ang Script tags permissions mula Read and write
  • I-click ang Save at pumunta sa Create App. Hanapin ang Admin API section at kopyahin ang API key. Bumalik sa LiveAgent at i-paste ang key sa configuration. Ulitin ito sa API password at i-click ang Save. Kumpleto na ang integration at puwede na kayong makipag-chat sa inyong Shopify store customers mula sa LiveAgent.

Paano ang integration ng Shopify sa LiveAgent plugin

Sa paggamit ng integration na ito, makikita ninyo ang mga order ng customer sa ticket detail section ng inyong LiveAgent account. Pakisundan ang mga instruksiyon ng integration sa ibaba para makapagsimula.

  • Sa inyong LiveAgent account, pumunta sa Configuration > System > Plugins, hanapin ang Shopify Integration at i-click ang activate switch button. Magre-restart ang LiveAgent pagkatapos nito. Susunod, hanapin ang aktibong integration sa itaas ng listahan ng plugin. I-click ang cogwheel icon para ma-configure ang plugin kung saan hihingin ang inyong Shopify data.
Shopify integration sa LiveAgent plugin list
Aktibong Shopify integration
  • Ang plugin na ito ay puwedeng gamitin na katambal ang private app ng inyong Shopify account. Mag-log in sa inyong Shopify admin panel at pumunta sa Apps section. I-click ang Create a new private app. Kung hindi available ang option na ito sa inyo, kailangan ninyong paandarin ang management ng private apps. I-click ang Manage private apps at Enable private app development. Lagyan ng check ang lahat ng mga mark at i-click ang Enable private app development. Pagkatapos, puwede na kayo sa Create a new private app.
Gumawa ng bagong private app sa Shopify para makagawa ng integration sa LiveAgent
Gumawa ng bagong private app
I-click ang manage private apps sa Shopify para palitan ang mga integration permission settings
Paganahin ang private app management
  • Puwede na ninyong pangalanan ang app at maglagay ng emergency email. Kailangan rin ninyong i-allow ang permissions na naka-disable nang default. I-click ang Review disabled Admin API Permissions sa ibaba ng page. Mag-scroll down, hanapin ang Customers, at i-set ang permissions sa Read and write. Gawin ulit ito sa Script tags at Orders na nasa bandang ibaba ng listahan, at i-click ang Save.
Manual na palitan ang permissions para maka-access ang LiveAgent ng Shopify data
Palitan ang permissions sa Read and write
  • Ngayon ay nakikita na ninyo ang inyong API key at password. I-copy at paste ang API key at password sa LiveAgent Shopify plugin configuration, i-review ang ibang options, at i-click ang Save.
I-copy at paste ang API key at password sa Shopify plugin configuration sa LiveAgent
Shopify plugin configuration

Aktibo na dapat ang inyong Shopify plugin. Tingnan ang ilang lumang ticket ng mga customer at i-click ang Shopify button sa kanang panel para makita ang mga order ng customer sa ticket view.

Aktibo ang Shopify plugin sa LiveAgent at nakikita ang order ng customer mula sa ticket view
Aktibong Shopify plugin

Paano ang integration ng Shopify sa Zapier

Ang pagkonekta ng LiveAgent at Shopify gamit ang Zapier ay madali, mabilis, at intuitive. Ang trigger sa isang app ang magbubukas sa action sa kabila, na siyang gumagawa ng mas maayos na workflow. Puwede kayong gumawa ng marami pang integration, at puwede ninyong piliin at i-configure sila para gumana sila sa paraang gusto ninyo. Hindi kailangang marunong ng coding para magawa ito. 

LiveAgent at Shopify integration page sa Zapier
LiveAgent + Shopify

Daanan natin ang mga hakbang. Kung hindi pa ninyo nasusubukang gumawa ng Zapier integration, kailangan ninyong mag-sign up at gumawa ng Zapier account. Magagawa ito sa pag-click ng link na ito. Pagkatapos, pumunta na sa LiveAgent + Shopify integration page sa Zapier.

Pumili ng trigger at action sa Zapier
Pumili ng trigger at action

Sa pag-scroll pababa, makikita ninyo ang Connect LiveAgent + Shopify in minutes section. Dito kayo pipili ng gusto ninyong gawing trigger at action. Pumili ng kahit anong gusto ninyo sa listahan at gumawa ng koneksiyon. Bilang halimbawa, pipiliin namin ang Shopify trigger na New Product at ang LiveAgent action na New Conversation. Kapag tapos na kayo, i-click ang blue button sa ibaba.

Piliin ang trigger na New Product at action na Create conversation
Ang New product ay gagawa ng new conversation

Kailangan ninyong ma-configure ang trigger. Mag-log in sa trigger app account–ang Shopify sa kaso natin–at ayusin ang setting ng trigger. Madali lang ang prosesong ito, at ilang detalye lang ang kailangan ninyong ilagay.

Shopify trigger configuration sa Zapier
Shopify configuration

Pagkatapos, nirerekomenda naming i-test ninyo ang trigger para masiguradong gumagana ito sa paraang gusto ninyo. Pero puwede ring laktawan ang hakbang na ito at tapusin na ang huling hakbang ng proseso ng Zapier configuration.

Trigger test ng Shopify sa Zapier
Trigger test

Ang natitira na lang na gagawin ay ang pag-set up ng action. Ilagay ang required fields tulad ng email. Kung gusto pa ninyong gawing mas tutok ang action, lagyan na rin ninyo ang mga non-required field.

LiveAgent action setup sa Zapier
LiveAgent configuration

Pagkatapos, gumawa ng isa pang test ng integration para makita kung gumagana ito. Kung may problema, ang kadalasang suggestion ng Zapier ay gawin ang troubleshooting option agad para madaling maayos ang problema. Pero bihira namang magkaroon ng problema sa Zapier integration.

Isang matagumpay na test ng LiveAgent at Shopify integration
Tagumpay ang integration test

Kung maganda na ang kinalabasan ng mga nakaraang hakbang, handa na dapat gamitin ang inyong integration. I-test natin ito. Pumunta sa Shopify product section.

Products section sa Shopify
Mga produkto sa Shopify

Gumawa ng bagong produkto at maglagay ang pangalan at description. Puwedeng ipang-test lang ang produktong ito para di na kayo kailangang dumaan sa mahabang proseso ng paglalagay ng bawat kinakailangang impormasyon.

Paggawa ng bagong produkto sa Shopify
Paggawa ng produkto

Tingnan ang inyong LiveAgent tickets (dapat ay may matatanggap kayong panibago sa ilang segundo). Kung gumagana lahat, matagumpay mong nakonekta ang dalawang app.

Isang bagong ticket na pinadala mula Shopify matapos gumawa ng panibagong produkto
Isang new conversation sa LiveAgent

Tingnan din ninyo ang iba pang features at integrations na makatutulong sa inyong leads, pag-manage ng orders, at iba pa. Bumalik sa Zapier anumang oras para gumawa ng ibang integrations ng LiveAgent at Shopify, o pumili ng ibang app na gusto ninyong ikonekta.

Frequently asked questions

Ano ang Shopify integration sa LiveAgent?

Nagbibigay ang LiveAgent ng Shopify integration sa mga customer na gustong magkaroon ng live chat sa kanilang e-commerce shop.

Paano ang integration ng Shopify sa LiveAgent?

Narito ang isang mabilis na step-by-step guide:

1. Pumunta sa Configurations

2. I-click ang System > Plugins

3. Ilagay ang detalye mua sa inyong Shopify store 

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account
Pamahalaan ang iyong mga proyekto, makipagtulungan, lumikha ng mga gawain, pangasiwaan ang iyong daloy ng trabaho at pamahalaan mula sa dashboard gamit ang integrasyon ng ClickUp para sa LiveAgent.

ClickUp

Ang ClickUp ay nakapag-integrasyon sa LiveAgent ng libre. Hindi mo na kailangan lumipat ng mga interface at madaling pamahalaan ang proyekto mula sa iyong LiveAgent. Marami rin ang mga kaakibat na mga resources tulad ng mga notipikasyon ng Slack, Live Chat paggamit, at iba pa. Mag-subscribe sa newsletter upang makakuha ng update at discount sa LiveAgent.

Every business thrives on excellent customer service. Discover whether your company provides these services by reading our statistics and benchmarks.

Portal ng kustomer mga benchmark

Every business thrives on excellent customer service. Discover whether your company provides these services by reading our statistics and benchmarks.

Ang komunikasyon sa mga customer ay puwedeng makabuti o makasira sa isang business. Alamin kung paano tumugon nang tama sa mga request ng customer.

Paano tumugon sa isang request ng customer

Ang boses ng kustomer ay mahalaga sa pagpapabuti ng produksyon ng kompanya at makakatulong sa customer service. Maaaring gamitin ang Twitter para sa serbisyong kustomer dahil ata ito ng feedback at mas nagugustuhan ng kustomer ang kumpanyang nagtugon sa kanilang reklamo. Mahalaga rin ang paggamit ng mga template sa serbisyong kustomer dahil nakakatipid ito ng oras, nagiging pare-pareho at mas mabuti ang komunikasyon sa pagitan ng empleyado at kustomer.

Lahat ng nasa larangan ng customer service ay makikinabang mula sa isang internal academy at magagamit ninyo ito bilang isang nakatutulong na mapagkukuhanan ng libreng training.

Introduksiyon sa customer service academy

Ang customer service ay mahalaga para sa bawat negosyo upang manatiling competitive at matagumpay. Kailangan ng mga customer service representative ng mga soft at hard skills tulad ng pagiging epektibo sa pakikipag-ugnayan sa customer at pagtuturo ng kaalaman tungkol sa produkto/serbisyo. Kailangang magbigay ng sapat na training sa mga empleyado na nakikipag-ugnayan sa mga customer upang magdulot ng positibong karanasan sa mga ito at mapanatili ang mas mahusay na reputasyon ng negosyo.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo