Libreng trial

Language switcher

–Hidden comment

Use attributes in format region_from and region_to= to change the languages showing in language switcher.
Available regions are:
europe_from europe_to
asia_from asia_to
mideast_from mideast_to
america_from america_to

Example:
europe_from=0 europe_to=22 will put all languages (ordered in language switcher settings) from 1 to 21 to Europe region:
asia_from=22 asia_to=25 will put all languages from 23 to 24 (so only 2) into Asia region.

Mga Filter

Ano ang mga Ticketing Filters?

Ang mga ticketing filter ay maaaring magamit upang mahanap ang mga ticket sa iyong help desk software. Maaari mong ituring ang mga ‘filter’ bilang mga setting, panuntunan, o pangangailangan na maaaring magamit sa paghahanap para ang mga ticket na tumutugma lamang sa mga kondisyon na iyong ang lalabas na resulta sa iyong paghahanap.

Ang mga ticketing filter ay tulad ng mga filter na iyong ginagamit sa internet. Halimbawa, katulad ito sa Google search filters na tutulong sa iyo na mahanap ang mga kaugnay na Google search result o mga filter sa TripAdvisor na makakatulong sa iyo na mahanap ang tamang hotel, restawran, o aktibidad ayon sa iyong badyet at iba pang pamantayan.

Gumawa ng mga filter

Bakit nakakatulong ang mga ticketing filter?

Ang mga ticketing filter ay nagagamit dahil nakakatulong ito sa iyo na mahanap ang mga ispesipikong mga ticket. Halimbawa, kung maraming mga ticket ang nasa inbox ng iyong help desk software, maaaring maging mahirap at matagal na hanapin ang isang partikular na ticket. Kapag mayroong filter, maaari mo itong magawa sa ilang segundo.

Kapag mas ispesipiko ang iyong mga filter, mas eksakto ang iyong magiging mga resulta. Halimbawa, sabihin nating naghahanap ka ng isang ticket mula sa isang VIP na kustomer na may pangalang John. Siya ay nakikipag-ugnayan sa iyong departamento ng support nang ilang taon, kaya ang paghahanap ng partikular na ticket mula sa kanya ay magiging mahirap. Gayupaman, natatandaan mo na si John ay ipinasa ang ticket na iyong hinahanap sa live chat. Natatandaan mo rin na ang tanong ay teknikal.

filtered tickets

Maaari mong paliitin ang iyong paghahanap sa pamamagitan ng pagpili ng pinagmulan ng ticket bilang live chat. Pagkatapos ay maaari mo pang paliitin ito sa pagpili ng tag filter na may technical support tag.

Ang paggawa ng mga filter na ito ay labis na magpapaliit ng iyong paghahanap at magiging mas madali na matagpuan ang ticket na iyong hinahanap.

Paano ko maaaring i-filter ang aking mga ticket sa LiveAgent?

  1. Mag-login sa LiveAgent.
  2. Pindutin ang Mga Ticket.
  3. Pindutin ang Custom filter.
ticket filtering

4. Piliin ang naaangkop na pamantayan na filter tulad estado, pinagmulan, at mga tag. 5. Pindutin ang Apply.

ticketing filter values

Paano gumamit ng mga custom na filter

  1. Mag-login sa LiveAgent.
  2. Pindutin ang Mga Ticket.
  3. Pindutin ang Custom filter.
  4. Piliin ang naaangkop na halaga ng filter at kondisyon
custom ticketing filter
  1. Pindutin ang Apply.

Paano ako makakagawa ng mga custom na filter?

  1. Mag-login sa LiveAgent.
  2. Pindutin ang Mga Ticket.
  3. Pindutin ang Gawin.
Mga Filter

4. Pangalan ang iyong filter. 5. Piliin ang naaangkop na halaga ng filter at kondisyon.

Maaari kang gumawa ng filter ayon sa:

  • Estado
  • Pinagmulan
  • Mga Tag
  • Hiniling ni
  • Itinalaga kay
  • Hindi itinalaga kay
  • Departamento / Departamento (hindi kasama)
  • Mensahe idinagdag ni
  • Mensaheng dinagdag
  • Ginawa
  • Binago
  • Naresolba
  • Antas ng SLA
  • Grupo ng Kustomer
  • Kategorya ng Suhestyon
  • Kategorya ng Forum

6. Pagkatapos, piliin ang karagdagan impormasyon ng filter. Halimbawa, kung pumili ka ng departamento, piliin kung aling departamento (tulad ng marketing, IT, sales, atbp.)

creating a ticketing filter

7. Pindutin ang Gawin.

ticketing filter example

8. Ang iyong ticket filter ay makikita sa kaliwang bahagi ng screen.

Anong uri ng mga kondisyon ng filter ang magagamit sa LiveAgent?

Ang LiveAgent ay nag-aalok ng napakaraming mga opsyon sa filter.

Listahan ng mga kondisyon sa Filters:

Opsyon na filter sa estado:

  • Nasagot
  • Tinatawagan
  • Chatting
  • Spam
  • Nabura
  • Bago
  • Bukas
  • Naresolba
  • Pinagpaliban

Opsyon na filter sa pinagmulan:

  • Buton ng chat
  • Form sa Pakikipag-ugnayan
  • Email
  • Facebook
  • Mensahe sa Facebook
  • Imbitasyon
  • Forum
  • Suhestyon
  • Tawag
  • Widget sa Tawag
  • Twitter
  • Instagram
  • Viber

Opsyon na filter sa tag:

  • Mayroong
  • Mayroong anumang
  • Ay walang laman
  • Ay hindi walang laman

Karagdagang mga filter:

  • Sabjek tulad ng
  • Hiniling ni
  • Itinalaga kay
  • Hindi itinalaga kay
  • Departamento
  • Departamento (hindi kasama)
  • Mensahe idinagdag ni
  • Mensahe
  • Ginawa
  • Binago
  • Lebel ng SLA
  • Kategorya ng Suhestyon
  • Kategorya ng Forum
  • Mga Tag
  • Hindi kasama ang mga tag
  • Platform
  • Estado ng Order
  • Prayoridad
  • Estado
  • Kategorya
  • Url
  • Adres Postal
  • Iyong posisyon
  • Kompanya
  • Anumang custom ticket field na iyong ginawa

Maaari ko bang i-filter ang mga ticket na may maraming halaga nang sama-sama?

Oo! Ang help desk software ng LiveAgent ay kayang i-filter ang iyong mga ticket na may walang limitasyon sa bilang ng halaga.

Search for tickets with ease

Filter tickets by channel, customer, or any other custom filter to make searching easier. Try it today for free. No credit card required.

Free trial

Naga-update ba ang mga filter nang real-time?

Ang mga naka-save na filter ay hindi naa-update nang real-time. Kung kaya ang bilang ng mga ‘Bukas’ at ‘Bagong’ ticket na ipinapakita sa tabi ng pangalan ng filter ay hindi nagpapakita ng bilang ng ticket na ipinapakita sa filter. Pero kapag pinindot mo ang filter, ang bilang ay naa-update.

Ang mga filter ay ina-update bawat 2 segundo o bawat 10 minuto. Ang oras ay iba-iba para sa bawat naka-save na ticket at depende sa kondisyon ng filter. Halimbawa, ang mga nakatagong filter ay makakalkula lamang kada 5 hanggang 10 minuto. Sa kabilang banda, ang mga aktibong filter na may kaunting Bukas ay bagong ticket ay maga-update kada 2 segundo. Ang mga aktibong filter na may 99+ ticket ay mas madalang na mag-update. Gayumpaman, kung gumawa ka ng komplikadong filter sa paghahanap na kaialngan ng 30 segundo para ma-load ang resulta, hindi maa-update nang madalas kada 32 segundo.

Ano ang mga global ticket filter?

Kung ikaw ang may-ari ng account ng LiveAgent, ikaw ay may opsyon na gumawa ng mga global ticket filter. Ang mga global ticket filter ay itinatakda ang mga default na mga filter sa ticket para sa lahat o mga ispesipikong ahente. Ang setting na ito ay sinisigurado na ang iyong mga ahente ay may malinaw na pagtingin sa ticket at hindi nagugulo ng mga ticket na itinlaga sa ibang ahente o departamento.

Pag-aayos ng mga global ticket filter

  1. Mag-login sa LiveAgent.
  2. Pindutin ang Kompigurasyon.
  3. Pindutin ang Sistema.
  4. Pindutin ang Mga filter sa ticket.
  5. Pindutin ang Idagdag ang Filter.
create global ticketing filter

6. Pangalanan ang iyong filter. 7. Alisin ang tsek sa kahon na “Nakikita ng lahat ng mga ahente”. 8. Idagdag ang mga ahente o  departamento upang mapili kung sino ang mga makakakita ng filter. 9. Piliin ang halaga ng ticket filter. 10. Pindutin ang Gawin.

create global filter

Palitan ang kasalukuyang fitler ng ticket na maging global ticket filter

  1. Mag-login sa LiveAgent.
  2. Pindutin ang Kompigurasyon.
  3. Pindutin ang Sistema.
  4. Pindutin ang Mga filter sa ticket.
  5. Piliin ang isang kasalukuyang filter ng ticket sa pagpindot sa buton na Edit (icon na lapis).
  6. Kung gusto mo na ang filter ng ticketa y nakikita ng lahat ng iyong mga ahente sa support, siguraduhin na ang kahon na “Nakikita ng lahat ng mga ahente” ay naka-tsek. Kung gusto mo na ito ay nakikita lamang ng ilang ahente, alisin ang tsek sa kahon at piliin kung sinong mga ahente o departamento ang dapat makakita ng filter sa ticket na ito.
  7. Pindutin ang I-save.
edit global filter

Halimbawa ng mga kaso na paggamit ng filter ng ticket

Pagpapakita ng mga ticket na nakatalaga sa isang ispesipikong ahente

Sabihin nating isa sa iyong mga kasamahan ay magbabakasyon at ikaw ang sasalo ng kanyang trabaho habang sila ay wala sa trabaho. Isang paraan para masigurado na nasasagot mo ang lahat ng mga ticket na nakatalaga sa kanila ay sa paggawa ng filter na taglay ang lahat ng kanilang mga ticket.

Pagpapakita ng mga ticket na ginawa ngayon

Para sa aming ikalawang halimbawa, hindimo kailangan na ipakita ang lahat ng mga ticket ginawa ngayon kung kung ikaw ay naghahanap sa ispesipikong tanong. Muli, ang mga filter ng ticket ay ginagawa itong madali para sa iyo/

Sanggunian ng knowledge base

https://youtu.be/3zYfDwqNj0U

Handa ka na bang madaling maghanap ng mga ticket?

I-filter ang mga ticket ayon sa channel, kustomer, o iba pang kustom na filter upang mapadali ang paghahanap. Subukan ito nang libre. Walang credit card na kailangan. Simulan ang iyong libre at all-inclusive na 14 araw na trial ngayon.

Subukan ang LiveAgent Ngayon​

May offer kaming concierge migration na serbisyo mula sa isa sa pinaka-popular na help desk solution.

3,000+ na review Trustpilot GetApp G2 Crowd

{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “Pahina ng FAQ”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Tanong”, “name”: “Ano ang mga Ticketing Filter??”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Ang mga ticketing filter ay maaaring magamit upang mahanap ang mga ticket sa iyong help desk software. Maaari mong ituring ang mga ‘filter’ bilang mga setting, panuntunan, o pangangailangan na maaaring magamit sa paghahanap para ang mga ticket na tumutugma lamang sa mga kondisyon na iyong ang lalabas na resulta sa iyong paghahanap.” } }, { “@type”: “Tanong”, “name”: “Bakit nakakatulong ang mga ticketing filter?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Ang mga ticketing filter ay nagagamit dahil nakakatulong ito sa iyo na mahanap ang mga ispesipikong mga ticket. Halimbawa, kung maraming mga ticket ang nasa inbox ng iyong help desk software, maaaring maging mahirap at matagal na hanapin ang isang partikular na ticket. Kapag mayroong filter, maaari mo itong magawa sa ilang segundo.” } }, { “@type”: “Tanong”, “name”: “Maaari ko bang i-filter ang mga ticket na may maraming halaga nang sama-sama?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Oo! Ang help desk software ng LiveAgent ay kayang i-filter ang iyong mga ticket na may walang limitasyon sa bilang ng halaga. ” } }] }

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×

Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo