Isang dedicated hub para sa mga kliyente ninyo

Dagdagan ang kakayahan ng mga customer sa pamamagitan ng resource access at ticket monitoring.

  • ✓ Walang setup fee    
  • ✓ 24/7 na customer service    
Ginamit ng
Forbes logo
airbus logo
Nascar logo
Customer Portal Software

Bawasan ang gastos sa paggamit ng customer portal software

Mag-set up ng isang customer portal na komprehensibo, mahusay ang pagkakagawa, at maayos ang pagkaka-index na may kasama pang knowledge base, community forum, at FAQs. Bawasan ang oras ng pakikipag-ugnayan sa mga customer at ang gastos na kaakibat nito sa pag-offer ng isang self-service na support para may kalayaang mag-check ng sarili nilang proseso ng support queries ang mga customer, at hindi na kinakailangan pang makipag-ugnayan sa inyo. Madali lang itong magagawa sa LiveAgent.

Ano ang customer portal software?

Ang customer service portal software, na tinatawag ding client portal software, ay nakatutulong sa inyong mag-share ng impormasyon sa inyong mga customer. Nabibigyan din ng customer web portal ang mga kliyente ninyo ng pagkakataong maingat na ma-access ang kanilang ticket status o history, mga mas detalyadong impormasyon ng produkto o serbisyo, at marami pa.

Halimbawa, ang customer portal user ay magkakaroon ng access sa mga knowledge base article tungkol sa isang produkto, pati na rin sa community forum nito. Sa madaling salita, ang alay ng customer portal ay isang halo-halong kaalaman tungkol sa partikular na produkto, impormasyon tungkol sa business, at mga self-service tool.

Customer portal software - LiveAgent
Ticketing feature in Help desk software - LiveAgent

Paano gumagana ang customer portal software?

Ang isang may seguridad na client portal tulad ng LiveAgent ay nabibigyang kakayahan ang mga customer na ma-check ang status ng kanilang mga inquiry matapos nilang mag-log in. Dahil sa nagiging ticket ang mga customer inquiry, makikita ng client ang lahat ng detalye sa isang tinaguriang “ticket.” Salamat sa teknolohiyang ito, di na kailangan pang makipag-ugnayan at maghintay ng tulong mula sa mga customer service agent.

Ang customer portal ay isang napakagaling na customer service solution na lumilikha ng magandang daloy ng karanasan ng customer, at nakadaragdag ng user engagement gamit ang mga forum, feedback form, at interactive na knowledge base.

Bakit ninyo kinakailangang magkaroon ng isang customer portal?

Sadyang malaki na ang ipinagbago ng customer service nito lamang nakaraang dalawang taon. Halimbawa, hindi na kailangang maghintay pa ng email notifications para malaman kung naayos na ba ang isyu. Sa customer portal software solutions, nabibigyan ng access ang gumagamit ng portal ng mga impormasyong kailangan nila nang di na naghihintay pa ng tulong. Ang mga dedicated support portals na ito ay nakapagbibigay din ng access sa history ng isang ticket,  knowledge base, at community forum, na may option pang makapagbigay ng feedback.

Ang online self-service portal na ito ay puwedeng maging dedicated na lugar para sa mga customer na naghahanap ng kaakibat na  knowledge base article. Huwag na kayong gumawa pa ng Google Sheets para mag-share ng mga dokumento sa inyong mga kliyente. Hindi nakatutulong ang komplikadong prosesong ito sa inyong customer engagement.

Dahil sa self-service resources tulad ng mga knowledge base, forum, o customer feedback, nalilibre na ang mga customer representative sa pagharap sa mga FAQs kaya nakakatutok na sila sa mas komplikadong customer inquiry. Pakinabangan ang aming customer portal software para mag-share ng mga announcement, product release note, at nang mas mapabuti agad ang pagiging produktibo ng inyong mga agent.

Customer Forum in Customer portal software - LiveAgent

Epektibong customer portal na bumabagay sa inyong business

Ang LiveAgent client portal ay may knowledge base, forum, at customer feedback.

Mga 70% ng customers ang nais maghanap ng sarili nilang sagot bago sila makipag-ugnayan sa anumang uri ng customer service

Mag-set up ng client portal at ng visual elements nito sa ilang clicks lamang. Lumikha ng mga knowledge base at mag-generate ng forum para matulungan ng mga customer ang sarili nila at nang makapagdiskusyon din sila tungkol sa mga bagong functionality o makapagbigay ng suggestion.
smiling woman with coffee

Mas pinapadali ng LiveAgent ang customer support nang isang milyong beses. Mas mabilis na ang response time namin ngayon ng 26%.

black Martinus logo

Turuang maging independent ang inyong mga customer sa paglutas ng mga issue

Mababawasan ang makukuhang tickets ng mga support agent ninyo kaya magreresulta ito sa mas pinabilis na response time sa mga customer query.

Naitatago ng online customer portal ang lahat ng inyong knowledge base articles, forum posts, pati na lahat ng feedback at suggestion ng inyong mga customer. Basahin ang detalye…

Ang knowledge base ay isa sa pangunahing portal features na nakapagbibigay sa mga customer ng madali at eksklusibong access sa inyong knowledge base articles o frequently asked questions. Basahin ang detalye…

Sa forum, natutulungan ng mga customer ang isa’t isa sa pagsagot sa tanong ng iba. Basahin ang detalye…

Hayaan ang mga customer na makapagpadala sa inyo ng mga feedback at suggestion. Gumawa at maglagay ng isang feedback button sa inyong website. Basahin ang detalye…

Abot-kayang presyo na customer portal software

Gamitin ang lahat ng client portal features para masuportahan ang inyong mga customer kahit na naka-offline ang inyong mga customer service representative sa tulong ng aming abot-kayang pricing plan.

Package Name

Ticket

Para sa Maliliit na Negosyo at Propesyonal na Marketers

$15 /buwan
Package Name

Ticket+Chat

Para sa Maliliit na Negosyo at Propesyonal na Marketers

$29 /buwan
Knowledge Base / Customer Portal Demo | LiveAgent | Live Agent05:07Youtube video: Knowledge Base / Customer Portal Demo | LiveAgent
Live Agent

Natatambakan na ba ang customer support?

Aminin na natin ang totoo — hindi mauubusan ng tanong, inquiry, at request ang mga customer. Kaya ang pinakamahalagang resource ninyo ay oras, at ang pag-invest nito sa tamang asset ang maaaring magpaigting ng inyong business. Kada taon, bilyon-bilyon ang nawawala sa mga negosyo dahil sa mali ang ginastusan nilang assets. Huwag mo silang tularan.

Portal ng empleyado para sa inyong mga customer service agent

Ang pinakamalinaw na benepisyo ng pagkakaroon ng isang customer portal ay ang pagbibigay ng epektibong self-service sa inyong mga customer. Pero sa dedicated client portal solution ng LiveAgent, nakagagawa rin kayo ng internal knowledge management para sa mga agent ninyo. Tulad ng nabanggit, ang customer portal ay may knowledge base at forum na parehong puwedeng gawin at gamitin ng mga customer pati na ng mga agent.

Ang detalyadong knowledge base ay isang magandang paraan para makapag-share ng mga dokumento sa patuloy na pagpapatibay ng kaalaman sa kompanya ninyo. Dagdag dito, puwede rin kayong mag-share ng internal knowledge sa isang forum. Ang internal forum ay puwedeng iisang lugar lang kung saan puwedeng mag-usap-usap tungkol sa mga partikular na topic sa halip na gagamit pa ng workplace messaging. Ang pangkalahatang epekto nito ay ang pagkakaroon ng mas pinahusay na interaksiyon ng team, at pinapasimple nito ang anumang komunikasyon sa kompanya.

Agents in Help desk software - LiveAgent

Hindi maaaring magkamali ang higit sa 30,000 na business

Ang LiveAgent ay isang komprehensibong platform na maraming features na nakapagbibigay din ng self-service portal. Basahin ang aming mga success story at user review para malaman kung paano mapapaigting ng LiveAgent ang customer support ninyo para mas mapasaya ang inyong mga business partner.

knowledge base designs in LiveAgent

Ayusin ang hitsura para umayon sa brand ninyo

Mag-set up ng isang customer portal sa ilang clicks lamang. Lumikha ng knowledge base at isunod ito sa disenyo ng inyong kompanya nang walang ginagawang coding. Sa ilang clicks, mag-generate ng forum para sa mga customer kung saan sila makakapagdiskusyon tungkol sa mga bagong functionality, makakahingi ng tulong, o makapagbibigay ng suggestion.

Hayaang makipagkontak ang customer sa inyo gamit ang flexible ticket form

Nagagamit ng mga customer ang LiveAgent ticket form para makipag-ugnayan sa inyong support team gamit ang isang customer portal. Ano ngayon ang benepisyo ng paggamit ng ganitong uri ng messaging? Naitatago lang naman ng LiveAgent at naisasaayos ang customer data gamit ang CRM system.

Kaya tuwing makikipag-ugnayan ang kliyente gamit ang customer portal, mas maraming alam na impormasyon sa customer ang mga agent. Magreresulta ito sa pagbibigay nila ng mas epektibong tulong. Sa kabuuan, isa itong matalinong uri ng customer service solution na napapabuti ang customer communication pati na ang mga internal support na proseso.

Customer portal software - submit ticket - LiveAgent

Paano ka makakakuha ng benepisyo sa customer portal?

Nakalista sa ibaba ang mga benepisyong makukuha sa paggamit ng isang customer portal software:

Bawasan ang gastos sa customer service

Mas magastos pa ang pagpapasuweldo sa isang empleyado kaysa sa bigyan ng kakayahan ang inyong customer na makahanap ng tulong gamit ang inyong client portal.

Tulungan ang agent na hindi maaksaya ang oras nila

Tulungan ang mga agent na mabawasan ang oras nila sa pag-aayos ng mga isyu ng customer sa telepono, email, at live chat.

Pinadaling access sa impormasyon nang 24/7

Pinapadali ng mga online portal na makakuha ang mga customer ninyo ng tulong na kailangan nila kung kailan nila ito kailangan.

Lahat ng support channel ay nasa iisang lugar lang

Kaya ng live chat software ng LiveAgent ang integration sa maraming communication channels, at may offer itong halos 200 na magagandang features.
LiveAgent streamlines multiple customer service channels into one piece of software

FAQ

Ano ang customer service portal?

Ang customer service portal ay tumutulong sa mga customer na maghanap ng sagot sa tanong nila nang real-time at hindi na kinakailangang makipag-usap pa sa inyong customer support team. Available ang customer service portal nang 24/7 at kasama dito ang kaakibat na impormasyon tulad ng mga policy, invoice, delivery, order, at online payment.

Paano masasabing mahusay ang isang customer portal?

Napapabuti ng isang mahusay na customer portal ang quality ng interaksiyon ng inyong brand at mga customer sa pag-offer ng mas madaling access sa impormasyon.

Ano ang kadalasang features ng isang client portal?

Kasama sa ilang customer portal features pero di lang limitado rito ay ang 24/7 self-service, ang abilidad na mag-customize para masundan ang branding ng inyong kompanya, madaling ma-embed sa mga website, may access sa mga statement at online payment, puwedeng makapagbasa/makapagsulat ng impormasyon, at may mga custom CSS style option.

Ano ang silbi ng isang web portal?

Naglalagay ng web portal para makapagbigay ng iisang access point sa mahahalagang impormasyon tulad ng mga policy, invoice, payment, o how-to articles. Ang magandang web portal ay makatutulong sa mga customer na sila mismo ang makahanap ng nais nilang impormasyon na hindi na kinakailangang kumontak sa inyo para humingi ng tulong.

Paano gamitin ang client portal?

Ginagamit ang client portal para sa mga knowledge base article, forum, suggestion, at feedback board. Dini-display din nito ang history ng mga nakaraang ticket ng isang customer. Bilang resulta, nakikita na mismo ng mga customer ang mga nakaraan nilang inquiry kaya puwede na silang makipag-chat kung kinakailangan.

Ano ang mga benepisyo ng customer portal software?

Sa panahon ngayon, inaasahan na ng mga customer na may self-service option ang mga website. Ang self-service na ang una nilang pinipiling paraan para makahanap ng impormasyon. Kung wala kayong customer portal/knowledge base, puwedeng pumunta sa kompetisyon ninyo ang customer sa loob lamang ng ilang segundo. Ang pinakamahalagang benepisyo ng isang customer portal ay ang 24/7 na customer service, dagdag sa sales, at mas mataas na customer satisfaction.

Ikaw ay Nasa Mabuting Kamay!

Alam mo ba kung ano ang isang bagay na mayroon ang Huawei, BMW, Yamaha, at O2? Tama ang hula mo... LiveAgent!

Subukan ito nang libre Hindi Kailangan Ng Credit Card
Related Articles to Customer portal software
Ang mahusay na customer service ay maaaring isang pangunahing diskarte para sa pagbuo ng mga benta, kita at kasiyahan ng kustomer. Ang mga kinatawan ay kailangang magkaroon ng mahusay na kaalaman.

Mahusay na customer service

Ang isang brand ay hindi lamang isang logo, kasama dito ang magandang serbisyo, customer service, disenyo at marketing. Para humingi ng tawad sa customer, kailangang magpakita ng empathy, pagtanggap ng responsibilidad at magbigay ng solusyon. Mahalaga din ang tamang pananalita at pagbigay ng oras para sa customer satisfaction. Sa customer interaction management, kailangan ng magpakita ng pagpapasalamat, empathy, at maging creative sa interaction upang bumuo ng matibay na koneksiyon sa customer. May mga software para sa customer interaction management na makakatulong sa communication skills, analysis sa mga touchpoints at feedback ng customer at pagpapahusay ng serbisyo.

Mangalap ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga tiket ng iyong mga kustomer gamit ang tampok na mga patlang ng tiket ng LiveAgent. Lumikha ng walang limitasyong mga pasadyang patlang ngayon.

Mga patlang ng tiket

Ang LiveAgent ay isang magandang solusyon para sa mga negosyong online dahil sa kanilang madaling gamitin at makatuwirang presyo. Ito ay nakakatipid ng oras sa mga ahente at nagbibigay ng mahusay na suporta sa kustomer. Sumusuporta rin ito sa email, social media, at telepono ngunit sa murang halaga. Ito ay ginagamit na ng maraming negosyo mula noong 2013 at patuloy na nagbibigay ng magandang kakayahan sa mga ahente sa pagbibigay ng mabilis at eksaktong suporta sa kustomer.

Diskubrehin ang selection ng ticketing software na pinakamadalas gamitin sa market ngayon. Pumili ng ideyal na ticketing tool at itaas hanggang langit ang customer service ninyo.

Ticketing software

Ang Teamsupport ay isang ticketing tool na may customer management capabilities at maraming integrations. Sa kabilang banda, ang Freshdesk ay well-rounded na help desk tool na merong powerful features at abilidad na magdagdag ng bawat importanteng customer channel sa iisang system. Nasa masa rin ang HubSpot Service Hub, na kasama sa isang malawak na uri ng solutions, kasama na ang marketing solution, customer communication hub, at sales solution. May offer ang Solarwinds na malawak na IT management solution dahil sa sarili nilang help desk platform na naka-focus sa ticketing service portal at chat. Ang LiveAgent ang top choice sa ticketing software dahil sa state-of-the-art system na kayang mag-handle ng bawat vital na customer channel. Maari ring mag-users makipag-usap tungkol sa kahit ano sa kanilang customer support team nang 24/7.

Mayroon ka bang tiket patungkol sa maraming mga isyu? Hatiin ang isang tiket sa dalawa o higit pa at hayaan ang iba't-ibang mga ahente na hawakan ang magkakahiwalay na mga isyu ng kustomer.

Paghati sa mga tiket

Ang LiveAgent ay isang software na nagpapahintulot sa pamamahala ng mga tiket at mayroong mga tampok tulad ng sariling serbisyo, pansamantalang ahente, pagtawag pabalik at pamamahala ng tiket. Kasama rin ang mga template para sa mabilis na maipaliwanag ang presyo ng produktong o serbisyo, pagbati sa sensitibong presyo ng mga kliyente, at paghati sa mga tiket para sa mas mabilis at mas epektibong pagresolba ng mga problema. Mayroon din itong demo, presyo, feature, integration, at iba pang mga kaakibat na resources at support para sa serbisyong ito.

Ang LiveAgent ay isang omnichannel help-desk software na kinokolekta ang lahat ng customer interaction mula sa iba't ibang channels, kasama rito ang mga popular na social media platform.

Social media support sa loob mismo ng inyong help desk

Ang LiveAgent ay may Twitter at Instagram integration na kaya nitong ma-monitor ang mga mentions, hashtags, at mga comment sa inyong page at awtomatikong magiging ticket na kailangan ninyong sagutin. Magkakaroon din ng functionality na i-assign ang mga ito sa iba't-ibang department kung kinakailangan. I-connect lamang ang inyong Twitter at Instagram account sa LiveAgent dashboard at piliin kung anong mga keyword ang gusto ninyong ma-monitor.

May lifecycle ang isang ticket. Puwede itong open, resolved, o waiting. Kapag closed na ito, ibig sabihin ay tapos na ang usapan at may resolusyon na ito.

Closed ticket

Ang LiveAgent ay nagpapadala ng mga update at discount sa kanilang newsletter. Ipinapadala din nila ang login details matapos mag-install ng account at ginagawa ang LiveAgent dashboard. Gumagamit sila ng cookies sa kanilang website. Puwedeng mag-schedule ng one-on-one na tawag para malaman ang benepisyo ng LiveAgent.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo