Gusto ba ninyong mas magbigay ng focus sa inyong customer support gamit ang isang dedicated software? LiveAgent ang tamang choice para rito.
Ang LiveAgent ang ultimate solution sa pagbibigay ng customer support. May offer ito sa inyong maraming features at higit pa sa 175 integrations para sa rasonableng presyo.
| Feature | LiveAgent | Gist |
|---|---|---|
| Ticketing | ✅Yes | ❌No |
| Live Chat | ✅Yes | ✅Yes |
| Call Center | ✅Yes | ❌No |
| Self-Service | ✅Yes | ✅Yes |
| ✅Yes | ✅Yes | |
| ✅Yes | ✅Yes | |
| ✅Yes | ❌No | |
| Viber | ✅Yes | ❌No |
| ✅Yes | ✅Yes | |
| Knowledge Base | ✅Yes | ✅Yes |
| Customer Forum | ✅Yes | ❌No |
| Automation and Rules | ✅Yes | ✅Yes |
| API | ✅Yes | ✅Yes |
| Interactive Voice Response (IVR) | ✅Yes | ❌No |
| Video Calls | ✅Yes | ❌No |
| Unlimited History | ✅Yes | ✅Yes |
| Unlimited Websites | ✅Yes | ✅Yes |
| Unlimited Chat Buttons | ✅Yes | ❌No |
| Unlimited Tickets/Mails | ✅Yes | ✅Yes |
| Unlimited Call Recording | ✅Yes | ❌No |
| Unlimited 24/7 Support | ✅Yes | ❌No |
Pagdating sa pagbibigay ng mahusay na customer support, isang maaasahan at kilalang software ang kailangan. Ito ang LiveAgent, isang magaling na help desk software na nagbibigay ng lahat ng kailangan ninyo para sa magandang customer support at management.
Meron lahat ang LiveAgent – email, ang pinakamabilis na live chat widget, social media, call center support, at knowledge base, maliban pa sa ibang features at integrations. Huwag mag-aksaya ng oras sa di maaasahang software. Simple ang paglipat sa LiveAgent.
Ang live chat ay mahalagang bahagi ng customer support kung gusto ninyong maabot kayo agad ng inyong customers mula sa inyong website.
LiveAgent ang may pinakamabilis ng live chat widget sa market, na merong bilis na 2.5 segundong chat display. Hindi na kayo makakukuha pa ng mas mabilis diyan. Ang kailangan lang gawin ay paghandaan ang incoming messages.
Sa paggamit ng LiveAgent, mas tumataas ang customer satisfaction at pinapabuti ang conversion rates.
Bawasan ang mahabang oras ng trabaho ng mga agent at tugunan ang mas maraming customer query sa tulong ng aming universal inbox.
Sa higit na 175 help desk features, sobrang simple na lang ang pagbibigay ng support.
Bigyan ang inyong customers ng option na makakonekta sa inyo sa mas personal na level. Madali lang ang pag-setup ng sarili ninyong virtual call center na nagagawa sa ilang minuto.
Puwede ninyong ikonekta ang inyong browser, phone o kahit anong equipment na pipiliin ninyo at makatanggap ng tawag tulad ng sa phone. Inaayos ng LiveAgent ang lahat para sa inyo kaya di na kailangan ng third party providers.
Huwag lang bastang gumamit ng kahit ano, piliin ang isa sa pinakamaganda. Ang LiveAgent ay may offer na magagandang tools, features, at integrations sa rasonableng presyo. Puwede kayong pumili ng isa sa tatlong pricing plans para eksaktong makuha ninyo kung ano ang kailangan ninyo. Sakaling kulang pa, puwede kayong bumili ng hiwalay na features na di sosobra sa bayad. Makukuha ninyo ang eksaktong binayaran ninyo, walang dagdag na singil at di kayo mag-aalalang masisira ang inyong budget.
Tingnan ang aming pricing options para sa dagdag na impormasyon.
Nais ba ninyong makita kung ano ang kakayahan namin kapag ikukumpara sa ibang popular na solution? Tingnan ang aming mga comparison page at alamin ang lahat nang maibibigay namin sa inyo.
Magbigay ng pinakamagandang customer care at ayusin ang inyong inquiries sa ticketing
Ang presyo ng ticketing help desk software ay mula libre hanggang sa napakamahal. Depende ito sa maraming bagay. Kailangan ninyong isipin ang ilang bagay bago kayo magdesisyong pumili ng system. Ang halaga ay nag-iiba-iba dahil sa features at kanilang quality, bilang ng custom integrations, kasikatan ng piniling brand, paggamit sa maraming scenario, scalability, at marami pang iba. May ilang pricing models na kailangang isipin para masiguradong ang helpdesk system ay sulit at nababagay sa inyong business model.
Sa kada ticket na pricing model, magbabayad lang kung ano ang kailangan ninyo. Ideyal ang pricing model na ito sa helpdesk na mababa ang bilang ng customer ticket. Baka pinakamalaking downside ang kakulangan ng motivation ng mga agent para i-handle ang support dahil ang bawat na-handle na ticket ay katumbas ng mas malaking halagang binayad sa service provider.
Sa license pricing model, kasama ang license sa isa o higit pang user. Ang bawat isang meron nito ay puwedeng gumamit ng software nang walang hangganan basta’t nabayaran na. Ang presyo ng license ay puwedeng lump sum o subscription basis.
Tulad sa license pricing model, puwedeng bayaran ng lump sum o subscription fee para magamit ang ticketing software sa maraming gadget. Ang buong bayad ay para sa bawat gadget na ginamit sa helpdesk.
Ang agent-based model ay ang pinakakaraniwan at mas pinipili dahil binibigyan kayo nito ng patas na condition. Ang presyo ay depende sa bilang ng software user. Puwede nilang gamitin ang software sa bawat bayad na feature nang walang limit sa naka-set na ticketing o runtime.
Maging pamilyar sa ticketing solutions at aralin ang software commitments. Kasama rito ang base pricing, software o hardware requirement, built-in features, integrations, suportadong customer communication channels, at kahit ang customer support para sa helpdesk user. Kapag nakuha na ninyo ang mahalagang impormasyon, makapagdesisyon kayo nang tama sa kung anong software ang pinakamaganda sa inyong sitwasyon.
Kasama sa pinakakaraniwang isyu sa pagpili ng pinakamagandang ticketing software para sa inyong business ay ang pricing options. Ang presyo ng ticketing software ay depende sa ilang factors tulad ng basic features, integrations, reliability, at iba pa. Siguraduhing isipin ang lahat ng options at ikumpara ang pricing levels para masiguradong makukuha ninyo ang software na kailangan ninyo nang di sumosobra sa bayad.
Ang kahit anong helpdesk software ay dapat nagbibigay ng mahusay na support para sa users nito. Kaya kailangan ang user-friendly self-service options at direct contact options. Ang customers ng LiveAgent ay puwedeng makontak ang support line nang 24/7 gamit ang email, live chat, o phone sa kahit anong oras. Puwede rin kayong mag-browse sa aming external knowledge customer base para sa self-service options.
Magbigay ng mahusay na customer service na maraming tools na makatutulong sa inyong maabot ang bawat mahalagang customer channel. Halimbawa, bigyan ang inyong customers ng options na makontak kayo sa email, live chat, calls o kahit sa social media. Kasama ang dagdag na customer portal at external knowledge base, masisigurado ninyong ang inyong customers ay mahahanap ang kanilang gustong option.
Nalulula ba kayo sa dami ng incoming requests? Ang bawat magandang ticketing software ay makatutulong sa inyong mag-scale up kung kinakailangan at makatutulong sa inyong makapagdagdag ng space para sa mas maraming customer support agent. Puwede ring kabaliktaran. Puwede kayong mag-downgrade kung tingin ninyo ay nagbabayad kayo nang sobra sa features na hindi ninyo ginagamit.
Ang inyong customer support team ay dapat meron ng lahat ng kailangan para makapagbigay ng support. Ang limit ng software ay hindi naman masama, lalo na kung para sa mga helpdesk na hindi kailangan lahat ng tools at features ng software.
Ang customer service reps ay dapat nagtatrabaho bilang isang unit. Samantalahin ang helpdesk collaboration tools, mag-share ng customer profiles, at madaling mag-cooperate para maayos ang isyu ng customer. Kahit sino ay puwedeng tumulong. Matutulungan kayo ng LiveAgent sa notes, tags, contact information, at paghati ng customer ticket kung kailangan.

Nagsimula ang LiveAgent noong 2006 dahil ang founders nito ay hindi makahanap ng magandang customer support tool na merong live chat kaya gumawa na lang sila. Noong 2011, pinalawak nila ang features ng software at isinama ang helpdesk ticketing system. Ngayon, ang LiveAgent ay may higit 45 ticketing features at lampas 200 integration pati na ang support ng third-party integration, at madali itong gamitin at i-setup. Ang helpdesk ticketing features nito ay pinahuhusay ang productivity habang pinatataas ang customer retention at conversions. May kasama itong optional na mobile app sa kahit anong plan. Puwede rin kayong mag-reach out para sa pag-setup ng custom integrations.
Ang LiveAgent ay isang highly scalable option na merong matatag na level ng customization at options para sa integration sa iisang platform. Dahil sa marami nitong features at matatag na integrations, customizable ito para umayon sa pangangailangan ng maliliit at malalaking kompanya mula sa iba-ibang industriya.
Ang LiveAgent ay isang malakas na choice para sa gipit sa budget dahil ito ay may presyong rasonable kahit sa pinakamataas nitong tier. Pero hindi nito sinusuportahan ang SAML single sign-on para sa mga enterprise na may daan-daang empleyado.
Free
Small – $9/agent/buwan
Medium – $29/agent/buwan
Large – $49/agent/buwan

Nag-launch ang Zoho ng helpdesk ticketing system noong 2016 na merong integration sa maraming apps na gawa ng Zoho. Sa pagitan ng marami nitong apps para sa bawat level ng business, na bumababa pa rin kada ilang buwan, naabot na nila ang mahigit 60 milyong user. Dagdag pa, meron silang comprehensive at rasonableng presyo na cloud-based software.
Ang Zoho ay isang scalable system mula sa isang empleyado hanggang sa daan-daan. Ang users ng Zoho ay may dagdag na library ng Zoho products na puwedeng ma-integrate sa Zoho Desk.
Habang meron itong rasonableng presyo, ang pagdagdag ng isang light agent ay may dagdag na $6 kada buwan (at 50 libreng light agent sa pinakamataas na tier). Ang light agents ay may limitadong helpdesk privileges dahil hindi sila bahagi ng customer support team pero puwedeng magbigay ng support sa customer service interactions. Wala rin itong SAML single sign-on, at ang customer relationship management (CRM) integration ay sa ibang produktong mula sa Zoho. Isa sa natatanging feature nito ay ang AI Zia, na siyang magaling na dagdag sa support staff pero available lang sa pinakamataas na tier. Meron din silang dagdag na benepisyo na pinababang presyo kung taunan ang billing.
Free
Standard – $20/agent/buwan ($14/agent/kada taon)
Professional – $35/agent/buwan ($23/agent/kada taon)
Enterprise – $50/agent/buwan ($40/agent/kada taon)
Pagkumpara ng LiveAgent vs Zoho Desk

Ang mabilis na i-set up na web-based helpdesk na HappyFox ay may offer na napakalaking customization options, administration governance, at security features na magbebenepisyo sa malalaking business. Dagdag pa, madali itong gamitin at may offer na maraming features na hinahayaan ang customer self-service para mapagaan ang workload ng inyong agents.
Dahil walang libreng option at ang pricing options nila ay nagsisimula sa $29 bawat agent kada buwan, hindi ito madaling ibenta para sa maliliit lang ang budget. Ang maganda, may offer silang unlimited agent service pero may limit ang ticket kada taon para sa mas extensive na operations. Ang kompanya ay nagbibigay ng single sign-on at tools para panatiliin ang governance at security para sa malalaking business.
Required ang 5 agent sa lahat ng plan pero mahirap sabihin kung ito ay maganda o masamang bagay nang hindi inaalam ang pricing structure.
Hindi agad available ang mga presyo pero may offer silang apat na tier ng agent-based pricing na nagsisimula sa $29/agent/buwan. Meron ding apat na tier ng unlimited agents na may limitadong ticket at custom fields. Ang limit ay nagsisimula sa 10,000 ticket kada taon at sampung custom fields, at ang pinakamataas na tier ay merong 250,000 ticket kada taon at 200 custom fields.
Pagkumpara ng LiveAgent vs HappyFox
Pinagkakatiwalaan ng higit 12,000 na business sa 140 bansa, ang Help Scout ay isang customer support platform na ginawa para sa lumalaking mga business. Bilang resulta ng focus ng Help Scout sa customers, nagpapadali ito ng collaboration sa pagitan ng team members, isang bagay na naitaguyod sa loob ng sampung taong karanasan.
Ang Help Scout ay dinisenyo para lumago kasama ng inyong business at sinusuportahan nito ang lahat ng laki ng business. Ang pinakamababang tier ay nagsisimula sa malawak na range ng features. Ang service ay may kasamang advanced security tulad ng HIPAA-compliant na features at single sign-on capabilities sa panggitna at pinakamataas na plan.
May offer silang 15-araw na trial ng kanilang dalawang mababang tier. Pero ang pinakamataas na tier, kahit meron itong matatag na features na hinahanap ng kahit anong enterprise, ay walang presyong nakalista. Ang Help Scout ay isang option na hinahayaan ang mga kompanyang mag-upgrade ng kanilang plan habang lumalaki ang kanilang kompanya. Wala itong offer na libreng version.
Standard – $25/agent/buwan ($20/agent/kada taon)
Plus – $50/agent/buwan ($40/agent/kada taon)
Enterprise – Kailangang mag-request (kada taon lang)
Pagkumpara ng LiveAgent vs Help Scout
Hindi man kasingkilala ng ibang helpdesk ticketing systems sa listahan, ang KB Support ay tutok sa pagiging pinakamagandang support tool plugin sa WordPress at eCommerce websites.
Ang produktong ito ay nakatuon sa mga nagsisimulang business sa web, may plugins na partikular sa WordPress at eCommerce integration.
Habang ang KB Support ay may mababang taunang halaga ng billing, kailangan ng isang taong commitment pagkabayad. Meron silang option na bumili ng partikular na plugins na kasama sa bawat tier ng plan, kaya pwede kayong magdesisyon kung ano ang kailangan ninyo at hindi, pero ang bundles ay may discount. Labas sa halaga, ang isang con ay wala itong smart assigning technology; random lang ang pag-assign o batay sa active tickets kada user.
Para sa single site, kada taon ang billing (tataas ang presyo kada site hanggang sa unlimited plan):
Starter – $74
Professional – $102
Enterprise – $150
Pagkumpara ng LiveAgent vs Help Scout
Isa sa pinakakilalang help desk ticketing system, ang Zendesk ay maraming options na nagsisimula sa $19 bawat agent kada buwan na may basic features, at ang enterprise-ready na plan ay nagsisimula sa $99 bawat agent kada buwan. Ang higher-end service na ito ay pinagkakatiwalaan ng mga kompanyang tulad ng Uber at Netflix, pati higit 160,000 kompanya sa buong mundo.
Ang Zendesk ay may offer na mga plan para sa bawat laki ng business at libreng trial para sa bawat level.
Ang features ng Zendesk ay extensive, merong plans para sa maliliit na business hanggang sa corporation level. May taunang billing o buwanan, walang commitment sa Zendesk sa labas ng terms na iyan (walang refund sa cancellation o downgrading).
Support Team – $19 bawat agent/buwan na taunan ang billing
Support Professional – $49 bawat agent/buwan na taunan ang billing
Support enterprise – $99 bawat agent/buwan na taunan ang billing
Suite Team – $59 bawat agent/buwan na taunan ang billing
Suite growth – $99 bawat agent/buwan na taunan ang billing
Suite Professional– $125 bawat agent/buwan na taunan ang billing
Suite Enterprise – $199 bawat agent/buwan na taunan ang billing
Pagkumpara ng LiveAgent vs Zendesk
Habang may offer na maraming helpdesk options mula customer service hanggang IT support, ang Vision Helpdesk ay isang helpdesk ticketing system na may focus sa inyong empleyado na may collaboration at gamification features na nagtataguyod ng positibong work environment. Pero hindi ibig sabihin na pinababayaan ang customer, na may offer na multi-channel approach para makipag-interact ang customers sa support.
Ang system ay gagawa ng centralized helpdesk para sa inyong business na may customizable workflows. Pero kahit meron itong rasonableng presyo, wala itong malawak na pagpipiliang features na kailangan ng ilang malalaking enterprise.
Kahit available ang Vision Helpdesk sa parehong SaaS cloud at downloadable licenses, ang SaaS cloud license ay available lang sa US, UK, EU, at India. Pero meron silang libreng 30-araw na trial na walang obligasyon.
Mas nakatuon itong system sa billable customer service hours kaysa sa general customer service, at ang live chat function ay hiwalay na bibilhin.
Starter – $12 bawat agent kada buwan, taunan ang billing / $15 bawat agent, buwan-buwan ang billing
Pro – $20 bawat agent kada buwan, taunan ang billing / $25 bawat agent, buwan-buwan ang billing
Satellite Help Desk – $24 bawat agent kada buwan, taunan ang billing / $30 bawat agent, buwan-buwan ang billing
Pro Service Desk – $32 bawat agent kada buwan, taunan ang billing / $40 bawat agent, buwan-buwan ang billing
Ent Service Desk – $48 bawat agent kada buwan, taunan ang billing / $60 bawat agent, buwan-buwan ang billing
Pagkumpara ng LiveAgent vs Vision Helpdesk
Tulad ng iba sa listahang ito, ang HubSpot Service Hub ay naka-setup na lumago kasama ninyo, at isa itong kilalang pangalan sa madami nitong offer na produkto. Puwede kayong magsimula sa libreng plan mula sa pinagkakatiwalanag pangalan sa internet, at puwede ninyong gamitin ang flexible support at madaling onboarding para mas mabuting maintindihan ang inyong customer.
Ang HubSpot Service Hub system ay isang option na puwedeng mag-scale ng inyong business sa parehong libre at bayad na versions, depende sa pangangailangan ng inyong kompanya. Ang mas matataas na levels ay may offer na mga essential features para sa mas malalaking business habang ito ay lumalago.
May offer silang libreng version na maraming essential features na kailangan ninyo para makapagsimula. Pero ang ticket automation ay nagsisimula lang sa $50 kada buwan na plan, na may kasamang dalawang agent at abilidad na makapagdagdag ng users na $25 kada isa sa simulang level. Sa pinakamataas na level, taunang commitment ito.
Free tools
Starter – Simula sa $50/buwan, buwanan ang billing (Simula sa 2 bayad na users)
Professional – Simula sa $450/buwan, buwanan ang billing (Simula sa 5 bayad na users)
Enterprise – Simula sa $1,200/buwan, ang billing ay $14,400/taon (Simula sa 10 bayad na users)
Pagkumpara ng LiveAgent vs Hubspot Service Hub
Ibinibenta bilang isang helpdesk solution na gumagawa ng mas personalized experience para sa customer, tinatanggal ng Front ang ticket numbers para mabigyan ang customer ng personal na tugon. Madali at intuitive ito, at ang automation ay hinahayaang masubaybayan ang pag-assign ng inquiries sa tamang support team member.
Ang Front ay highly scalable na system na merong hanggang sampung teammates sa mababang level, 50 sa pangalawa, at unlimited sa pinakamataas.
Wala itong ticketing system pero gumagana ito sa pag-organisa ng support gamit ang shared inboxes at pag-assign sa kanila gamit ang automatic load balancing. Kahit hindi automated ang pagbibigay ng assignments ng ticketing system, puwede pa rin kayong makagawa ng rules na gagawa noon (ang custom rules ay available lang sa $49 na tier).
Meron ding isang taong commitment.
Starter – $19 kada tao, kada buwan, taunan ang billing
Growth – $49 kada tao, kada buwan, taunan ang billing
Scale – $99 kada tao, kada buwan, taunan ang billing
Pagkumpara ng LiveAgent vs Front
Ang system na ito ay isang abot-kayang option para sa maliliit at medium na mga business, na gustong mapasimple ang karanasan ng paggamit ng isang helpdesk system. May offer itong customization options at third-party app integration.
Kahit may kamahalan ang halaga ng AzureDesk, meron lang silang nag-iisang plan na kulang sa enterprise-level na features. Kaya nalilimitahan ang usability nito sa maliliit at medium na mga business.
May available na libreng 14-araw na trial; pero isang plan option lang ang available. May maraming features ang plan pero limited ang scope ng scalability. Walang advanced features para sa enterprises tulad ng security o governance.
One plan – $33 bawat user kada buwang taunan ang billing ($50 bawat user kada buwang buwan-buwan ang billing).
Ang SupportBee ay isang help desk ticketing system na may layuning makagawa ng collaborative work environment para ang members ng customer support team ay puwedeng makapagbigay ng assistance sa bawat isa sa pagresolba ng customer issues. Sa paggamit ng shared inbox na madaling i-setup at mobile-optimized na, ang SupportBee ay isang flexible na team-based system.
Ang system ay may offer na lahat ng basics na kakailanganin ninyo para makapagsimula ng customer service team. Pero hindi ito nagbibigay ng support na kailangan ng mas malalaking business.
Kahit na abot-kaya, ang features at functionality ng SupportBee ay hindi malawak at comprehensive tulad ng offer ng ibang kompanyang halos kapresyo nito. Ang customer portal software ay available lang sa mas mataas na tier. Pero sa kabuuan, ito ay isang pinasimpleng ticketing system na gagana nang maayos para sa maliliit na kompanya.
Startup – $15 /user/buwan o $13 /user/buwan na taunan ang billing
Enterprise – $20 /user/buwan o $17 /user/buwan na taunan ang billing
Pagkumpara ng LiveAgent vs SupportBee
Pinagkakatiwalaan ng mahigit sa 40,000 business kasama ang HP, Pearson, at American Express, ang Freshdesk ay isang all-in-one customer service platform. Sa scalable platform, native na multi-channel support, at collaborations features ng Freshdesk, puwedeng ma-streamline ang trabaho ng inyong business, at lalampasan nito ang inaasahan ng customer.
Ang system ay ginawa para mag-scale na merong abot-kayang options para sa iba-ibang lagay ng business.
Merong libreng version na may basics na kailangan ng isang kompanya para makapagsimula. Pagkatapos noon, sa bawat level ay may dagdag na features na kakailanganin ninyo habang lumalago kayo. Pero ang skill-based routing ay available lang sa mas matataas na tier.
Free
Growth – €15 /agent/buwan, taunan ang billing – €18/agent/buwan, buwanan ang billing
Pro – €49/agent/buwan, taunan ang billing – €59/agent/buwan, buwanan ang billing
Enterprise – €79/agent/buwan, taunan ang billing – €95/agent/buwan, buwanan ang billing
Pagkumpara ng LiveAgent vs Freshdesk
Bilang isang support plugin para sa WordPress, ang Awesome Support ay simple, madaling i-setup, at maraming add-ons na kasama sa bawat bundle level. May offer silang “pinakakahanga-hangang” helpdesk at support plugin para sa WordPress, na may higit 10,000 active na installs.
Kahit na merong malalaking WordPress-based na site tulad ng Microsoft News at BBC America, ito ay pinakamaganda sa mas maliliit na kompanya dahil kailangan nitong maisama ang security at management features para maging useful sa mas nakatataas. Pero kahit hindi ito kailangan sa mas malalaking kompanya, malaking selling point ang unli na agents.
Kahit may offer silang unli agent at unli ticket, kailangan ninyong mag-commit na gagamitin ang produkto ng isang taon. Ang bentahe ay abot-kaya ang bawat tier para sa kahit anong business level, pero wala silang option na kakailanganin ng malaking business.
Standard – $149 kada taon
Pro – $229 kada taon
Enterprise – $289 kada taon
Agency – $409 kada taon
Pinagkakatiwalaan ng Fujifilm, Comcast at ng NBA, ang TeamSupport ay isang web-based business-to-business customer support system. Meron itong omnichannel support na pinadadali ang collaboration at pag-streamline ng customer support tickets sa pag-integrate ng software na nasa tool kit na ninyo.
Ang support service ng system na ito ay maraming offer, pero ang simulang presyo bawat agent kada buwan ay mataas. Ibig sabihin, baka hindi ito kaya ng ilang maliliit na kompanya.
Marami sa features nito ay naka-focus sa B2B customer service at IT support. Ang downside ay $49 kada agent kada buwan ang pinakamababang halaga, may kamahalan kumpara sa ibang help desk ticketing system na may kaparehong features na may mas mababang price point.
Essential Support – $49 bawat agent kada buwan
Enterprise Support – $69 bawat agent kada buwan
Complete Customer Support Suite – $119 bawat agent kada buwan
Pagkumpara ng LiveAgent vs TeamSupport
Ang Freshservice ay isang cloud-based na IT service management solution. Tulad ng helpdesk counterpart nito, madali itong gamitin, all-inclusive ang system na may matitinding pagpipiliang features.
Ang scalabity ng platform na ito ay nagbibigay ng abilidad na magamit sa kahit anong laki ng business habang lumalago sila.
May offer silang libreng 21-araw na trial period na activated ang lahat ng features. Hinihikayat nila ang collaboration sa loob ng kanilang features. Nagbibigay sila ng security features na pinoprotektahan ang data sa cloud na may access management at encryption para sa in-transit data. Unfortunately, wala silang libreng version.
Starter: €15 bawat agent kada buwan, taunan ang billing.
Growth: €40 bawat agent kada buwan, taunan ang billing.
Pro: €80 bawat agent kada buwan, taunan ang billing.
Enterprise: €405 bawat agent kada buwan, taunan ang billing.
Higit 100,000 organisasyong tulad ng Disney at Honda ang nagtitiwala sa ManageEngine para mag-manage ng kanilang IT. Ang Service Desk Plus system nila ay isang cloud-based IT solution na ginagawang masaya ang parehong IT professionals at customers sa higit sampung taon.
Kahit may malawak na pagpipiliang features ang ManageEngine Service Desk Plus, kung hindi alam ang detalye ng halaga nito, mahirap itong irekomenda sa partikular na laki ng business. Ang pricing plans ay mukhang mahusay mag-scale sa bawat level ng business. Nakikipag-ugnayan din sila sa Zoho para magamit ang kanilang Zia AI assistant bilang potential na unang contact point para sa customer.
Wala itong libreng version. Meron itong trial period na 30 araw kada service desk instance, pati na rin demo.
Ito ay isang all-inclusive IT service na may magaling na features para paghusayin ang service ng inyong organisasyon, kasama na ang asset at problem management.
Standard – $12 bawat technician kada buwan, buwanan ang billing ($10 bawat technician kada buwan, taunan)
Professional – $23 bawat technician kada buwan, buwanan ang billing ($21 bawat technician kada buwan, taunan)
Enterprise – $58 bawat technician kada buwan, buwanan ang billing ($50 bawat technician kada buwan, taunan)
Higit 131,000 agents ang nagbibigay ng support gamit ang Kayako, mula sa Sega hanggang sa MTV at Acer. Ang system ay ginawa para maging personal at deretsahan. Mabilis itong ma-implement, madaling gamitin, at may kakaibang features tulad ng SingleView, na ginagamit nila para gawing personalized ang journey para sa mga importanteng customer.
Ito ay isang system na puwedeng gamitin ng lahat ng level ng business dahil ang features nito ay hinahayaan kayong mas maintindihan ang inyong customer base, na siyang unique sa Kayako. Napaka-abot-kaya rin nito sa kahit anong level ng business, nagsisimula sa $12.50 bawat agent kada buwan.
Ang SingleView system, na sumusubaybay sa customer journey sa inyong site, ay hinahayaan ang inyong agent na mag-deliver ng customer service sa context ng inyong customer experience. Ang omnichannel na inbox at SingleView ay available sa pinakamababang level ng pricing plans.
Wala itong libreng version pero merong libreng 14-araw na trial at demo. Kaya lang, wala itong single sign-on feature.
Gold Support Plan – $12.50 bawat agent kada buwan
Platinum Support Plan – $25 bawat agent kada buwan
Pagkumpara ng LiveAgent vs Kayako
Ang SolarWinds ay isang modernong IT service management (ITSM) solution na kasama lahat ng features ng isang helpdesk ticketing service, na unique sa system na ito.
Ang system na ito ay may pricing structures para sa bawat business level at madaling i-scale habang lumalago kayo.
Libreng 30-araw na trial. May demo kapag nag-request. Rasonableng presyo. Ang system na ito ay may automation tools na nakatutulong ilagay ang tamang ticket sa tamang team member. Pero wala silang libreng version.
Team – €19 bawat agent kada buwan, may dagdag na €0.10 sa bawat gadget kada buwan
Business – €39 bawat agent kada buwan, may dagdag na €0.30 sa bawat gadget kada buwan
Professional – €69 bawat agent kada buwan, may dagdag na €0.50 sa bawat gadget kada buwan
Enterprise – €89 bawat agent kada buwan, may dagdag na €0.70 sa bawat gadget kada buwan
Pagkumpara ng LiveAgent vs SolarWinds
Sa software nila na ginagamit ng Adobe at Microsoft, ang JitBit helpdesk ay isang SaaS cloud-based service na may single sign-on at GDPR at HIPAA compliance. Sa automation rules, ang JitBit ay nakatutulong na maayos ang inyong tickets at nakakatipid ng oras ng inyong team.
Sa scalability at security ng system na ito, puwede kayong mag-expand at makakuha ng mga serbisyong kailangan ninyo habang lumalago kayo.
Ang libreng 21-araw na trial ay puwedeng ma-extend kung kinakailangan. Sa ilang segundo, makagagawa na ng site na puwede ninyong gamitin at i-test. May consistent na presyo ito kada buwan pero may limit sa bilang ng agent sa bawat tier maliban sa pinakamataas.
Ang “Powered by JitBit” ay hindi nakatago maliban sa pinakamataas na tier. Walang libreng version.
Freelancer: nagkakahalaga ng $29 at 1 agent lang.
Startup: nagkakahalaga ng $69 para sa 4 agent.
Company: nagkakahalaga ng $129 para sa 7 agent.
Enterprise: nagkakahalaga ng $249 para sa 9 agent, na may $29 bawat extra agent.
Tulad ng Zoho, ang Jira ay bahagi ng network ng applications. Ibig sabihin puwede itong ma-integrate sa lahat ng applications sa ilalim nito. Ang Jira product sa industriyang ito ay ginawa para sa bilis at makatutulong sa inyong masagot ang mga tanong nang mas mabilis at maitaas ang customer satisfaction. Ang ilang gumagamit ng kanilang serbisyo ay ang Domino, Square, at Twitter.
Ang system na ito ay gumagana nang mahusay para sa lahat ng level ng business, may offer na libreng option at abot-kaya ang tier na puwedeng ma-scale hanggang sa enterprise. Ang bawat level ay nagbibigay ng encryption habang at-rest at in-transit.
May libreng version na maraming features, at ang interesadong kompanya ay puwedeng mag-book ng live demo.
Pero ang halaga ng enterprise ay naka-lock sa contact form.
Free – Hanggang 3 agent
Standard – $21 bawat agent (average) kada buwan
Premium – $47 bawat agent (average) kada buwan
Enterprise – Taunan ang billing, merong hanggang 201 agent o higit pa
Pagkumpara ng LiveAgent vs Jira Service Desk
Ang trial version ay palaging may pakinabang sa pagdedesisyon sa pipiliing helpdesk ticketing systems. Bago kayo mag-commit sa isang serbisyo, kailangan muna ninyong maranasan kung paano ito gamitin sa pang-araw-araw. Puwedeng ang service ay meron lahat ng features na hinahanap ninyo pero hindi pa rin angkop sa inyo. Minsan, ang pakiramdam ng isang system ay hindi tama, at kailangan ninyong subukan para makita. Para lang itong isang pares ng pantalong maong, puwedeng maganda ang hitsura sa mannequin pero hindi tama ang fit sa inyo.
Pareho lang ito sa kahit sinong customer ninyo. Pinili nila ang brand ninyo dahil gumagana ito para sa kanila. Kaya kailangan munang subukan bago ninyo bilhin.
Sa ngayon, ang LiveAgent ay available para sa 14-araw na trial ng lahat ng kanilang all-inclusive plan nang walang kailangang credit card. Tatagal lang ng ilang minuto ang pag-signup at pagsisimula ng inyong test drive.
Maliban na lang kung gusto ninyong mag-focus lang sa canned messages, ang inyong staff ay kailangang na-train sa parehong basic at advanced na ticketing at customer support. Kaya ang ticketing software ay dapat madali lang pag-aralan para sa lahat, kahit sa komplikadong event scenarios, at makatutulong sa inyong agents na matutunan kung paano gamitin ang fully-featured helpdesk software. Ang LiveAgent system ay may offer na madaling gamiting start-up guide na magtuturo sa kahit sino kung paano mag-set up ng lahat at kung paano makapagsisimula. Puno ng articles ang Academy tungkol sa lahat sa helpdesk systems tulad ng ticketing, live chat, call center, at marami pang iba. Makatutulong din ito sa inyong agents na mapag-aralan kung paano maging full-fledged helpdesk experts at maaasahang customer service agents.
Sa customer interaction, hindi palaging kailangan ang bawat tool, service channel o advanced feature. Ang iba-ibang business ay may iba-ibang pangangailangang solution sa usapin ng ticketing. Ang pagbabayad nang sobra para sa features na hindi ninyo gagamitin ay puwedeng makasama pa sa agent performance at humantong sa komplikadong customer service platform. Pakinabangan ang libreng trials para malaman kung ano ang angkop para sa inyo at ano ang hindi.
Ang trials ay mahalaga dahil hinahayaan nitong masubukan ninyo ang system at ang interface na may features. Huwag ninyong laktawan ang libreng trial dahil lang may nabasa kayong mabulaklak sa website. Ang mga libreng trial ay hinahayaan kayong masubukan ang basic features at maipakita kung paano i-handle ang komplikadong events at sitwasyon sa araw-araw na customer support.
Puwedeng sapat na ang binabayaran ninyong helpdesk interface na may features, pero naisip na ba ninyo ang mangyayari kung may gagawin kayong upgrade? Ang karamihan sa matatag na ticketing systems ay may offer na iba-ibang bayad na plan na puwedeng meron o walang kasamang features. Siguraduhing pumili ng solution na hahayaan kayong mag-upgrade at tumutugon sa inyong pangangailangan.
May ilang bagay na tinatanong ng daan-daang organisasyon sa demo call. Una, kailangan ninyong alamin ang inyong babayaran. Magtanong tungkol sa sinusuportahang customer communication hub o channel options, features na kasama sa plans, at ang sinusuportahang third-party integrations sa ibang software. Pagkatapos, ang pricing options naman. Ang buong halaga ng ownership ay isa sa pangunahing priority.
Ang implementation ng ticketing software ay madaling proseso sa pangkalahatan, na nag-iiba-iba sa ilang bahagi. Ang pangunahing kaibahan ay sa pagitan ng web-based at application-based software. Kadalasan, nilalaktawan na ang installation process sa web-based solutions at sinisimulang gamitin ito agad. Ang kailangan lang ay ibigay ang inyong email address at magrehistro sa libreng trial. Kapag nakumpirma na ang inyong email, puwede na kayong mag-login at maging pamilyar sa helpdesk platform. Bilang halimbawa, ang LiveAgent ay may offer mula pa sa simula ng isang madaling gamiting guide sa pagsisimula. Tumutuloy ito sa ilang simpleng hakbang na makatutulong sa inyong mag-setup ng inyong bagong solution.
Ang pinakamagandang helpdesk ticketing system ay ginagawang mabisa ang inyong operations at pinalalakas ang self-serve options para sa customers nang mabawasan ang workload ng inyong empleyado. Ang solutions tulad ng LiveAgent ay may matatag na customization options para makagawa ng workflow na partikular sa inyong business. Ang pinakamagandang system ay ang pinaka-angkop sa inyong unique requirements.
Kung kayo ay maliit na business, ang goal ng inyong pagpili ay ang ROI, halaga, at scalability. Kaya ang paghahanap ng system na matutugunan ang inyong mga pangangailangan sa presyong abot-kaya ay ang ideyal na scenario.
Ang mga simpleng ticketing system provider ay may offer na libreng version ng kanilang software na may limitadong capabilities. Ang LiveAgent ay may offer na libreng plan na nagbibigay ng basics ng lahat ng kailangan ninyo para makapagsimula tulad ng chat button, basic reporting, at customer portal. Ang isa pang may rasonableng presyo ay ang Zoho Desk na may offer ding libreng version. Mula roon, puwede ninyong piliinng mag-upgrade sa bayad na plan.
Habang tuloy-tuloy na lumalago ang inyong business, may options pa sa mid-level market ng helpdesk ticketing systems, dahil mas maraming features kung mas maraming pera. Sa puntong ito, meron siguro kayong lumalaking team ng helpdesk agents. Dapat naka-focus kayo sa pagsasama-sama sa kanila sa system na nagpapatibay ng collaboration at may kakayahang mag-integrate sa iba-ibang applications na meron na kayo at sa iba pang plano ninyong palaguin. Pero may focus pa rin dapat sa halaga dahil malamang ay hindi ninyo gustong masira ang budget ninyo ng masyadong maraming features.
Ang LiveAgent ay kayang mag-integrate sa higit 190 programs sa level na ito, kasama ang social media. Ang social media ay mahalaga para sa inyong marketing campaigns, lalo na kung pasikat kayong brand. Ang pagsagot sa mga tanong at concerns sa social media ay makatutulong sa pag-expand ng inyong brand at paggawa ng di-malilimutang customer interactions. Tulad ng ibang helpdesk ticketing systems, puwede rin itong mag-integrate sa Slack para makatulong sa suwabeng usapan sa pagitan ng team members. Ang isa pang magandang option ay ang Jira Service Desk dahil ipinagmamalaki rin nito ang malawak na integrating options.
Ang malalaking business ay kayang tumodo-todo. Ngayong kaya ninyong bumili ng lahat, oras na para tingnan lahat ng features na gusto at kailangan ninyo. Pero ang paghahanap sa tamang halaga pa rin ang pinakamagandang gawin, kahit pa gaano kalaki ang perang gagastahin ninyo.
Ang mga bigatin sa larangang ito gaya ng LiveAgent, Zendesk, at Jira Service Desk ay may offer na ilang quality na wala sa iba tulad ng collaborative features, automations, at single sign-on. Sa single sign-on, ang mga user ay makaka-access ng software gamit ang kasalukuyan nilang credentials tulad ng pag-sign-in sa Google account.
Hindi ibig sabihin ay ito lang ang options. Depende sa kung ano ang kailangan ninyo sa customer support bilang isang malaking business, baka mas magandang kunin ninyo ang cost-effective option na merong kailangan ninyo. Halimbawa, ang LiveAgent ay maraming features na kahit ang pinakamataas nitong tier ay rasonable, at may offer silang katulad ng halaga ng ilang helpdesk system na mas mahal ang presyo.
Napag-usapan na natin ang maraming benepisyo ng isang help desk ticketing system at kung paano ito magagamit sa inyong business. Ang ticketing software ay naging isa sa pinaka-importanteng tool sa pag-handle ng customer support. Sa pagtaas ng bilang ng online users, lahat sila ay may inaasahang mataas na quality ng customer service at support. Ang aspektong ito ang pangunahing kaibahan sa pagitan ng pananatili o pagkawala ng customer. Ang isang helpdesk ticketing system ay sumusuporta sa inyo at inyong business na makagawa ng pinakamagandang customer service experience sa pagpapahusay ng inyong workflow gamit ang automation. Gumagawa rin ito ng actionable data mula sa bawat naka-log na customer transaction at binabawasan ang inyong oras kada ticket sa paglalagay sa kanila sa agent na pinakabagay sa trabaho.
Sa pag-asa sa tamang communication channels at sa pagkakaroon ng mga mahusay na na-train na customer support agent, ang helpdesk ticketing system ay puwedeng maging napakahalagang dagdag sa inyong customer service strategy. Kunin ang tamang ticketing software para sa inyong helpdesk at tumugon nang napakadali sa service requests.
Lilipat mula sa Gist papuntang LiveAgent?
Lipat sa LiveAgent mula sa Gist nang libre! Simulan ang 30-araw na trial at pagbutihin ang suporta gamit ang multi-channel na sistema.
Naghahanap ng alternatibo sa Gist?
Subukan ang LiveAgent, ang pinakamahusay na alternatibo sa Gist! 24/7 support, walang setup fees, at libreng trial. Simulan ngayon!"
Live chat para sa mga pang-edukasyon at hindi pang-gobyernong organisasyon
Discover the benefits of live chat for educational and non-governmental organizations! Enhance student, parent, and donor relationships with real-time support for applications, registration, and more. Enjoy 24/7 customer service, no setup fees, and cancel anytime. Transform communication strategies and build lasting connections. Visit now to learn how live chat can modernize your services!
Lilipat mula sa Extend papuntang LiveAgent?
Lumipat sa LiveAgent mula sa Extend! Subukan ang aming multi-channel na suporta ng libre sa loob ng 14 na araw. Walang kinakailangang credit card.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.



