Sales woman calling

Sales call checklist

Nakakanerbiyos ang paggawa ng isang sales call, lalo na kung unang beses ninyo itong gagawin. Huwag mag-alala – nandito kami para tumulong. Ang checklist na ito ay magbibigay sa inyo ng praktikal na listahan ng tasks para wala kayong makaligtaan. Magsimula na tayo.

Ang importansiya ng isang sales call checklist

Ang isang matagumpay na call meeting ay nagaganap sa paghahanda. Kaya nga makatutulong ang paggamit ng isang sales call checklist para makasiguradong nakuha lahat ng kailangan ninyo bago ang meeting.

Ang isang sales call checklist ay maraming benepisyo – nakatutulong ito sa inyong manatiling organisado at tinitiyak na nakuha ninyo lahat ng pangunahing puntos sa inyong proseso o mag-adjust kung kinakailangan. At saka pinapaigting nito ang inyong kumpiyansa sa sales calls.

Sino ang magbebenepisyo mula sa isang sales call checklist?

  • Mga sales professional

Kapag bago kayo sa sales, ang sales call checklist ay tutulong sa inyong maalala kung ano ang sasabihin at gagawin habang at pagkatapos ng inyong meeting o call. Gaano man ang inyong karanasan, ito ay laging praktikal at tumutulong sa inyong manatiling organisado.

  • Mga sales leader

Kapag kayo ay nagma-manage ng isang sales team, puwede rin kayong gumamit ng sales call checklist para makatulong sa inyong team members na makapaghanda sa kanilang meetings. Puwede rin ninyong gamitin para i-track ang progreso ng inyong team at matukoy  ang mga bagay na kailangang ayusin. Ang mga checklist ay makatutulong din sa pagtukoy ng bottlenecks sa proseso ng sales.

  • Mga sales operations professional

Sa mga nagtatrabaho sa sales operations ay puwede ring gumamit ng isang sales call checklist para mapahusay ang efficiency ng kanilang team meetings. Ang isang mahusay na ginawang checklist ay makatutulong ding bawasan ang dami ng oras sa ginagawang paghahanda para sa meetings para mas makapag-focus sila sa pagbebenta.

  • Mga negosyante

Ang mga may-ari ng business ay puwede ring gumamit ng isang sales call checklist para matulungan silang makapagsara ng mas maraming deals. Ang isang komprehensibong sales call checklist ay magpapaalala sa kanila ng lahat ng key points na kailangan nilang ma-cover sa meeting. Hinahayaan silang makapag-isip ng pitch.

Ang bottom line ay ang sales call checklist ay isang mahalagang tool para sinumang may gustong maging matagumpay sa sales.

Diskubrehin ang sales call checklist

Pagpaplano bago tumawag

Sales call checklist

Ang pagkakaroon ng customer service software na naka-integrate sa isang CRM ay isang napakagaling na panimula para sa sales reps. Sa ganitong paraan, makikita nila ang lahat ng customer interactions at kanilang associated data sa isang lugar.

Bakit importanteng hanapin ang contact sa LiveAgent?

Para makakuha ng napapanahong impormasyon tungkol sa isang prospect bago gumawa ng isang call. Ang sales reps ay puwedeng gamitin ang customer data sa kanilang CRM para makuha ang info, na kasama ang nakaraang mga interaksiyon, contact history at mga detalye ng account. Ang pagkakaroon ng impormasyong ito nang mas maaga ay makatutulong sa sales reps na maging mas personal ang kanilang mga pitch at magkaroon pa ng makabuluhang pag-uusap sa prospects.

Paano hanapin ang contact sa LiveAgent?

Sa built-in na CRM ng LiveAgent, makikita ninyo ang history ng mga interaksiyon ng inyong customer sa inyong business. Puwede ninyong makita lahat ng mga nakaraang message at detalye ng bawat interaksiyon kasama ang konteksto, channel, at mga nakaraang pag-uusap.

Puwede rin kayong magsulat ng custom na pribadong notes tungkol sa bawat kliyente para makasigurong wala kayong makaligtaang detalye.

Kung wala pa kayong LiveAgent, walang problema. Magagamit pa ninyo ang aming libreng 14-araw na trial para makuha ang pakiramdam kung paano gumagana ang software at makita kung bagay ito sa inyong business.

Contact fields feature in Customer service software - LiveAgent

Aling tools ang gagamitin para hanapin ang contact?

  • built-in LiveAgent CRM
  • third-party plugins

Ang mga nakaraang interaksiyon ay makapagbibigay sa inyo ng maraming kaalaman kung paano mag-approach ng customer sa hinaharap.

Bakit importanteng alamin ang tungkol sa nakaraang mga interaksiyon?

Ang pre-call research ay tumutulong sa inyong maiwasan ang paulit-ulit na pagkakamali, nagbibigay sa inyo ng ideya kung anong paksa ang iiwasan, at pinapakita sa inyo kung anong mga lugar ang pinakaakma sa inyong customers. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa inyong i-tailor ang inyong sales pitch para mas mainam na ma-meet ang pangangailangan ng inyong customer, pati na rin ang magtaguyod ng tiwala at kredibilidad.

Paano alamin ang tungkol sa nakaraang mga interaksiyon?

Kung humaharap kayo sa isang customer sa unang pagkakataon, tanungin ang inyong sales reps o mga katrabaho tungkol sa nakaraang mga interaksiyong kasama sila. Kapag nagma-manage ng isang sales team, ikonsiderang gumamit ng isang CRM na kasama ang historical customer data at nang maintindihan ninyo nang mas mabuti ang kanilang nakaraang behavior.

Makatatanggap kayo ng makabuluhang kaalaman mula sa LiveAgent sa isang universal inbox na pinagsasama ang tickets mula sa iba-ibang channels sa iisang lugar lang.

LiveAgent omnichannel ticketing

Aling tools ang gagamitin para alamin ang tungkol sa nakaraang mga interaksiyon?

Kilalanin pa ang inyong lead para makatulong sa inyong mas maintindihan ang kanilang pangangailangan at motibasyon.

Bakit importanteng malaman ang background ng inyong lead?

Nakatutulong ito sa inyong i-customize ang inyong pitch at pinapakitang interesado kayong kilalanin ang inyong leads. Ang pagdiskubre sa background na iyon ay magbibigay sa inyo ng maraming clues tungkol sa aling topic ang pag-uusapan. Ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon ay puwedeng suportahan ang pag-personalize, na kung saan kinakailangan kung gusto ninyong magtaguyod ng tiwala sa inyong lead.

Paano ninyo kikilalanin ang background ng inyong lead?

Tanungin sila nang direkta. Puwede rin ninyong i-research ang kanilang kompanya online para alamin ang tungkol sa kanilang mga produkto at serbisyo. Kung gumagamit kayo ng CRM, tingnan ang contact information ng inyong lead para makita kung saan sila galing at anong tipo ng trabaho ang ginagawa nila.

Contacts in Ticketing system - LiveAgent

Aling tools ang gagamitin para kilalanin ang background ng inyong lead?

Ang LinkedIn ay isang malakas na networking tool na makatutulong sa inyong alamin ang tungkol sa inyong leads.

Bakit importanteng bisitahin ang LinkedIn profile ng inyong lead?

Makatutulong itong makita ninyo ang work history ng inyong lead, maintindihan ang kanilang kasalukuyang tungkulin, at makakuha ng ideya ng kanilang mga interes. Puwede rin ninyong gamitin ang LinkedIn para maghanap ng karaniwang mga koneksiyon.

Paano bisitahin ang LinkedIn profile ng lead?

Meron kaunting options para ma-check ang LinkedIn activity ng inyong lead. Puwede kayong pumunta sa kanilang LinkedIn page mismo o gumamit ng isang tool katulad ng Sales Navigator para hanapin ang kanilang profile at makita ang karagdagang impormasyon tungkol sa kanila. Kung gumagamit kayo ng isang CRM, puwede rin ninyong tingnan ang LinkedIn profile ng inyong lead direkta mula roon.

LiveAgent's linkedin profile

Aling tools ang gagamitin para bisitahin ang LinkedIn profile ng lead?

  • LinkedIn feed
  • Sales Navigator
  • CRM
  • scraping tools

Mahalagang simulan ang paghahanda mula sa sandaling ipaalam sa inyong customer ang agenda at imbitahan sila sa meeting.

Bakit importanteng ipaalam sa customer ang agenda?

Tinitiyak nitong pare-pareho kayo ng pagkakaintindi, nagpapakitang nirerespeto ninyo ang oras ng kliyente, at binibigyan sila ng pagkakataong magtanong ng anumang katanungang meron sila. Pinapakita din nitong organisado at handa kayo, nagtataguyod ito ng tiwala sa inyong lead.

Paano ninyo ipapaalam sa customer ang agenda?

Ang pinakamahusay ay ipadala sa inyong customer ang imbitasyon ng meeting o email bago ito maganap para ipaalam sa kanila ang agenda. O puwede ring habang sa introduction ng call. Kung gumagamit kayo ng isang automation tool, puwede kayong makagawa ng templates para sa inyong email at mga imbitasyon ng meeting na automatical na sinasama ang agenda.

Woman sending email invitations

Aling tools ang gagamitin para ipaalam sa customer ang agenda?

  • email
  • imbitasyon sa meeting
  • CRM template
  • Sales Appointment solution

Bago kayo magsimula ng call, kumuha ng ilang minuto para makapag-isip kung ano talaga ang gusto ninyong makamit.

Bakit importanteng tukuyin ang goal ng call?

Nakatutulong ito sa inyong manatiling focused at tinitiyak na ang parehong partido ay malinaw tungkol sa gusto ninyong ma-accomplish. Hinahayaan din kayong masukat kung matagumpay o hindi ang call pagkatapos.

Paano ninyo matutukoy ang goal ng call?

Magdesisyon kung ano ang gusto ninyong makamit bago ninyo simulan ang call. Ano ang magiging pinakamahusay na kalalabasan para sa inyo? Puwede ninyong banggitin ang goal na ito habang nasa introduction kayo ng call.

Setting business goals illustration

Aling tools ang gagamitin para matukoy ang goal ng call?

  • meeting invitation
  • CRM template
  • goal setting worksheet

Sa napakaraming salespeople ngayon, kinakailangang merong maliwanag at concise na paraan ng pagpapaliwanag kung ano ang pinagkaiba ninyo.

Bakit importanteng handa ang inyong UVP?

Nakatutulong itong mag-standout kayo sa competition, para mapadali para sa lead ninyong maintindihan kung bakit kayo unique, at makatutulong itong makapagsara ng maraming deals.

Paano ihanda ang inyong UVP?

Ikonsidera kung bakit kayo espesyal at kung ano ang inyong offer sa inyong leads na wala sa iba. Tiyakin na ang inyong UVP ay transparent at nag-standout mula sa competition. Puwede rin kayong gumawa ng UVP template na magagamit sa bawat sales call.

Unique value proposition

Aling tools ang gagamitin para ihanda ang inyong UVP?

  • UVP worksheet
  • elevator pitch
  • competitive analysis
  • sales presentation template
  • halimbawa ng sales pitch

Habang nasa call

Kasunod ng inyong introduction, puwede kayong lumipat sa sentro ng diskusyon – ang inyong business topic.

Bakit importante ang pagdiretso sa business topic?

Kailangan ninyong isiping mahalaga ang oras ng customer, kaya dapat siguraduhing mabilis kayong makarating sa punto. Mahalaga ring manatiling focused sa agenda para ma-cover ninyo lahat ng kinakailangang topic sa loob ng tinakdang oras.

Paano suwabeng didiretso sa business topic?

Ipakilala ang sarili at ang kompanya tapos magbigay ng maikling overview kung tungkol saan ang call. Puwede rin ninyong sabihin ang mga nakaraang interaksiyong meron kayo sa customer. Kapag handa na kayo, puwede na kayong lumipat sa susunod na item sa agenda.

LiveAgent onboarding email

Aling tools ang gagamitin para suwabeng didiretso sa business topic?

  • imbitasyon ng meeting
  • CRM template
  • agenda worksheet
  • introduction email template

Sa open-ended na pagtatanong, kikilalanin ng sales professionals ang kanilang prospects nang ilang segundo.

Bakit importanteng magtanong sa open-ended na paraan?

Hinahayaan nila kayong mag-ipon ng mas maraming impormasyon tungkol sa inyong leads at makatulong na magkaroon ng rapport. Pinapakita rin nitong interesado kayong alamin ang tungkol sa customer, at paano kayo matutulungang mapalitaw kung meron mang pagtutol.

Paano magtanong sa open-ended na paraan?

Kailangan ninyong iwasan ang mga tanong na sinasagot ng oo o hindi. Sa halip, mag-focus sa mga tanong na nagsisimula sa sino, ano, kailan, saan, bakit at paano. Binibigyan ng pagkakataon ang inyong lead na mamaniobra ang kanilang mga sagot – at samakatwid mabigyan kayo ng mas maraming data. Sa halip na simpleng isang salitang sagot lang, makakukuha kayo ng kaalamang hindi ninyo makikita sa iba.

Puwede rin ninyong gamitan ng follow-up questions para higit pang ma-explore ang mga sagot.

Open ended questions example

Aling tools ang gagamitin para magtanong sa open-ended na paraan?

  • open-ended question worksheet
  • questionnaire
  • interview guide
  • objection handling sheet

Para matukoy kung interesado ang lead sa inyong offer, alamin ang kanilang goals at challenges.

Bakit importanteng alamin ang goals at challenges ng prospect?

Dagdag sa pagbibigay ng mga ideya para sa potential solutions, tumutulong itong mag-assess kung ang inyong produkto ay bagay sa kanila o hindi. Pinapakita rin nitong interesado kayo sa pagtulong sa inyong kliyenteng maabot ang kanilang goals.

Paano ninyo aalamin ang goals at challenges ng inyong prospect?

Habang nasa call, magtanong kung paano kayo makatutulong sa pag-intindi sa pangangailangan nila sa business. Kailangan din ninyong madiskubre ang pain points ng kanilang karanasan. Kung sakaling gumagamit sila ng ibang produkto, alamin kung paano nila naikukumpara at naipag-iiba ang produkto ninyo.

Ang pag-intindi sa requirements ng customer ninyo ay makatutulong sa mainam na pagposisyon ng inyong produkto bilang solusyon para sa kanila.

Customer satisfaction survey illustration

Aling tools ang gagamitin para alamin ang goals at challenges ng inyong prospect?

  • goal setting worksheet
  • needs assessment questionnaire
  • competitor analysis template

Ito na ang panahon para ipakita ang inyong solusyon!

Bakit importanteng ipakita ang inyong solusyon?

Kadalasan, ito lang ang pagkakataon para ipakita ang lahat ng features ng inyong produkto. Binibigay din ang pagkakataon para ipaliwanag kung paano matutulungan ng inyong produkto ang kliyente at sagutin ang kanilang mga tanong.

Paano ninyo ipapakita ang inyong solusyon?

Magsimula sa pagpapakilala ng inyong produkto o serbisyo pagkatapos ipaliwanag kung paano nito malulutas ang problema ng customer. Magbigay ng demonstration o case study para ipakita kung paano ito gagana. Siguraduhing merong pricing sheet o handa nang proposal para mapag-usapan ang budget at mga susunod na hakbang.

Solution presentation - illustration

Aling tools ang gagamitin para ipakita ang inyong solusyon?

  • demo script
  • case study template
  • pricing sheet
  • proposal template

Kahit na tama lahat ang nagawa ninyo, meron pa ring pagkakataong may tututol na customer. Mahalagang maging handa para maging matagumpay kayo at maisara ang deal.

Bakit importanteng sagutin ang mga pagtutol?

Sa pagtaboy ng agam-agam, maipapakita ninyong nakikinig kayo sa customer at interesado sa pag-address ng kanilang concerns. Puwede ninyong maipaliwanag ng detalyado kung paano napapagaan ng inyong offer ang kanilang mga problema.

Paano ninyo sasagutin ang mga pagtutol?

Tugunan ang pagtutol at magbigay ng sagot na nagpapaliwanag kung paano ito maa-address ng inyong produkto o serbisyo. Kung wala kayong sagot, maging honest at sabihin sa prospect na babalikan ninyo sila. Sa hakbang na ito, puwede kayo mag-offer ng discount o trial para makatulong na maging matagumpay sa pagtutol nila.

woman having a question-illustration

Aling tools ang gagamitin para sagutin ang mga pagtutol?

  • objection handling sheet
  • discount offer template
  • trial offer template

Bago kayo makapagsara ng deal, kailangan ninyong matukoy kung sino ang decision-makers. Sa ganitong paraan, puwede ninyong tiyaking sa tamang tao kayo nakikipag-usap at naiintindihan nila ang inyong offer.

Bakit importanteng tukuyin kung sino ang nagdedesisyon?

Kung wala ang hakbang na ito, puwedeng masayang ang oras ninyo – kaya dapat kilalanin ninyo ang decision-makers para matiyak na ang tamang tao ang merong kailangang impormasyon para ma-convert.

Paano tutukuyin kung sino ang nagdedesisyon?

Sa panahon ng inyong call, magtanong kung sino ang involved sa pagdedesisyon. Hingin ang kanilang mga detalye para makapag-follow up sa kanila. Kung wala sila sa call, hilinging ma-redirect sa kanila.

First followup

Aling tools ang gagamitin para tukuyin kung sino ang nagdedesisyon?

Sa pagtanong tungkol sa budget ng potensiyal na customer, makasisiguro kayong hindi ninyo gugugulin ang inyong energy sa leads na hindi kayang bayaran ang mga produkto o serbisyo ninyo.

Bakit importanteng magtanong tungkol sa budget?

Pinapakita nitong interesado kayong makipag-trabaho sa kliyente at handa na i-tailor ang solusyon sa kanilang pangangailangan. Ang pag-alam sa budget ay nakatutulong na malaman ninyo kung merong flexibility o pagpayag sa karaniwang resolution.

Paano kayo magtatanong tungkol sa budget?

Magtanong kung magkano ang handang igastos ng customer sa partikular na solusyon. Dapat din ninyong alamin kung meron silang flexibility sa kanilang budget at kung bukas silang pag-usapan ang pricing options.

Marketing budget illustration

Aling tools ang gagamitin para magtanong tungkol sa budget?

  • budget worksheet
  • pricing sheet

Para maisara ang deal, kailangan ninyo magtakda ng isang timeframe kung gaano katagal na valid ang offer.

Bakit importanteng mag-set ng timeframe?

Ang pagtatakda ng isang timeframe ay nagpapakitang handa kayong magtrabaho kasabay ng kanilang schedule. Nagbibigay din ito ng sense of urgency sa inyong lead, kaya mararamdaman nilang kailangan nilang gumawa ng desisyon.

Paano mag-set ng timeframe?

Sa inyong proposal o pricing sheet, isama ang petsa kung hanggang kailan valid ang offer. Puwede rin kayong magbigay ng deadline kung kailan nila kailangang magdesisyon kung gusto o ayaw nilang umabante.

Planning schedule - illustration

Aling tools ang gagamitin para mag-set ng timeframe?

  • mag-offer ng software
  • CRM
  • proposal template
  • pricing sheet template

Tiyaking ang inyong produkto o serbisyo ay kayang makapagpasaya sa partikular na pangangailangan ng customer bago isara ang deal.

Aling tools ang gagamitin para tukuyin ang partikular nilang pangangailangan?

Nagpapakita ito sa inyong customers na sabik kayong makatrabaho sila. Nakatutulong din sa inyong matuklasan kung sila ay merong kinakailangan o limitasyon, tinitiyak na ang inyong produkto o serbisyo ay matutupad ang kanilang pangangailangan.

Paano tukuyin ang partikular nilang pangangailangan?

Sa panahon ng call, magtanong kung ano ang hinahanap nila para sa isang solusyon. Isaalang-alang kung anong kailangan nila at kung ang inyong produkto ba ay makapagsisilbi sa kanilang mga pangangailangan.

Survey illustration

Aling tools ang gagamitin para tukuyin ang partikular nilang pangangailangan?

  • needs assessment template
  • questionnaire template
  • online forms

Kapag nagsasara kayo ng deal, makatutulong na mag-offer ng isang indibidwal na proseso. Nagpapakita ito na handa kayong magtrabaho nang pangmatagalan kasama ang customer.

Bakit importanteng mag-offer ng isang indibidwal na proseso?

Nagpapakita ito ng inyong pangako sa partikular na collaboration. Sumusuporta ito sa pag-customize ng inyong solusyon ayon sa kanilang pangangailangan, ipinaaalam sa kanilang interesado kayo sa paghanap ng isang paraan para magtrabaho bilang mga partner sa hinaharap.

Paano kayo makakapag-offer ng isang indibidwal na proseso?

Sa inyong proposal o pricing sheet, isama ang isang section kung paano kayo magtatrabaho at kapwa makikinabang mula sa pakikipagtulungan. Puwede ring banggitin kung paano kayo magiging available para sagutin ang mga tanong sa buong proseso at alin ang puwedeng i-customize.

Woman working in customer service

Aling tools ang gagamitin para makapag-offer ng isang indibidwal na proseso?

Pagsasara

Ang tamang paraan ng paghahanda ng inyong offer ang tutukoy ng inyong tagumpay.

Bakit importanteng maghanda ng isang tailored offer?

Ang isang mahusay na nakahanda at customized na offer ay mas mabilis na makapagsasara ng deal. Ang pag-personalize ng offers para sa customers ay nagpapakitang naiintindihan ninyo ang challenges nila at kagustuhang i-accommodate ang kanilang pangangailangan.

Paano ninyo ihahanda ang isang tailored offer?

Dapat ang tailored offer ninyo ay hindi masalimuot o magulo para sa customer. Madalas nakatutulong na gawing simple ang mga bagay at mag-focus sa pag-highlight ng mga benepisyo. Isama rin ang inyong UVP.

Personalized business offer agreement

Aling tools ang gagamitin para maghanda ng isang tailored offer?

  • proposal template
  • pricing sheet template
  • customer service agreement template

Magpadala sa customer ng thank-you message pagkatapos ng call o pagkasara ng deal.

Bakit importanteng magpadala ng thank-you message?

Nagpapakita ito ng pagpapahalaga ninyo sa kanilang business at oras. Kahit na hindi ninyo matapos ang deal ngayon, ang ganitong mensahe ay mag-iiwan ng isang positibong impression at puwedeng makatulong sa inyong maisara sa ibang pagkakataon.

Paano kayo magpapadala ng thank-you message?

Puwede kayong magpadala ng email, magpadala ng sulat, o kahit bigyan sila ng isa pang tawag. Siguraduhin lang na ipahayag ang pasasalamat ninyo at ipaalam sa kanila kung gaano ninyo pinahahalagahan ang pakikipag-ugnayan.

customer-thank-you-note-LiveAgent

Aling tools ang magagamit para magpadala ng thank-you message?

Kung hindi ninyo naisara ang deal sa unang call, mag-schedule ng isang follow-up.

Bakit importanteng mag-schedule ng follow-up calls?

Ang pakikipag-ugnayan sa isang kliyente ay hinahayaan kayong makabuo ng isang relasyon at patuloy na matutukan ang kanilang pangangailangan. Ang follow-up calls ay nagpapakita ng inyong commitment sa pagtatrabaho kasama sila at maisara ang deal sa lalong madaling panahon.

Paano kayo makakapag-schedule ng follow-up calls?

Maghanda ng kalendaryong nagpapakita ng inyong availability at tingnan ang dalas at cadence ng potensiyal na calls. Banggitin din ang plano ninyong tawagan ulit ang customer, at puwede ninyong ma-schedule ang eksaktong petsa at oras nito.

Scheduling notifications

Aling tools ang gagamitin sa pag-schedule ng follow-up calls?

  • reminders template
  • calendar template
  • notification managers

Pagkatapos ninyong maisara ang deal o matapos ang call, laging humingi ng feedback.

Bakit importanteng humingi ng feedback?

Ang paghingi ng feedback ay hinahayaan kayong mapabuti ang proseso ng inyong sales. Mabilis ninyong malalaman kung saan kailangang may ayusin at ano ang mahusay.

Paano kayo hihingi ng feedback?

Puwede kayong magpadala ng email, magpadala ng sulat, o kahit tawagang muli ang customer. Minsan maganda ring magpadala ng isang maikling survey o isang oo/hindi na questionnaire.

Survey in chat window

Aling tools ang gagamitin para makahingi kayo ng feedback?

Mga uri ng sales call

Cold calls

Ang cold call ay isang sales call na ginagawa sa isang prospect na hindi pa nagkakaroon ng kaugnayan sa salesperson. Ang cold calls ay kadalasang gawa ng mga business na nagbebenta ng produkto o serbisyong hindi pamilyar ang prospect. Ang goal ng isang cold call ay magtatag ng isang relasyon sa prospect at bumuo ng interes sa kung ano ang offer ng salesperson.

Warm calls

Ang warm calls ay ginagawa sa potensiyal na kliyente na nakitang interesado sa inyong mga produkto o serbisyo. Nakapagpahayag na sila dati ng interes, nag-download ng content mula sa inyong website, o dumalo sa na-sponsor ninyong event. Ang pangunahing goal ng isang warm call ay mapaandar ang prospect sa sales funnel sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila at ma-engage sila sa pag-uusap.

Traditional sales calls

Ang isang tradisyonal na sales call ay isang meeting sa pagitan ng isang salesperson at potensiyal na customer. Ang tradisyonal na sales call ay kadalasang nangyayari pagkatapos matukoy ang prospect bilang interesado sa inyong produkto o serbisyo, at ang goal ay maisara ang deal at makagawa ng isang sale.

Summary ng sales call checklist

Pagpaplano bago tumawag:

  • Hanapin ang contact sa LiveAgent
  • Alamin ang nakaraang mga interaksiyon sa inyong customers
  • Kilalanin ang background ng inyong lead
  • Bisitahin ang LinkedIn profile ng inyong lead
  • Ipaalam sa customer ang agenda at imbitahan sila sa meeting
  • Tukuyin ang goal ng call
  • Ihanda ang inyong UVP (unique value proposition)

Habang nasa call:

  • Suwabeng dumiretso sa business topic
  • Magtanong sa open-ended na paraan
  • Alamin ang goals at challenges ng prospect
  • Ipakita ang inyong solusyon
  • Sagutin ang mga pagtutol
  • Tukuyin kung sino ang nagdedesisyon
  • Magtanong tungkol sa budget
  • Mag-set ng timeframe
  • Tukuyin ang partikular nilang pangangailangan
  • Mag-offer ng indibidwal na proseso

Pagsasara:

  • Maghanda ng naka-tailor na offer
  • Magpadala ng thank-you message
  • Mag-schedule ng follow-up calls
  • Humingi ng feedback

FAQ

How do you structure a sales call?

To structure a sales call, you need to know what your goals for it are. Usually, there are two types of goals: discovery and persuasion. Discovery goals involve finding out more about the customer and their needs, while persuasion goals involve trying to get them to buy something from you. Once you know your goal, you need to come up with a structure for the call to help you achieve it. This usually involves asking questions and then listening attentively to the answers. Be sure not to bombard the prospect with too many questions at once, as this can be overwhelming and may turn them off doing business with you. Take your time and let the conversation flow naturally.

What are the four types of sales calls?

The four types of sales calls are introduction calls, product demonstration calls, price objection calls, and closing calls. The introduction call is your opportunity to introduce yourself and your company to a potential customer. The product demonstration call is your sales opportunity to show the customer how your product can benefit them. The price objection call is your opportunity to address any concerns the customer may have about the cost of your product. And the closing call is your opportunity to make a sale by getting a commitment from the customer.

How to use the sales call checklist?

Go through it before every call to make sure that you're covering all of the necessary topics and keeping track of your progress. It can be helpful to review your notes from previous calls so that you can see what worked well and what didn't.

How do you prepare for sales calls with new customers?

There's no magic formula for preparing for sales calls, but there are a few things you can do to set yourself up for success. First, research your potential customer. This will help you tailor your sales pitch to their specific situation. Secondly, you should practice your pitch until you're confident and comfortable with it. You don't want to sound like you're reading from a script, so memorize key points and bullet points rather than word-for-word. You also need to be prepared to answer any questions that the customer may ask.

How to determine the goal of your sales call?

The goal of any sales call should be to establish a rapport with the potential customer, identify their needs, and then determine whether or not your product or service can meet them.

How to open a sales call?

Introduce yourself and explain what you do. Make sure that you give the prospect enough information to understand what you are selling, but not so much that they feel overwhelmed. Be friendly and personable. Have some kind of opening offer or discount available to entice prospects who may be on the fence about buying.

Mga kaakibat Na resources

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo