Ang artikulo ay naglalahad ng checklists ng startup directories na makakatulong sa pag-market ng inyong business sa mas malawak na audience. Ang paggamit ng mga resources na ito ay magbibigay ng mas magandang pagkakataon para sa inyong startup.
Kung nagsisimula kayo ng isang business, importanteng maging maganda ang simula ninyo. Isa sa magandang paraan para gawin ito ay ang pag-submit ng inyong startup sa tamang mga directory.
Nag-compile kami ng listahan ng pinakamagandang business to business directories kung saan kayo puwedeng mag-submit ng inyong startup. Sa paggamit ng resources na ito, mabibigyan ninyo ng mas magandang pagkakataon sa pagsisimula ang business ninyo.
May iba-ibang directories kung saan kayo puwedeng mag-submit ng startup checklist ninyo. Narito ang ilan sa pinakamaganda:
Pangalan ng site | URL | Domain Rating (DR) | |
---|---|---|---|
1. | Trust Pilot | 94 | |
2. | SourceForge | 92 | |
3. | Capterra (Gartner) | 90 | |
4. | ProductHunt | 90 | |
5. | AngelList | 90 | |
6. | Clutch | 88 | |
7. | GeekWire | 86 | |
8. | FinancesOnline | 85 | |
9. | Tech In Asia | 84 | |
10. | G2 Crowd | 84 | |
11. | Software Advice (Gartner) | 84 | |
12. | SiteJabber | 83 | |
13. | GetApp (Gartner) | 82 | |
14. | Trustradius | 81 | |
15. | ProgrammableWeb | 80 | |
16. | AppSumo | 80 | |
17. | AlternativeTo | 79 | |
18. | Reseller Ratings | 79 | |
19. | StackShare | 79 | |
20. | e27 | 78 | |
21. | ActiveSearchResults | 78 | |
22. | Add URL | 78 | |
23. | American Inno | 77 | |
24. | Software Suggest | 76 | |
25. | EU-startups.co | 75 | |
26. | Exact Seek | 75 | |
27. | CrozDesk | 74 | |
28. | Webwiki | 74 |
Kung nagsisimula kayo ng isang business, importanteng pakinabangan ang bawat oportunidad para magkaroon kayo ng exposure. Magandang paraan ang directories para mas maipakita ninyo ang inyong business sa mas malaking audience at maabot ang mga potential customer.
Dagdag pa sa paglalagay ng mahahalagang backlinks sa inyong website, nakaka-boost din sa ranking ninyo sa search engines kung nakalista kayo. Ito ay dahil ang directories ay tinuturing bilang high authority, na tutulong sa inyong mapalago ang reputasyon ng website ninyo.
Ang pagkakaroon ng listing sa directory ay magtataguyod din ng trust at credibility. Kung makikita ng customers na nakalista kayo sa isang reputable directory, mas malaki ang pagkakataong tatangkilikin nila ang business ninyo.
Kung di pa ninyo pinapakinabangan ang directories, malaki ang oportunidad na pinalalampas ninyo sa pag-promote ng inyong business. Ibig sabihin ay nawawalan kayo ng potential customers at sales, at nadadamay pa ninyo ang inyong search engine ranking.
Startup CEOs
Kung kayo ay isang startup CEO, dapat ninyong maipakita ang inyong business sa harap ng napakaraming tao dapat. Sa pag-submit ng inyong startup sa directories, mas maaabot ninyo ang mas malawak na audience at mas epektibong makakapag-market ng inyong business.
Marketers
Ang directories ay magaling na alternatibong paraan para maabot ang potential customers at makapag-generate ng leads. Kung papakinabangan ninyo ang ganitong resources, mas makasisiguro kayong mas lalaki ang epekto ng inyong marketing efforts.
Growth hackers
Laging naghahanap ang growth hackers ng bagong oportunidad sa pag-promote ng kanilang business. May offer ang directories na magaling na paraan para maabot ang potential customers ninyo at nang mapalago ang inyong business.
Ang startup submission directory checklist ay dapat matulungan kayong ma-promote ang business ninyo. Salamat sa detalyadong guide na ito, mas mapadadali ninyong mahanap kayo ng inyong customers sa bawat director.
Ang Trustpilot ay isang digital platform kung saan nag-iiwan ang customers ng reviews ng mga business kung saan sila bumili, nakakuha ng serbisyo, o kumontak ng customer service. Paano ba nagpapalista sa kanilang site?
Basahin ang ilang reviews na nakabuod ang mga karanasan ng customer sa LiveAgent dito.
Narito ang link sa website: gumawa ng libreng TrustPilot account
Ilagay ang website, pangalan ng kompanya, job title, work email, etc.
Kumpirmahin ang inyong email at i-activate ang account, i-set up ang password, at magsimula na.
Kung ike-claim na ninyo ang inyong profile, puwede ninyo itong i-customize para bumagay sa pangangailangan ng business ninyo. Ilagay ang logo ninyo at ilagay ang general at contact information ng kompanya.
Note: Kung ang business ninyo ay nasa maraming lugar at gusto ninyo ng hiwa-hiwalay na review sa bawat isa, mag-set up ng location review.
Sa pagkategorya ng inyong business, napadadali ninyo sa consumers na hanapin kayo at ma-evaluate kung ano ang ino-offer ninyo kumpara sa kaparehong mga kompanya.
Matapos ang pag-set up ng inyong profile, handa na kayong magpadala ng mga imbitasyon nang makakuha na ng mga review. Ang pagpapadala ng Basic Invitation ay isang simpleng paraan para simulan ito.
Padalhan ang customers ninyo ng link sa inyong email service na dadalhin sila sa page ng business ninyo sa Trustpilot. Sa mas advanced method ng magkolekta ng imbitasyon, ikonsidera ang TrustPilot eCommerce integration o Automatic Feedback Service.
Ito ay isang web service na puwedeng kontrolin ng users para ma-manage ang open-source software projects, pati pag-research ng business programs. Magaling din itong platform kung naghahanap kayo ng datos tungkol sa iba-ibang SaaS solutions. Sa pag-click dito, makahahanap kayo ng komprehensibong overview ng help desk software na available sa market.
Narito ang link form.
Sa “Description” field, magsulat ng isa o dalawang sentence tungkol sa inyong business. Siguraduhing isama ang impormasyong magiging mahalaga sa inyong users tulad ng pinaka-importanteng features.
Maganda kung square at hi-res. JPG, GIF, o PNG files.
Para kanino ang inyong produkto?
Kumpletuhin ang form para mag-inquire tungkol sa pricing at demo availability. Piliin kung anong customer support ang puwedeng ma-access ng inyong clients (e.g. 24/7, business hours, online). Puwede rin kayong pumili ng integrations at supported platforms, pati na training options.
Kapag nakumpleto na ninyo ang form, i-click ang “Submit.” Isang member ng team nila ang makikipag-ugnayan sa inyo agad para pag-usapan ang listing ng kompanya ninyo sa SourceForge.net.
Bilang online marketplace vendor, kinokonekta ng Capterra ang buyers sa technology vendors sa software industry. Tinutulungan ng kompanya ang milyon-milyong users na makita ang pinakamagandang software solutions. Sa halimbawa rito, makikita ninyong nagbibigay sila ng maraming mahahalagang detalye pati na rin user reviews.
Ang Capterra ay bahagi ng Gartner Digital Markets network. Kung sakto ang listing ninyo dito o sa iba nilang sites (GetApp o Software Advice), maisasama ito. Makikita ang sign-up form dito.
Phone, email address, website, location, etc.
Pangalan ng produkto, tipo ng software, at isang maikling product description.
I-submit ang form.
Ito ay isang community-based website kung saan ang marketers ay puwedeng mag-promote ng kanilang mga produkto o serbisyo at kumonekta sa una nilang customers. Puwede nga rito ang promotional videos at video guides. Puwede ninyong silipin ang isa rito.
Pumili ng username, maglagay ng email address, at pangalan ninyo. Maglagay ng maikling description ninyo, personal ninyong website, at topics na interesado kayo. Narito ang link.
Ito ay kinakailangang hakbang bago magkaroon ng access sa pag- post ng produkto.
Pagka-log in, i-click ang “Post” button sa kanang kanto sa itaas at ilagay ang URL ng produkto. Sa posting process, makakakita kayo ng preview kung paano lilita ang bawat aspekto.
Pangalan ng produkto, tawag-pansing tagline, download link, thumbnail image, pricing, gallery, promo, makers, at marami pa.
Makakakuha ang subscribers ng email notification kung ang post ay mapupunta sa kanilang homepage.
Ipaalam sa iba ang tungkol sa inyong produkto.
Ang AngelList ay isang US-based website na kumokonekta sa startups at angel investors at mga naghahanap ng trabaho.
Kailangan ninyo muna ng personal profile. I-click ang inyong picture sa itaas sa bandang kanan, tapos gumawa ng Create Company Profile. Narito ang link.
Magbigay ng kumpletong overview ng inyong kompanya, malinaw na ilahad ang inyong fundraising goals, at ilagay ang bawat member ng inyong team.
Maraming investors ang gustong mag-invest sa local companies at maghahanap sila ng mga kompanya sa kanilang lugar, kaya mas magandang lawak-lawakan ninyo ang abot ninyo kaysa sa isang partikular na lokasyon lang.
Pumunta sa AngelList page ng kompanya at i-click ang blue text na “contact us” sa itaas ng page. Makakakuha kayo dapat ng sagot sa ilang susunod na business days.
Ang Clutch ay isang business-to-business listing, ratings, at reviews platform na nililista ang pinakamagaling na IT at marketing software providers at services. Ang ganitong uri ng profile ay tutulong sa potential customers na magdesisyon kung ang solution ninyo ang babagay sa kanilang pangangailangan. Silipin dito.
Mag-sign gamit ang inyong LinkedIn profile.
Puwede kayong pumili mula sa basic, premium, o sponsored.
Para matukoy ng prospective clients kung ang mga serbisyo ninyo ay sakto sa kanila, dapat kasama sa inyong company profile ang sumusunod: tagline, bilang ng empleyado, minimum project size, website URL, location, overview, contact info, service focus, client focus.
Ang Clutch ay puwedeng mag-interview ng clients ninyo, gumawa ng case studies, at ipa-publish nila ito sa profile ninyo sa platform na ito.
Ang GeekWire ay isang technology site na merong breaking news, expert analysis, at unique insights sa tech industry.
Gamitin ang form na ito para i-submit ang startup ninyo sa GeekWire Startup List Database.
Tinatanggap ng GeekWire ang tech startup companies na natutugunan ang sumusunod na requirements:
Pangalan ng kompanya, address, city, state, category, logo, website, social media (optional), taon kung kailan itinayo, etc.
Pangalan, email, posisyon.
Ang bawat entry ay nire-review ng isang tao, kaya ang company information at pisikal na address ay bine-verify bago i-publish.
Makikita sa popular na platform na ito ang mga review, rekomendasyon, studies, reports, at marami pa. Makikita rin dito ang isang komprehensibong pricing details ng iba-ibang SaaS at B2B products, tulad halimbawa ng LiveAgent.
Nasa kanang kanto sa itaas ito ng page – narito ang link.
Ilagay ang lahat ng kailangang impormasyon tulad ng pangalan, email address, job title, buwanang budget sa advertising, etc.
I-click ang “suggest your product” button at hintaying ma-approve ito.
Kailangang naka-log in kayo para makagawa ng company profile sa Tech in Asia. I-click ito nang makapagsimula.
Pumunta sa Jobs > For Employers > Manage Companies > Create a new company
Kung meron na kayong company profile dito, puwede ninyong i-claim ito nang diretso. Kung wala, piliin ang “Create option”.
Puwede kayong gumawa ng bagong company profile sa pagsusulat sa natitirang required fields.
Oras na para i-publish ang company profile ninyo.
Sa G2 platform, nakakapag-share ang mga tao ng real-time reviews ng business software. Para matulungan ang users na makagawa ng mas mahusay na desisyon sa pagbili, ang platform ay merong lampas sa 1.3 milyong user reviews. Puwede ninyong silipin ang lahat ng kapaki-pakinabang na impormasyong binibigay ng website na ito tungkol sa LiveAgent helpdesk software dito.
Mag-sign in o gumawa ng account. Puwedeng gamitin ang Google (Business), LinkedIn, o business email para mag-register. Narito ang link.
Ilagay ang pangalan ng inyong produkto o serbisyo, pangalan ng vendor, at piliin kung ito ay software o provider.
Ilagay ang description, URL, logo, at screenshot.
Maglagay ng hanggang 3 email address ng customer. Kokontakin ng G2 team ang users ng produkto/serbisyong nilalagay ninyo at hihingi sila ng reviews.
Bago maging live ang listing ninyo, isang miyembro ng G2 team ang kukumpirma sa mga detalye.
Ang Software Advice ay bahagi ng Gartner Digital Markets network. Kung sasakto ang listing ninyo sa kanila o sa anumang sites nila (Capterra o Get App), maisasama ito. Nagbibigay ito ng madaling ma-navigate na reviews sections, tulad ng nakikita ninyo rito.
Ito ang pinakamadaling paraan para mailista sa Software Advice. Narito ang link sa page.
Batay sa binigay na impormasyon, titingnan ng Software Advice kung sakto ang produkto sa kanilang requirements.
Makatatanggap kayo ng ilang sample leads at impormasyon tungkol sa pagsisimula kung sasakto ang produkto ninyo sa Highly Qualified Leads (HQL) program. Kung sasakto ang produkto ninyo sa Software Advice pero di pa kayo handang sumali sa HQL program, puwedeng humiling ng libreng listing.
Sa review-sharing platform na Sitejabber, makakakonekta ang mga may-ari ng maliliit na business sa consumers. Ang reviewers ay puwedeng gumawa ng simple o complex na review, anuman ang gusto nila. Makikita ninyo ang halimbawa ng ganitong interactions dito.
May business listing na nagagawa nang automatic kapag may consumer na nag-review ng kompanya ninyo sa SiteJabber.
Sa ganitong paraan, makukuha ninyo ang una ninyong SiteJabber review at ang company page ninyo ay automatic na magagawa. Anumang susunod na reviews ay mapo-post na sa parehong page.
Ang GetApp ay bahagi ng Gartner Digital Markets network. Kung sasakto ang listing ninyo rito o saanmang sites nila (Capterra o Software Advice), maisasama ito. Narito ang link sa page. Makikita ninyo ang halimbawa ng isang successful listing dito.
Phone, email address, website, location, etc.
Product name, uri ng software, at maikling description ng produkto.
I-submit ang form.
Ang Trustradius ay isang review platform na tutulong sa buyers na magkaroon ng mas informed decisions. Silipin ang lahat ng detalyadong impormasyong binibigay nila sa company profiles sa pag-click dito.
May dalawa kayong pagpipilian: premium o libre.
Ilagay ang inyong email address sa trabaho, pangalan, at mag-set ng password.
Silipin ang inyong inbox at ilagay ang security code.
Ilagay ang pangalan ng kompanya at website URL.
Isang nangungunang source ng API news at impormasyon, na tina-track ang development ng field na ito sa buong mundo at nagbibigay ng API Directory sa web.
Ang form na kailangan ninyong kumpletuhin para mailista kayo ay makikita rito.
YES (kung gusto ninyong maglagay ng bagong version) o NO (kung ito ay bagong API).
API pangalan, API portal, version, version status, uri ng business, architectural style, industriya, niche, at iba pa (detalyado ang form nila).
Kontakin ang support@programmableweb.com kung meron kayong problema sa pag-submit ng form.
Ang AppSumo ay may offer na daily deals sa digital products at mga online business. Makikita ninyo rito ang kanilang nakatutulong na page na tampok ang LiveAgent.
Narito ang link sa website.
I-click ang “Start selling” para ilista ang una ninyong produkto.
Kailangan ninyong lagyan ito ng images, copy, at pricing.
Dito kayo kokontakin ng AppSumo kapag nagkaroon ng isyu sa listing ninyo.
Ilagay ang pinakamagagandang litrato para ibida ang produkto ninyo.
Puwede kayong mag-set up ng redemption sa dalawang paraan:
Ang AlternativeTo ay isang website na naglilista ng mga alternatibo sa web-based software, desktop software, at mobile apps, na inaayos ang mga alternatibo ayon sa iba-ibang criteria. Makikita ninyo ang LiveAgent multichannel help desk software at ang mga review nito sa pag-click ng link na ito.
Kailangan ninyong gumawa ng account para maidagdag ang inyong software.
Ilagay ang software ninyo (makikita ang option na ito sa homepage button o sa pag-click ng username ninyo sa kanang kanto sa itaas.
Impormasyon tulad ng Platforms, License, Descriptions, etc.
Ang app ninyo ay verified at approved na.
Ang ResellerRatings ay isang online rating site kung saan ang consumers ay nagsa-submit ng ratings at reviews ng online retailers. Silipin ang page na ito para makita ninyo ang isang halimbawa.
Posibleng mabilis na maglagay ng isang store (pangalan lang at website), i-submit ito, at hintaying ma-approve o mag-register para maging member.
Puwede kayong mag-sign up dito.
Kailangan ninyong ilagay ang inyong email, phone number, pangalan, at website para makagawa ng account.
Para lumitaw sa bagong ResellerRatings search engine, kailangang siguraduhin ninyong tama ang nakalistang data. Kasama rito ang pag-set sa listing data ng store ninyo, pagpili ng categories na lumilitaw kapag kinumpara kayo sa ibang stores, etc.
Para kolektahin ang brand reviews mula mismo sa verified customers, gamitin ang ResellerRatings direct link method.
Lahat ng mahusay na Open Source, Software as a Service (SaaS), at Developer Tools sa iisang lugar lang. I-rank batay sa developers at kompanyang gumagamit ng tools. Silipin dito ang LiveAgent page.
Kung di pa ninyo nai-share ang company stack ninyo, i-click dito para mailista sa StackShare.
Pangalan, website, description, at logo. Siguraduhing mag-upload ng images at kumpletuhin ang bawat stage ng form.
Hintaying ma-approve ang form.
Nagbibigay ng access sa insights, connections, at funding opportunities.
Gumawa ng account dito.
I-click ang inyong profile icon sa kanang kanto sa itaas ng page at piliin ang “Create Company Profile.” Siguraduhing naka-log kayo sa inyong e27 (Pro) account.
Company Profile, Startup Profile, Media Upload, Team Information, Funding Investment, Previous Investors, Fundraising Information.
Ang startup profile ninyo ay kailangang ma-verify ng e27 team kapag nakumpleto na. Matapos ang approval o rejection, makakakuha kayo ng confirmation email.
Ang Active Search Results (ASR) ay isang independent Internet Search Engine. Ang ASR ay may sariling spiders na bumibisita sa mga website na sina-submit sa service.
Ilagay ang inyong Web site address (URL) at isang valid na email address at tapos ay i-submit ang form.
Ang mga bago o muling na-submit na website ay nai-spider at nai-index tuwing 24 oras.
Ang Addurl.nu ay isang 17-year-old na libreng premium business directory.
Di na ninyo kailangan ng account para mag-submit ng website ninyo.
Website, keywords para ma-promote, maikling description. Para limitahan ang bilang ng spam submissions, nire-require ng Addurl.nu na maglagay ng text-link sa inyong Homepage para suportahan ang kanilang partners para sa libre ninyong submission.
Tapos na – kung natutugunan ng website ninyo ang requirements, maililista na ito roon.
Ang American Inno ay isang portfolio ng digital media brands na naka-focus nang eksklusibo sa mga local startup, technology, at innovation.
Kailangan ninyong punan ang form dito.
Title, description, logo, industry, address, at marami pa (karamihan ay optional).
I-click ang “Submit” button at maghintay ng approval.
Ang SoftwareSuggest ay isang website na tutulong sa mga visitor na madiskubre ang top business software at service partners. Ang kanilang mga serbisyo ay kasama ang software reviews, comparisons, at libreng consultations. Puwede rin itong gamitin para mag-book ang libreng demo sa mga established companies tulad ng LiveAgent. Para sa karagdagang impormasyon, i-click ito.
Kumpletuhin ang maikli at simpleng form.
I-activate ang account mo.
Tutulong ang kanilang experts sa pagpili ninyo ng personalized plan batay sa pangangailangan ninyo at maililista na ang startup ninyo sa kanilang premium listing.
Ang EU-Startups.com ay ang nangungunang online magazine tungkol sa mga startup sa Europe. I-click dito para silipin ito ngayon.
Narito ang link sa page. Ang libreng listing ay available nang 3,000 araw.
Lahat ng bansa sa EU ay nakalista.
Business name, description, tags na dine-describe ang inyong business, business contact email, etc.
May libreng option na puwede kayong mag-upload ng dalawang image.
Kailangan ninyong i-submit ang application at maghintay ng confirmation na lilitaw na ang business ninyo sa EU-Startups.
Araw-araw, higit sa 29,000 bagong sites ang naisa-submit sa at nai-index ng Exact Seek, isang internet search engine at business directory.
Narito ang link sa page.
Kailangan lang ilagay ang website at email address.
Huwag kalimutang i-check ang email inbox ninyo para as message na kumpletuhin ang verification.
Kung di kayo tutugon sa verification email na pinadala matapos ninyong mag-register, o kung kulang ang site ninyo ng tamang Title at Meta Description tags, hindi mailalagay ang website ninyo.
Crozdesk is a web service that connects buyers and sellers of business software and offers a platform rating algorithm. Have a look at the information and blog posts they provide.
Narito ang link sa libreng listing application.
Kailangan ninyong ilagay ang detalye ng kompanya, contact info, at software, pati na ang buwanang marketing budget at description.
I-click ang “Submit your application” button. Puwede kayong maglista ng maraming software products kapag na-approve na ang inyong account nang hindi na kailangang mag-submit ng extra applications.
Ang Webwiki ay isang website directory na naglalaman ng karamihan ay English-language websites at mga popular na website para sa mga nagsasalita ng English.
Narito ang link sa form.
Domain, category, URL, title, at description.
Hindi para mai-publish, para pangkontak lang.
Address, phone, bansa, etc.
Pagkatapos, i-click ang “Add your website” button at kumpirmahing ang website ay walang nilalamang content na lalabag sa Webwiki terms.
I-verify ang listing ninyo sa mga directory na ito:
Ang pinakamagandang paraan para malaman kung aling directories ang relevant sa inyong startup ay ikonsidera ang inyong target audience. Ibibigay lang dapat ninyo ang checklist sa directories na aabot sa potential customers sa inyong industriya. Puwede ring kayong gumamit ng keyword research para tukuyin ang directories na pinakapopular para sa inyong niche.
Para makakuha ng reviews, mag-offer ng kapalit na bagay na may halaga. Puwedeng mag-offer ng discount, libreng trial, o iba pang incentive para maengganyo ang mga tao na magsulat ng reviews. Puwede ring kumontak ng customers na nagkaroon ng positibong experience at humingi sa kanila ng review, o gamitin ang social media para humingi sa followers ninyo ng review sa inyong page.
May ilang paraan para ma-track ang traffic at performance ng iba-ibang directories. Ang isang paraan ay ang paggamit ng Google Analytics. Puwede ring gumamit ng ibang tools tulad ng BuzzSumo para ma-track ang inyong backlinks nang makita kung aling directories ang nagpapadala ng pinakamaraming traffic sa inyong website.
Hindi ninyo kailangan ng malaking budget para magpatakbo ng PPC campaigns. Puwedeng magsimula sa maliit na budget at unti-unting itaas habang lumalago ang business ninyo.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team