^Marketing audit^ checklist

Marketing audit checklist

Ang pagsasagawa ng marketing audit ay isa sa pinaka-kritikal na gawain para sa anumang business. Hindi lang ito pag-check ng mga box, pero tungkol ito sa pag-unawa sa kompanya ninyo at sa pagtukoy kung ano ang mahusay ninyong ginagawa at kung saan kayo puwede pang mapahusay.

Kung di kayo sigurado kung paano simulan ito o kung may mga kritikal na aspektong kailangang tutukan muna, gagabayan kayo ng checklist na ito sa buong proseso.

Ang importansiya ng marketing audit checklist

Sa madaling salita: tutulong ang marketing audit sa pag-evaluate ng efficiency ng strategies, budgets, at iba pang investments sa mga marketing effort ninyo.

Gamit ang marketing audit checklist, makaka-evaluate kayo kung gaano ka-epektibo ang approach ninyo sa pagtugon sa pangangailangan ng market.

Kunwari’y di ninyo nami-meet ang customer demand o di nakukuntento ang kasalukuyang pangangailangan pagdating sa product benefits, quality, safety, o performance standards. Kung ganun, dapat nga talagang tingnang maigi kung saan may potential areas na kailangang mabago.

Sa pag-inventory, nakakapag-assess kayo kung gaano kalaking trabaho ang kailangan bago magdesisyong mag-reformulate o hindi ng mga produkto o kung kelang dadagdagan ang production para sa bagong product launch, halimbawa. Makakatipid kayo sa pera at oras sa paglaon kapag ginawa ninyo ito.

Depende ito lahat sa inyong pre-marketing objectives – kahit tungkol ito sa brand awareness o sa bilang ng mga order – kaya talagang kinakailangang magkaroon ng plano at measurable goals na mai-set nang advance.

Bibigyan kayo ng marketing audit ng guidelines sa pagpapatakbo ng mas epektibong strategy. Nababawasan ang nasasayang na oras sa mga problematic area at natututukan pa ang mga oportunidad sa paglago. Kaya mas epektibong makakatarget kayo ng mga pagbabago na may pinakamahusay na pagkakataong mapabuti ang tagumpay.

Sino ang magbebenepisyo mula sa isang marketing audit checklist?

  • 1 marketing team

Tutulong ang marketing audits sa mga marketing team pagdating sa goal setting at pagsukat ng tagumpay. Kung maiintindihan ninyo kung paano natugunan ng mga ginawa ninyo dati ang pangangailangan ng customer at kung saan pa kayo dapat tumutok, makakapag-set kayo ng mas realistic at achievable na goals sa susunod ninyong marketing campaign at maiiwasang magawa ang dating mga pagkakamali.

  • 2 mga may-ari ng business

Magbebenepisyo ang mga may-ari ng business sa isang marketing audit checklist. Tutulong ito sa pagtutok kung saan pa puwedeng mag-ayos at para pakinabangan ang mga bagong oportunidad. Kahit napapagana na ninyo nang maayos ang lahat, kailangan pa ring maging updated sa industry trends para di mabibigla ang kompanya ninyo kapag sinumulang i-target ng kompetisyon ninyo ang prospective clients ninyo nang mas epektibo kaysa sa ginagawa ninyo.

Diskubrehin ang marketing audit checklist

Marketing audit checklist
Ang unang hakbang sa anumang marketing audit ay alamin ang kasalukuyan ninyong market share. Kasama rito ang pag-intindi sa inyong ideal customer, alin sa pangangailangan nila ang kailangang tugunan, at paano sila maaabot. Kung di kayo sigurado kung saan magsisimula, gumawa ng buyer persona, isang fictional representation ng target customer ninyo na kasama ang demographic information at behavioral traits nila.

Bakit importanteng kilalanin ang inyong target market?

Walang ibang paraan para masukat ang tagumpay o pagkatalo ng efforts ninyo kung wala kayong malinaw na ideya kung kanino ba nakatutok ang marketing ninyo. Tingnan kung gaano ninyo naiintindihan ang potential clients ninyo at ang kanilang concerns na kaugnay ng ino-offer ninyong produkto o serbisyo.
girl mathematical formulas

Paano malalaman kung ano ang ideal customer?

Linawin kung ano ba ang ideal customer ninyo at paano sila kumikilos. Magsimula sa pagtingin sa kasalukuyan ninyong customers at mag-establish ng ideal customer batay sa kanila. Aralin ang  feedback na nakukuha ninyo sa potential customers sa mga social media channel. Anong tools ang magagamit sa hakbang na ito?
  • mga persona
  • buyer journey maps
  • customer experience maps
  • mga resulta ng social media monitoring
Siguraduhing lahat ng activities ninyo ay nakatutulong papunta sa common objective at nata-track ninyo ang progreso nito sa paglaon.

Bakit importanteng mag-set ng marketing goals?

Kung di malinaw ang goals, mahirap matukoy kung matagumpay ba ang marketing ninyo. Dapat ayusin kung ano ang gusto ninyong marating ng inyong marketing at kung paano malalamang nagwagi kayo.
Arrow pointing to the middle of the target

Paano mag-set ng goals sa marketing?

Ang goals ay dapat specific, measurable, attainable, relevant, at time-bound (SMART). Hati-hatiin sila sa short-term at long-term objectives para magkaroon ng malinaw na ideya kung ano ang gusto ninyong magawa at kailan.

Anong tools ang ginagamit sa goal setting?

  • keyword research spreadsheet
  • Google Search Console
  • analytics reports
  • social media reporting tools
Ngayong may magandang ideya na kayo sa inyong target market, suriin naman kung paano nila ginagamit ang mga serbisyo o  produktong ino-offer ninyo. Makakuha ng insight kung ano ang nararamdaman ng mga tao sa industriya ninyo sa pag-monitor ng relevant keywords at phrases at social media channels kung saan pinag-uusapan ng customers ang kanilang kailangan at concerns.

Bakit importanteng suriin ang market?

Tutulungan kayong intindihin kung ano ang hinahanap ng customers ninyo, paano nila hinahanap ito, at pananalitang ginagamit nila para pag-usapan ang pangangailangan nila. Tutulong ang impormasyong ito sa paghubog ng marketing strategies at paggawa ng content na nakaka-relate.
Bakit importanteng suriin ang market?

Paano suriin ang market?

Silipin ang lagay ng inyong industriya at kompetisyon. Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kompetisyon ninyo online? May bago bang mga serbisyo o produktong kailangan ninyong malaman? Maghanap ng paraang magiging bukod-tangi kayo hiwalay sa kompetisyon para maka-attract ng mas maraming customers.

Anong tools ang ginagamit sa  market analysis?

  • Google alerts
  • social listening tools
  • online surveys
  • focus groups
Isa sa pinaka-epektibong paraan para matukoy kung ano dapat ang ginagawa ninyo sa marketing ay ang pag-conduct ng SWOT analysis. Ang Strengths, Weaknesses, Opportunities, at Threats ay factors na makaaapekto kung gaano kagaling ang pag-market ninyo ng business o product/service ninyong ino-offer.

Bakit importante ang SWOT analysis?

Tutulong ito sa pagpokus ng efforts at pag-allocate ng resources nang mas epektibo. Ang pagtukoy sa mahina at malakas na areas at consequent threats at oportunidad ang gagawa ng mas realistic na pananaw ng inyong kasalukuyang sitwasyon. Nagsisilbi itong starting point sa pagdedesisyon kung ano ang dapat gawin dito.
open laptop with analyses on screen

Paano gumawa ng SWOT analysis?

Ilista ang lahat ng relevant factors na puwedeng makaapekto sa inyo at i-rate sila bilang strengths, weaknesses, opportunities, o threats. Dapat ang SWOT analysis ay may kasamang detalyadong review ng bawat area, kasama kung paano sila magre-relate sa marketing strategy ninyo. Dapat gumawa rin kayo ng strategies sa pagpapahusay ng mga kahinaan ng kompanya ninyo at pakinabangan ang lahat ng oportunidad. Halimbawa, baka gusto ninyong magpokus sa pag-develop ng bagong produkto para punan ang anumang kakulangan sa market.

Anong tools ang magagamit sa inyong SWOT analysis?

  • survey software
  • SWOT worksheets (madaling makahanap nito online)
  • word processing document
  • spreadsheets
  • business planning software
  • market research reports at data sets
Tukuyin kung paano ninyo kasalukuyang inaabot ang inyong target audience. Kasama rito ang pag-evaluate kung epektibo ba ang lahat ng kasalukuyan ninyong marketing efforts, mula sa website at online presence hanggang sa social media campaigns at email newsletters ninyo.

Bakit kailangang mag-evaluate kung epektibo ang efforts ninyo?

Tutulong itong matukoy kung alin ang epektibo at alin ang hindi para makapokus kayo sa activities na tunay na nagdadala ng magagandang resulta. Puwede rin ninyong matukoy kung may kailangan ba kayong baguhin sa kasalukuyang marketing strategy o tactics.

Paano mag-evaluate ng marketing channels?

Tingnan ninyo ang website traffic, conversions, social media followers, email opens, at click-through rates ninyo. Kung wala ang ganitong metrics, magiging challenging ang pagtukoy kung epektibo ba ang marketing ninyo o kung may kailangan kayong ibahin.
Survey illustration

Anong tools ang magagamit sa  evaluation?

  • Google Analytics (para sa website traffic)
  • online surveys
  • email open at click-through rates software
  • social media engagement metrics
Kung nakapag-conduct na kayo ng detalyadong competitor analysis, dapat makapag-develop din kayo ng pang-unawa kung ano talaga ang unique selling point (USP) ninyo.

Bakit importanteng malaman ang USP ninyo?

Ang unique selling point ninyo ang dahilan kung bakit kayo magiging bukod-tangi sa kompetisyon at makaka-attract pa ng customers na naghahanap ng isang bagay na hindi ino-offer ng iba. Sa marketing audit, suriin ninyo ang USP ninyo at gumawa ng plano kung paano ito malulubos (kung di pa ninyo ginagawa).

Paano matutukoy ang USP ninyo?

Ilista ang lahat ng bagay na ipinagkaiba ninyo sa kompetisyon at isipin kung paano ninyo iyon ipararating sa potential customers. Magagawa ito sa inyong website, social media posts, email newsletters, at kahit sa sales materials. Mag-develop ng malinaw at saktong statement na nagpapaliwanag ng unique selling points ninyo, at lagi silang balik-balikan.
USP
source: ogno.io/unique-selling-proposition/

Anong tools ang gagamitin sa USP?

  • word processing documents
  • online surveys
  • email open at click-through rates software (kung ginagamit ninyo ito)
  • viral marketing campaigns (social media, email newsletters, etc.)
  • blog posts o articles sa inyong website
  • sales brochures at flyers
  • press releases
  • eBooks o whitepapers
Ngayong mas naiintindihan na ninyo ang inyong target market, USP, at kasalukuyang marketing efforts, dapat namang mag-verify ng inyong marketing budget. Sisiguraduhin nitong meron kayong funds na puwedeng ma-allocate sa activities na tunay na gumagana.

Bakit importanteng mag-set ng marketing budget?

Dapat may realistic idea kayo kung magkakano ang gagastusin ninyo sa  marketing para makuha ang gusto ninyong resulta.
Marketing budget illustration
source: paldesk.com/how-to-set-a-marketing-budget-for-a-small-business/

Paano desisyunan ang marketing budget?

Mag-review ng kasalukuyan ninyong budget at alamin kung paano ninyo maa-allocate ito sa marketing ng activities kada buwan o quarter. Dapat din kayong mag-develop ng plano sa pag-allocate ng marketing budgets batay sa mas priority ninyong approach. Halimbawa, kung social media marketing ang pinakamataas ninyong priority, dapat mag-allocate kayo ng funds sa activities na tulad ng pagbayad ng ads o pagpapalaki ng follower base.

Anong tools ang ginagamit sa pag-set ng marketing budget?

  • word processing documents
  • online surveys
  • email open at click-through rates software (kung gumagamit kayo nito)
  • spreadsheets (sa paggawa ng budgets)
Kinakailangan kayong mag-outline ng patikular na gagawin para maabot ang inyong business goals.

Bakit importanteng magkaroon ng isang marketing strategy?

Tutulong ito sa pagpokus ng efforts, pag-allocate ng resources sa mas epektibong paraan, at ma-track ang progreso paglipas ng panahon.

Paano gumawa ng isang marketing strategy?

Magsama ng detalyadong plano sa bawat hakbang na naka-outline sa guide na ito. Tukuyin kung gaano katagal ang oras na ilalaan sa bawat activity nang makapag-produce ng resulta at mag-set ng goals sa gusto ninyong makamtan.
Paano gumawa ng isang marketing strategy?

Anong tools ang gagamitin sa hakbang na ito?

  • customer relationship management (CMS) software
  • search engine optimization (SEO) software
  • social media
  • online advertising
Isa sa pinaka-epektibong paraan para mapahusay ang marketing ninyo ay ang pag-develop ng content strategy. Ito ang maglilista ng anong uri ng content ang ilalabas ninyo at gaano kadalas ninyong balak mag-publish.

Bakit importante ang content strategy?

Kinakailangan na sa ngayon ang quality content sa anumang matagumpay na marketing strategy. Nakaka-engganyo ito ng pagdedesisyon sa pagbili, tutulong na maituro sa potential customers ang tungkol sa inyong business, at nagtataguyod ng tiwala.
Customer Relationship Management - vector illustration

Paano gumawa ng isang content marketing plan?

Simulan sa paggawa ng listahan ng mga uri ng content na nais ninyong i-produce, kasama na ang blog posts, social media updates, at videos. Mag-develop din ng editorial calendar para sa bawat platform para mas malinaw ang inyong schedule.

Anong tools ang ginagamit sa hakbang na ito?

  • blogging platform software at CMS (kung meron kayo nito)
  • social media management tools tuladng Kontentino para mas matulungan kayo sa epektibong pagma-manage ng content
Siguraduhing madali kayong makokontak ng customers nang makakuha ng importanteng impormasyon nang walang hassle.

Bakit importanteng mapalapit sa inyong potential customers?

Tutulong kasi ito sa pagtaguyod ng mas magagandang relationship. Mas pagkakatiwalaan nila kayo kung alam nilang makakaasa sila sa inyo kung kakailanganin nila ang tulong ninyo.

Paano ba mapalapit sa inyong potential customers?

Marami kayong magagamit na methods sa pag-streamline ng abilidad ng customers ninyong makakonekta sa inyo. Mula ito sa nakikita ng clients tulad ng live chat widgets hanggang sa mga tutulong sa agents ninyong mag-manage ng workload nila nang mas epektibo, na siyang dahilan ng pagtaas ng customer satisfaction. Ino-offer itong lahat ng LiveAgent – magagamit ninyo ang built-in call center software, maka-capture ng mas maraming leads gamit ang pinakamabilis na live chat sa market, at mag-manage ng lahat ng chats, messages, emails, calls, etc. mula sa iisang inbox.
Connect Twitter with Help desk software - LiveAgent

Anong tools ang magagamit para mas mapalapit pa sa inyong potential customers?

  • Call center software
  • Live chat
  • Social media support software
Ngayong may plano na kayo sa content, gumawa naman ng digital assets na kailangan para maganap ito.

Bakit ninyo kailangang gumawa ng digital assets?

Kailangang masigurado ninyong lahat ng social media profiles at website pages ninyo ay updated para maka-attract sila ng visitors at maging mas engaged sa inyong brand. Tutulong din itong magmukhang mas professional at credible ang business ninyo.
LiveAgent - Facebook homepage

Paano gawin ang buildout?

Simulan sa paggawa o pag-update ng your website at social media profiles. Kasama rito ang paglagay ng kaakibat na impormasyon tulad ng description ng inyong business, contact details, at mga imahe o logo. Siguraduhin ding lahat ng pages ninyo ay naka-link nang maayos para madali itong magagamit ng visitors.

Anong tools ang ginagamit sa digital asset buildout?

  • website builder software
  • social media management tools (tulad ng Hootsuite o Kontentino)
  • graphics design software (e.g. Adobe Photoshop)
  • video editing software (tulad ng Adobe Premiere Pro)
Matapos ninyong maintindihan nang husto ang inyong business at ang market, gumawa na ng action plan sa pagpapahusay ng inyong marketing strategy. Mga partikular na hakbang ang ililista rito na kakailanganin ninyo sa pagpapahusay ng mga di epektibong aspekto ng marketing ninyo.

Bakit importante ang action plan?

Tutulong ito sa pagtukoy kung saan kayo puwede pang mag-ayos at makapagplano ng nararapat na pagbabago.

Paano gumawa ng action plan?

Kasama dapat sa action plan ang detalyadong review ng bawat aspektong di epektibo sa inyong marketing strategy, kasama ang mga hakbang na gagawin ninyo para mapahusay sila.
Decide Commit Repeat - wooden letters

Anong tools ang gagamitin sa hakbang na ito?

  • digital marketing strategy template o worksheet
  • action planning software tulad ng Trello
  • report templates (tulad ng marketing reports) sa pag-track ng progreso sa paglipas ng panahon at para mai-share ito sa inyong team members at boss

Kinakailangang mga elemento ng marketing audit

Objective ng audit

Tukuyin ang pakay ng audit ninyo. Ang objectives ng marketing audit ay nag-iiba-iba pero kadalasang kasama ang sumusunod:

  • Pag-evaluate ng pagiging epektibo ng nakaraang digital marketing campaigns.
  • Pagtukoy sa mga strength at weakness ng kasalukuyan ninyong marketing strategy.
  • Pag-imbestiga sa customer feedback at mga reklamo.
  • Pag-monitor ng aktibidad ng competitor ninyo.

Sakop ng audit

Kapag alam na ninyo ang goal, oras na para matukoy ang sakop ng audit ninyo. Magdesisyon kung alin ang isasama at hindi isasama. Tutulungan kayo nitong mapanatili sa tutok habang isinasagawa ang analysis. Ang ilang factors na puwedeng ikonsidera ay:

  • Ang time frame ng audit – Ito ba ay buong taon, 6 na buwan, o 1 lang?
  • Geographical scope – Aling mga bansa/rehiyon ang makakasama sa analysis ninyo?
  • Product focus – Aling mga produkto o serbisyo ang susuriin ninyo?
  • Target market – Sino ang intended audience ninyo?
Audit log filter in Help desk ticketing software - LiveAgent

Mga method ng audit

Kapag nalaman na ninyo kung ano ang titingnan ninyo, oras na para tukuyin ang pinakatamang paraan sa pagkuha ng impormasyon. May iba’t ibang method ng audit ang available. Pumili ng isa na gagana nang mahusay para sa pangangailangan ninyo.

Ang ilang standard na method ng audit methods ay:

  • Pag-review ng company documents – financial reports, marketing plans, customer data.
  • Pag-survey ng customers – gamit ang interviews, focus groups, o surveys.
  • Pag-monitor ng online activity – website analytics, social media metrics, etc.
  • Pagkumpara sa kompetisyon – aralin ang kanilang marketing strategies at tactics.
  • Pag-analyze ng financials – revenue growth, profit margins, etc.

Analysis at findings

Alamin kung nakamtan ang objectives ninyo at kung ano ang pagbabago, kung meron man, na kailangang gawin. Siguraduhing ipakita ang findings nang mas malinaw at eksakto para mas madaling maintindihan ng management.

Kasama sa ilang standard na analysis methods ay:

  • Paggawa ng SWOT analysis – strengths, weaknesses, opportunities, at threats.
  • Paggawa ng PESTEL Analysis – political, economic, social, technological, environmental, at legal factors na makaaapekto ng inyong business o industry.
  • Pag-develop ng action plan na may mga rekomendasyon para sa pagpapahusay pa.
Analytics overview feature sa Customer service software - LiveAgent

Mga Rekomendasyon

Pagdating sa mga rekomendasyon, gugustuhin ninyong magsama ng partikular na hakbang para matukoy ang mga isyung lilitaw sa audit. Sisiguraduhin nitong alam ninyo ang kailangang gawin at kung anong plano ang susundin. Siguraduhing ang mga rekomendasyon ay kayang matupad at realistic para ma-implement sila nang deretsahan.

Implementation plan

Gumawa kayo ng implementation plan. Mag-outline kung sino ang magiging responsable sa bawat hakbang, anong resources ang kailangan, at isang timeline kung kailangan dapat makumpleto ang tasks. Isang maayos na implementation plan ang tutulong sa pagsisiguradong magagawa ang mga pagbabago sa tamang oras at paraan.

Evaluation

Kapag nagawa na ang mga pagbabago, oras na para mag-evaluate kung epektibo sila. Dito ninyo malalaman kung nakamtan ba o hindi ang objectives at kung may mga naging isyu sa proseso.

Metrics ng marketing audit

Conversion rates

Conversion rates ang pinaka-accurate na pagsuri kung epektibo ang marketing campaign. Makakalkula ninyo ang conversion rates batay sa:

  • Sales – Ang pag-track ng mga website purchase at sales gamit ang eCommerce platform o CRM system ang magpapakita kung ilang clients ang bumili pagkatapos makita ang ilang pages/content.
  • Leads – Ito ang pagsukat kung ilang leads ang na-generate bilang resulta ng inyong marketing efforts, at i-track kung ilan sa kanila ang nagresulta sa sale.
  • Sign-ups – pag-track kung ilang tao ang nag-sign up sa inyong email list o nag-download ng white paper o ebook, etc.
  • Clicks – pag-measure ng bilang ng clicks sa inyong ads (impressions) at ang bilang ng conversions na nagresulta sa kanila.
Acquisition behavior graph

Bounce rate

Ang bounce rate ay isang metric na ginagamit sa pag-track ng bilang ng taong bumibisita sa site at umaalis agad. Tutulong ito sa pag-intindi kung ang nakukuha ninyo ay ang tamang audience o hindi.

Ang bounce rate ay natutukoy sa pagkuha ng kabuuang bilang ng visitors na umaalis sa site ninyo matapos makita ang isang page at hatiin sa kabuuang bilang ng visits. Kung mataas ang percentage na ito, baka merong bagay sa website na nakaka-turn off sa mga tao o nagpapaalis sa kanila bago pa man sila makatingin nang todo. Para mabawasan ang bounce rates, subukan ito:

  • Alisin ang mga di kailangang content mula sa landing pages – mag-test kung aling elemento ang nakakataas ng conversions nang hindi tumataas ang bounce rate bago sila tuluyang tanggalin.
  • Gawing mas compelling ang mga call-to-action ninyo – linawin kung anong mga visitor ang nakukuha kapalit ng kanilang oras at effort.
  • Pagdag ng trust signals – ikonsidera ang paggamit ng security badges, customer logos, at testimonials, etc., para mataasan ang visitor confidence.
Google Analytics - Bounce rate

Click-through rate

Ang click-through rate (CTR) ay isang metric na nagagamit para sukatin ang bilang ng clicks sa inyong ads at kung ilang tao ang bumibisita sa website ninyo bilang resulta. Ang pag-track nito ay tutulong sa inyong matukoy kung anong ad formats, placements, o networks ang mas magtataas ng traffic sa inyong site. Para mapahusay ang CTR, gawin ito:

  • Mag-test ng iba-ibang ad formats at placements – subukang gumamit ng magkakahalong text, imahe, at video ads para makita kung alin ang nakaka-generate ng pinakamaraming clicks.
  • Mag-monitor ng inyong website traffic – maghanap ng spikes sa traffic na tumutugma sa pagtaas ng ad spending para matukoy kung aling ads ang pinakamahusay na gumagana.
  • Mag-adjust ng inyong bids – kung di ninyo nakukuha ang nais ninyong CTR, taasan o bawasan ang bids ninyo para mapaganda o mabawasan ang visibility ninyo.
CTR example

Mga effort sa social media

Ang social media ay isang powerful tool para sa marketing ng inyong business. Tutulong ito sa pag-abot ng bagong customers, pagtaguyod ng mga relasyon sa kasalukuyang customers, at sa pag-generate ng leads. Para mas mapakinabangan ang social media, gawin ito:

  • Gumawa ng interesante at engaging na content – mag-share ng blog posts, infographics, imahe, at videos, etc., para makuha ang atensiyon ng mga tao.
  • Sumali sa mga usapan – sumali sa mga makabuluhang diskusyon para tumaas ang customer awareness ng inyong brand.
  • Sukatin at i-track ang mga resulta – mag-monitor ng social media analytics (e.g. Facebook insights) para makita kung ilang tao ang makaka-engage sa inyo sa bawat platform at ang mga tipo ng posts na mas magtataas ng traffic pabalik sa inyong website.

Mga effort sa sales

Sales ang ultimate goal lagi ng anumang marketing efforts. Ang pag-track ng sales metrics ang tutulong kung ang campaigns ninyo ang magdadala ng bagong customers at magtataas ng customer retention rates. Magagawa ang pag-track ng sales metrics sa sumusunod:

  • eCommerce platforms – gumamit ng tools tulad ng Shopify, Bigcommerce, etc., para ma-track ang product purchases sa lahat ng stores/websites.
  • Email marketing tools – gumamit ng tools tulad ng Mailchimp o Constant Contact para ma-track ang bilang ng sales na nagreresulta mula sa email campaigns, pati na ang customer lifetime value at ROI para sa bawat campaign na ginagawa ninyo.
  • Maki-partner sa inyong finance team – para makapag-share sila ng data tungkol sa bagong customers na nakuha ninyo mula sa inyong efforts, pati kung ilang sales ang nagagawa ninyo sa average.

Metrics ng brand awareness

Ang pag-improve ng brand awareness ay isang nagpapatuloy na proseso na nangangailangan ng oras at consistent na effort para makita ang mga resulta. Para ma-track ang progreso ninyo:

  • Magkumpara ng like-for-like metrics – ikumpara ang data mula sa parehong buwan/quarter ng nakaraang taon (o mas matagal pa) sa kasalukuyang data para makita kung gaano karaming progreso ang magagawa ninyo.
  • Gumamit ng Brand Lift surveys – ito ay questionnaires na magtatanong sa mga tao kung narinig na nila ang inyong brand at, kung oo, kung may positibo o negatibo silang impression nito.
  • Mag-monitor ng social media mentions – gumamit ng tools tulad ng Hootsuite o Mediatoolkit para sukatin kung ilang beses nababanggit ang brand ninyo online.
  • I-track ang posisyon ng brand ninyo sa search results – mag-monitor kung gaano kadalas lumalabas ang kompanya ninyo sa itaas ng Google, Bing, etc., nang makita kung aling target keyword ang magpapataas ng traffic at sales sa inyong website.

Summary ng marketing audit checklist

  • Alamin ang inyong target market
  • I-set ang goals ninyo
  • Suriin ang kabuuang market
  • Magsagawa ng SWOT analysis
  • Suriin ang pagiging epektibo ng kasalukuyang marketing efforts
  • Tukuyin ang inyong USP
  • Kumpirmahin ang marketing budget ninyo
  • Gumawa ng marketing strategy
  • Mag-develop ng content marketing plan
  • Mas maging malapit sa potential customers ninyo
  • Gumawa ng digital assets (website, social media profiles)
  • Gumawa ng action plan para mapahusay ang di epektibong aspekto ng marketing strategy ng kompanya

Kinakailangang mga elemento ng marketing audit:

  • Objective ng audit
  • Sakop ng audit
  • Mga method ng audit
  • Analysis at findings
  • Mga Rekomendasyon
  • Implementation plan
  • Evaluation

Metrics ng marketing audit:

  • Conversion rates
  • Bounce rate
  • Click-through rate
  • Mga effort sa social media
  • Mga effort sa sales
  • Metrics ng brand awareness

Marketing audit checklist FAQs

What should I ask in a marketing audit?

A marketing audit ought to cover all aspects of your marketing activity, from brand awareness to sales process. It should also include a review of your website, eCommerce platform, and social media presence. As you can see, there are many aspects to cover and working with teams is recommended, including your finance and accounting departments. Our checklist summarises all of the key points you need to cover in your audit.

How do I recover from failed marketing campaigns?

If you're not achieving the desired results from your current campaigns, try A/B testing different ad formats and placements (e.g, text vs. image ads). In addition, monitor website traffic for spikes in inactivity and look for trends to determine which ads bring in new customers. It may also be a good idea to review your website's design, content strategy, or SEO keywords to see where you can improve.

How do you prepare for a marketing audit?

The best way to prepare for a marketing audit is to gather all of the relevant data and have it ready for review. This includes analytics from your website, eCommerce platform, social media accounts, and email marketing tools. You should also have any branding or design assets ready for review, as well as an overview of your current campaigns and their results. You can download our free marketing audit checklist PDF, which includes a summary of all the key points you need to cover in your audit.

How do you format a marketing audit?

There is no one-size-fits-all answer to this question, as the format of a marketing audit will vary depending on the size and complexity of your business. However, most audits will include: Executive summary - a brief overview of the key points from your audit, including any recommendations or next steps. Current marketing activity - an outline of all ongoing and completed marketing campaigns, as well as how successful they were in driving sales. Marketing goals - details about your business objectives for each type of campaign you run to give a clear understanding of what you're trying to achieve. Marketing activities review - an assessment of e.g. your website's design, user experience, content, SEO, social media, and email marketing strategy. Financial review - an examination of how much you're spending on marketing and whether or not this is generating a good return on investment (ROI). Next steps - recommendations for ways to improve your marketing activity based on the findings from your audit.

How much time do I need to successfully complete a marketing audit?

Again, there is no definitive answer to this question. However, you should allow enough time to review all the data and make recommendations for improvement. By using our digital marketing audit checklist, you can reduce this time to a minimum because you won't need to make any additional changes nor miss anything crucial.

What is the role of email marketing audit in digital marketing audit?

Email marketing is one of the most important channels in digital marketing. It's a great way to connect with customers and keep them updated on your latest products and services. Auditing your email marketing is an essential part of maintaining a successful campaign.

Mga kaakibat Na resources

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo