Ang tampok na internal na tawag ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon na lumipat mula sa internal na chat para sa mas kumbinyenteng paraan ng pakikipag-usap sa iyong mga kasamahan, voice chat. Isang tampok na direktang kasama sa LiveAgent sa kabuaan ng call center ay nagbibigay daan sa iyo na mabilis na lutasin ang anumang isyu na iyong harapin o makuha ang tamang sagot sa napakaiksing panahon. Ang paggawa ng internal na tawag ay napakadali lamang.
Pindutin lamang ang buton na plus sa itaas na kanto at piliin ang “Bagong internal na tawag” mula sa listahan ng mga opsyon.
Ito ay magbubukas ng bagong bahagi ng LiveAgent, kung saan maaari mong piliin ang tao na nais mong kausapin. Ang pagpindot sa buton sa pagtawa ay kaagad na magbubukas ng bagong ticket na may sarili nitong ID at isang interface na kahawig sa kabuuan ng LiveAgent.
Katulad ng internal na chat, ikaw ay may pagkakataon na maglagay ng isang tala na may taglay na Ticket ID (na napipindot at magdidirekta sa iyo sa ticket na iyon.
Kung sakaling kailangan mo ng tulong sa isang ispesipikong ticket o hiling ng isang kustomer, maaari mong simula ang internal na tawag direkta mula sa interfeace ng ticket na iyon. Ang pagpindot sa 3 tuldok ay ipapakita sa iyo ang listahan ng mga magagamit na opsyon at ang internal na tawag ay bahagi nito. Ang proseso sa pagsisimula ng tawag ay katulad ng nakaraang paraan. Piliin ang iyong kasamahan na iyong nais at pindutin ang buton sa pagtawag.
Feeling stuck? Hit up a colleague
LiveAgent enables you to call your online colleagues for free, without the need for any third-party software. Try it today. No credit card required.