MDaemon integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang MDaemon?
Ang MDaemon ay isang email server application para sa mga computer na gumagamit ng Microsoft Windows operating system. May offer itong user-friendly interface at sumusuporta ng napakaraming client-side protocols. Kasama sa features nito ang email archiving, mobile device management, instant messaging, migration, at email security. Ligtas gamitin ang MDaemon dahil sa matatag nitong anti-spam at antivirus protection features. Puwede rin nitong ma-encrypt ang data ninyo.
Paano ginagamit ang MDaemon?
Ino-offer ng MDaemon ang lahat ng features nang walang dagdag na bayad, at nakapokus ang pricing plans nila sa bilang ng users. Dahil ito, ideyal siyang solution para sa mga maliliit na kompanyang naghahanap ng fully-featured email server na hindi makababasag sa budget. Ang protektadong MDaemon email solution ay mahusay magbantay ng seguridad ng komunikasyon ninyo. I-integrate ito sa LiveAgent ticketing system para mapahusay ang inyong help desk na may maaasahang email solution.
Iangat na ang help desk ninyo sa susunod na level gamit ang MDaemon integration para sa LiveAgent help desk. I-transfer ang emails at contacts sa isang dedicated na help desk solution na fully featured. Alamin ang mga ticketing feature tulad ng rules na tinutulungang ma-automate ang maraming proseso ng help desk o kaya canned messages na magagamit sa mabilisang pagsagot sa customers.
Tingnan ang hybrid ticket stream na nagpapakita ng customer tickets mula sa anumang communication channel na napunta sa iisang ticketing thread. Madaling magdagdag at mag-organisa ng tickets mula sa email, live chat, call center, customer portal, o kahit social media sa iisang lugar. Ikonekta ang inyong Facebook, Instagram, Twitter, at Viber accounts at magbigay ng pinakamahusay na suporta para sa inyong customers.
Simulang mag-organisa ng inyong email communication at sundan sila mula sa LiveAgent universal inbox. Mag-set ng responsibility rules o gumawa ng departments para tukuyin ang specialization ng agent. Gamitin ang notes at tags para magtakda ng reminders o itago ang lahat ng importanteng customer information sa tickets. Tuklasin ang lahat ng ticketing features sa LiveAgent at tingnan kung paano ninyo ito mapapakinabangan.
Ano ang mga benepisyo ng integration ng MDaemon?
- Maasahan at may seguridad
- May trusted email server sa 90 na bansa
- Sobrang abot-presyo at fully featured
- Flexible ang deployment
Provide amazing email support
Switch to LiveAgent ticketing system and provide efficient email support thans to advanced features
Paano ang integration ng MDaemon sa LiveAgent?
Ang LiveAgent ay may offer na integration options para sa email servers gamit ang IMAP/POP3. Ang MDaemon ay madaling ma-integrate sa LiveAgent ticketing system gamit ang configuration options. Sundan ang guide sa ibaba para matutuhan kung paano ito ginagawa.
- Wala pa kayong MDaemon? Pumunta sa kanilang product website at magsimula. Sulatan ang maikling questionnaire at kumuha ng plan. Kapag may product code ma kayo, puntahan ang literature page nang makita ang how-to guides at ibang resources. Pagkatapos ng inyong MDaemon setup, pumunta sa inyong LiveAgent account.
- Kapag handa na ang MDaemon account, ituloy ang LiveAgent account ninyo o magsimula ng libreng trial kung wala pa kayong account. Pumunta sa Configuration > Email > Mail Accounts at piliin ang orange na Create button. May ilang email providers na lalabas sa menu. Piliin ang huling option na Other. Piliin ang IMAP/POP3.
- Ngayon, kailangan ninyong maglagay ng detalye ng inyong MDaemon account. Ilagay ang username, password, at email address. Piliin ang email fetching method at ilagay ang port at server info. Puwede rin ninyong piliin ang responsableng department. Kapag masaya na kayo sa settings, i-click ang Save at tapos na kayo.
Kukunin na ng LiveAgent ticketing system at inbox ang lahat ng email communication at iko-convert ito bilang tickets. Simulan ang inyong journey sa pagbibigay ng pinakamahusay na customer support sa LiveAgent Academy kung saan ninyo matutuhan ang tungkol sa customer support at paggamit ng software.
Frequently Asked Questions
Ano ang MDaemon?
Ang MDaemon ay isang email server application para sa mga computer na gumagamit ng Microsoft Windows operating system. May offer itong user-friendly interface at sumusuporta ng napakaraming client-side protocols. Kasama sa features nito ang email archiving, mobile device management, instant messaging, migration, at email security. Ang matatag na anti-spam at antivirus protection ng MDaemon ang dahilan kaya ito isang protektadong email solution.
Paano ginagamit ang MDaemon?
Ang pricing plan ng MDaemon ay nakabatay sa bilang ng users dahil ino-offer nito ang lahat ng features nang walang dagdag na bayad. Para sa mga kompanyang gusto ng email server na kasama ang lahat ng features na kailangan nila nang di gumagastos nang malaki, ito ang ideyal na solution. Ramdam mo ang proteksiyon sa komunikasyon sa dulot ng matatag na seguridad ng MDaemon email solution. Madaling ma-incorporate ito sa inyong LiveAgent ticketing system para mapahusay ang inyong customer service.
Ano ang mga benepisyo sa integration ng MDaemon?
Maasahan at may seguridad May trusted email server sa 90 na bansa Sobrang abot-presyo at fully featured Flexible ang deployment
Paano gawin ang integration ng MDaemon sa LiveAgent?
Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts Gumawa ng bagong email at piliin ang Other Piliin ang IMAP/POP3, ilagay ang mga detalye, at i-click ang Save