Instagram

Ang Instagram ay isa sa pinakapopular na social media platform na may 1 bilyong aktibong user kada buwan. Ginagamit ang platform sa pag-share ng mga photo, maiikling video, at stories na may 24-oras na expiration date. Puwede ring gamitin ng mga Instagram user ang direct messaging na feature.

LiveAgent Instagram
Preview ng Instagram page ng LiveAgent

Bakit mahalaga ang Instagram customer support?

Noong una, ginagamit lang ang Instagram sa pag-share ng photos sa mga kaibigan at pamilya. Pero nang sumikat ang platform, nagsimula nang sundan ng mga user ang account ng mga celebrity at kilalang tao. Maraming Instagram user ang agarang sumikat sa paggamit ng tamang hashtag at sa pag-market ng sarili nila. Di nagtagal, pati mga business ay mabilis nang inaral ang platform na sa tingin nila ay puwedeng maging susi sa kanilang kasikatan. 

Sa panahon ngayon, halos lahat ng modernong business ay aktibo na sa Instagram dahil ginagamit nila ang platform sa pag-promote ng mga produkto at serbisyo nila gamit ang pinagandang mga photo, video, at pati customer testimonial. Nang lumago na ang bilang ng mga Instagram business page, nakita ito ng Instagram bilang oportunidad kaya gumawa sila ng isang “Marketplace” feature kung saan puwedeng diretsong bumili ng mga produkto mula sa Instagram app mismo.

Bakit mahalaga ang Instagram customer support? - App - Uploads - 2021 - 03 - Instagram Checkout Flow 900x490 1.png
Instagram marketplace

Pero dahil tinatrato ang Instagram bilang “always-on” o channel na laging “nakabukas” at ang marketing nito ay laging sobrang mataas, maraming customer ang gumagamit na nito bilang platform ng customer support kung saan nagtatanong sila tungkol sa mga promo ng produkto, serbisyo, at tungkol sa business o brand mismo.

Bakit mahalaga ang Instagram customer support? - App - Uploads - 2021 - 03 - IG Pinned Comments Vertical Double 3.png

Minsan, nagpo-post pa ng warning ang ibang customer kapag may negatibo silang karanasan sa isang business. Dahil dito, puwedeng gumanda o masira ang isang business dahil sa comment, reklamo, o papuri ng mga customer. Pero tunay na challenge pa ring sagutan ang bawat tanong, message, o mention nang walang tools. Karamihan sa mga business sa Instagram ay nakakakuha ng daan-daang notification kaya madaling makaligtaan ang ilan dito. Paano nga ba maging master sa paggamit ng Instagram support?

Instagram support sa LiveAgent

Sobrang dali lang ang Instagram customer support kung tama ang tools ninyo — ibig sabihin, ang LiveAgent. Sa aming Instagram integration, makokonekta ang inyong Instagram Business Page sa aming help desk software. Ang resulta? Bawat Instagram comment o mention ng page ninyo ay automatic na magiging isang ticket na papasok sa inyong help desk software. 

Instagram support sa LiveAgent - App - Uploads - 2021 - 01 - Instagram Comment Liveagent Reply.png
Isang Instagram comment na naging LiveAgent ticket

Ano ang magagawa sa integration na ito?

  • Makikita at masasagot ang mga comment diretso mula mismo sa help desk
  • Makikita at masasagot ang mga mention diretso mula mismo sa help desk
  • Piliin kung saang department iruruta ang mga Instagram ticket
  • Ikonekta ang maraming Instagram account
  • Ilagay sa archive ang Instagram tickets
  • Ilagay ang lahat ng Instagram tickets sa iisang dashboard

Ano ang hitsura nito at paano ito gumagana?

Iniisip ba ninyo kung mahahalata ng mga customer na external tool ang ginagamit ninyo sa pagsagot ng mga tanong nila? Ang sagot ay hindi. Panoorin kung paano ito gumagana sa detalyadong video tutorial na ito.

Paano ang integration ng Instagram sa LiveAgent

Sundan ang mga hakbang na ito para masimulan nang sumagot ng mga Instagram comment at mention sa LiveAgent ngayon!   

Tandaan, dapat merong Facebook page kayong naka-integrate muna sa Instagram. Kung hindi nakakonekta ang Instagram account ninyo sa Facebook Page ninyo, nirerekomenda naming sundan muna ninyo ang tutorial na ito. (Puwede ninyong ikonekta ang anumang Instagram account na konektado sa anumang Facebook page na kayo ang namamahala bilang admin.)

  1. Mag-log in sa LiveAgent
  2. I-click ang Configuration (cogwheel icon sa kaliwang menu bar)
  3. I-click ang Facebook at Instagram
  4. I-click ang Accounts
  5. I-click ang Connect
Facebook-at-Instagram-konektado-LiveAgent

f. May bagong pop-up window na lalabas na ipapa-log in kayo sa inyong Facebook account. Ilagay ang impormasyon ninyo sa pag-log in. O kung naka-log in na kayo, i-click lang ang Continue As

g. Tanggapin lang ang message na ito sa pag-click ng OK kapag lumabas ito: ”Humihingi ng permiso ang LiveAgent sa pag-manage ng Pages, mag-publish bilang Page ninyo, at ng access sa inyong Facebook Page messages.”

h. Bumalik sa LiveAgent at piliin ang Facebook page na konektado sa inyong Instagram. Piliin ang mga permission na gusto ninyo. Puwedeng pumili sa sumusunod na mga option:

  • Kunin ang mga comment
  • Kunin ang mga mention

Tandaan, hindi suportado ng integration na ito ang direct messaging dahil sa Facebook policy. Kaya hindi ninyo puwedeng ma-streamline ang mga Instagram direct message papasok sa LiveAgent.

  1. Piliin ang department kung saan ninyo gustong iruta ang mga paparating na Instagram ticket
  2. I-click ang Save
Instagram-feature-LiveAgent

Paano kayo makakabenepisyo sa integration na ito?

Mas mataas na customer satisfaction at mas matatag na brand loyalty

Ang pinakamahalagang bagay sa customer service ay ang mapanatiling masaya at kuntento ang mga customer. Kaya kung nakatago ang lahat ng Instagram ticket sa help desk ninyo, puwede silang madaling ma-access anumang oras. 

Di na kailangan pang tingnan ang bawat indibidwal na post kung may bagong comment. Lahat ng communication history ay protektadong nakatago sa archive, at madali silang ma-access mula sa dashboard. 

Mas mataas na customer satisfaction at mas matatag na brand loyalty - App - Uploads - 2019 - 10 - Example Of Ticket Phases Inside Universal Inbox.jpg
LiveAgent ticketing dashboard

Sa paggamit ng LiveAgent, mapapabilib ninyo ang mga kliyente dahil sa inyong detalyadong kaalaman ng mga nakaraang query nila at impormasyon ng mga binili, na magpapakitang inaalagaan ninyo sila nang husto. Mapapaigting nito ang brand loyalty, customer lifetime value, at pati na ang customer satisfaction.

Mas mabilis na paglutas ng problema

Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang pagkakaroon ng isang magandang produkto o presyo. Mas gusto na ng customer ang mas personal at walang hassle na karanasan sa shopping, lalo na ang mabilis na tugon sa kanilang tanong. Kapag nagtanong ang customer ninyo sa Instagram pero wala silang nakuhang sagot sa loob ng isang oras (inaasahan ng karamihan ng customers ang pagsagot sa loob ng isang oras matapos silang mag-post), malaki ang posibilidad na iwanan nila kayo at pupunta sila sa kompetisyon ninyo. 

Ibigay sa customers ang gusto nila at ang inaasahan sa LiveAgent — ang mas personal, mabilis, walang hassle na support. Magbibigay ng notification ang LiveAgent help desk software tuwing makakakuha kayo ng panibagong ticket mula sa Instagram, na sadyang pinapadali ang epektibong pagsagot sa lahat ng tanong ng customer.

Mas mahusay na workflow

Mas epektibo ang agent sa pagsagot sa mga tanong ng customer gamit ang LiveAgent. Bakit?

  • Di na kinakailangan ng mga agent na tumutok sa pagmo-monitor ng maraming account at device
  • Di na maaabala ang mga agent ng Instagram feeds
  • Hindi maiistorbo ang mga agent sa paparaming bilang ng notification
  • Mahahawakan ng mga agent ang iba’t ibang business account nang sabay-sabay

Mas malakas na brand presence

Kapag nagba-browse ang customer ng Instagram ninyo, ibig sabihin ay handa na silang bumili dito. Minsan, may kaunting tanong lang silang kailangang sagutin o titingnan nila kung paano kayo magtrato ng customer sa online. Ayon sa research, 85% ng customer ay nagri-research ng mga produkto/serbisyo sa online bago sila bumili.

Panahon na para ipakitang-gilas ang kakayahan ninyong sagutan agad ang lahat ng tanong ng customer!

Mas malakas na brand presence - App - Uploads - 2021 - 03 - Removing Negative Instagram Comments 1 1024x648 1.png
Ang malakas na Instagram presence ng Wendy’s

Mas mahusay na seguridad, mas kaunting data breach

Sa LiveAgent, mas protektado ang pagsagot ng Instagram messages. Bakit? Itinatago ang mga Instagram ticket sa isang shared universal inbox na puwende ma-access ng bawat support agent. Ibig sabihin, hindi na ninyo kailangang mag-alala sa sumusunod:

  • Pag-share ng Instagram login credentials sa maraming empleyado
  • Ang pag-log in sa mga public device
  • Mawala ang mga device na naka-log in sa inyong Instagram account

Malaking lamang sa kalaban

Kahit na nagiging mas popular na ang pagkakaroon ng Instagram support, marami pa ring mga business na wala nito. Makinabang dito at umangat sa kompetisyon ninyo sa simpleng pagkonekta ng Instagram account ninyo sa LiveAgent.

Peter Komornik

Ang LiveAgent ay pinagsama ang mahusay na live chat, ticketing at automation na hinahayaan tayong makapagbigay ng pambihirang suporta sa aming mga kustomer.

Peter Komornik, CEO
logo slido black

Handa na kayong subukan ang Instagram integration?

Kami na ang bahala sa gagawin at sa logistics para makapokus kayo sa pagbibigay ng mainam at maaasahang support sa lahat ng customers ninyo. Simulan ang inyong libreng 14-araw na trial ngayon. Di kailangan ng credit card.

Subukan ang LiveAgent Ngayon​

May offer kaming concierge migration na serbisyo mula sa isa sa pinaka-popular na help desk solution.

3,000+ na review Trustpilot GetApp G2 Crowd

{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang Instagram?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang Instagram ay isang platform na ginagamit sa pag-share ng mga photo, maiikling video, at stories na may 24-oras na expiration date. ” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Bakit mahalaga ang Instagram customer support?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Dahil aktibo na rin ang mga customer sa Instagram at inaasahan nilang maging aktibo rin dito ang mga business. Inaasahan nila ang mabilis o kaya’s mas mabilis pa na serbisyo tulad ng inaasahan nila sa live chat, email, at phone.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang magagawa sa Instagram help desk integration?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “-Makikita at masasagot ang mga comment diretso mula mismo sa help desk -Makikita at masasagot ang mga mention diretso mula mismo sa help desk -Piliin kung saang department iruruta ang mga Instagram ticket -Ikonekta ang maraming Instagram account -Ilagay sa archive ang Instagram tickets -Ilagay ang lahat ng Instagram tickets sa iisang dashboard ” } }] }

Streamline your Viber support today

Answer Viber messages and broadcast messages directly from your help desk starting today. Start your free 14-day trial now. No credit card required.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo