Ang Twitter ay isang social media platform na tinatawag ding microblogging website. Puwedeng makipag-ugnayan ang mga Twitter user sa isa’t isa at magpadala ng maiikling mensaheng tinatawag na tweet, na limitado lang sa 280 characters.
Magandang gamitin ang Twitter bilang platform sa mabilisang pagkalat ng impormasyon, pagiging updated sa current events, pag-abot sa mga bagong audience, pagkalap ng feedback, pagsali sa mga usapan, at sa paglalahad ng mga isipin.
Bakit mahalaga ang Twitter customer support?
Sa buong mundo, ang Twitter ay may higit sa 187 milyong aktibong user sa araw-araw. Karamihan sa mga user na ito ay ginagamit ang Twitter para magbahagi ng kanilang mga opinyon tungkol sa mga produkto at business, magtanong, at magbigay ng feedback sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga negatibo at positibong karanasan nila.
Dahil itinuturing ang Twitter bilang isang channel na laging bukas o “always-on,” ang mga kasalukuyan at potensiyal na customer ay umaasang mapapansin sila sa platform na ito kapag nakipag-ugnayan sila sa anumang business dito. Kadalasan, ang mga kompanyang di agad nakakasagot o di sapat sa customer ang pagtugon nila ay nauuwi sa kilos ng customer na may kasamang backlash, cancel culture, o pagboykot.
Dahil sa estruktura ng Twitter, ang mga negatibong karanasan at backlash ay maaaring kumalat agad nang malawakan, at maraming tao ang nakikisali o nakikisabay sa uso dito. Kaya napakahalagang maging aktibo sa Twitter bilang dagdag sa pagiging mas maalam sa proactive na customer service.
Paano ka makapagbibigay ng agarang customer service sa Twitter?
Para masiguradong makukuha mo ang mga notification ng bawat tweet na patungkol sa inyong kompanya, kailangan ninyong gumamit ng isang advanced tool tulad ng LiveAgent.
Gamit ang aming Twitter integration, puwede mong ma-monitor ang inyong brand, pati na rin ang mga kalaban ninyong brand. Puwede ka ring sumagot sa mga tweet at comment na nangangailangan ng agarang aksiyon, dahil bibigyan ka ng sistema ng notification habang nako-convert bilang ticket ang bawat tweet na naglalaman ng inyong tracked keywords, comments, at mention.
Ano ang magagawa mo sa integration na ito?
- Sundan ang mga brand mention at keyword
- Mag-setup ng simpleng search terms at mag-monitor at archive ng lahat ng tweets na naglalaman ng mga terms na ito sa inyong database
- Ma-monitor nang real time ang lahat ng inyong brand mention
- Ma-monitor nang real time sa social media ang inyong brand
- Ikonekta ang maraming Twitter account
- Sumagot ng mga tweet, comment, at mention mula sa iisang lugar lamang
- Mas madaling makakapagkategorya at mahahanap ang mga komunikasyon at customer comment sa Twitter
- Awtomatikong nakukuha ang mga public mention bilang Ticket
Ano ang hitsura nito/paano ito gumagana?
Halimbawa’y ang pangalan ng kompanya ninyo ay “Helicompany” at ang Twitter profile ninyo ay “@Helico.” Bawat tweet o retweet na nagbabanggit ng inyong company page (@Helico) ay awtomatikong magiging ticket.
Dagdag pa, tina-track din ng LiveAgent ang mga custom keyword o keyword set at ginagawa rin itong Tickets. Dito sa halimbawa, anumang tweet na naglalaman ng keyword na “Helicompany” ay nata-track at nagiging isang ticket na mapupunta sa inyong help desk system.
Kung nagtataka kayo kung mahahalata ba ng mga customer ninyo na gumagamit kayo ng external tool sa pagsagot sa kanilang mga tweet at comment, ang sagot ay hindi. Panoorin kung paano ito gumagana sa detalyadong video tutorial na ito.
Paano ang integration ng Twitter sa LiveAgent
- Mag-log in sa LiveAgent
- Pumunta sa Configuration (ang cogwheel icon sa kaliwang menu bar)
- I-click ang Twitter
- I-click ang Twitter accounts
- I-click ang Add Twitter account
- May pop-up window na lalabas. Mag-log in gamit ang inyong Twitter username at password at i-click ang Authorize app.
- Kapag konektado na ang LiveAgent account ninyo sa Twitter, i-click ang Edit para ma-activate ang account
- Sa susunod na screen, lagyan ng check ang “Status” checkbox
- Piliin ang department kung saan mo gustong mapunta ang mga papasok na tweet, retweet, Twitter comment, at Twitter mention
- I-click ang “Add new query” para matukoy mo kung kaninong mga retweet ang gusto mong maging ticket. Puwede ka ring magdagdag ng mga piling keyword sa Query section para mas matukoy kung anong mga keyword ang gusto mong ma-track (para maging ticket din sa paglaon ang mga tweet na naglalaman ng mga keyword na ito)
- I-click ang Save
Paano magkakaroon ng benepisyo ang inyong business sa ganitong integration?
Mas mataas na customer satisfaction at mas matatag na brand loyalty
Ang pinakamahalagang aspekto ng customer service ay ang mapanatili mong masaya ang mga customer mo. Gamit ang aming integration, di mo na kailangang tutok na mag-monitor ng mga Twitter account at mobile device. Makakasali ka na sa mga usapan nang mas madali, kahit di ka diretsong na-tag sa usapan.
Magkakaroon ka ng competitive edge kapag nakakasali ka sa mga usapan ng inyong mga customer tungkol sa inyo o sa mga kalaban ninyo. Pinapakita nito na may malasakit ka at bukas kang pakinggan kung anuman ang gusto nilang sabihin.
At dahil lahat ng mga Twitter ticket ay nakatago lang sa inyong help desk archive, madali mong mapapabilib ang mga kliyente dahil madali mong makukuha ang kaalaman ng lahat ng nakaraang queries nila, pati mga detalye ng kanilang binili, at iba pang impormasyon. Magreresulta ito sa pagtaas ng kanilang brand loyalty, customer lifetime value, at customer satisfaction.
Mas mabilis na paglutas ng problema
Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang pagkakaroon ng magandang produkto o presyo lamang. Mas gusto na ng mga customer ang personal at walang hassle na karanasan sa support, lalo na ang mabilis na pagsagot sa kanilang mga tanong.
Kapag nag-message ang mga customer sa Twitter mo pero hindi mo agad ito nasagot sa loob ng isang oras (dahil inaasahan ng mga customer na makakakuha sila ng sagot sa loob ng isang oras ng kanilang pag-post) malaki ang pagkakataong magbabahagi sila ng negatibong reaksiyon online tungkol dito.
Ibigay mo agad ang gusto ng mga customer at kung ano ang inaasahan nilang tugon gamit ang LiveAgent — ang personal, mabilis, at walang hassle na support. Makakakuha ka ng notification sa LiveAgent help desk software tuwing makakatanggap ka ng bagong Twitter ticket, na siyang nagpapabilis sa proseso ng pagsagot sa mga tanong ng customer.
Mas mahusay na workflow
Mas epektibo ang agent sa pagsagot sa mga tanong ng customer gamit ang LiveAgent. Bakit?
- Di na kinakailangan ng mga agent na tumutok sa pagmo-monitor ng maraming account at device
- Hindi malilito ang mga agent sa Twitter feeds
- Hindi maiistorbo ang mga agent sa paparaming bilang ng notification
- Mahahawakan ng mga agent ang iba’t ibang business account nang sabay-sabay
Mas malakas na brand presence
Kung nagso-scroll ang mga customer mo ng Twitter account ninyo, malamang ay may hinahanap silang produkto o serbisyo ng kompanya. Subukan mong makumbinsi sila sa pamamagitan ng maabilidad at mabilis na pagsagot ng anumang tanong nila habang naroon pa sila sa account mo.
Msa mahusay na seguridad, mas kaunting data breach
Mas may seguridad ang pagsagot ng mga tweet gamit ang LiveAgent. Bakit? Nakatago ang lahat ng Twitter ticket sa isang shared universal inbox na maaaring ma-access ng bawat support agent. Ibig sabihin, hindi mo na kailangang alalahanin ang mga sumusunod:
- Pag-share ng Twitter login credentials sa maraming empleyado
- Ang pag-log in sa mga public device
- Ang mawala ang mga device na naka-log in sa Twitter account
Malaking lamang sa kalaban
Kahit na papasikat na nang papasikat ang Twitter support, marami pa ring mga business ang hindi gumagawa nito. Magkaroon ng lamang sa inyong mga kalaban sa pagkonekta ng inyong Twitter account sa LiveAgent.
Handa na kayong subukan ang Twitter integration?
Kami na ang bahala sa inyo para makapag-focus naman kayo sa pagbibigay ng mainam at maaasahang support sa lahat ng customers ninyo.Simulan na ang inyong libreng 30-araw na trial ngayon. Hindi nito kailangan ng credit card.
Knowledge base resources tungkol sa Twitter
Basahin ang karagdagang detalye tungkol sa keyword tracking sa aming knowledge base guide o sa aming integrations page.
Streamline your Instagram support today
Answer Instagram mentions and comments directly from your help desk starting today. Start your free 30-day trial now. No credit card required.
Frequently Asked Questions
Bakit mahalaga ang Twitter customer support?
Mahalaga ang Twitter customer support dahil itinuturing ang platform bilang isang channel na laging bukas o “always-on.” Inaasahan ng mga customer ang mabilisang pagsagot sa kanilang query sa loob ng isang oras ng pagkaka-post. At kung di sila makakakuha agad ng ng sagot, puwedeng mauwi ito sa pagbabahagi nila online ng negatibong karanasan tungkol sa inyong business.
Ano ang nagagawa ng help desk Twitter integration?
Naka-streamline sa help desk Twitter integration ang lahat ng mga tweet, mention, retweet, at comment na binabanggit ang account ninyo sa ticketing dashboard at ginagawa itong mga ticket. Nabibigyan din ang mga user ng pagkakataong ma-monitor ang ilang piling keywords.
Ano ang Twitter?
Ang Twitter ay isang microblogging social media network na may higit sa 187 milyong aktibong users araw-araw sa buong mundo.