Ang Viber ay isang libreng cross-platform na calling at messaging app na available sa Android, iOS, Microsoft Windows, macOS, at Linux. Katulad ito ng ibang messaging apps na WhatsApp, Signal, o Telegram. Ang kanyang core functionality ay nasa instant messaging, calling, video calling, at pag-broadcast ng mga message sa ibang users.
Bakit mahalaga ang Viber customer support?
Malaki ang inaasahan ng mga modernong customer ngayon. Mas gusto nila ng walang hassle na sistema ng support at gusto nilang makipag-usap sa mga business gamit ang maraming platforms, kasama na ang social media at text messaging apps tulad ng Viber. Bakit?
Mas marami nang customers ang mas nadadalian sa pagte-text kaysa sa pag-Google ng impormasyon ng isang business o kahit maghanap sa website ng kompanya para sa anumang solutions. Iba-iba ang inaasahan at pangangailangan ng bawat customer, kaya dapat ay handang tapatan ng mga business ang mga ito.
May offer kaming concierge migration na serbisyo mula sa isa sa pinaka-popular na help desk solution.
Ang masasayang customer ay ang best customer
Paano makapagbibigay ng mabilis na customer service sa Viber?
Madali lang magbigay ng mabilis, mas personal, at detalyadong customer service sa Viber kung may tamang tools. Ang LiveAgent ay isa sa iilang help desk na kasalukuyang may integration sa Viber.
Sinisigurado ng aming integration na makukuha ninyo ang lahat ng notification tuwing may bago kayong Viber text message. Automatic din nitong nako-convert ang bawat message bilang help desk ticket. Kapag may ganito kayong technology sa poder ninyo, di na kailangang palaging mag-monitor ng device, at organisado pa ang lahat ng Viber text message na accessible sa lahat ng inyong support agent.
Ano ang magagawa sa integration na ito?
Nakalista ang lahat ng core features ng integration na ito para makita ninyo kung paano mapapabuti ng Viber customer service ang pagiging produktibo ng inyong team, na ikatataas naman ng inyong customer satisfaction.
Ang magagawa ng Viber help desk software integration sa LiveAgent ay ang sumusunod:
- Makatatanggap ng Viber text messages at iko-convert ito bilang mga ticket. Di na kailangan pang mag-monitor ng smartphones o desktop app para laging tingnan kung may bagong message.
- Sumagot sa Viber text message sa loob mismo ng LiveAgent dashboard. Di na kailangan ng anumang device. Sagutin ang mga customer inquiry diretso mula sa inyong LiveAgent dashboard at makukuha nila ang sagot ninyo sa Viber app nila. Ganoon lang kasimple!
- Pag-archive at pag-organisa ng mga lumang Viber ticket. Salamat sa LiveAgent, mas madali nang hanapin ang lumang conversations at lagyan ito ng mga tag kaysa sa maghanap nang maghanap sa phone.
Ano ang hitsura nito at paano ito gumagana?
Iniisip ba ninyo kung mahahalata ng mga customer na external tool ang ginagamit ninyo sa pagsagot ng mga Viber message nila? Ang sagot ay hindi. Panoorin kung paano ito gumagana sa detalyadong video tutorial na ito.
Paano ang integration ng Viber sa LiveAgent
1. Una, kailangang gumawa ng isang Active Bot. Pumunta sa website at ilagay ang phone number na konektado sa Viber account.
2. Pagkatapos, makatatangap kayo ng isang Viber text message na may code. Ilagay ang code sa website at mag-log in.
3. I-click ang Create bot account
4. May bagong pop-up window na lalabas. Ilagay ang lahat ng kinakailangang impormasyon at i-click ang save. Pagka-click ng save, automatic na maglalabas ang sistema ng isang token.
5. Kopyahin ang token at mag-log in sa LiveAgent.
6. Pumunta sa Configuration
7. I-click ang System
8. I-click ang Plugin
9. Hanapin ang Viber at paganahin ang plugin sa pagpindot ng button (dapat ay maging green ito)
Kapag activated na ang Viber plugin, bumalik sa Configuration.
10. I-click ang Viber accounts
11. I-click ang Connect. May bagong pop-up window na lalabas.
13. Paki-paste ang token sa “Token” column.
14. Piliin kung saang department iruruta ang paparating na mga Viber message
15. I-click ang Connect, at okay na kayo! Tumatakbo na dapat ang inyong Viber account!
BONUS: Kung gusto ninyong mas padaliin pa lalo ang pagkonekta ng customers sa Viber ninyo, ilagay sa website ang QR code mula sa inyong Viber Active Bot account. Para sa karagdagang detalye kung paano magagamit ng mga customer ang QR code para makakonekta sa inyo, basahin ang integration guide na ito.
Paano magkakaroon ng benepisyo ang inyong business sa ganitong integration?
- Sa Viber integration ng LiveAgent, makakatipid kayo ng oras at pera dahil mababawasan na ang pag-monitor ng device ng mga agent
- Makatutulong ito sa pagbibigay ng mas mabilis na support gamit ang advanced tools tulad ng canned messages
- Makatutulong ito sa pagbibigay ng mas personal na sagot dahil sa aming built-in CRM na puwedeng magamit habang sinasagot ninyo ang mga Viber message gamit ang LiveAgent
- Puwedeng humusay pa ang inyong customer support at satisfaction sa tulong ng real data insights. Halimbawa, kung gusto ninyong malaman kung ilang Viber queries ang naayos sa unang beses ng pag-contact sa nakaraang buwan, puwedeng mag-generate ng isang report. Gamit ang LiveAgent reporting feature, madaling mapaghati-hati ang data ayon sa performance sa pagtakbo ng panahon, sa agent, department, o channel.
- Ang pagsagot ng Viber messages gamit ang LiveAgent ay mas protektado. Bakit? Nakatago kasi ang Viber tickets sa isang shared universal inbox na puwedeng ma-access ng bawat support agent. Ibig sabihin, hindi na ninyo kailangang mag-alala sa sumusunod:
- Pag-share ng Viber login credentials sa maraming empleyado
- Ang pag-log in sa mga public device
- Mawala ang mga device na naka-log in sa inyong Viber account
- Malaking lamang sa kalaban. Ang LiveAgent ay isa sa iilang helpdesk software na may Viber integration.
Handa na kayong subukan ang integration?
Kami na ang bahala sa organisasyon at logistics para makapokus kayo sa pagbibigay ng mainam at maaasahang support sa lahat ng customers ninyo. Simulan ang inyong libreng 14-araw na trial ngayon. Di kailangan ng credit card.
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang Viber?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang Viber ay isang libreng cross-platform na calling at messaging app na available sa Android, iOS, Microsoft Windows, macOS, at Linux. Katulad ito ng ibang messaging apps na WhatsApp, Signal, o Telegram.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Paano makapagbibigay ng mabilis na customer service sa Viber?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Madali lang magbigay ng mabilis na customer service sa Viber kung may tamang tools sa poder ninyo. Ang paggamit ng help desk tool tulad ng LiveAgent ay makasisiguradong matatanggap ninyo ang bawat bagong message. ” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Paano magkakaroon ng benepisyo ang business ko sa Viber integration?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Mapapahusay nito ang pagiging epektibo ng agent at customer satisfaction, tipid sa oras, bawas gastos, at sigurado ang seguridad ng data.” } }] }Learn from real data insights
Get an overview of how well you’re doing in terms of performance and customer satisfaction. Find out today with a free trial. No credit card required.
Ang LiveAgent ay isang customer service software na nagbibigay ng magandang suporta at tumutulong sa customer satisfaction at benta. Ang customer journey mapping ay mahalaga para maiwasan ang mahinang customer experience at mapahusay ang mga touchpoints. Magpa-schedule ng demo para sa LiveAgent at Userlike, dalawang epektibong tools para sa pakikipagkomunikasyon at suporta ng customer.
Mahalaga ang mga Call Center tools tulad ng Microsoft Teams at Skype for Business integration para mas mapabuti ang sistema ng komunikasyon at customer support. Gamit ang AI tulad ng ChatGPT, madali ring mag-translate ng text sa limang hakbang. Ang LiveAgent at Sinch naman ay mga mahusay na solusyon para sa call center. Maaaring gamitin ang Sinch bilang VoIP provider at mag-integrate sa LiveAgent para mas mahusay na asikasuhin ang mga customer. Marami rin itong iba't ibang features na kapaki-pakinabang para sa maraming uri ng industriya. Ang Sinch integration ay kasama na sa mga plan ng LiveAgent, kaya walang karagdagang bayad.
Ang LiveAgent ay nag-aalok ng state-of-the-art chat tool na may premium features para sa customer support teams. Mabilis at may maraming uri ng features ang multilingual chat widget ng LiveAgent. May mga benepisyo din sa paggamit ng chat support software tulad ng mabilis na pagsagot sa chat requests at pagpapataas ng customer loyalty. Nakatulong din ito sa pagpapulido ng customer journey sa pamamagitan ng mabilis na chat services, pinataas na response time, at mas mabilis na resolution ng customer queries.