hMailServer integration
Partner website
Ano ang hMailServer?
Ang hMailServer ay isang open-source na email server para sa Microsoft Windows. Libre itong i-download para gamitin ng lahat. Ginagamit ito sa buong mundo ng mga internet service providers, kompanya, gobyerno, eskuwelahan, at mga enthusiast.
Dagdag pa sa pagsuporta ng mga pinaka-popular na e-mail protocol (IMAP, SMTP, at POP3), madali itong ma-integrate sa napakaraming web mail systems sa kasalukuyan. Puwede itong gamitin para i-scan ang lahat ng incoming at outgoing emails gamit ang virus scanner. Ang spam filter ay nakabatay sa scoring system.
Paano ginagamit ang hMailServer?
Ideyal ang email server na katulad ng hMailServer sa mga kompanya at ibang organisasyong namamahala ng malalaking volume ng email. May offer itong spam at virus protection, kaya mainam ito kung kailangan ninyo ng extra seguridad sa inyong komunikasyon. Ang pangunahing benepisyo ay ang madaling integration option nito sa maraming popular na webmail systems at sa inyong LiveAgent help desk system.
Kasama sa LiveAgent help desk system ang isang state-of-the-art na ticketing system na kayang pangasiwaan ang lahat ng inyong email messages at marami pa – call center, live chat, customer portal, at kahit social media. Maayos na inoorganisa ng sistema ang lahat ng paparating na call o message at tumutulong ito sa pag-distribute at pagkumpleto ng tasks, pati pag-aayos ng isyu ng customer nang mabilis at maaasahan.
Ang mas nakamamangha pa rito ay ang bilang ng features na suportado kayo sa bawat action. Pangasiwaan ang ticket filtering at maglagay ng tags para sa mas mahusay na time management, gumawa ng departments na magiging responsable sa mga partikular na isyu, ilagay ang Facebook, Instagram, Twitter, WhatsApp o Viber para mas maabot ang mas maraming customers, at magbigay ng mabilisang sagot gamit ang canned messages.
Nais ba ninyong matutuhan pa ang tungkol sa LiveAgent ticketing system? Tingnan ang aming features page para makita ang lahat ng features at kung paano ito magagamit. Panoorin ang LiveAgent Ticketing video sa ibaba nang makita kung paano ito gumagana.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng hMailServer?
- Simple ang configuration
- Basic na configuration tasks
- May directory synchronization
- May application window
Enhance your email customer support
LiveAgent ticketing system can help you improve your communnication in every aspect
Paano ang integration ng hMailServer sa LiveAgent?
Ang hMailServer ay madaling ma-integrate sa LiveAgent. Di na ninyo kailangan ng anumang third-party services, at accessible ang lahat sa LiveAgent Configuration. Sundan ang guide sa ibaba para malaman kung paano makukumpleto ang proseso sa ilang minuto lang.
- Kailangan bang mag-set up muna ng hMailServer? Pumunta sa hMailServer website at i-download ito. Simple lang ang installation at may guide na available sa homepage. Siguraduhing silipin ito kung kinakailangan. Kapag naka-setup na ang HMailServer, ipagpatuloy ang susunod na mga hakbang.
- Naka-set up na? Puntahan ang inyong LiveAgent account (magsimula ng libreng trial kung wala pa kayo) at pumunta sa Configuration > Email > Mail Accounts. I-click ang orange na Create button at piliin ang Other. Piliin ang IMAP/POP3 mula sa dalawang choice sa susunod na window.
- Ang kailangan na lang gawin ay ikonekta ang hMailServer mailbox ninyo sa LiveAgent ticketing system. Kailangang ilagay ang mga detalye ng hMailServer sa section na ito. Ilagay ang username at password, pati email address at ibang data. Piliin ang fetch type at maglagay ng server at port details. Tingnan ang ibang options tulad ng department na magiging responsable sa customer tickets na manggagaling sa email address na ito. Kapag kuntento na kayo sa set up, i-click na ang Save at tapos na kayo.
Tingnan ang inyong ticketing system at makukuha na ang emails mula sa inyong hMailServer email address. Puwede na kayong magbigay ng mabilis at maaasahang customer support sa kokontak sa inyo. Silipin din ang aming Academy page para matutuhan ang tungkol sa customer support, gumawa ng maraming integrations, o panoorin ang maikling LiveAgent video tour para makita pa ang iba nitong features.
Enhance your email management
Streamline your communication processes, manage email queues, and ensure prompt responses to customer inquiries with LiveAgent's hMailServer.
Frequently Asked Questions
Ano ang hMailServer?
Ang hMailServer ay isang open-source na email server para sa Microsoft Windows operating system. Popular siya sa mga internet service providers, kompanya, eskuwelahan, at ibang institusyon. Libre itong gamitin ng lahat.
Paano ginagamit ang hMailServer?
Ideyal ang email server na katulad ng hMailServer sa mga kompanya at ibang organisasyong namamahala ng malalaking volume ng email. Sa server na ito, protektado ang komunikasyon ninyo laban sa mga spam at virus. Madaling ma-integrate ang LiveAgent sa maraming uri ng webmail systems, kasama ng LiveAgent customer service software.
Ano ang mga benepisyo sa integration ng hMailServer?
Simple ang configuration Basic na configuration tasks May directory synchronization May application window
Paano gawin ang integration ng hMailServer sa LiveAgent?
Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Email > Mail Accounts I-click ang Create > Other > IMAP/POP3 Ilagay ang inyong hMailServer sa detalye at i-click ang Save