Maraming iba’t ibang bahagi ng call center ang kinakailangang i-monitor at i-manage. Kung kayo ay bago sa industriya, maaaring maging mahirap alamin kung ano ang kinakailangang mangyari.
Para matulungan kayong magsimula, inilista na namin ang mga bagay na dapat ay laging nasa call center setup checklist ninyo. Ituloy ang pagbabasa para sa dagdag na impormasyon.
Ano ang call center checklist?
Ang call center checklist ay isang dokumento kung saan naka-outline ang mga kailangang hakbang at pamamaraan para makapag-manage ng isang call center. Maaaring kasama na rito ang lahat mula sa pag-setup ng phone lines at computers hanggang sa pag-train ng mga bagong empleyado at pagharap sa mga reklamo ng customers.
Ang importansiya ng call center checklist
Kinakailangan ang call center setup checklist para matiyak na ang lahat ng aspekto ng inyong call center ay tumatakbo nang maayos. Bilang karagdagan, makatutulong itong maiwasan ang mga problema at matukoy ang mga potensiyal na isyu bago pa lumaki.
Sino ang magbebenepisyo mula sa isang call center checklist?
call center teams
Maaaring magamit ang mga ito bilang guide para masigurong lahat ng gawain ay kumpleto, at maaari ring makatulong na magkaroon ng bagong matututuhan ang mga bagong empleyado.
call center agents
Maaaring maging mahalagang tool ito para sa mga bago at may karanasan nang mga empleyado. Para sa mga bagong empleyado, maaari itong magbigay ng pangunahing detalye ng mga hakbang na kailangan nilang gawin para magampanan ang kanilang responsibilidad. Maaari naman itong gamitin ng mga team member na may karanasan na bilang reference para matiyak na lahat ng duties nila ay naaasikaso.
may-ari ng maliliit na business
Ang outline ng call center checklist ay tutulong sa may-ari ng maliliit na business kung gusto nilang magtayo na sarili nilang operations pero ayaw mag-invest sa in-house call center o mag-outsource ng trabaho sa ibang lugar. Nakatutulong itong ma-outline lahat ng mahahalagang gawain at sinisiguradong walang hakbang na maiiwan.
customer service managers
Kung kayo ang responsable sa pag-manage ng isang outsourced team, ang huli ninyong gustong isipin ay kung nakumpleto o hindi ang lahat ng gawain. Mas mapadadali ng isang komprehensibong listahan ng mga hakbang ang inyong trabaho.
Diskubrehin ang call center checklist
Ang ultimate call center checklist
Ang unang bagay na dapat itaguyod ay ang goals ng inyong call center business. Tanungin ang inyong sarili kung ano ang gusto ninyong matupad.
Bakit importante ang pagtukoy sa inyong goals?
Kung alam ninyo ang long-term goals, nakasisiguro kayong lahat ng gagawin ninyo ay nakapokus sa pagtupad ng mga ito. Makatutulong din ito sa pagpili ninyo kung ano ang tasks na dapat gawin.
Paano matutukoy ang inyong goals?
Maaari kayong gumawa ng isang goal-setting exercise kasama ng inyong team at isa-isahin ang bawat call center function at tukuyin kung paano ito mapabubuti. Mag-set ng short-term at long-term business objectives. Siguraduhing ang plano ninyo ay maambisyon pero matutupad.
Aling tools ang ginagamit para sa pagtukoy ng goals ninyo?
isang call center flowchart para matukoy ang pain points
isang process map nang makita ang big picture
goal tracking platforms tulad ng Asana o Leapsome
Bawat contact center ay may sari-sariling challenge, kaya dapat itong isipin mula sa umpisa.
Bakit importante ang pagpili ng uri ng contact center?
Kinakailangang malaman kung anong uri ng contact center meron kayo para ma-manage ito nang tama. Dapat ding siguraduhing ang mapipili ninyo ay ang tamang fit sa pangangailangan ng business ninyo.
Paano ang pagpili ng uri ng contact center?
Magbasa ng reviews, manatiling updated. Ang market ngayon ay may offer nang maraming uri ng bagong solutions, kasama na ang cloud-based at onsite call center. Siguraduhing naiintindihan ninyo ang technology bago magdesisyon.
Aling tools ang ginagamit para sa pagpili ng uri ng contact center?
Forums
Capterra
G2
Alamin kung magkano ang perang dapat ilaan para sa equipment, mga suweldo, at iba pang konektadong gastusin sa pamamagitan ng pagtantiya ng budget.
Bakit importante ang pagkalkula ng budget?
Kritikal na magkaroon ng makatotohanang ideya kung magkano ang magagastos sa pag-setup at pagpapatakbo ng inyong contact center. Makatutulong ito sa inyong makagawa ng matalinong desisyon tungkol sa, halimbawa, anong uri ng teknolohiya ang bibilhin at ilang empleyado ang kukunin.
Paano asikasuhin ang pagkalkula ng budget?
May mga ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan kapag nagkakalkula ng budget para sa inyong call center:
halaga ng equipment – ang presyo ng phones, headsets, computers, at ng iba pang teknolohiyang kailangan para mapaandar ang inyong contact center
halaga ng labor – mga suweldo at benepisyo ng mga empleyado
halaga ng mga miscellaneous na gastusin – office supplies, renta, o pambayad ng mortgage, at ibang pang mga gastusin
halaga ng marketing – perang kailangan para sa advertisements at pagdalo sa trade show o paglahok sa mga event ng industriya
Aling tools ang ginagamit para sa pagkalkula ng budget?
Maraming magagamit na tools online, tulad ng:
Microsoft Excel
Google Sheets
Mag-test ng iba’t ibang call center tools at software solutions bago pumili kung ano ang pinakamahusay para sa inyong kompanya.
Kabilang dito ang interactive voice response (IVRs), automatic call distributors (ACDs), at marami pang iba.
Bakit importanteng mag-test ng iba-ibang call center tools?
Para malaman kung ano ang aakma sa inyong kompanya. Ang bawat tool ay may sariling set ng features at mga benepisyo, kung kaya mahalaga na mahanap kung ano ang sakto para sa inyong team.
Paano mag-test ng iba-ibang call center tools?
Karamihan ay may offer na libreng trials at demo, kaya samantalahin na bago mag-invest. Ikonsidera ang mga sumusunod na factors:
Ang laki ng inyong kompanya, para matulungan kayong matukoy ang uri at bilang ng mga kinakailangang tools.
Ang mga uri ng tawag na inyong aasikasuhin, para matulungan kayong matukoy kung anong features ang kinakailangan sa isang tool.
Ang inyong budget, para matulungan kayong matukoy kung aling tools ang kaya ninyong maabot.
Nalaman ng maraming kompanya na puwedeng makatulong sa pag-manage ng mga tawag kapag naka-integrate ang call center software sa ibang tools.
Bakit importanteng mag-integrate ng call center software sa ibang tools?
Para mas ma-manage ang communication sa customers ninyo, gumamit ng CRM software para masundan ang mga interaksiyon sa customer. Puwede ring mag-integrate ng email marketing platforms para makapagpadala ng automated emails matapos ang isang tawag, o social media platforms para ma-monitor ang customer feedback.
Paano mag-integrate ng call center software sa ibang tools?
Bago mag-invest sa kahit na anong software o tool, tingnan muna kung ano-anong integrations ang ibinibigay nito.
LiveAgent VOIP providers integrations
May ilang tools na puwedeng ma-integrate sa call center software. Narito ang ilang halimbawa:
Kapag nakapili na kayo ng tamang call center tools, mag-develop ng isang implementation plan. Kabilang dito ang pagtakda ng timeline para sa rollout, at tinutukoy kung sino ang magiging responsable sa bawat gawain, etc.
Bakit importante ang paggawa ng implementation plan?
Nakatutulong ang paggawa ng implementation plan para matiyak na magiging maayos ang rollout ng inyong call center.
Paano gumawa ng implementation plan?
Ang implementation plan ay dapat may kasamang impormasyon tungkol sa kung ano ang nangyari bago, habang, at matapos ang rollout. Kritikal din na ma-outline ang mga responsibilidad sa bawat department, para alam ng lahat kung kanino sila mananagot.
LiveAgent call center overview
Aling tools ang ginagamit para sa paggawa ng implementation plan?
spreadsheet software
project management software
Ito ay isang kritikal na hakbang para masigurong epektibong gumagana ang inyong call center. Kinakailangang ang mga bagong empleyado ay komportable sa bagong proseso at naiintindihan nila ang kanilang mga responsibilidad.
Bakit importante ang maayos na pag-onboard ng mga agent?
Ang maayos ng pag-train sa inyong agents ay makatutulong na ihanda sila sa bagong trabaho. Sisiguraduhing makapagbibigay sila ng pinakamahusay na customer experience na posible. Sa tamang training, mababawasan ang learning curve ng inyong call center at madaragdagan ang pagiging epektibo.
Paano mag-asikaso ng onboarding process?
Karaniwang kasama sa proseso ang kombinasyon ng training, orientation, at mentorship. Mahalagang may fit ang proseso para maging akma sa inyong kompanya, mga empleyado, at goals.
Ang magandang naplanong proseso ng onboarding ay medyo challenging. Narito ang ilang suhestiyon para makatulong:
Tukuyin ang goals na gusto mong matugunan ng inyong training program. Ano ang inaasahan ninyong matutuhan ng mga bagong empleyado pagkatapos, at paano ito makaka-fit sa mas malaking business strategy ninyo?
I-outline kung ano ang dapat malaman ng mga bagong empleyado sa pagtatapos ng training period.
Mag-isip ng timeline para sa onboarding process, kabilang ang mga deadline at kritikal na events.
Bago kayo magsimula, desisyunan kung ano ang magiging hitsura ng bawat hakbang sa proseso para hindi magkaroon ng kalituhan.
Aling tools ang ginagamit sa proseso ng onboarding?
e-learning platforms
onboarding software
video conferencing software
Karaniwang kabilang sa isang epektibong agent training program ang kombinasyon ng classroom-style training, e-learning, at on-the-job-training.
Bakit importanteng ma-train ang inyong agents?
Nakatutulong itong masiguro na ang inyong customers ay makatatanggap ng quality service tuwing sila ay tatawag. Bilang karagdagan, makatutulong din itong mabawasan ang bilang ng mga tawag na kailangang i-escalate sa management.
Paano mag-asikaso ng isang training program?
Mga dapat kasama sa isang nararapat na training:
impormasyon tungkol sa inyong produkto at serbisyo – dapat alam ng mga agent kung ano ang ino-offer ninyo
kaalaman sa policies, procedures, at best practices para sa customer service
source: counterpath.com/e-learning/
Aling tools ang ginagamit sa pag-train ng inyong agents?
e-learning platforms
video conferencing tools
tutorials
Mahalagang gumawa ng positibong work environment para sa inyong mga call center agent.
Bakit importante ang paggawa ng positibong environment?
Mahalaga ito para mapanatili ang morale ng empleyado at matiyak na makapagbibigay ng mahusay ng customer service ang mga agent.
Paano gumawa ng positibong environment?
Pahintulutan ang pag-break kapag kailangan. Kapag ang agent ay pagod at inis, hindi sila makapagbibigay ng mahusay na customer service at baka magalit pa sila sa mga customer.
Maglunsad ng malinaw na rules at expectations. Makatutulong itong malaman ng mga agent kung ano ang inaasahan sa kanila.
Mag-offer ng recognition at rewards para sa mahusay ng trabaho. Malayo ang mararating ng isang maliit na positibong reinforcement.
Huwag i-micromanage ang inyong agents. Maaari itong pagmulan ng inis ng mga empleyado.
Aling tools ang ginagamit sa paggawa ng positibong environment?
reward programs tulad ng Nectar o Bonusly
pagtaas ng suweldo at promotions
mga bonus
Sa kahit na anong customer service environment, laging may dumarating na delays at mga hindi inaasahang problema. Para mabawasan ang epekto ng ganitong problema, mahalagang bumuo ng “buffer time” sa inyong schedule.
Bakit kinakailangan ang buffer time?
Kailangan ninyo ng buffer time para harapin ang mga isyung lilitaw nang hindi kinakailangang maapektuhan ang buong schedule.
Nababawasan din nito ang stress ng empleyado, pinapahusay ang customer service, at nagreresulta sa mas kakaunting di nasasagot na mga tawag at galit na customers.
Paano gumawa ng buffer time sa call center?
Mag-allocate ng extrang oras kada araw para sa mga di inaasahang problema at delays. Madali ninyong maaayos ang mga isyu kung may ganito kayong naka-schedule. Puwede rin kayong mag-setup ng average call time.
Aling tools ang ginagamit sa paggawa ng buffer time?
call center scheduling software
time management systems
Makatutulong itong matiyak na ang inyong call center ay naka-setup para magtagumpay. Maaaring kasama sa checklist na ito ang mga elementong gaya ng uri ng software at equipment na kailangan at uri ng training na kakailanganin ng agents.
Bakit importante ang call center requirement checklist?
Tutulong itong makatutok kayo. Nagbibigay ang requirements checklist ng visual representation ng factors na kailangan ninyong ma-cover sa pagtaguyod ng gumaganang call center.
Paano gumawa ng isang call center requirement checklist?
Ikonsiderang isama ang sumusunod na requirements:
software – uri ng software at equipment na kailangan
staffing – uri ng training na kailangan ng agents
business – iba pang impormasyong konektado sa pag-operate ng facility
Aling tools ang ginagamit sa paggawa ng requirements checklist ninyo?
Word documents
spreadsheets
Mahalagang ma-track ang performance ng agent para matiyak na mahusay nilang nagagampanan at natutugunan ang inyong expectations.
Bakit importante ang pag-track ng agent performance?
Kapag mino-monitor ang staff, mababawasan ang pagiging distracted nila at makakapag-manage sila ng oras nang mas maayos.
Paano mag-track ng performance ng agent?
Ito ay maaaring gawin sa arawan, lingguhan, o buwanang check-ins. Maaari rin ninyong ikonsidera ang paggamit ng software na makatutulong sa pag-track ninyo ng employee productivity.
LiveAgent’s Agent performance report
Aling tools ang ginagamit sa pag-track ng agent performance?
Kinakailangang pag-ingatan ang inyong call center equipment para siguraduhing ito ay gumagana nang maayos. Sa tamang pag-aalaga ng equipment, matitiyak din na maaaring ma-track ninyo ang anumang problema sa indibidwal na items para maayos o mapalitan ang mga ito kung kinakailangan.
Bakit importante ang pag-aalaga sa equipment ng call center?
Ang regular na maintenance ng call center equipment ay maaaring magresulta sa mas mababang gastusin sa pamamagitan ng pagtaas ng efficiency at productivity. Dagdag pa roon ang pag-alis ng stress sa paggamit ng sira-sirang equipment.
Paano aalagaan ang call center equipment?
Dapat ninyong i-check at linisin nang regular ang inyong call center equipment. Isang beses kada linggo ang natural. Gayunman, gawin ito depende sa indibidwal ninyong pangangailangan.
Aling tools ang ginagamit sa pag-aalaga ng call center equipment?
ang requirements na nasa operation checklist
spreadsheet o simpleng word document kung saan makakapag-track at update kayo imrpomasyong kailangan nang mas madali
Pumili ng isang tao para mag-manage ng proyekto nang full-time basis. Ang taong ito ang magiging responsable sa pamamahala sa pang-araw-araw na activities ng mga empleyado pati na ang pag-analyze ng call center metrics at pag-set ng objectives.
Bakit importanteng magkaroon ng call center manager?
Ang bawat customer service center ay dapat may responsableng manager para maayos at epektibong gumana. Di lang taga-motivate ang isang manager, pero taga-train at tagapangasiwa rin ng staff, pero sila ang backbone ng call center.
Paano pumili ng call center manager?
Maaari ninyong ikonsidera ang paghahanap at pag-interview mula sa loob o labas ng kompanya.
Maaari rin kayong maghanap ng mga taong nakapagtrabaho na sa parehong proyekto dati at may malakas na skills sa leadership at management.
Aling tools ang ginagamit sa pagpili ng call center manager?
LinkedIn
spreadsheet para gumawa ng candidate database
Ang paggawa ng phone floor plan ang makakatulong sa pag-maximize ninyo sa gagamiting espasyo.
Bakit importante ang pag-setup ng call center phone floor plan?
Ang well-designed na floor plan ang makakasiguradong mainam na tatakbo ang call center. Madaling maabot ang equipment ng agents. Tataas dito ang staff productivity.
Paano asikasuhin ang paggawa ng call center phone floor plan?
Dapat kasama sa inyong call center layout ang sumusunod:
lokasyon ng bawat phone station
layout ng inyong office space
mapa ng building o campus
Halimbawa ng call center floor plan
Aling tools ang ginagamit sa paggawa ng call center phone floor plan?
Visio
AutoCAD
Kung di kayo pamilyar sa programs na ito, magkonsulta na lang ng professional para matulungan kayong gumawa ng planong gagana para sa inyong business.
Ang regular audits ang tutukoy sa areas na kailangan ng improvement. Ito ang magsasabi kung may mga pagbabagong kinakailangan.
Bakit importante ang pagsasagawa ng regular na audit?
Regular ninyong suriin ang performance ng inyong call center para matiyak na natutugunan nito ang pangangailangan ng inyong kompanya at customers. Mapapanatili nito ang customers, mababawasan ang gastos, tataas ang productivity, at madadagdagan ang profits.
Paano mag-conduct ng regular na audit?
Dapat ninyong i-audit ang performance ng inyong call center kahit isang beses kada quarter.
Suriin ang customer satisfaction, productivity ng empleyado, financial data, at posibleng oportunidad para makapag-improve.
source: inoria.com/contact-center-audit/
Aling tools ang ginagamit sa pag-streamline ng proseso ng audit?
Excel
Google Sheets
call center software
Para manatiling angat sa kalaban sa kasalukuyang market, mahalagang gumamit ng teknolohiya sa buong pakinabang nito. Makatutulong ang paggamit ng tamang tools para madagdagan ang inyong productivity at efficiency, at magpapalago pa ito sa inyong call center kung kinakailangan.
Bakit importanteng gumamit ng teknolohiya?
Maaaring palakasin ng teknolohiya gaya ng CRMs o automation ang performance ng inyong kompanya sa pamamagitan ng pagbawas ng wait times ng customers at pagpapataas ng availability ng agent sa panahong sobrang busy lahat.
Paano gumamit ng teknolohiya para mapahusay ang productivity?
Dapat kayong magkonsulta sa isang espesyalista para matukoy kung aling solutions ang pinaka-akma sa inyong call center. Makatutulong silang makapamili kayo ng tamang tools at ma-setup ang mga ito.
LiveAgent – call center
Aling technology ang dapat gamitin sa pag-improve ng productivity?
Ano ang key performance indicators ng matagumpay na call center?
Average handle time
Ito ang oras na inaabot ang agent para sila makapagbigay ng solusyon sa query ng customer. Kasama dito ang oras na ginugugol para maintindihan ang query, makahanap ng solusyon, at maipakita ito sa customer.
Nakaaapekto sa handle time ang ilang bagay kasama ang uri ng query, ang pagiging komplikado ng solusyon, at gaano kapamilyar ang agent sa produkto o serbisyong tinatanong.
Gusto ng karamihan ng kompanya na paikliin hangga’t maaari ang handling time para hindi matagal naghihintay ang customer.
Maaari ring kailanganing tumawag ng agent sa ibang departments o customers para sila matulungang masolusyunan ang query. Maaari itong makadagdag sa pangkalahatang handle time.
Customer satisfaction score
Ang customer satisfaction score (CSAT) ay isang standard metric para sukatin ang satisfaction sa support dahil natutugunan ang pangangailangan ng kanilang customers.
Ang score ay kadalasang inihahayag bilang percentage.
Ang isang CSAT survey ay karaniwang binibigay sa customers matapos ang interaksiyon sa customer service o support team.
Percentage ng blocked na calls
Importanteng statistic itong dapat sukatin dahil ito ang bilang ng calls na di nasagot ng inyong service kaya sila na-disconnect.
Halimbawa, maaaring nangyari ito habang naka-break ang agents, wala sa kanilang nakatakdang work area, o hindi lang sinagot ang pumapasok na tawag sa telepono.
Ang mataas na bilang ng blocked calls ay magpapapangit ng imahe ng kompanya, dahil dapat lagi silang sumasagot sa lahat ng natatanggap na tawag.
Ang average time sa queue
Ang average time sa queue ay ang oras na nararanasan ng customer bago siya maikonekta sa isang customer service agent.
Sinusukat ng statistic na ito kung gaano kaepektibo ang agents sa pag-asikaso ng customer inquiries at gaano kagaling ang pagkakalagay ng staff sa inyong contact center.
Hindi ikinatutuwa ng customers and paghihintay nang matagal, kaya importanteng panatilihin itong mababa hangga’t maaari.
Maaaring mangyari ito sa pamamagitan ng pagsisigurong merong sapat na customer service agents na mag-aasikaso ng bilang ng pumapasok na inquiries. Kasama rito ang Interactive voice response (IVR) systems, queue management software, o automatic call distributors (ACDs).
Ang average speed ng pagsagot
Ito ay kung gaano katagal bago sagutin ng agent ang tawag ng customer. Kasama dito ang oras na lumilipas habang nagri-ring ang phone, oras bago maikonekta ang customer sa isang agent, at ang maayos ng agent ang query ng customer.
Ang statistic na ito ay importante dahil dito nakikita kung epektibo ang inyong contact center sa pag-asikaso ng mga pumapasok na tawag.
Kung ang average speed ng pagsagot ay masyadong mababa, ibig sabihin ang inyong agents ay gumugugol ng maraming oras sa pagsagot ng customer inquiries kaysa mag-ayos ng mga ito nang mabilis at nang mapuntahan na ang ibang customers na may kailangan.
Summary ng call center setup checklist
Tukuyin ang inyong goals
Piliin ang uri ng contact center
Kalkulahin ang budget
Subukan ang iba’t ibang call center tools
Mag-integrate ng call center software sa iba pang tools
Gumawa ng implementation plan
I-onboard nang maayos ang inyong call center agents
I-train ang inyong agents
Gumawa ng positibong kapaligiran
Gumawa ng “buffer time” para sa mga delay at di inaasahang isyu
Gumawa ng isang call center requirements checklist
Sundan ang performance ng agent
Alagaan ang call center equipment
Pumili ng isang call center manager
Mag-setup ng isang call center phone floor (laktawan kung kayo ay remote)
Magsagawa ng regular na audit ng inyong call center performance
Gamitin ang teknolohiya para mapahusay ang productivity
Pangunahing call center performance indicators:
Average handle time
Customer satisfaction score
Percentage ng blocked na calls
Ang average time sa queue
Ang average speed ng pagsagot
Call center checklist FAQs
What is a sufficiently low hold time in a call center?
It varies depending on the service a company provides. It should, however, aim to keep the average waiting time under five minutes. The on-hold time can significantly affect the customer's perception of the company. If the customer is waiting too long, they may become frustrated and leave.
Which is better, a cloud or on-premises Contact Center?
A cloud-based contact center is a service that lets organizations use the public telecommunication infrastructure, such as the Internet, to provide voice and other forms of communication with their customers. An on-premise contact center has all of the hardware and software needed to deliver customer contact services and resides within your company's facilities. The benefits of moving to a cloud-based contact center are many. They include: scalability (the ability to add or subtract agents as needed); reduced capital expenditure (no need to purchase or maintain hardware); enhanced security; easy access to customer data for reporting and analysis.
What is the average response time in a call center?
Usually, it takes between 60 and 90 seconds. However, some call centers have a much faster response time, while others may be slower. It depends on the type of company and the services they offer. It varies greatly depending on the volume of calls and the number of customer service reps available. Typically, the higher the volume of calls, the longer the wait time.
How is call center talk time calculated?
The formula for calculating average talk time is as follows: (Talk time for call A + Talk time for call B +...+ Talk time for call N)/Total number of calls completed
At which times is a call center most understaffed?
Usually during periods of intense activity or anticipation of an event, such as the holiday season approaching. It occurs when call volume increases while staffing decreases. It can lead to long wait times for customers.
How to reduce on-hold times in a call center?
Make customers aware of your typical off-peak hours. Ask them to get all of their account information and questions ready when they call. Further, make sure they are prepared to describe the problem in detail. Finally, keep conversations calm and polite.
What is the setup time?
This is the amount of time it takes for a call center to get up and running. The average setup time in a call center depends on the solution that you choose. Setting up an on-premises call center will take longer than setting up a cloud-based solution.
Ikinatutuwa namin ang pag-sign up mo kamakailan sa LiveAgent. May ipapadalang message sa iyong email address na naglalaman ng iyong login details matapos ma-install ang iyong account. Kung makakapaghintay ka pa nang saglit, makaka-access ka na ng account mo diretso mula dito matapos ang installation.
Kasalukuyan naming ginagawa ang inyong LiveAgent dashboard...
Pagkatapos ng proseso, ipapadala namin ang mga detalye ng login sa iyong mailbox.
Installation status
0%
////////////////////////
Loading...
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.