Ano ang libreng trial?
Ang libreng trial ay isang produkto o serbisyong ino-offer sa isang customer para sa isang limitadong oras nang walang anumang mga termino o kondisyon. Ang libreng subscription period ay may offer na exclusive insight at agarang pag-access sa mga popular na serbisyo ng LiveAgent para malaman ninyo kung paano makatutulong ang tool na ito sa pagpapalago ng inyong business.
Gamit ang LiveAgent desktop software, hindi na kailangang ipasok ang impormasyon ng inyong credit card para makapag-umpisa ng libreng trial. Ang kailangan lang ay ang browser at Internet connection. Ngayon, puwede na kayong magsimulang diskubrehin ang iba’t ibang option na ino-offer ng tool na ito.
Hinahayaan kayo ng libreng trial option na subukan ang lahat ng features. Libre ito at “no strings attached” ‘ika nga, kaya puwede kayong magkansela anumang oras. Pagkatapos ay puwede kayong lumipat sa full version kung magdedesisyon kayong samantalahin ang karagdagang features.
Para saan ginagamit ang libreng trial?
Bago magbayad para sa isang buong subscription plan, puwedeng gumamit ng libreng panahon ng subscription para lubusang maintindihan kung paano gumagana ang cloud-based software.
Kapag naghahanap kayo ng paraan para mapahusay ang customer experience, puwedeng subukan ang features at advanced tools ng LiveAgent ng 30 na araw na walang bayad. Habang pinag-aaralan ang pasikut-sikot ng collaborative environment, puwedeng paghusayin ang relasyon sa mga customer at pagandahin ang kanilang digital experience.
Habang ginagamit ang trial version, magiging pamilyar kayo sa mga pangunahing function na ino-offer ng serbisyo:
- Ticketing system
- CRM
- Automated ticket distribution
- Hybrid ticket stream
- Social media integration
- Call at voice mail recordings
- Extra cloud storage
- Analytics para sa teams
Hinahayaan kayo nitong magdesisyon kung gusto ninyong mag-invest sa full version
Discover LiveAgent's features
Improve your customer service and help your agents achieve higher productivity with LiveAgent. Curious about all the opportunities?
Paano makakukuha ng libreng trial?
Meron lang dalawang simpleng hakbang na dapat sundin:
Bago mag-sign up para sa libreng trial subscription term ng Live Agent cloud service, suriin ang requirements ng desktop computer ninyo at dapat may maaasahang internet access.
Magpatuloy sa pamamagitan ng pag-click sa download link ng libreng trial. Ipasok ang mga kinakailangang impormasyon gaya ng buong pangalan, email address, at ang pangalan ng inyong kompanya. Awtomatikong mai-install ng LiveAgent desktop software ang isang client.
Libre ba talaga ang mga libreng trial?
Oo, ganap na libreng subukan ang LiveAgent sa loob ng 30 na araw nang walang anumang mga singil sa hinaharap.
Binibigyang-daan ng LiveAgent desktop software ang mga user ng access sa pangunahing features nito nang walang bayad kapag nag-sign up sa isang pilot version. Ito ay walang hidden cost habang sinusubukan ang platform at analytics.
Sa trial period, puwede kayong magsimulang matuto tungkol sa iba’t ibang karagdagang features at collaboration tools. Halimbawa, paano gumawa ng custom roles para sa inyong mga agent, o paano i-set up ang call center ninyo. Ito ay lubos na makatutulong sa pagharap sa mga potential na isyung makapagpapahusay sa customer experience.
Ang mga praktis ng LiveAgent ay nagtuturo sa mga kliyente tungkol sa lahat ng mga posibilidad na ino-offer sa platform na ito, bago humingi ng anumang kapalit.
Ano ang mangyayari kapag natapos na ang libreng trial?
Pagkatapos subukan ang isang libreng package ng 30 na araw, mapagdedesisyunan na ninyo kung ang isang serbisyo tulad ng LiveAgent desktop software ang pinakamahusay na paraan para sa inyo at sa business ninyo.
Puwede kayong pumili mula sa apat na magkakaibang subscription plans na ino-offer ng LiveAgent:
- Libreng paggamit
- Small
- Medium
- Large
May offer ang bawat package ng bukod-tanging set ng features at integrated tools na makukuha online. May libreng option, pero para makakuha ng kumpletong access sa lahat ng features na available sa LiveAgent, ang pinakamagandang option ay ang all-inclusive package.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the best-rated and most reviewed all-in-one help desk software.
Frequently Asked Questions
Ano ang libreng trial?
Ang isang libreng trial ay ang oras ng panahon kung saan puwedeng subukan ang lahat ng features bago bumili ng alinman sa may bayad na packages. Nagbibigay ang LiveAgent ng 14 na araw na libreng trial para makapagdesisyon kung gusto ninyong gamitin ang kanilang mga serbisyo para sa inyong business.
Ano ang ginagawa sa libreng trial?
Kapag nag-sign up para sa libreng trial sa LiveAgent desktop software, makakukuha kayo ng insight kung paano gumagana ang cloud. Tinuturo nito kung paano ninyo mapabubuti ang business ninyo at ang customer support system. Matatagpuan ninyo rito kung paano gamitin ang lahat ng available features nito para makatulong sa pag-organisa ng email communications, malutas nang maayos ang mga ticket, at magbigay ng mas mahusay na customer experience.
Paano makakukuha ng libreng trial?
Simple lang ang pag-sign up para masubukan ang LiveAgent desktop software. Puwedeng mag-download ng libreng trial version ng software, na magdadala sa inyo sa isang simpleng sign-up form. Doon ninyo ibibigay ang pangunahing impormasyon ninyo tulad ng buong pangalan, business email, at pangalan ng kompanya.
Libre ba talaga ang mga libreng trial?
Kapag nag-sign up para sa libreng trial ng LiveAgent desktop software, makakatiyak kayong hindi kayo makararanas ng anumang mga nakatagong charges at limitasyon sa paggamit. Hindi ninyo kailangang ipasok ang impormasyon ng inyong credit card, at wala ring panganib na sisingilin kayo sa loob ng 14 na araw ng trial period. Puwede kayong magkansela anumang oras sa panahon ng libreng trial, at higit pa rito, sasagutin ng 24/7 na customer support team ang mga tanong ninyo.
Ano ang mangyayari kapag natapos na ang libreng trial?
Kasunod ng 14-araw na libreng trial, ang LiveAgent desktop software ay may offer ng apat na magkakaibang package. Ang bawat isa ay may sariling functions at limitasyon sa paggamit. Kung magdedesisyon kayo na ang platform ay good fit para sa inyo, puwede ninyong simulang gamitin ito sa buong potential nito at pahusayin ang satisfaction ng mga customer service team at mga kliyente ninyo nang walang anumang karagdagan pang tanong.
Lilipat mula sa Samanage patungong LiveAgent?
Nais mo bang ilipat ang iyong data mula sa Samanage sa ibang solusyon? Tingnan ang LiveAgent at makita ang mga benepisyo. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon.