Software Reviews To Help You Decide

Explore software categories and choose the right solution
for your business.

Proseso ng aming review

Ang aming review process

Nag-research, nag-review, nag-test, at naglagay kami ng pinaka-importanteng mga aspekto ng bawat feature ng software. Ang bawat software rating ay may tatlong pangunahing bahagi. Una, tinutukoy namin kung gaano kahirap i-install at ma-implement ang isang software solution sa isang regular na workflow. Nire-review namin ang user experience, tini-test ang indibidwal na features, at tinutukoy ang pangkalahatang software performance sa isang standard na use case scenario. Ang pangatlong bahagi ay tungkol sa pricing kumpara sa feature set ng software at pagkumpara sa ibang mga alternatibo. Ang panghuling rating ay ang average ng tatlong indibidwal na bahaging ito.

  • Komprehensibong reviews ng pinakapopular na software
  • Feature tests at pricing evaluation
  • Integration tests sa LiveAgent help desk software

Ang bawat review ay nagsisimula sa isang introduction sa software, ang gamit nito, at layunin nito. Ang susunod na bahagi ay may kinalaman sa installation at implementation research at practices na may commentary sa problema sa prosesong ito. Inilalarawan ng bawat review ang software o isang partikular na feature at paano ninyo ito magagamit sa araw-araw na trabaho. Kung ang reviewer ay makaranas ang anumang isyu, mga bug, o ibang mga problema, mababanggit ang mga ito sa bahaging ito ng review. Sinusuri din namin kung paano naisasama ang ilang software sa LiveAgent help desk software. Panghuli, may pricing evaluation at description na mga makukuhang plans, na sinusundan ng conclusion at pros at cons.

Frequently asked questions

Bakit importante ang mga software review?

Ang software reviews ang mga unang hakbang sa pagpili ng uri ng software para sa anumang partikular na layunin. Ang reviews ay nakatutulong sa inyong maunawaan kung ano ang kayang gawin ng isang partikular na software, paano ito gumagana, gaano ang pakinabang ng features nito, at gaano ito kamahal. Nakatutulong ang review para palawakin ang inyong pang-unawa, nakatutulong sa inyong magdiskubre ng mga bagong solusyon, o kahit ang mapagbago ang inyong isip tungkol sa partikular na software.

Ano ang dapat laman ng isang mahusay na software review?

Ang isang mahusay na review ay kailangang walang pinapanigan, at dapat nitong ipinapaalam sa mga reader ang tungkol sa bawat importanteng aspekto ng software. Kasama dito ang pag-describe ng installation at implementation, pang-araw-araw na paggamit, kasalukuyang mga isyu, pati na rin ang pangkasalukuyang pricing. Ang isang mahusay na review ay nagpapakita ng komprehensibong rating system na makatutulong sa mga reader na matukoy kung gaano sila kasaya sa isang partikular na solution.

Paano ninyo nire-rate ang software?

Nire-rate namin ang software batay sa tatlong mga aspekto: installation at implementation, karanasan ng user sa pang-araw-araw, at pricing. Ang panghuling rating ay ang average ng tatlong magkakahiwalay na ratings para sa bawat isa sa mga aspektong ito. Gumamit kami ng star rating system, na ang zero stars ang pinakamababa at five stars para sa pinakamataas na posibleng rating.

Kinukumpara ba ninyo ang presyo ng software?

Nire-rate namin ang presyo ng software pero hindi kami gumagawa ng diretsong pagkukumpara sa pagitan ng iba’t ibang solutions. Tinatrato namin ang bawat software pricing review nang paisa-isa, at ginagawa namin ang aming makakaya para matukoy kung ang isang solution ay abot-kaya o overprices pagdating sa sariling feature set nito.

Nire-review ba ninyo ang LiveAgent integrations?

Kasama sa bawat isa sa aming software reviews ang test ng isang partikular na software sa integration sa LiveAgent. Sa ganoong paraan, makikita ng aming customers kung paano gumagana ang integration sa tulong ng aming help desk software at tukuyin kung ito ay magiging kapaki-pakinabang sa kanila.

Ina-update ba ninyo ang inyong software reviews?

Oo, ginagawa namin ang aming makakaya para i-update ang aming reviews at ang aming pricing sa regular na batayan. Susubukan naming bumisita ulit hanggang makakaya, pero huwag mag-atubiling sabihin sa amin kung gusto ninyong i-update nami ang isang partikular na software review.

Ano ang ginagawa namin sa mga negatibong software review?

Ang mga negatibong review ay nakatutulong sa users na iwasan ang mga solution na hindi naging maganda ang performance sa aming mga review. Gayunman, ang modernong software ay kadalasang nakakukuha ng regular na updates na makapagpapahusay nang husto sa performance nito. Kahit na ang solution na inyong napili ay hindi nagkaroon ng magandang performance, puwede pa itong maging mahusay sa hinaharap. Kaya importante sa aming mag-update ng aming review hanggang kailangan at para manatili ang aming mga reader sa updates o sa bagong software reviews.

Anu-ano ang mga kondisyon ng pag-test sa inyong software reviews?

Kasama sa aming software reviews ang pag-test ng feature set ng software na puwede naming makuha. Tini-test namin ang bawat feature dahil ginagamit ito sa pang-araw-araw na work scenario. Para makagawa ng wastong review, nag-set up kami ng bawat software na kagaya sa inyong workplace. Sa ganoong paraan, makasisiguro kaming ang aming reviews ay magiging makabuluhan sa aming readers.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo