Ano ang pagruruta ng tawag?
Ang pagruruta ng tawag, kilala rin bilang Automated Call Distribution (ACD), ay isang tampok na awtomatikong nagbabahagi ng mga paparating na tawag ng iyong mga kustomer sa isang ispesipikong ahente, departamento, o pila ayon sa iyong nais na pamantayan sa loob ng iyong cloud-based na software sa call center.
Ang mga kompanya ay maaaring makakuha ng buong kontrol sa daloy ng mga paparating na tawag sa pagtukoy sa mga kondisyon at pagpili kung ito ay ibabahagi nang random o itatalaga sa isang ahente nang may pinakamataas na prayoridad.
Sino ang nakikinabang sa pagruruta ng tawag?
Ang mga negosyo anuman ang laki na tumatanggap ng regular na paparating na tawag at nais na magbigay ng pinakamahusay na customer service ay maaaring magamit ang benepisyo ng ipinapatupad na pagruruta ng tawag.
Ang mga katamtamang laki na negosyo, malaking mga kompanya ay maaaring makinabang mula sa prayoridad na itinatalaga upang masigurado na ang mga may alam na ahente sa tamang departamento ay sumasagot ng lahat ng mga tawag. Dagdag pa rito, ang pagpapatupad ng ibang tampok ng built-in na call center tulad ng mga internal na tawag, IVR, o paglipat ng tawag, ay maaaring magdagdag lalo ng benepisyo.
Ang mga maliliit na negosyo, solopreneur, at freelancer ay maaaring magamit ang random na pagtatalaga at iba pang makabagong call centro tulad ng video chat o IVR.
Paaano gumagana ang pagruruta ng tawag?
Ang pagruruta ng tawag, o automated call distribution, ay lumilitaw sa bawat pagkakataon ang iyong mga kustomer ay mag-umpisa ng papasok na tawag. Sa umpisa, makakarinig sila ng awtomatikong pambungad na mensahe o hiling na manatili sa telepono hanggang isa sa mga ahente ay itinatalaga. Pagkatapos, kung ang mga kustomer ay naghihintay na sa isang pila, makakarinig sila ng musika at hihilingin na manatiling online. Kapag nag pila ay natapos, mag-uumpisa ang tawag.
Halimbawa:
Halimbawa, sabihin nating gusto ni John na magtanong tungkol sa isang isyu sa order na kanyang ginawa sa iyong website. Kung kaya tinawagan niya ang numero sa iyong help desk, pinili ang naaayong opsyon sa IVR, at ang tampok na pagruruta ng tawag ay ililipat ang kanyang tawag sa susunod na available na ahente. Salamat sa tampok na pagruruta ng tawag, hindi kailangang tumawag ni John sa iba’t ibang ahente at hindi niya kailangang maghintay sa mahabang pila.
Ano ang mga susing tampok ng pagruruta ng tawag?
Random na pagtatalaga
Ang lahat ng mga bagong paparating tawag mula sa iyong mga kustomer ay itatalaga nang random sa isa sa iyong mga available na ahente para sa isang tawag. Maaari mong itukoy ang departamento kung saan ang mga tawag ay dapat na iruta sa setting.
Oras ng pagruruta
Nagbibigay daan ito na tukuyin ang bilang ng segundo kung saan ang tawag ay iniruta sa ibang ahente. Ang mga tawag ay iniruruta sa random na pagkakasunod ng mga ahente. Kung kaya maaari mong ibaba ang unang tawas sa pagbawas ng oras ng paghihintay.
Pagtatalaga ng prayoridad
Ang bagong tawag ay awtomatikong itatalaga sa libreng ahente na may pinakamataas na prayoridad at pinakamatagal na oras mula sa huling tawag. Kung kaya maaari mong magamit nang todo ang availability ng iyong mga ahente.
Pinakamatagal na oras sa pila
Itakda ang pinakamahabang oras ang isang paparating na tawag ay nananatili sa isang pila. Pagkatapos ng takdang oras, ang tawag ay magpapatuloy sa offline na bahagi ng iyong IVR.
Benepisyo sa negosyo ng matalinong pagruruta ng tawag.
Dagdag na kasiyahan ng kustomer
Matalinong pagruruta ng tawag ay maaaring makagawa ng mas personal at mahusay na karanasan ng kustomer. Ito ay nagreresulta ng mas mataas na kaligayahan.
Bawas na gastos sa operasyon
Ang paggamit ng potensyal ng iyong mga ahente sa support habang pinapababa ang oras ng paghihintay ay nagreresulta sa bawas na gastos sa operasyon.
Mabilis at tumpak na pakikipag-ugnayan
Ang pagkonekta sa kustomer na nasa pila at available na ahente sa pinakamabilis na oras ay maaaring magawa sa ilang segundo lamang.
Ano ang iba pang nakakatulong na tampok sa call center?
Interactive voice response
I-awtomisa ang daloy ng trabaho sa pagsaayos ng iyong sariling Interactive Voice Response (IVR) sa loob 5 minuto. Gumawa ng natatanging IVR tree at magbigay ng mas mahusay na mas mahusay, mas kustomisado, at personalisadong karanasan ng kustomer. Ang Interactive Voice Response ay isang mahusay na paraan para mapabilis ang iyong customer support at paglutas ng mga isyu sa unang tawag. Idirekta ang iyong mga kustomer sa tamang departamenta at ahente sa pagbibigay sa kanila ng mga opsyon na ilarawan ang kanilang mga problema nang saglit.
Walang limitasyon sa recording ng boses
Ang LiveAgent ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon na itago ang lahat ng iyong mga pakikipag-usap sa boses sa mga kustomer para sa layuning legal o support. Patugtugin, i-download, o kuhain ito anumang oras sa kabuuang tagal ng iyong account upang magbigay ng mas mahusay na customer support. Hindi namin nililimita ang tagal o haba ng bawat isang recording ng boses.
Take advantage of our versatility
Answer calls on the go with apps, or on the office with hardware phones. Try it today. No credit card required.