Cloud computing na ang bagong bagay ngayon, at sumisikat na ang Platform as a Service. Tulad ng ibang cloud models, kailangang mag-subscribe sa PaaS at gamitin ito tuwing kailangan.
Gayunman, ang option na ito ay magagamit ng mga kompanya para makagawa ng kahit anong uri ng application na maiisip nila gamit ang isang development at deployment platform sa cloud. Ang mga cloud provider ay merong sari-saring serbisyong naka-focus sa B2B, hindi lang sa B2C.
Characteristics ng platform as a service (PaaS)
Ang cloud service provider ay nagbibigay sa mga development team ng pre-made programming tools at application infrastructure components. Namumukod-tangi ang ganitong uri ng third-party provider cloud model kaysa sa karaniwang software development environments.
Kasama ng Software as a Service (SaaS) at Infrastructure as a Service (IaaS), ang cloud computing model ang nagpapahintulot sa inyong mag-develop, mag-maintain, at mag-deliver ng isang application. Nakasanayan nang magkakahiwalay ang mga ito, at kahit na makakuha ang mga kompanya na isang buong koleksiyon, kailangan pa ring i-install at ilagay ang mga ito sa mga local device. Gamit ang mga solution na ito, puwede nang mag-code at mag-deploy ang mga user nang diretso sa cloud.
Nakatutulong sa developers ang all-in-one solution na ma-consolidate and app deployment at ang kanilang developer tools nang magkasabay. Tipid ito sa oras sa paggamit ng pre-made components. Dagdag pa, maraming integrations ang nagpapahintulot sa kanilang mangolekta ng mahahalagang business analytics.
Ano ang mga kasama sa PaaS cloud computing services?
Tulad ng ibang cloud services, may kasamang kaakibat na infrastructure, networking, storage, at servers ang PaaS. Hinahayaan din ng sistemang ito na gumawa ng iba-ibang uri ng apps ang mga developer, kabilang ang mga gumagamit ng middleware, database management, software development, at intelligence services.
Nasa PaaS ang lahat ng kakailanganin ng isang modernong kompanya para sa software applications at infrastructure management. Pagdating sa servers, puwede kayong makahanap ng solutions sa physical o sa virtual servers, pati na rin sa isang remote server at isang email server.
Ang komprehensibong database management systems, pati na ang maraming database management tools, deployment tools, at environments, ay puwedeng makatulong sa kahit na anong development process anuman ang kanilang approach o end goal.
Paano gumagana ang platform as a service?
Ang PaaS systems ang nagpa-power sa back end ng isang application, kasama ang storage, operating systems, servers, at databases. Sa madaling salita, nakukuha ng developers ang tools at environment para makagawa ng kanilang application sa isang pre-existing na back end.
Puwedeng magtrabaho ang developers mula sa kahit na anong device, saan man, at ano mang oras nang may managed load balancing. Hinahayaan ng ganitong uri ng setup ang mga developer na makapokus sa user experience at sa front-end. May kasama ring continuous integration ang buong environment para makapagbigay ng dagdag na functionality.
Ang providers ng PaaS environment ay may ina-apply na security patches at pinananatiling buo ang platform. Sa paggamit ng ganitong uri ng environments, nababawasan ang problema sa seguridad, at mas nabibigyang-pansin ang development.
Mga tipo ng platforms as a service
Puwedeng mahati sa maraming kategorya ang PaaS solutions. Gayunman, merong tatlong pangunahing tipo na dapat ninyong malaman.
- Open-Cloud o Open Platform PaaS: puwedeng libre at open source ang mga solution na ito. Puwede ninyong gamitin ito nang mag-isa at nakahiwalay na platform na magbibigay ng flexibility. Sa maraming kaso, ideyal ang mga ito para sa PaaS cloud options.
- PaaS para sa SaaS Service: ang ganitong uri ng solution ay konektado sa SaaS platforms na madalas gamitin, gaya ng Intuit, Salesforce, at marami pang iba. Ang PaaS solutions na ito ay gumagawa ng ecosystem sa paligid ng isang partikular na SaaS app para makapagdagdag ang developers ng mga bagong kapasidad na tatakbo sa core app.
- Operating Environment para sa PaaS: kadalasan, ito ay ang IaaS vendors na nagbibigay ng PaaS capabilities. Kahit na may kulang na functionalities, maganda pa rin itong option sa users na naghahanap ng isang partikular na IaaS. Gayunman, ang PaaS systems na ito ay may potential para sa vendor lock-in.
Mga halimbawa ng platforms as a service
Amazon Web Services
Ang AWS Elastic Beanstalk ang pinakapopular na PaaS solution. Ang pinakamagandang bagay tungkol dito ay hinahayaan nito ang IaaS users na bumuo ng apps, at tuloy-tuloy na may bagong development tools na idinaragdag. Ang AWS Elastic Beanstalk ay ideyal para sa apps na na-develop sa Docker, Java, PHP, Python, at iba pang programming languages.
IBM Cloud
May ino-offer ang IBM na open-source security platform na may buong control sa kumpletong web application lifecycle. Puwedeng gumamit ang DevOps teams ng maraming iba-ibang third-party service provider options na nakaka-extend ng functionalities.
Google App Engine
Ang Google ay laging nangunguna sa lahat ng digital services. Ang kanilang app engine ay may napakahusay ng uptime at sumusuporta sa maraming language packages, GitHub integration, at marami pang ibang mahahalagang integrations.
Ang pagkumpara ng PaaS sa internally hosted na development environments
Sa kabuuan, ang mga traditional na hosted development environment ay di hamak na mababa sa PaaS solutions. Sa madaling salita, kaunti lang ang versatility o customization ng traditional options. Kasabay nito, developers mismo ang kailangang gumawa ng karamihan sa mga gagawin, kasama na ang sumusunod:
- pag-set up ng application servers
- paggawa ng MySQL database
- pag-perform ng diagnoses
- pag-set up ng dependencies
- pag-set up ng isang firewall at pag-aasikaso ng pangkalahatang seguridad
- pag-set up ng run-time platform
Sa madaling salita, marami kayong kailangan gawin bago magsimulang mag-coding. Hindi lang ito ang gawaing inaalis ng PaaS, pati na rin ang pagbibigay ng maraming benepisyo, kasama ang:
- HTTP caching
- reliable backups
- madaling scaling
- madaling deployment
- di na kailangan ng configuration
- mas mabilis i-market
- di na kailangan ng software licenses
Ang mga pinagkaiba ng SaaS at PaaS
Ang mahalagang pagkakaiba ng dalawa ay ang SaaS ay isang serbisyong hinahayaan ang mga tao na gumamit ng isang partikular na software sa Internet. Ang provider ang nagma-manage ng platform at ang infrastructure nito. Isang magandang halimabwa ay ang LiveAgent help desk software.
Sa kabilang dako, ang PaaS naman ay isang buong environment na puwedeng gamitin ng mga kliyente sa pagma-manage, pagpapatakbo, at pagde-develop ng applications. Hindi na kailangang mag-alala tungkol sa pagma-mange ng kanilang operatings systems.
Hinahayaan ng PaaS ang users na mag-manage ng data at applications at gawing perpekto ang mga ito para sa mga kompanya, habang ang SaaS naman ay dinisenyo para sa end-users.
Try LiveAgent today
LiveAgent is the best-rated and most reviewed all-in-one help desk software.
Frequently Asked Questions
Ano ang characteristics ng platforms as a service (PaaS)?
Kapaki-pakinabang ang paggamit ng isang PaaS development environment dahil makakukuha ang mga kompanya ng sumusunod: flexible integrations at mga serbisyo matatag ng kapasidad maraming-maraming database customization multi-tenancy customizable na UI cloud computing infrastructure
Ano ang kasama sa platform as a service?
Kasama sa PaaS cloud component ang kumpletong back-end infrastructure na kailangan para sa app development. Kasama doon ang networking infrastructure, storage options, computing resources, maraming uri ng servers, database management tools, at BI services.
Paano gumagana ang platform as a service?
Gumagana ang PaaS bilang isang cloud-based platform na nagde-deliver ng lahat ng kinakailangang development tools sa online environment na may customizable interface. Hinahayaan ng cloud environment na mag-log in ang mga user mula sa iba-ibang lokasyon, mag-roll out ng mga produkto, mag-test ng apps, at mag-collaborate sa mga project.
Ilang klase ng platforms as a service ang meron?
Maraming modelo ng cloud services at kompanyang nagbibigay nito. Kahit na hindi malaman ang eksaktong bilang ng PaaS solutions, masasabi natin na ang bilang nito ay lalampas ng daan-daan.
Ano ang halimbawa ng platform service?
Ang ilang karaniwang halimbawa ay ang IBM Cloud, Salesforce, AWS, Google App Engine, at marami pang iba.
Paano ikukumpara ang PaaS sa internally hosted na development environments?
Ang PaaS ang higit na pinakamagaling sa mga internal software development environment. Puwede ninyong magamit ang mga platform na ito sa kahit anong device na merong Internet connection. May ino-offer silang internal resources, network resources, at kumpletong control sa development process sa paunang investment.
Ano ang pinagkaiba ng SaaS at PaaS?
Ang SaaS ay isang software na magagamit ng mga tao gamit ang isang subscription-based na app. Ang PaaS ay isang buong infrastructure na merong development tools na ginagamit sa paggawa ng cloud software.