Paano bumili ng isang gumaganang call center?
Para makabili ng inyong call center, kailangan ninyong unawain lahat ng factors na nakaaapekto sa presyo ng isang organisasyon at gumawa ng isang solid investment. Posible ang makabili ng isang contact center, pero maraming mga kompanya ang umiiwas na gawin ito.
Para sa mga business na may ibang core responsibilities, kadalasang mas mainam ang mag-outsource ng call center services. Pero kung gusto ninyong magpatakbo ng isang call center at makagawa ng pera sa ganitong paraan, kaya ninyo.
Ang unang mahalagang bagay na dapat malaman ay ang makapipili kayo mula sa call center franchises o independent organizations.
Call center franchises
Maraming call centers ngayon ang gumagana bilang mga business franchise. Sila ay bahagi ng mas malaking organisasyon pero pinatatakbo nang lokal ng mga franchise manager. Ang option na ito ay nangangailangan ng mas mababang upfront investment, at nakakukuha kayo ng kinakailangang digital solutions mula sa pangunahing kompanya. Gayunman, kayo ang bahala sa paghahanap ng lokasyon, space, mga empleyado, at pag-set up ng operations.
Independent call centers
Ang independent call center ay tungkol sa paggawa ng lahat mula sa umpisa. Walang tulong mula sa isang franchiser, at kayo ang bahala sa lahat. Ang pamamaraang ito ay nangangailangan ng mas maraming trabaho at mas malaking investment pero may potensiyal na makapagbigay ng mas malaking kita.
Proseso ng pagbili ng isang call center
- paglunsad ng dahilan kung bakit ito ang tamang investment
- pagkuha ng impormasyon para sa operational at strategic na decision-making
- pag-unawa ng inyong mga kailangan sa business
- pag-set ng inyong budget
- paghahanap ng potensiyal na bibilhin (listings ads, word-of-mouth, business agents)
- pag-assess ng lahat ng mga aspekto ng organisasyon
- pag-negotiate ng presyo
- pagtuloy ng pagbili
Gaano ka-profitable ang isang call center business?
Ayon sa mga business expert, may dalawang paraan kung paano gumagawa ng pera ang call center:
- pagsingil sa bawat tawag
- pagsingil sa bawat oras
Kung nahaharap kayo sa mga pare-parehong oras ng tawag, puwedeng ang pag-charge sa bawat tawag ang tamang gawin. Kasabay nito, depende sa serbisyong inyong ibibigay, ang mga tawag ay puwedeng mas mahaba o mas maikli. Sa pangkalahatan, ang customer support center na may mas maikling average call times ay puwedeng kumita ng mas malaki kapag nag-charge kada tawag.
Kailangan ninyong isuma ang suweldo ng mga empleyado at i-multiply ito sa apat. Bilang gabay, ito ang halagang kakailanganin para masagot ang lahat ng gastusin. Lahat ng sosobrang halaga roon ay puwede nang iturng na purong profit.
Pero para lumaki ang kita, kailangan ninyong mag-adopt ng isang scalable na business model. Sa madaling salita, kailangan ninyong maghanap ng mga deal sa Internet providers, cloud solutions, at software companies na lubhang nagpapababa ng presyo sa bawat empleyado habang lumalaki ang kompanya.
Saan ako makahahanap ng binebentang call center?
Ang pinakamagandang option ay ang maghanap ng listing sites na may binebentang mga business. Ang inyong hinahanap ay mafi-filter na ng mga site na ito batay sa inyong pangangailangan at makakukuha ng mahahalagang detalye tungkol sa bawat listing. Kasabay nito, madaling makipag-ugnayan sa business owner kapag nakita na ninyo ang gusto ninyong option.
Kapag tiningnan ang bawat listings, siguraduhing tingnan ang mga ito:
- lokasyon
- laki
- frozen properties
- presyo
- uri ng entity
- bilang ng empleyado
- operational status
- mga serbisyong ino-offer
- anumang special terms
Isaisip na kahit na kayo ang magiging business owner, karamihan ng mga call center ay may kasamang management kapag ibinenta.
Paano pumili ng tamang binebentang call center?
Maraming iba-ibang factor ang dapat ikonsidera kapag pumipili ng isang call center. Sa pag-unawa ng mga kailangan ng inyong business, makahahanap kayo ng pinakamagandang option na sakto sa inyong budget para makamit ang customer satisfaction, maging epektibo, at mabawasan ang inyong gastos sa pagpapatakbo.
Saan ninyo planong mag-operate?
Ang inyong call center business ay puwedeng mag-focus sa isang partikular na bansa, English-speaking na mga bansa, o mga bansa sa buong mundo. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maghanap ng isang team na nagsasalita ng kailangang wika at may access sa technology para tumanggap/gumawa ng mga tawag sa isang targeted na area.
Kasabay nito, mahalaga rin ang inyong lokasyon dahil sa time zone kung kayo ay umaasa sa international calls mula sa iba-ibang time zones. Sa madaling salita, kailangan ninyong i-align ang inyong regular na business hours sa pinakaabalang oras sa maghapon.
Laki ng team
Ang kailangang team size ay nakadepende sa inyong target market at inyong budget. Halimbawa, ang ilang industries ay nangangailangan ng customer service teams na may offer na detalyadong technical support. Kasabay nito, baka may mas maliit na client base, ibig sabihin kailangan ninyo ng mas maliit na team para maiwasan ang hindi kailangang gastos.
Level ng kaalaman at karanasan
Ang iba-ibang industriya ay nangangailangan ng iba-ibang kaalaman mula sa mga call center agent. Halimbawa, kung ang kompanya ay nangangailangan ng customer support para sa musical instruments, kailangang may mahalagang kaalaman at karanasan ang mga representative para matulungan sila sa kanilang mga tanong.
Technologies na available
Ang bukod-tanging customer service ay nakadepende sa technology. Ang pagkakaroon ng outdated na solutions ay puwedeng makahadlang sa tagumpay ng inyong business. Narito ang ilan sa technologies na ginagamit ng mga modernong call center:
- CRM systems
- campaign management system
- intelligent call-back
- intelligent call routing
- all-in-one help desk software
- call distribution system
- live chat
- TTY/TTD
- knowledge management system
- workforce management system
- universal queuing
Office space equipment
Bukod sa digital technologies, kailangan ng isang call center ang kinakailangang infrastructure para maisagawa ang operation nito. Kasama rito ang presyo ng equipment tulad ng headsets, computers, desks, lounge areas, conference rooms, telephone/internet lines, at marami pang iba.
Magkano ang halaga para makabili/magmay-ari ng isang call center?
Mahirap malaman ang selling price nang maaga. Ito ay nakadepende sa inyong pangangailangan, anong uri ng call center ang inyong hinahanap, at ang lokasyon nito.
- Sa mga business listing site, puwede kayong makahanap ng presyo mula sa $100,000 at higit sa $2,000,000.
Ayon sa Glassdoor, ang average base ng isang call center agent sa US ay $30,000.
- Ang gastos sa average employee para sa isang karaniwang call center ay nasa $260,000 sa isang taon.
- Ang gastos sa pag-set up ng equipment at digital infrastructure sa bawat empleyado ay nasa $2,500 hanggang $10,000.
Choose only the best for your call center
LiveAgent allows your agents to deal with all customer support calls effectively. Want to find out more?
Frequently Asked Questions
Paano bumili ng isang gumaganang call center?
Ang pagbili ng isang call center ay parang pagkuha rin ng ibang business. Kailangan ninyong magkalap ng kinakailangang impormasyon at gumawa ng malaking investment mula sa pinaka-umpisa. Detalyado ang proseso at kasama ang pag-assess ng mga pangunahing aspekto ng business, kasama ang technologies, assets, property, employees, cash flow, competition, at marami pang iba.
Profitable ba ang isang call center business?
Maraming nang iba’t ibang call center business models ang makikita ninyo. Mahalagang piliin ninyo ang tama at isagawa ito nang maayos kung gusto ninyong kumita ang inyong business. Lahat ng model ay may pros at cons; nasa sa inyo na kung anong cons ang kaya ninyong isama at mabawasan ang kanilang mga epekto.
Saan ako makahahanap ng binebentang call center?
Ang call centers ay kadalasang binebenta online sa mga business listing website, sa pamamagitan ng outsourcing consultants, o sa pamamagitan ng ads. Paano man ninyo mahanap ang isang binebentang call center, kinakailangan ninyong suriin nang lubusan ang organisasyon bago bilhin.
Paano pumili ng tamang binebentang call center para sa business ko?
Maraming magagandang aspekto ang isang matagumpay na call center. Makatutulong kung ikokonsidera ninyo ang factors tulad ng kasalukuyang international reach, ang laki ng call center, potensiyal para sa expansion, capital, technologies, gastos sa pagpapatakbo, mga empleyado, at iba pa.
Magkano ang aabutin sa pagkakaroon ng call center?
Ang presyo ng pagbili ng isang call center ay puwedeng magbago depende sa iba-ibang factors. Lahat ng ito ay depende sa uri ng call center, bilang ng mga empleyado, lokasyon, uri ng serbisyong ibinibigay, infrastructure, at marami pang iba. Ang bottom price ay nasa may $100,000 at puwedeng humigit sa $2,000,000.
Ang call center software ay mahalaga sa negosyo at serbisyo ng ahente sa tawag. Mahalaga ang mga features tulad ng pag-integrate sa ibang software at pagbibigay ng mahahalagang insights sa customer behavior at agent performance. Subukan ang LiveAgent para sa komprehensibong solusyon sa hosted call center.