Sino ang isang administrador ng account?
Ang isang administrador ng account ay isang tao na pinamamahalaaan ang iyong account sa LiveAgent. Ito ay isang susing tao na sumusuporta sa daloy ng trabaho ng grupo, kaya ang pagpili ng tamang admin ay mahalaga.
Ito ang ilang kakayahan na dapat mayroon ang iyong admin:
- Atensyon sa detalye
- Kakayahan sa paggamit ng software
- Kakayahan sa pamamahala ng proyekto
- Kakayahan sa Paglutas ng mga Problea (Analisis, Pananaliksik, Pagdedesisyon)
- Kakayahan sa Istratehiya
- Kakayahan sa Organisasyon
- Kakayahang Interpersonal (Responsibilidad, Madaling Umayon, Maaasahan)
Paano mag-set up ng isang administrador sa LiveAgent?
- Mag-log sa iyong account sa LiveAgent
- Magpunta sa Mga Kumpigurasyon
- I-click ang mga Ahente
- Gawin ang tungkulin na admin sa pagpindot ng orange na buton na plus O
- I-edit ang tungkulin ng ahente sa pagpindot sa lapis na nasa kanang bahagi
- Magpunta sa Mga Tungkulin at piliin ang admin
Paano ko tanggalin ang administrador ng account sa LiveAgent?
- Mag-log sa iyong account sa LiveAgent
- Magpunta sa Mga Kumpigurasyon
- I-click ang mga Ahente
- Tanggalin ang admin sa pagpindot sa icon ng basura
Paano palitan ang tungkulin ng administrador ng account sa LiveAgent?
- Mag-log sa iyong account sa LiveAgent
- Magpunta sa Mga Kumpigurasyon
- I-click ang mga Ahente
- I-edit ang tungkulin ng ahente sa pagpindot sa lapis na nasa kanang bahagi
- Panghuli, palitan ang Tungkulin ng isang Ahente
Ano ang ginagawa bilang isang administrator?
Ang mga administrador ay mas maraming mga pribilehiyo kaysa sa mga ahente. Maaari nilang ikumpigura ang sistema, tingnan ang mga ulat, at pamahalaan ang ibang user. Heto ang ilan sa mga tampok na mayroon silang akses:
- Akses sa lahat ng ticket
- Magdagdag at pamahalaan ang ibang ahente sa support
- Akses sa pagpapalit ng mga tungkulin ng mga ahente sa support
- Magtalaga ng mga departmento
- I-reset ang mga password
- Tingnan ang mga malalalimang mga ulat
- I-set up ang wika ng sistema
- Itatag ang mga filter sa ticket at mga field
- I-install ang mga plugin
- Mag-set up ng proteksyon sa pamamagitan ng mga naka-ban na IP at kasaysayan ng BAN
- Gumawa ng awtomasyon sa pamamagitan ng mga Tag
- Lumikha ng mga Panuntunan (SLA, Mga Panuntunan sa Oras, Mga Panuntunan)
- Gumawa ng mga nakahandang mga mensahe at nakahandang mga sagot para sa mga ispesipikong mga departamento
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang administrador at isang ahente?
Ang pagkakaiba ay ang akses sa mga kumpigurasyon, ulat, at pamamahala ng mga user. Ang administrador ng account ay ang nag-aayos ng mga kumpigurasyon ayon sa pangangailangan ng kompanya. Ang ahente ay may akses sa mga tanong ng kustomer mula sa mga Mga Tawag sa Telepono, Mga Chats, at iba pang mga channel.
Ang isa pang pagkakaiba ay ang mga administrador ng account ay maaaring maakses at marebyu ang mga ulat ng ahente. Nagpapahimtulot ito na matukoy nila ang mga lugar sa pagpapahusay para sa bawat ahente at ng kompanya sa kabuuan.
Bakit mahalaga ang pag-setup ng mga kumpigurasyon sa LiveAgent?
Ang pag-set up ng iyong sistema ng customer software ay napakahalaga. Sa pagtagal, ginagawa nitong mas episyente, napapanahaon, at personalisado ang trabaho ng mga ahente. Nagreresulta ito sa mas mahusay na karanasan sa customer service.
Dagdag pa, ang pagkakaroon ng malinaw na herarkiya sa pagitan ng iyong mga ahente at administrador ay makakaiwas sa hindi inaasahang pagbabago sa iyong dashboard. Ang mga administrador ng account ay madalas na responsable sa pag-set up ng daloy sa trabaho sa customer service, mga panuntunan, SLA, at ibang mga mahalagang mga setting. Direkta nilang pinamamahalaaan ang mga kinatawan ng kustomer at pinapanood ang kanilang trabaho sa loob ng isang analitikal na dashboard.
Ang pagkakaroon ng ilang administrador ay may mas benepisyo para sa kabuuang kasiyahan ng kustomer.
Mga benepisyo ng mahusay na karanasan sa customer support:
- bawas na gastos ng serbisyo at marketing
- pananatili ng kustomer (katapatan)
- mas maraming nakukuhang kustomer
FAQ
Sino ang isang administrador ng account sa help desk??
Ang Administrador ng Account sa Help Desk ay responsable para sa operasyon ng mga network ng kompyuter. Siya ng nagi-install at nagpapagana ng organisasyon ng sistema ng kompyuter. Maaaring ito ay mga local area networks (LAN), network segments, intranets, wide area networks (WAN), at iba pang mga sistema na gamit sa paglilipat ng datos.
Ano ang mga responsibilidad ng administrador ng account sa LiveAgent?
ng administrador ng account sa LiveAgent ay maaaring kumpigurahin ang sistema, pamahalaan ang ibang user, at tingnan ang mga ulat. Mayroon rin itong akses sa lahat ng mga function na magagamit sa LiveAgent (pagkumpigura ng seguridad, paglikha ng mga awtomasyon gamit ang mga tag, pagtatalaga ng mga filter, o pag-install ng mga plugin).
Ano ang pagkakaiba ng isang administrador at account ng user?
Sa LiveAgent, ang mga users ay maaaring magkaroon ng makakaibang mga tungkulin. Halimbawa, maaari iyong maging ‘User’ o ‘administrador’. Ang dalawang tungkulin na ito ay makaiba sa pag-akses sa mga indibidwal na mga elemento ng account at maging ang mga karapatan na gawin sa isang account. Ang ‘User’ ay maaaring makita ang account, walang karapatan sa pamamahala at akses sa lahat ng mga function. Ang ‘Administrador’ ay may kabuuang karapatan at akses upang pamahalaan ang account, impormasyon, at mga user.
Lilipat mula sa Tawk papuntang LiveAgent?
LiveAgent at Tawk ay parehong nag-aalok ng mga integrasyon sa iba't-ibang social media platform. Ang LiveAgent ay nag-aalok ng mas maraming mga tampok tulad ng forum ng kustomer, pag-awtomatiko at mga panuntunan, API, IVR, naka-videong tawag, walang limitasyong kasaysayan, website, buton sa chat, email/tiket, pagre-record ng tawag, at suporta 24/7. Ang Tawk ay may pagtitiket, Live Chat, at call center, ngunit hindi nag-aalok ng iba pang mga tampok tulad ng LiveAgent.
Lilipat mula sa Samanage patungong LiveAgent?
Nais mo bang ilipat ang iyong data mula sa Samanage sa ibang solusyon? Tingnan ang LiveAgent at makita ang mga benepisyo. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon.