Ano ang VoIP caller?
Iba ang paggamit ng mga kompanya ng tradisyonal na telepono sa paggamit ng voice over Internet protocol (VoIP) sa paggawa ng mga phone call. Ginagamit ng VoIP caller ang isang digital signal para mag-transmit ng kanilang mga pag-uusap gamit ang Internet. Kapag ginagamit ng isang business ang mga VoIP call, mahalagang mag-set up ng ibang mga feature at ng caller ID para makilala bilang lehitimong caller.
Kaduda-duda ba kung makatanggap ng tawag mula sa VOIP caller?
Ang kaduda-duda ay ang paraan ng paggamit ng ilang tao sa VoIP technology. Ilagay ninyo ang inyong sarili sa lugar ng taong nakatatanggap ng malaking bilang ng tawag araw-araw. Kadalasan, merong caller ID ang mga tawag mula sa tradisyonal na phone at mobile phone. Ang caller ID information ay magpapadali sa tao na magdesisyon kung tatanggapin nila o hindi ang tawag. Sa kasamaang-palad, inaabuso ng ilang VoIP caller ang technology sa pagmamanipula at iba pang pagbabago sa kanilang caller ID. Ipagpatuloy ninyo ang pagbabasa para malaman ang ganitong mga galawan.
Paano mag-block ng mga unwanted na VoIP call?
Ang pagtanggap ng hindi unwanted calls ay nakakainis, lalo na kung naka-focus kayong tapusin ang inyong trabaho. Sa kabutihang palad, merong paraan para mag-block ng hindi kanais-nais na VoIP call.
- Kontakin ang inyong VoIP service provider. Magtanong sa kanila tungkol sa call blocking, filtering, at mga feature na may kinalaman sa mga ito.
- Tanggapin lang ang mga call na merong recognized caller ID. Tanggapin lang ang mga tawag mula sa mga phone number na nakikilala ninyo. Yung iba, hayaan ninyong mag-iwan ng voicemail. Ang consistent caller na merong lehitimong pakay (tulad ng tawag mula sa inyong doktor o dentista) ay walang isyu sa pag-iwan ng voicemail.
- Mag-report ng ilegal na callers. Baka ilegal ang unwanted callers ninyo kung ipinalagay ninyo ang phone number ninyo sa do not call registry. Puntahan ang donotcall.gov website para sa karagdagang impormasyon.
Paano gumawa ng isang VoIP caller ID lookup?
Ang VoIP caller ID lookup ay isang paraan para kilalanin ang lehitimong mga call. Mag-Google search ng phone number. Alamin kung ang phone number ay may kinalaman sa isang lehitimong kompanya o kung may report ba na unwanted caller ito. Bukod dito, gumamit ng reverse phone number lookup service tulad ng USPhoneBook.com para mag-check ng phone number.
Tandaan na puwedeng gumamit ang mga tao ng non-fixed VoIP number na hindi naka-link sa isang pisikal na address. Halimbawa, ang frequent traveler ay hindi gumagamit ng fixed na VoIP number dahil madalas silang bumibiyahe. Ang pag-verify ng isang non-fixed na VoIP number ay mas komplikado dahil baka hindi ito makita kahit idaan sa reverse phone lookup service.
Kung inaalala ninyo ang mga spam call at hindi kanais-nais na mga incoming call, siguraduhing nakalista ang inyong phone number sa Do Not Call Registry na available sa donotcall.gov.
Gumagana ba sa VoIP ang caller ID?
Minsan ay gumagana ang caller ID sa VoIP. Kapag nag-sign up ang mga customer sa mga VoIP phone, mapipili nila ang impormasyong makikita sa kanilang caller ID. Halimbawa, ang VoIP na gumagamit ng Google Voice number ay makagagamit ng feature na “anonymous caller ID” para itago ang caller ID nila sa lahat ng mga call. Bukod dito, sinumang tumatawag sa US ay makagagamit ng prefix na “*67” bago tumawag, para itago ang kanilang caller ID.
Puwedeng maglagay ng isang policy para sa kompanya ang mga may-ari ng business tungkol sa paggamit ng caller ID. Halimbawa, mahihirapang tanggapin ng mga tao mga outgoing call ng sales team ninyo ay kapag walang caller ID. Kung ganoon, puwedeng mag-experiment sa pag-require ng caller identification para mapataas ang sales agent productivity (ibig sabihin, makagagawa ng mas maraming matagumpay na outbound call).
Ano ang mga benepisyo sa pagkakaroon ng VoIP caller ID?
May benepisyo para sa may-ari ng business ang pag-install ng VoIP caller ID sa ilang paraan na walang nawawalang pagtitipid sa gastos ng VoIP.
- pagbutihin ang customer service – Maglagay ng caller ID sa mga outbound call para sa customer service dahil makikilala nila kayo bilang lehitimong caller.
- pagiging epektibo ng staff ng kompanya – Kailangang gumawa ng office staff ng mga phone call sa pangunahing suppliers ninyo. Kapag ginagamit ang caller ID sa mga outbound call sa mga supplier, malamang na ma-block ang tawag ng mga spam detection measure.
- iwasan ang pag-iimbestiga ng mga law enforcement agency – Kung merong caller ID ang mga business, malabo silang gumawa ng mga spam call. Ang resulta, puwede kayong mag-focus sa sales at customer service kaysa sa pagresponde sa imbestigasyon ng law enforcement.
Kung di kayo sigurado kung paano mag-set up ng caller ID, magtanong sa VoIP provider para sa tips sa paggamit ng kanilang VoIP caller software.
Paano mag-set up ng device para mag-display ng pangalan ng VoIP caller ID?
Simple lang ang pagse-set up ng inyong VoIP phone service para magkaroon ng caller ID. Gamitin ang mga simpleng hakbang na ito.
- Simulan ang pag-test ng VoIP caller identification setup sa pagtawag sa cellphone ninyo. Baka meron na pala kayong caller identification. Kung ganoon, magtanong sa ibang mga empleyado o sales team sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang cellphone para mag-verify kung may caller ID na.
- Magkumpara ng regular ninyong phone sa VoIP caller ID. Ang susunod na hakbang ay ang paggawa ng isa pang test call gamit ang inyong regular na phone o analog phone kung meron kayo. Maganda na merong caller ID ang inyong VoIP phone at regular na phone.
- Mag-adopt ng consistent na caller identification policy. Pag-isipan ang pagset-up ng isang policy para sa bawat empleyado at contractor ng kompanya. Halimbawa, ang lahat ng caller ID ay merong magkakaparehong display ng pangalan ng inyong kompanya.
Set up your call center
LiveAgent offers many useful features and integrations not only for call centers, but for live chat as well. Curious about all the opportunities?
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP caller?
Gumagawa ng mga voice call ang VoIP caller gamit ang Voice Over Internet Protocol (VoIP) kaysa gumamit ng mga device na traditional at analog. Ang mga sistema ng VoIP phone ay gumagamit ng isang broadband connection para makagawa ng kumpletong call kaysa mga phone line na analog.
Kaduda-duda ba kung makatanggap ng tawag mula sa VOIP caller?
Depende ito kung paano ninyo gagamitin ang mga feature ng caller ID management. Kaduda-duda kung unidentified na VoIP service ang gagamitin ninyo para gumawa ng mga call. Para makaiwas sa pananaw nila na kaduda-duda kayo, mag-set up ng isang caller ID para sa lahat ng VoIP phone systems ninyo.
Paano mag-block ng mga unwanted na VoIP call?
Iba-iba ang mga paraan para makaiwas sa mga VoIP call na di kanais-nais. Magsimula sa pagdagdag ng inyong phone number sa do not call registry. Susunod, magdagdag ng partikular na mga numero sa isang block list. Bukod dito, puwedeng merong dagdag na feature na makaka-block sa mga unwanted call ang inyong phone service provider.
Paano gumawa ng isang VoIP caller ID lookup?
Merong iba-ibang mga paraan para makita ang VoIP caller ID. Magsimula sa paghahanap sa Google ng phone number at tingnan kung ano ang kalalabasan. Kung hindi ninyo mahanap online, puwede ring gamitin ang reverse phone lookup service. Kung wala kayong mahanap gamit ang mga ito, baka bago pa ang numero ng phone, o baka ito’y kaduda-duda. Sa kasong ganito, hayaang mapunta ang tawag sa voicemail at magdesisyon kung gusto ninyong tawagan ito o hindi na.
Gumagana ba sa VoIP ang caller ID?
Tama, gumagana sa VoIP ang caller ID. Gayunman, puwedeng mamili ang mga may-ari ng business kung paano at kailan ito gagamitin. Halimbawa, sa ibang mga service, nakagagawa ng phone call ang mga user na hindi sila nakikilala. Para maiwasan ang reklamo at kalituhan, mag-set up ng caller ID management sa lahat ng inyong mga VoIP call.
Ano ang mga benepisyo sa pagkakaroon ng VoIP caller ID?
Merong mga benepisyo ang paggamit ng caller ID feature sa inyong VoIP phone. Halimbawa, mas maraming mga outbound call ang masasagot ng inyong sales team. Bukod doon, mas malamang na magkaroon ng mga conversation ang mga customer at office staff ninyo. Ang ibig sabihin ng paglalagay ng caller ID sa lahat ng mga phone ay hindi kayo agad maaakusahan ng VoIP spam.
Paano mag-set up ng device para mag-display ng pangalan ng VoIP caller ID?
Iba-iba ang mga hakbang para mag-set up ng VoIP caller ID name sa inyong serbisyo. Mag-umpisa sa paggawa ng VoIP call mula sa inyong mobile phone para makita kung active ang caller ID capability. Kung active ito, subukang ipa-check ito sa ibang tao para masigurong laging nakikita ang caller ID ng inyong kompanya. Kung gusto ninyo ng tulong sa set-up ng VoIP caller ID, kontakin ninyo ang VoIP provider ninyo.