Ano ang VoIP phone service?
Ang Voice over Internet Protocol (VoIP) ay isang technology na nagbibigay ng permisong makatawag gamit ang inyong internet connection. Lahat ng VoIP calls ay ginagawa sa pamamagitan ng VoIP providers na ginagawang posible ang prosesong ito.
Ano ang residential VoIP service?
Hindi katulad ng tradisyonal na phone service, ang residential VoIP ay isang voice service para sa inyong bahay gamit ang internet connection. Ang residential VoIP services ay gumagamit ng inyong home internet connection para sa outgoing at incoming calls.
Paano gumagana ang VoIP?
Ang hosted VoIP providers ay nagse-set up ng communication sa pagitan ng participants. Ang outgoing at incoming calls gamit ang VoIP services ay binubuo ng pagpapalit ng voice messages sa digital signals na pinapadala sa pamamagitan ng internet bilang bahagi ng Unified Communications. Pagkatapos, ang VoIP traffic ay maa-uncompress sa kabilang dulo, at maririnig na ang orihinal na message.
Paano kami makakakuha ng VoIP phone service?
Ang kailangan lang gawin para makakuha ng VoIP phone service ay sundin ang sumusunod na tatlong hakbang:
Pumili ng plan: Kung gusto ninyo ng standard features, unlimited calling, o may mga extra, puwede kayong pumili ng partikular na phone plans batay sa inyong kailangan.
I-activate ang inyong gadget: Ang device activation ay isang kinakailangan hakbang na magpapahintulot sa inyo na makasali sa international at nationwide calling. Puwede kayong gumamit ng tradisyonal na landline phones at smart gadgets (tablet o cellphone).
Mag-secure ng internet connection: Kinakailangan ang isang stable na internet connection para makakonekta sa VoIP phone service.
Anong equipment ang kailangan sa VoIP?
Para makapag-set ng VoIP para sa personal na phone calls o maaasahang video conferencing, kailangan ninyo ng:
- Gumaganang internet router
- Secure at maaasahang internet service
- Maaasahang internet connection
- Gadget na gagamitin sa pagtawag
Gumagana ba ang VoIP sa isang landline?
Kahit na kinokonekta ng karamihan ang VoIP sa mobile gadgets, posible ring mailunsad ang internet-based telephone services sa isang landline phone. Gayunman, dahil natatabunan na ang tradisyonal na telephone services ng iba-ibang VoIP apps, nagiging iisang solusyon ito para sa landline phones.
Puwede bang gamitin ang regular phone sa VoIP?
Oo, puwede. Ang VoIP ay isang modernong solusyong nagpapahintulot sa inyong ikonekta ang inyong conventional telephones sa broadband internet connection at gamitin ang mga ito para sa VoIP calls.
Ano ang pinagkaiba ng business VoIP service sa residential VoIP?
Ang pangunahing binibigyang pansin ng business VoIP plans ay ang business communications sa isang kompanya. Ibig sabihin nito, ang business VoIP solutions ay mas naka-focus sa business calls, team messaging, video meetings, customer service, at pagbibigay sa mga kompanya ng complimentary toll-free number.
Ano ang pagkakaiba ng landlines at VoIP?
Maraming pagkakaiba ang landlines at VoIP, kasama ang:
Presyo: Maraming dagdag na gastos ang landlines dahil sa mataas na domestic at international call rates. Ang VoIP ay may mas mababang presyo dahil lahat ng tawag ay internet-based. Kaya perpekto ang VoIP tools sa pagtitipid.
Video conferencing: Hindi puwedeng gawin ang video conferencing sa pamamagitan ng landline. Gayunman, ang VoIP video conferencing solution ay nagbibigay ng premium features sa mga regular na tawag.
Call features: Habang walang anumang karagdagang features ang landlines, may offer namang maraming advanced features ang VoIP na puwedeng ma-enjoy ng users.
Puwede bang gamitin ang VoIP para sa international calls?
Ginagawang madali at abot-kaya ng VoIP ang international na pagkonekta. Interesado man kayo sa domestic o international calling, ang VoIP service ay magbibigay sa inyo ng access sa parehong presyo.
Puwede bang gamitin ang inyong phone number sa VoIP?
Kayo marahil ay nag-aalala tungkol sa pagpapalit ng inyong phone number kapag nagpalit kayo ng internet provider. Sa kabutihang palad, pinahihintulutan kayo ng VoIP na gamitin ang inyong lumang phone number habang nagbibigay sa inyo ng maraming calling possibilities at plans.
Ano ang disadvantages ng VoIP?
Dahil ang VoIP phone systems ay nakadepende sa inyong broadband internet connection, posible kayong makaranas ng hindi magandang signal quality o mataas na latency sa voice at video calls. Gayunman, kung ang inyong internet connection ay mabilis at maaasahan, hindi ninyo kailangang mag-alala tungkol dito.
Choose the right fit for your business
LiveAgent's call center offers integrations with various VoIP providers. Wanna have a closer look?
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP phone service?
Ang VoIP phone service ay isang technology na ginagamit sa pagta-transmit ng voice at video calls sa landline o cell phone sa pamamagitan ng access sa internet connection.
Ano ang disadvantages ng VoIP?
Dahil mahigpit na nakabatay sa internet connection, puwedeng maging mababa ang quality ng VoIP calls at magkaroon ng pagtaas ng latency kung hindi maayos ang internet connection.
Paano gumagana ang VoIP?
Gumagamit ng internet service ang VoIP para makapaglunsad ng isang connection sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Pagkatapos, tina-transmit nito ang voice messages sa pamamagitan ng pag-transform ng mga ito sa digital signals. Kapag nakarating na ang mga signal na ito sa nakikinig, ang mga ito ay maa-uncompress para lumitaw ang orihinal na voice message.
Ano ang pinagkaiba ng business VoIP service sa residential VoIP?
Ang business VoIP ay naka-focus sa pagdadala ng screen sharing, online meetings, voice intelligence, at iba pang modernong requirements sa mga kompanya. Sa kabilang banda, ang residential VoIP ay naka-focus lag sa simpleng incoming at outgoing calls at ang inyong home internet connection ang ginagamit nito.
Anong equipment ang kailangan sa VoIP?
Para ipakilala ang VoIP sa inyong bahay o opisina, kakailanganin ninyo ang isang gumaganang internet router, isang maaasahan at siguradong internet service, at isang stable na internet connection.
Gumagana ba ang VoIP sa isang landline?
Ang mga VoIP service provider ay may plans na dinisenyo para sa landline, para madaling gumana ang inyong VoIP phone gamit ang landline.
Puwede bang gamitin ang regular phone sa VoIP?
Posibleng ma-transform ang inyong regular na phones sa VoIP-enabled phones, para ma-enjoy ninyo ang innovative VoIP systems nang komportable gamit ang inyong kasalukuyang phones.
Paano kami makakakuha ng VoIP phone service?
Para makakuha ng VoIP service, ang kailangan lang ninyong gawin ay ang pumili ng plan na ino-offer ng VoIP providers, piliin kung alin ang device na inyong gagamitin, at maglunsad ng isang internet connection na magiging batayan ng inyong pagtawag.
Ano ang pagkakaiba ng landlines at VoIP?
Habang ang mga landline ay naglulunsad rin ng connection, ang mga posibilidad sa kanila ay limitado at ang price plans nila ay mahal. Hinahayaan ng VoIP communication platforms na maka-experience ng mas maraming flexibility sa mas murang halaga ang kanilang users.
Puwede bang gamitin ang VoIP para sa international calls?
Oo! Ginagawang madali ng VoIP para sa users nito ang paggawa ng nationwide at international calls sa parehong halaga.