Kung kayo ay bago sa konseption ng software as a service (SaaS), kayo ay nasa tamang lugar. Pag-uusapan nating mabuti kung ano ang SaaS, ano ang puwede nitong gawin sa inyong negosyo at marami pa.
Pag-uusapan rin natin ang mga common na kaso ng paggamit ng SaaS, paano ito gumagana, mga pangunahing benepisyo ng SaaS-based services, pati na rin ang presyo.
Ano ang software as a service?
Ang software as a service (SaaS) ay isang konsepto ng paggawa at pagde-deliver ng software applications mula sa independent software vendors sa Internet – bilang isang serbisyo. Sa halip na mag-develop, mag-install, at mag-maintain ng software, pinahihintulutan ng konseptong ito ang maraming users, residential o commercial man, na madaling ma-access ang SaaS mula sa web.
Lubos na nililibre nito ang user mula sa komplikadong hardware at software management. Ang SaaS software applications ay tinutukoy din bilang proprietary, on-demand, o hosted software, pati na rin bilang web-based na applications.
Ang Saas applications ay nangangailangan lang ng isang SaaS provider para ito tumakbo. Ang provider din ang namamahala sa pagma-manage ng access sa application, kasama ang performance, availability, at seguridad. Ang ilan sa common characteristics ng SaaS ay ang sumusunod:
- multitenant architecture
- madaling customization
- mas magandang access
- pag-customize gamit ang point-and-click interface
Saan ginagamit ang SaaS?
Puwedeng makinabang ang customers sa SaaS lalo na pagdating sa modernong e-commerce businesses na madalas gumagamit ng Internet sa trabaho.
Ang pangunahing pakay ng SaaS applications ay ang mag-offer ng kakaiba at puwedeng gamiting solution na madaling makatutugon sa malawak na pangangailangan ng mga business tulad ng analysis, calculation, storage, at communication.
Ang SaaS ay may ino-offer na maraming benepisyo at advantages:
- Ang SaaS applications ay mabilis i-deploy
- Abot-kaya ang konsepto
- minimum na infrastructure
- Puwedeng gumana ang SaaS kahit saan, basta merong Internet connection
- seguridad at backup
- high adoption rate
- accessibility at scalability
- compatibility
Dahil hindi na kailangan ng user na mag-install at magpatakbo ng SaaS applications sa kanilang sariling gadget o data centers, libre na silang magkaroon ng ibang investments. Dahil doon, ang SaaS ang pinaka-perpekto sa mga business na kailangang paghusayin ang sumusunod:
- customer relationship management (CRM)
- content management
- sales management
- access management
- database management
- financial management
- human resource management (HRM)
- patch management
- project management
Paano gumagana ang software as a service?
Gumagana ang SaaS sa pamamagitan ng cloud delivery. Ang cloud service provider ang magho-host ng application at kaakibat na data gamit ang sarili nitong resources, networking, databases, servers, at infrastructure services. Puwede ring gumamit ng cloud application service provider ang independent software vendor (ISV) para mag-host ng application sa sarili nitong data center.
Isa sa pinakamalaking benepisyo ng SaaS ay ang hindi na pagharap ng users sa software setup at maintenance, at hindi na kailangan ng lisensiya sa software.
Nagbibigay ito sa customers ng network-based access sa application. Kapag na-deploy na ang bagong functionalities at features, nakakukuha na ng access para rito ang users.
Mga halimbawa ng software as a service
Ang SaaS market ay lumalago at lumalawak sa mga bagong teritoryo. Nangangalap ito ng maraming uri ng software products at vendors. Mula sa maliliit na providers na merong iisang produkto hanggang sa nangingibabaw na forces sa cloud landscape tulad ng Google at AWS. Isa sa pinakamagandang bagay tungkol sa mga produkto ng SaaS ay ang pagkakaiba-iba ng mga ito.
Sinasakop nila mula IT business analytics tools at helpdesk software hanggang sa video streaming services. Meron ding SaaS solutions para sa monumental business applications tulad ng billing, customer relationship management, sales management, email, etc.
Ang ilan sa mga kapansin-pansing halimbawa ng mga produkto ng SaaS ay ang sumusunod:
- Salesforce
- LiveAgent
- Google Workspace apps
- Microsoft 365
- HubSpot
- Trello
- Netflix
- Zoom
- Zendesk
- DocuSign
- Slack
- Adobe Creative Cloud
- Shopify
- Mailchimp
Ano ang mga pangunahing benepisyo ng SaaS-based services?
Maraming benepisyo ang SaaS, pero ang mga pinaka-importante lang ang iha-highlight natin.
- Pinahihintulutan kayo ng SaaS na ma-access ang sophisticated na applications – hindi nito nire-require ang user na bumili, mag-install, mag-maintain, o mag-update ng kahit na anong software, middleware, o hardware. Abot-kaya ng mga business na may limitadong resources kahit ang pinaka-sophisticated na enterprise software tulad ng CRM at ERP.
- Puwedeng ang mga nagamit lang ng features ang inyong bayaran – Pinahihintulutan ng SaaS ang users na makatipid sa resources sa pamamagitan ng automatic na pag-scale batay sa level ng paggamit.
- Access sa libreng client software – web browser lang ang kailangan ng users para patakbuhin ang karamihan sa SaaS apps.
- Madaling workforce mobilization – Internet connection lang at gadget ang kailangan ng SaaS apps para tumakbo. Samakatwid, ito ang perpektong solusyon para sa mga kompanyang kailangang mag-mobilize nang madalas ng kanilang workforce nang walang inaalalang mga isyu sa seguridad.
- May access sa data app kahit saan – dahil ang SaaS apps store data ay nasa cloud, puwede ninyong ma-access ang mga ito kahit saan, kahit kailan.
Paano nagiging SaaS ang software?
Ilan sa characteristics ng SaaS ang sumusunod:
- multi-tenancy model
- automated provisioning
- iisang pag-sign-on
- subscription-based ang billing
- mataas ang availability
- elastic ang infrastructure
- data security
- application security
- rate limiting/QoS
- audit
Magkano ang SaaS?
Maraming pricing models ang gumagamit ng subscription basis. Ang mga user ay nagbabayad ng subscription price o buwanang fee. Narito ang ilan sa pricing models na nakabatay sa subscription model:
- libre o ad-based – libreng serbisyo
- flat rate – taunan o buwanang subscription fee
- per-user – isang fixed subscription price kada user
- per-user tiers – iisang subscription model para sa maraming users
- usage-based o pay-as-you-go
- feature-based tiers
- freemium
Puwede bang gumawa at mag-customize ng software as a service?
Ang SaaS ay kinakailan para makamit ang matatag na paglago ng business, narito ang 4 na hakbang kung paano makagagawa ng sarili ninyong SaaS.
1. Mag-research sa market
Ang global SaaS market ay kinukuyog ng solution providers, na nagpapalaki lang ng pangangailangan ninyong gumawa ng out-of-the-box na solutions. Simulan sa pag-research sa market para maunawaan ang target audience ninyo, ang kanilang pangunahing requests, mga kinakailangang feature, pati na rin ang inyong mga competitor. Aralin din ang business models na ginagamit nila.
2. Gumawa ng isang plano para sa inyong produkto
Dapat kasama sa pagpaplano ng produkto inyo nang functionalities at features ng inyong SaaS solution at ang customer base na gagamit nito. Sa karagdagan, kailangan ninyong unawain ang paulit-ulit na pangangailangan sa ganitong solution.
Kung mauunawaan ninyo kung ano ang nagmo-motivate sa inyong target audience na gamitin ang produkto ninyo, makagagawa kayo ng solusyong makatutugon sa kanilang mga partikular na problema. Kailangan din ninyo ng pricing strategy at marketing campaign para ma-advertise ninyo nang maayos ang inyong produkto.
3. Tukuyin ang inyong SaaS requirements
Ito ang features na meron dapat ang inyong SaaS product:
- multi-tenant architecture
- application at data security
- frontend UI/UX design
- backend data management
- third-party integrations
- user analytics at monitoring
4. Pumili ng technology stack
May dalawang mahahalagang aspekto ang bawat SaaS solution –frontend (client-facing) at backend (server-side). Para sa frontend, kakailanganin ninyo ang tools na tulad ng CSS, HTML, pati na rin ang JavaScript (Vue.js, Angular, at React).
Para sa backend, kailangan ninyo ng sigurado, scalable, at mabilis na frameworks tulad ng Ruby on Rails, .Net, Laravel, o Python. Dapat din ninyong isipin ang tungkol sa servers. Pumili mula sa:
- external servers
- physical servers
- remote servers
Improve your customer service
Create memorable customer experiences with LiveAgent that boost revenue.
Frequently Asked Questions
Ano ang software as a service?
Ang SaaS ay isang solution na nagpapahintulot sa users na maka-access sa cloud-based apps mula sa web. Puwede nilang gamitin ang ganitong solution para makakonekta sa apps na nasa online environment.
Saan ginagamit ang SaaS?
Puwede itong gamitin para sa CRM, content management, sales management, access management, database management, financial management, HR management, patch management, project management, etc.
Paano gumagana ang software as a service?
Gumagana ang SaaS service models sa pamamagitan ng cloud delivery, kaya hindi na kailangang mag-instal lat mag-manage ng software infrastructure ng user. Pinahihintulutan lang ng provider ang user na makakuha ng network-based access sa SaaS application.
Ano ang mga halimbawa ng software as a service?
Ang pinaka-magagandang halimbawa ng SaaS ay ang solutions tulad ng Salesforce, Microsoft 365, HubSpot, LiveAgent, Zoom, Netflix, Mailchimp, at marami pa.
Ano ang pangunahing business advantages ng SaaS-based services?
Kasama sa pangunahing advantages ng SaaS ang accessibility, operational management, pagiging abot-kaya, scalability, analytics, at dagdag na seguridad.
Paano nagiging SaaS ang software?
Ang bumubuo sa pangunahing characteristics ng SaaS software ay ang multitenancy, automated provisioning, high availability, cloud delivery, data, at application security.
Gaano kalaki ang nakukuha sa SaaS?
Dahil merong offer na iba-ibang subscription models ang SaaS solutions, puwede kayong magdesisyon sa halaga ng serbisyong gusto ninyo batay sa inyong partikular na pangangailangan.
Paano makagagawa ng software as a service?
Natalakay na namin sa itaas ang mga hakbang na kailangan ninyong gawin. Para pasimplehin ang proseso, kailangan ninyong pag-aralan ang market, planuhin ang inyong produkto at features nito, at pumili ng tamang teknolohiya at servers.