Ano ang phone dialer?
Ang phone dialer ay isang software system na nagpapasimple ng proseso ng outbound calling. Sa call center industry, puwedeng ma-classify ang phone dialers sa dalawang categories – manual phone dialers at automated phone dialers. Manual dialers – ito ang pinaka-basic na uri ng call center dialers – kinakailangang mag-dial ang agents nang manual ng phone numbers ng customers o prospects. Kadalasan itong ginagamit para sa customer support o sa simpleng outbound call campaigns.
Ang automated phone dialers ay malawakang ginagamit sa call centers ng sales teams para sa outbound telemarketing, market research, at customer service follow ups. Sa auto dialing software systems, puwedeng maglagay ng maraming bilang ng outbound phone calls ang agents nang hindi kinakailangang i-dial ang bawat number nang manual. Hindi gaya ng manual phone dialers, automatic na dina-dial nila ang prospects mula sa isang preloaded list ng phone numbers at kinokonekta lang ang tawag sa isang agent kapag tao talaga ang sumagot.
Sa pamamagitan ng paggamit ng voice detection technologies, nade-detect ng auto dialers ang voicemails, answering machines, disconnected calls, busy tones, at mga hindi nasasagot na tawag. Puwede ring i-configure ang system na ikonekta ang tao sa kabilang dulo sa isang IVR (Interactive Voice Response) at mag-play ng pre-recorded messages. Ang iba-ibang uri ng auto dialers – preview dialers, progressive dialers, power dialers at predictive dialing systems – ay puwede pa lalong ma-streamline ang outbound call campaigns sa pamamagitan ng iba’t ibang features at capabilities.
Nakatutulong ang automated phone dialers sa call center agents para mabawasan nang husto ang downtime at ma-maximize ang pagiging epektibo at hinahayaan silang makakonekta sa mas maraming leads o customers kada oras. Ipinapakita sa pag-aaral na puwedeng makapagpataas ng agent productivity ng hanggang 300% ang automatic dialing systems sa pamamagitan ng pagbabawas ng idle time ng agent at madagdagan nang pantay-pantay ang agent talk time kada oras.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the most reviewed and #1 rated call center software for SMB.
Frequently Asked Questions
Ano ang phone dialers?
Ang phone dialers ay software na nagpapasimple ng proseso ng outbound calling sa mga call center. Habang sa manual phone dialers ay kailangang mag-outbound calls nang manual ng agents, pinadadali at ginagawang epektibo ng auto dialer systems ang pag-outbound calls ng agents nang automatic. Naitataas nito nang husto ang agent productivity at performance sa pamamagitan ng pagpapaikli ng idle time ng agent at pagdaragdag ng talk time.
Paano gumagana ang phone dialers?
Gamit ang manual phone dialers, nagsisimula ng outbound calls ang agents sa pamamagitan ng pag-dial nang manual ng mga number galing sa listahan ng contacts. Sa kaso ng auto dialers, sinasabi ng system sa computer kung aling numbers galing sa contact list ang dapat i-dial at paano tutugon kung may sumagot na ng tawag o kung may busy signal, isang voice mail o isang answering machine. Depende sa uri ng dialer na ginagamit, puwedeng i-configure ang system na ikonekta ang tawag sa isang live na agent kung may sumagot na tao, mag-play ng pre-recorded audio message kung walang available na agent sa kasalukuyan o mag-drop ng tawag kung walang sumagot sa loob ng 25 seconds o kung may na-detect na busy signal.
Ang phone dialer ba ay bahagi ng LiveAgent?
Kahit na kasama sa contact center solution ng LiveAgent ang parehong inbound at outbound calling capabilities, ang tungkulin ng outbound call center ay nirerepresenta sa kasalukuyan ng click-to-call dialing. Gamit ang click-to-call dialer, puwedeng mag-initiate ng outbound calls ang call center agents sa customers o prospects sa ilang clicks habang nagba-browse sa kanilang websites mula sa LiveAgent dashboard panel.
Expert note
Ang phone dialers ay mga software system na nagpapasimple ng outbound calling sa mga call center para sa mas epektibong productivity ng mga agents at mas mabilis na proseso ng pagtawag sa mga customer.

Ang mga business ay gumagamit ng VoIP phone numbers para sa magandang customer service at mababang halaga ng tawag. Maaari itong gamitin para tawagan at makipag-usap sa mga potential at current customers. Ang VoIP numbers ay makukuha mula sa VoIP service providers at maaaring malaman kung ang isang numero ay VoIP sa pamamagitan ng mga online na tool. Ang VoIP ay mas mura kaysa sa regular phones at hindi nakatali sa isang lugar. May fixed at non-fixed na VoIP numbers at puwedeng malaman ang may-ari ng non-fixed VoIP number sa pamamagitan ng specialized tools.
Mga kasangkapan ng call center
Tamang kasangkapan ng call center ang nagpapasigla ng negosyo at pinapabuti ang serbisyo at pagganap ng mga ahente sa tawag.
Ang marketing software ay magpapadali sa mga sales representative sa pamamagitan ng mas maraming call at pagtuon sa mga pangangailangan ng mga customer. Ito ay may advance reporting at intuitive na interface. May limitasyon ito sa customized training at integrasyon sa ibang tools. Ang tamang pagsasalita at komunikasyon sa customer sa call center ay mahalaga para sa mabuting customer service. Ang LiveAgent ay nagbibigay ng iba't ibang communication channels para sa mga customer.
Ang preview dialer ay isang sistema ng auto dialing na ginagamit sa outbound call centers. Naglalayon ito na pabilisin ang proseso ng pagtawag at pakikipag-ugnayan sa mga customer, mapalakas ang performance at efficiency ng mga agent, at mai-personalize ang customer engagement. Ito ay isa sa mga kasangkapan ng call center na maaaring makatulong sa mga negosyo na gumagawa ng mga complex sales campaigns at nangangailangan ng customer research bago tumawag. Bagama't hindi bahagi ng LiveAgent, ang software na ito ay nag-aalok ng click-to-call dialing mode para sa mga agent.