Ano ang spy dialer?
Ito ay isang reverse phone lookup service na magagamit ng kahit sino at puwedeng gamitin para maghanap ng impormasyon tungkol sa phone numbers (parehong mobile at landline numbers), mga tao, physical address, lokasyon, at email address. Ang Spy Dialer ay isang libreng serbisyong gumagana sa US-based na phone numbers at email address lang. Gayunman, maraming serbisyong reverse phone number search na available sa buong mundo. Ang reverse cellphone lookup service ay puwedeng makatulong kapag kayo ay nakakukuha ng tawag mula sa di-kilalang caller at gusto ninyong malaman ang impormasyon tungkol sa kanila.
Ang Spy Dialer phone search service ay may features na search bar kung saan maipapasok ninyo ang incoming caller number, pagkatapos pumili ng isa sa apat na available options (Hear Voicemail, Name Lookup, Photo Lookup, at Phone Spam) at pindutin ang search button. Kapag pinili ninyo ang Hear Voicemail, hahayaan ng sistema na mai-play ang voicemail greeting ng ibang tao, kung available ito. Ang voicemail greetings ay kadalasan merong pangalan at apelyido, o kaya ay pangalan ng kompanya at iba pang detalye ng may-ari ng business.
Ang Spy Dialer ay may kakayahang mag-dial nang anonymous ng kaduda-dudang phone number na interesado kayong malaman at diretsong makukuha ang voicemail greeting nang hindi man lang magri-ring ang cellphone ng ibang tao. Gayunpaman, puwede pa ring makita ng ibang tao na merong missed call sa kanilang recent call list. Kapag binuksan nila ito, makaririnig sila ng mensaheng nagsasabi na sila ay na-spy dial, pero hindi nila malalaman kung sino eksakto ang nag-spy dial sa kanila.
Frequently asked questions
Paano gumagana ang spy dialer?
Ang Spy Dialer ay hinahayaan ang users na makita ang impormasyon tungkol sa di-kilalang numbers sa anonymous na paraan. Gumagamit ang sistema ng data mula sa pampublikong records para maghanap ng available na impormasyon tungkol sa phone numbers, tao, physical addresses, at email addresses.
Paano gamitin ang spy dialer?
Para gamitin ang Spy Dialer reverse phone number lookup service, kailangan ninyong i-type ang di-kilalang number na ini-inquire ninyo sa search bar sa officialwebsite at hintayin ang sistemang mag-display ng available na impormasyon tungkol sa caller. Puwede rin ninyong hanapin ang impormasyon sa pag-type ng pangalan ng tao, address, o email address.
Paano tanggalin ang sarili ninyo sa spy dialer?
Dahil ang serbisyo ng Spy Dialer ay umaamin na ganap itong sumusunod sa lahat ng US state at federal data privacy laws, hinahayaan ng sistema ang users na alisin ang kanilang impormasyon mula sa database nito nang libre. Puwede itong gawin (sa ilang states) sa pamamagitan ng pagkumpleto sa online opt-out form sa website ng serbisyo.
Expert note
Ang Spy Dialer ay isang libreng serbisyong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga phone numbers, email address, at iba pa. Magpoprovide ito ng tulong sa mga taong gustong malaman ang detalye ng isang di-kilalang caller.

Ang VoIP ay isang sulit na alternatibo sa tradisyunal na telepono dahil mas abot-kaya ito at nagbibigay ng mas magandang karanasan sa pagtawag. Ito rin ay mahalaga sa pagpapanatili ng mataas na kalidad ng serbisyo sa customer service. Sa pagpapanatili ng kahusayan ng call center, dapat makapag-audit ang mga ahente upang masiguro ang epektibong pagganap. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng kasiyahan ang mga kustomer. LiveAgent ay isang platform para sa mga serbisyong pang-social media at newsletter subscription. Nag-aalok din ito ng demo at mayroong privacy policy.
Ang VoIP o Voice over Internet Protocol ay isang teknolohiya na nagkokonekta sa iba pang gumagamit ng network sa pamamagitan ng internet. Ito ay mas mura kaysa sa landline at may advanced call features tulad ng video conferencing. Mayroon itong advantage at disadvantage kumpara sa tradisyonal na phone lines at iba ito sa unified communications. Kung naghahanap ka ng VoIP provider, dapat isaalang-alang ang kanyang mga serbisyo. Puwedeng gamitin sa landline at regular phone, sa international calls, at pwedeng gamitin ang lumang phone number.
Call center: Mga template sa pagsasara/paghihinto ng pakikipag-ugnayan
Ang mga tawag sa telepono ay hindi pa rin nawawala sa interes ng mga kustomer, kaya hindi dapat isara ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng telepono. Maaaring gamitin ang iba pang mga lagusan ng komunikasyon tulad ng live chat at chatbots, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na interesado ang mga kustomer sa tulong sa telepono. Pinapakita ang tatlong mga template sa pagsasara/paghihinto ng pakikipag-ugnayan na maaring magamit sa pagtatapos o paghihinto ng komunikasyon sa positibong paraan. Dapat ding magpaliwanag ang mga ahente kung bakit isinasara o inihihinto ang pakikipag-ugnayan.
Ang VoIP phone numbers ay ginagamit ng mga kompanya para mapanatili ang magandang customer service at para sa intracompany communications. Mas mura ito kaysa sa traditional na telepono at hindi nakatali sa iisang lugar. Makakakuha ng VoIP number mula sa VoIP service providers tulad ng pakain ng traditional na phone numbers. Puwedeng malaman kung ang numero ay VoIP sa pamamagitan ng LRN lookup o ibang reverse phone lookup websites. Ang fixed VoIP phone number ay may tunay na address at taong nagmamay-ari nito, kumpara sa non-fixed na hindi nauugnay sa pisikal na lokasyon.