Ano ang auto dialer?
Ang auto dialer (o automatic dialer) ay isang software na automatic na nagda-dial ng numbers galing sa calling lists kaya hindi na kailangang i-dial ng outbound call center agents ang mga number nang manual. Ang automatic dialing systems ay puwedeng gamitin ng iba-ibang business sa iba’t ibang industriya, kasama ang e-Commerce, hospitality, healthcare, education institutions, insurance, at financial service providers, real estate, debt collection, political organizations (kapag nagpapatakbo ng political campaigns) at iba pa. Sa pamamagitan ng isang auto dialer system, makaaabot at makakapag-follow up ang business sa daan-daan o kahit libo-libong customers, prospects, o leads sa maikling panahon.
Ginamit ng mga call center agents ang dialers ng ilang dekada na sa outbound campaigns. Sa manual dialers, nagda-dial ng number ang agents sa pamamagitan ng pagta-type gamit ang keyboard o galing sa pre-loaded contact list sa CRM (Customer Relationship Management) tapos ay maghihintay na makonekta ang tawag. Ang auto dialers ay ginawa para mapadali ang proseso ng outbound dialing para sa agents at mapataas ang agent productivity.
Hinahayaan ng auto dialer call center solutions na mapataas ang dialing rate at agent talk time sa pamamagitan ng pag-screen ng answering machines at pagbabawas ng agent wait times. Iyan ay nagreresulta sa pinahusay na productivity at pinataas na call center efficiency. Kapag ginamit bilang isang automated sales machine, pinadadali ng auto dialers ang lead generation, mina-maximize ang outreach at cold calling efficiency, at pinahuhusay ang sales team performance.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the most reviewed and #1 rated call center software for SMB.
Frequently Asked Questions
Ano ang auto calling?
Taliwas sa manual calling (manual dialing), kapag nag-initiate ng outbound calls ang call center agents sa pamamagitan ng pag-dial nang manual nang paisa-isa sa mga nasa contact list, hinahayaan ng auto calling (auto dialing) systems ang agents na automatic na mag-dial ng isang listahan ng numbers. Sa auto calling, puwedeng maglagay ang agents ng daan-daan o libo-libong automated calls nang sabay-sabay para maabot ang prospects o customers. Puwedeng epektibong gamitin ng sales team ang auto calling kapag nagpapatakbo ng outbound marketing campaigns.
Paano gumagana ang auto dialer?
Ang auto dialers, batay na rin sa pangalan, ang automatic na nagda-dial ng isang set ng contacts kaya hindi na kailangan ang manual dialing. Kapag nai-dial na ang number, puwedeng matukoy ng auto dialing systems kung ang tawag ay sinagot ng answering machine, sinagot ng mismong tinatawagan, o kung ang line ay busy. Kapag natukoy na ng voice detector kung sino ang sumagot ng tawag, iruruta na nito ang tawag sa isang available na agent, magbibigay ng isang menu ng options sa taong sumagot, magpi-play ng pre-recorded na message, o mag-iiwan ng isang voice mail.
Paano ang pag-set up ng automatic dialing?
Ang pag-set up ng automatic dialing ay nangangailangan ng isang computer, isang phone line (regular o VoIP), isang voice modem, at auto dialing software. Para mapatakbo ang autodialing software, kailangan ninyong i-upload ang inyong contact database, mag-set ng call flows, at mag-assign ng agents. Batay sa uri ng auto dialer na inyong ginagamit (predictive dialer, power dialer, preview dialer, progressive dialer), puwedeng i-configure ang system kung paano ito sasagot sa iba-ibang scenarios (tulad halimbawa ng busy ang signal, kung tao o answering machine ang sumagot, etc.)
Ang auto dialer ba ay bahagi ng LiveAgent?
Anumang cloud-based na call center solutions ay nagbibigay ng outbound calling capabilities, pero hindi lahat ay may kasamang auto dialing functionality. Kasalukuyang sinusuportahan ng LiveAgent contact center solution ang click-to-call dialing na isa sa pinaka-popular na technology na ginagamit sa kasalukuyang call centers kasama ng auto dialing. Hinahayaan nito ang sales agents na mag-initiate ng outbound calls sa customers o prospects sa ilang clicks habang nagba-browse sa kanilang websites.
Expert note
Ang auto dialer ay isang software system na automatic na nagda-dial ng phone numbers mula sa calling lists. Ito ay ginagamit sa mga outbound campaigns ng mga business sa iba't ibang industriya.

Ang marketing software ay magpapadali sa mga sales representative sa pamamagitan ng mas maraming call at pagtuon sa mga pangangailangan ng mga customer. Ito ay may advance reporting at intuitive na interface. May limitasyon ito sa customized training at integrasyon sa ibang tools. Ang tamang pagsasalita at komunikasyon sa customer sa call center ay mahalaga para sa mabuting customer service. Ang LiveAgent ay nagbibigay ng iba't ibang communication channels para sa mga customer.
Ang preview dialer ay isang sistema ng auto dialing na ginagamit sa outbound call centers. Naglalayon ito na pabilisin ang proseso ng pagtawag at pakikipag-ugnayan sa mga customer, mapalakas ang performance at efficiency ng mga agent, at mai-personalize ang customer engagement. Ito ay isa sa mga kasangkapan ng call center na maaaring makatulong sa mga negosyo na gumagawa ng mga complex sales campaigns at nangangailangan ng customer research bago tumawag. Bagama't hindi bahagi ng LiveAgent, ang software na ito ay nag-aalok ng click-to-call dialing mode para sa mga agent.
Ang telemarketing software ay mahalaga para sa mga customer service at sales representative. Ito ay nagbibigay ng mga feature tulad ng mabilis na pagdial ng mga numero ng telepono at advance reporting. Ang limitasyon nito ay hindi ito nagbibigay ng customized training at hindi laging maganda ang pag-integrate sa ibang tools. Ang pinakamagandang paraan para ma-implement ito ay gumawa ng isang maliit na pilot test at magtanong sa sales team para malaman ang epekto nito sa kanilang workflow.
Gumawa ng call center software sa loob ng 5 min.
Integre ang inyong computers, laptops, at hardware phones sa LiveAgent. Paganahin ang push notifications sa LivePhone app para sa mga incoming chat, call, o ticket. Makakuha ng customer history gamit ang call logs at mag-improve ng customer service. Ang call center software ng LiveAgent ay may mga powerful na features tulad ng IVR, ACD, at call recording. Kompatible sa maraming VoIP phone systems ang aming call center software. Suportado rin ang mga video call ng contact center agents sa mga customers.