Ano ang customer service skills?
Puwedeng maging comparative advantage para sa isang kompanya ang customer support. Kaya napakahalagang magbigay ng pinakamahusay na support. Ang bawat customer representative ay dapat mahusay ang skills at may malawak na kaalaman tungkol sa mga produkto o serbisyo.
Ang customer representative ay dapat pakinggang mabuti kung ano ang hinihingi ng customer at magbigay ng mas personalized na sagot. Dapat ay persuasive speakers din sila. Napakahalagang maging mapagpasensiya kapag galit na ang customer. Kapag may mali, dapat nilang akuin ang problema.
Dapat maraming ibang skills ang customer representatives, tulad ng magaling na komunikasyon, pagiging assertive, may empathy, pagiging friendly, flexible, may kontrol sa sarili, marunong mag-manage ng oras, at marami pa.
Frequently asked questions
Ano ang depinisyon ng customer service skills?
Ang customer service skills ay isang set nf behaviors na dapat aasahan ng mga miyembro ng customer service team sa kanilang interaksiyon sa customers. Kapag wala ang skills na ito, hindi maganda ang performance ng customer service team. Kasama sa skills na ito ang: communication skills, empathy, pagpapasensiya, at mga specialist at technical na kaalaman.
Anong customer service skills ang pinaka-kapaki-pakinabang?
Komunikasyon ang isa sa pinaka-kapaki-pakinabang na customer service skills. Salamat sa malinaw na komunikasyon, madali nating makakausap ang kliyente at malilinaw ang mga solusyon sa problema. Ang isa pang skill ay empathy, na nagagamit para mas maintindihan ninyo ang nararamdaman at pangangailangan ng customer. Ikatlong skill ang specialist knowledge, na kailangan para mas maipaliwanag ang kailangang gawin para maayos ang problema, mga specification ng produkto at serbisyong ino-offer ng kompanya, at para epektibo ring mapaandar ang tools.
Paano mag-train ng customer service skills?
Ang pag-train ng customer service skills ay napaka-importanteng proseso. Ang unang source na panggagalingan ng kaalaman sa subject ay batay sa impormasyong ibinibigay ng kliyente, associates, at ating immediate supervisor. Pagkakataon na ito para mapansin ang mga bagay na maaaring hindi mo alam o napapansin. Isa pang source ang customer feedback reports. Malaking source ng kaalaman ito na magpapakita kung saan kayo dapat magbigay ng atensiyon. Dapat ding magpraktis ng skills tulad ng pagiging mabait at mapagpasensiya, pati na pananalitang gamit sa pakikipag-usap.
Expert note
<p>Customer service skills ay tumutukoy sa set ng mga behavior at kaalaman na dapat meron ang mga customer service representative upang magbigay ng pinakamahusay na suporta sa mga kliyente.</p>

Ang mahalagang bahagi ng pagnenegosyo ay ang paghahatid ng napakahusay na customer service. Ito ay nagreresulta sa benta, kita, at kasiyahan ng kustomer. Paraan upang maisagawa ito ay ang pagkakaroon ng mahusay na kaalaman tungkol sa produkto, pag-unawa sa mga kustomer, at pagbigay ng magandang karanasan sa komunikasyon. Ang napakahusay na customer service ay nagbibigay ng suporta sa mga kustomer at naglalagpasan sa kanilang mga inaasahan.
Introduksiyon sa customer appreciation
Ang customer appreciation ay mahalaga sa pagpapanatili ng mga customer at pagpapalakas ng loyalty. Nagkakaroon ng negatibong epekto sa negosyo ang kapabayaan sa customer. Ang pagpapasalamat sa customer ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng discounts, coupons, at iba pa. Mas malaki ang kita at tumatagal na ugnayan sa mga kumpanya na may mga nakukuntentong customer.
Ang customer service management ay proseso ng pag-manage ng bawat aspektong konektado sa customer service. Hindi puwedeng ma-automate ang customer service management. Upang paghusayin ang kalidad nito, dapat makinig sa mga customers at magkaroon ng maayos na pagpapatakbo ng trabaho sa loob ng kompanya.
Paano tumugon sa isang request ng customer
Palaging mag-proofread at pumasok sa LiveAgent para sa mahusay na customer service. Magtanong at magbigay ng solusyon sa mga request ng customer. Ang customer service ay isang sining na dapat maunawaan at maintindihan.