Ano ang customer insights?
Ang pagtanggap at pag-intindi sa inyong customers na batay sa kanilang pag-uugali, preferences, at mga karanasan nila sa kompanya ninyo, na ginagamit sa paggawa ng mga desisyon. Ito ang customer insight na nagbibigay-direksiyon sa mga kompanya sa pagsilbi nang mas mahusay sa customers.
Ito ay ang kaalaman tungkol sa customers at sa market. Kapaki-pakinabang ang customer insight sa halos lahat ng klase ng business. Meron talaga itong epekto sa bawat sistema ng marketing.
Magkaroon ng malaking benepisyo sa business at alamin kung paano magagamit nang husto ang kabuuang potensiyal ng customer insight.
Frequently Asked Questions
Ano ang ibig sabihin ng terminong customer insights?
Ibig sabihin ng customer insight ay pagkakaroon ng masinsinang pag-intindi sa customers, sa kanilang pag-uugali, preferences, pangangailangan, at inaasahan. Makukuha ninyo ito sa pagsusuri ng customer data, e.g. demographic data, browsing history, mga binili, mga sinoli, at reaksiyon nila sa campaigns. Para ito mapalabas ang mas mahusay na pag-unawa sa customer.
Mahalaga ba ang customer insights?
Mahalaga ang consumer insights dahil malaki ang epekto nito sa performance at pagiging epektibo ng marketing at sales campaigns ninyo. Ang impormasyon tungkol sa consumer ang tutulong sa inyong intindihin at kilalanin ang inyong customers. Dahil dito, mas madaling magplano ng activities na naka-target sa isang partikular na grupo.
Paano mangolekta ng customer insights?
Sobrang halaga ng pagkolekta ng impormasyon ng consumer information sa pagpapatakbo ng business ninyo. Hindi madaling gawin ang makakuha ng insight, kaya may ilang factors na kailangang isaalang-alang. Una, dapat ninyong kolektahin at suriin ang customer feedback ng inyong mga produkto, serbisyo, at campaigns. Sobrang halaga ring masuri hindi lang ang mga opinyon, pero pati na rin ang mood ng customers na magpapakita ng pakiramdam nila. Pero ang pagkolekta ng insights ay di lang limitado sa customers ninyo. Puwede rin kayong mag-research tungkol sa potential customers ninyo na makapagdaragdag ng impormasyon kung bakit hindi pa nila naususubukan ang produkto ninyo. Maganda ring suriin ang mga data sa reports na araw-araw nilalabas ng mga program na gamit ninyo.