Ano ang call handing time?
Call handling time – karaniwang tinutukoy bilang average call handling time o average handle time (AHT) – ito ay isang pangunahing call center metric na ginagamit para sukatin ang call center productivity, operational efficiencies, at agent performance. Ipinapakita nito ang average na tagal ng customer interaction sa isang call center mula sa oras na nagsimula ang tawag hangang sa matapos ang tawag. Kasama rito ang call hold times, call transfers, at call wrap-up time. Ang pinahusay na AHT ay kilalang nagpapataas ng customer satisfaction.
Pagkalkula ng average call handling time
Para kalkulahin ang average call handling time, i-sum up ang total talk time, total hold time, total wrap-up time, at i-divide ang resulta sa total number ng mga naasikasong tawag.
talk time (ang tagal ng pakikipag-usap ng call center agents sa customers)
- hold time (ang tagal ng pag-hold habang nasa phone call)
wrap-up time (ang oras na ginugol ng agents sa paggawa ng kinakailangang follow-up tasks para makumpleto sa isang customer interaction)
AHT = (total talk time + total hold time + total wrap up time) / total calls handled
Puwedeng mahirap i-evaluate ang wrap-up time (na kilala rin bilang wrap time o after-call work time) dahil puwedeng mag-iba ang after-call tasks depende kung ano ang karaniwang inaasikaso ng call center. Puwedeng kasama rito ang data entry, pag-schedule ng follow-ups, pagpapadala ng feedback forms, etc.
Create a seamless service experience
Boost your customer support efforts with LiveAgent’s call center features.
Frequently Asked Questions
Ano ang handling time sa isang call center?
Ang call handling time, na mas kilala bilang average handling time (AHT), ay isa sa pangunahing call center performance metrics na tinututukan sa mga contact center para sukatin ang kakayahan ng agent. Ipinapakita nito ang average na tagal ng customer interactions mula sa call initiation hanggang sa talk time, hold time, call transfers, at after-call work time.
Paano magkalkula ng call handling time?
Ang average handling time ay ang sum ng total talk time, total hold time, at wrap-up time na divided sa total number ng mga naasikasong tawag.
Paano mababawasan ng mga call center ang call handling time?
Ang pagbibigay sa agents ng tamang call center tools at pagpapahintulot na madali nilang ma-access ang knowledge resources ay nakatutulong na mabawasan ang call handling time. Una, sa pamamagitan ng komprehensibong knowledge base, mahahanap ng mga customer ang sagot sa pinakakaraniwang tanong nang mag-isa. Pangalawa, ang internal knowledge base ay isang kinakailangang bahagi ng agent training at isang mahalagang resource na nakatutulong sa mga agent na malutas ang isyu nang mas mabilis at sa gayon ay mabawasan ang AHT at mapahusay ang customer experience.
Ang ultimate call center checklist
Interesado ba kayong magtayo ng isang call center pero walang kayong ideya kung saan magsisimula? Naglagay kami ng call center checklist na gagabay sa inyo sa bawat hakbang.