Ano ang call center solution?
Ang call center solution ay kahit na anong ginagamit ng call center sa kanilang operation sa araw-araw. Ang mga solution na ito ay magaan at madaling ma-integrate sa kasalukuyang framework. Ang pinakamagandang bagay tungkol sa kanila ay ang pagiging scalable, na ang ibig sabihin ang call center solutions para sa maliliit na business ay puwedeng gumana nang maayos sa mga enterprise at kabaligtaran.
Anong software ang ginagamit sa isang call center?
Ilan sa mga karaniwang ginagamit sa call center solution ay ang automatic call distribution at predictive dialing. Gayunman, ang pinakamahusay na call center solution ay puwedeng isaayos ang workflow ng inyong agents sa pamamagitan ng paggamit ng progressive dialer, scripting, at easy incident management para sa cloud-based calling.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang contact center at isang call center?
Ang contact center at call center ay kadalasang napapagbaligtad ng gamit, pero malaki ang kanilang pagkakaiba. Ang contact center ay binuo para tulungan ang customers sa kanilang mga tanong at mga isyu, habang ang call center naman ay ginagamit para makontak ang customers para makagawa ng sale, promotion, o presentation.
Ang virtual contact center ay isang pinakamahusay na solution para sa B2C operations. Ang mga contact center cloud call center solutions na ito ay mahuhusay at binabawasan ang bilang ng resources na kailangan para makapunta sa ganitong operation. Nakatutulong din ang mga itong mapahusay ang buong contact center performance.
Karamihang outbound contact centers ay gumagamit ng omnichannel approach, na nagbibigay ng permiso sa kanilang tulungan ang kanilang customers sa iba’t ibang medium – mula sa incoming calls at SMS hanggang sa emails at social media messaging. Ang inbound contact centers ay karaniwang gumagamit ng software na hindi kasing-sophisticated pero nakapagbibigay pa rin ng paraan para mapahusay ang komunikasyon.
Karamihan ng mga business ay gumagamit ng cloud-based contact center solution sa halip na isang in-house, dahil higit na mas madali itong ma-integrate sa kasalukuyang framework at karaniwang nangangailangan ng mas kakaunting resources.
Paano magbebenepisyo ang mga business sa call center solutions?
Kayang gawing mas epektibo ng isang mahusay na call center solution ang inyong team sa pamamagitan ng unified interface nito at pagbibigay sa inyong business ng:
- Analytical, operational insight
- Overviewing customer profile
- Timing resolution rates
- Timing conversion rates
- Real-time monitoring
- Quantifying customer success
Pagpapahusay ng customer relationship management
Pag-streamline ng customer journey
- Pagbibigay ng personalized customer service
- Pag-manage ng customer expectations
- Komprehensibong reporting
Self-service options at maraming uri ng customizable features
- In-depth workforce optimization
Higit pa rito, ang feature-filled software tulad ng LiveAgent ay magbibigay ng permiso sa inyong suriin ang bawat bahagi ng inyong business, ma-optimize ito nang husto, at gumamit ng maraming digital channels para makipag-communicate – lahat nasa parehong software.
Bakit importante ang quality assurance para sa call center solutions?
Hindi dahil meron nang solution tulad ng LiveAgent ang inyong call center o contact center ay makakakita na kayo ng instant boost sa quality. Nariyan ang quality assurance para ayusin ang anumang minor issues at mai-set ang ilang quality standards dahil gusto ninyong makapagbigay ng pare-pareho at maaasahang serbisyo.
Habang hindi laging tama ang customers, kailangan nilang magkaroon ng isang bukod-tanging customer experience, at sa pamamagitan ng tamang quality assurance, puwede ninyo itong igarantiya palagi.
Paano nakatutulong ang call center solution sa remote workforce?
May ino-offer na ilang mga benepisyo ang call center solution, lalo na kung meron kayong remote workforce. Halimbawa, maraming teams ang nagtatrabaho mula sa bahay sa panahon ng pandemya, at parami nang parami ang mga business na ina-outsource ang kanilang call center needs sa ibang bansa.
Ibig sabihin nito, kahit na anong business ay nangangailangan ng mahusay na call center software tulad ng LiveAgent para asikasuhin ang customer communication. Ang ganitong software ay ideal para sa remote workforce dahil maganda ang daloy ng remote setup nito, madaling gamitin, at skills-based call routing.
Anong equipment ang kailangan sa isang call center?
Habang malaki na ang pinagbago ng technology sa likod ng call centers sa nagdaang mga taon, hindi ang standard equipment. Kailangan ng call center ang computers, specialized software, at supported call devices katulad ng headphones at hardware phones.
Gayunman, hindi sapat ang magtayo ang magpatakbo lang ng call center. Ang mga bagay katulad ng scriptwriting software, intelligent software solutions, at omnichannel communication solutions ay makatutulong mapatakbo nang mabilis ang call center na merong mataas na quality standard.
Set up your call center within minutes!
Get your call center productivity to the highest level and improve the quality of customer interactions with LiveAgent.
Frequently Asked Questions
Ano ang call center solution?
Ang call center solution ay isang tool na tumutulong sa inbound at outbound operations ng anumang call o cloud contact center. Maraming call center solutions ang kadalasang may offer na support ng iba pang importanteng communication channels, na nagdaragdag-pakinabang at ginagawa silang isang kumpletong cloud contact center solution.
Anong software ang ginagamit sa isang call center?
Gumagamit sila ng IVR software para sa automatic responses at skill-based routing ng inbound calls, VoIP para makatanggap ng calls sa pamamagitan ng internet gamit ang computers, call quality monitoring software, at CRM para sa madaling pag-access ng customer data.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang contact center at isang call center?
Ang call center ay kung saan tumatawag ang mga agent sa customer para sa sales, promotion, o presentation – ang contact center ay naka-focus sa mga bagay tulad ng customer support. Puwedeng gumamit ng cloud based call center solutions ang sales teams para sa outgoing calls, habang ang inbound call centers o inbound customer service teams naman ay puwede gumamit ng inbound call center solutions.
Paano magbebenepisyo ang mga business sa call center solutions?
Sa pamamagitan ng napapakinabangang solutions tulad ng LiveAgent, puwedeng mapahusay ang response rate ng business, masagad ang kanilang customer satisfaction, at ma-monitor ang ginagawa ng kanilang agents anumang oras. Dagdag pa, inii-streamline nito ang internal practices at pinabubuti ang paraan ng interaksiyon ng agents sa mga kliyente.
Bakit importante ang quality assurance para sa call center solutions?
Kritikal ang consistency at reliability kapag nagma-manage ng customer expectations at tumutugon sa queries ang kliyente. Sa pamamagitan ng quality assurance, puwede ninyong maipaloob iyon sa inyong agents, na lubos na magpapapulido ng B2C communication.
Paano nakatutulong ang call center solution sa remote workforce?
Sa mabilis na deployment, madaling omnichannel communication, at skills-based na call routing, ginagawang centralized ng call center solution ang remote workforce at pinatatakbo ito nang mas maayos. Pahuhusayin nito ngayon ang agent productivity at tutulungan silang makapagbigay ng mas maganda at mas personal na experience sa customers.
Anong equipment ang kailangan sa isang call center?
Ang pangunahing kinakailangan sa kahit na anong call center ay ang computers at ilang basic software, pero kahit na anong magaling na call center ay merong isang front-desk solution tulad ng LiveAgent para makatulong sa karamihang aspekto ng business. Maraming inbound at outbound call centers ang gumagamit ng dagdag na equipment para makapagbigay ng bukod-tanging customer service at hindi pabago-bagong customer experience. Kasama sa equipment na ito ang auto dialers, headsets, advanced calling devices, o kahit dagdag na productivity apps para mapahusay ang agent performance.