Ang mga digital-savvy na consumer ngayon ay gumagamit na ng maraming platform para makipag-ugnayan sa mga kompanya, at inaasahan nila ang isahang pagtugon sa lahat ng ito. Dahil dito, marami nang mga negosyo na diretsong humaharap sa customer ang gumagamit na ng contact center solutions para matugunan ang pangangailangang ito — ang pagkakaroon ng magandang daloy ng kanilang omni-channel experience.
Anumang channel ang gamit ng mga customer ninyo, matutulungan kayo ng LiveAgent contact center software para maging mas madali at mas epektibo ang pag-manage ng lahat ng interaksiyon ninyo sa mga customer sa iisang lugar na lang.
Ipinapadaan ang data sa machine...
Sa pag-sign up, tinatanggap ko T&C at Privacy policy.
Ang contact center software ay isang tool na tutulong sa mga kompanyang mag-streamline ng kanilang customer communications mula sa lahat ng potensiyal na touchpoints at channels. Kasama dito ang voice, VoIP, email, live chat, text, at social media platforms.
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga business na gumagamit ng contact center solutions, ang kabuuang market size ng global contact center system ay inaasahang aabot na sa USD 47.76 bilyon pagdating ng 2025.
Tinatanggal na ng isang cloud-based contact center software ang pagkakaroong ng tradisyonal na on-site solution. Ibig sabihin, puwede nang mag-set up at magpatakbo ng maaasahang contact center system na matatag ang features pero di na kailangang ng mamahaling hardware, infrastructure, at propesyonal na IT teams para paganahin ito.
Mas bagay ang cloud-based solutions para sa maliliit na negosyo at malalaking organisasyon dahil nagbibigay ito ng malaking scalability, flexibility, mas protektadong seguridad, at tunay na sulit sa presyo.
Ang kapasidad para sa reporting at analytics ng contact center system tools ang makapagpapadali sa mga manager na mag-monitor at mamahala sa bawat aspekto ng kanilang service operations, pag-track ng mga kritikal na service metrics, at makakakuha sila ng ideya sa quality ng pagtatrabaho ng mga agent.
Ang mga contact center software solution ay nagbibigay ng advanced na security features tulad ng data encryption at data backup para protektahan ang sensitibong impormasyon ng mga customer.
Ang contact center system platforms ay puno ng magagarang features na nagagamit ng mga agent sa pag-track ng impormasyon ng bawat customer para mas mabilis at mas propesyonal nilang naaayos ang anumang isyu habang napapanatili nilang mataas ang pagiging produktibo nila sa pagtatrabaho.
Ang pag-streamline, pag-automate, at pag-optimize ng mga proseso ng support ay magdudulot ng mas maikling oras ng pagtugon, mas mabilis na resolusyon, at nabawasan ang repeat calls – lahat ay nag-aambag sa pagtaas ng pagiging epektibo ng support at pati na rin sa pagpapababa ng operational cost.
Dahil sa may instant access ang mga agent sa komprehensibong data ng bawat customer, mula sa personal nilang info hanggang sa history ng lahat ng binili nila at serbisyong natanggap, puwede ring mag-cross-sell at upsell ng mga kaakibat na produkto at serbisyo ang mga agent.
Ang contact center system ng LiveAgent ay isang maraming features na multi-channel solution na gagawing mas epektibo ang support ninyo para mas maging masaya ang mga customer.
May offer ang contact center software ng LiveAgent na malawakang ticketing features tulad ng smart ticket distribution, workflow automation, mas pinadaling management ng responsibilidad, canned responses at templates, SLA management, pag-split at pag-merge ng ticket, team collaboration tools, reporting, at marami pang iba para sa mas mabilis at mas epektibong ticket resolution.
Isa sa mga core functionality ng contact center platform ng LiveAgent ang live chat, na siyang nagbibigay ng inaasahang instant na support ng mga consumer mula sa mga brand.
Ang LiveAgent live chat ay may dose-dosenang pangkaraniwan at kakaibang features tulad ng maramihang chat routing option, proactive na chat invitation, pag-monitor ng online visitor, real-time typing view, at marami pa.
Ang cloud-based call center ay napakahalagang bahagi ng complex na contact center solution ng LiveAgent. Dahil dito, matatanggap ninyo ang mga tawag mula sa landline o sa website, makapagdidisenyo ng mga komplikado at personal na IVR trees, makakapag-set ng rules para automated na ang call routing at call transfers, gumawa ng unlimited na call recording, at marami pa.
Mga 65% ng nasa edad 18-34 ay naniniwalang epektibo ang paggamit ng social media para sa customer service. Ang LiveAgent ay may integration sa pinaka-popular na mga social media channel tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram para matulungan kayong mag-monitor at sumagot sa lahat ng inyong social media message, comment, at brand mention mula sa iisang dashboard na lang. Sa LiveAgent, di na kailangang magpalipat-lipat pa sa iba’t ibang social media account o mag-monitor ng napakaraming device.
Mas gusto nang gamitin ng mga 70% ng consumers ang website ng isang kompanya para makakuha ng mga sagot sa tanong nila kaysa sa gumamit ng phone o email para makipag-ugnayan sa kompanya. Sa LiveAgent, puwede ninyong palawakin pa ang kakayahan ng inyong support sa paggawa ng isang fully customizable na self-service portal na may kasamang knowledge base, FAQs, at mga customer forum na siyang makapagbibigay ng kumpiyansa sa mga customer na maghanap ng sagot sa sarili nilang tanong nang hindi na kumokontak sa mga agent.
Sa dami na ng mga contact center software provider ngayon sa market, naging mas komplikado na ang pagpili nito. Pero kung alam na ninyo ang gusto ninyong uri ng contact center software, makatutulong kung ililista ninyo ang mga must-have features na kakailanganin ng inyong customer support team. May offfer ang iba na mga basic contact center functionality, ang iba naman ay may mga advanced na kakayahan. Sa LiveAgent, gumawa kami ng multichannel contact center solution na may 179+ features na available sa kasalukuyan, at higit 40 integrations na kasama.
Mag-enjoy sa mabilis at madaling paggamit, advanced na seguridad, at iba pang benepisyo ng cloud-based technology.
Higit sa 30,000 na business sa iba’t ibang industriya ang pumili ng LiveAgent bilang customer support tool nila.
Ang software ay madaling ma-scale at ma-customize ayon sa partikular na mga requirement.
Ang pinakamahusay na contact center software ay iyong eksakto sa business goals ninyo, sa pangangailangan ng inyong customer support, at pasok sa budget.
May offer ang LiveAgent na 4 na iba’t ibang plan – kasama na ang isang libreng plan – na walang kaakibat na mga kontrata o hidden fees, na may malinaw at matinong pagpresyo, at nagbi-bill lang ng kung ano ang nagamit kada buwan. Puwede ring mag-downgrade at upgrade ng plan, o magdagdag at magbawas ng mga agent anumang oras.
Alam mo ba kung ano ang isang bagay na mayroon ang Huawei, BMW, Yamaha, at O2? Tama ang hula mo... LiveAgent!
Ang contact center system ay isang software kung saan napapagsama-sama sa iisang interface ang lahat ng komunikasyon sa mga customer. Dahil nakikita at naa-access na ang lahat ng komunikasyon sa customer sa iisang lugar na lang, mas epektibo at mas mahusay na contact center solution ito para sa mga agent at mga customer. Mas mabilis makakakuha ng sagot ang mga customer habang mas madali namang nasasagot ng mga agent ang inquiry ng customer. Ang contact center ay kadalasang bahagi ng isang complex na help desk solution na maraming features ang nagagamit sa pag-deliver ng pinakamahusay na CX.
Ang ibig sabihin ng omnichannel contact center ay puwedeng ma-integrate ng kompanya ninyo ang lahat ng channels sa iisang contact center solution na lang para sa mas mainam na daloy ng customer experience. Kasama rin sa contact center solution ang data tungkol sa mga customer, pati na rin ang kanilang mga nakaraang ticket history.
Ang halaga ng isang contact center ay mabigyan ng support ang inyong mga customer, kung kinakailangan, sa paraang mas mahusay at mas epektibo.
Ikinatutuwa namin ang pag-sign up mo kamakailan sa LiveAgent.
May ipapadalang message sa iyong email address na naglalaman ng iyong login details matapos ma-install ang iyong account.
Kung makakapaghintay ka pa nang saglit, makaka-access ka na ng account mo diretso mula dito matapos ang installation.
Pagkatapos ng proseso, ipapadala namin ang mga detalye ng login sa iyong mailbox.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Maraming petsa ang bakante