Ano ang VoIP PBX?
Ang VoIP PBX na nire-refer din bilang IP PBX, ay isang business telephone system na nagta-transmit ng phone calls gamit ang IP network sa halip na sa pamamagitan ng PSTN (Public Switched Telephone Network), o ang tradisyonal na circuit-switched telephone network. Ang VoIP ay puwedeng i-deploy on-site o sa cloud (cloud-based PBX o hosted PBX).
Ang hosted VoIP PBX ay kilala bilang isa sa pinaka-flexible at sulit sa presyong business phone systems.
Ilan sa mga pangunahing benepisyo ng paggamit ng hosted VoIP PBX ay:
- mas konting maintenance costs
- mas mababang call rates para sa domestic at international calls
- madaling scalability
- tumaas na mobility
- compatibility sa iba’t ibang uri ng gadget (desk phones, softphones, conference phones, at mobile gadget)
- pinahusay na data security
- hindi na kailangan ng in-house IT infrastructure
Ano ang pagkakaiba ng PBX at VoIP?
Ang PBX (Private Branch Exchange) at VoIP (Voice over Internet Protocol) ay parehong business phone systems na ginagamit para makamit ang parehong end goal – ang makagawa at makatanggap ng phone calls. Ang pagkakaiba nila ay kung paano sila mag-operate at kanilang advantages at disadvantages.
Ang PBX analog phone system ay konektado sa isang lokal na Public Switched Telephone Network (PTSN) sa pamamagitan ng landline. Ikinokonekta nito ang lahat ng office desk phones sa parehong network at pinahihintulutan ang paggawa ng internal at external calls. May offer din itong ilang features na hindi available sa tradisyonal na phones (call transfers, IVR menu). Ang PBX systems ay kinokonsiderang maaasahan, may seguridad, at makapagbibigay ng mataas ng call quality, pero kadalasang mataas ang initial setup at maintenance costs.
Kino-convert ng VoIP phone systems ang analog phone calls sa IP packets na pinadadala sa pamamagitan ng Internet. Bagama’t ito ay isang medyo bagong technology sa phone systems, ito ay nagpapatunay na napaka-flexible, easily scalable, at mas matipid kaysa sa PBX. Gayunman, puwedeng maapektuhan ng Internet outages at disruptions ang VoIP performance at ang sound quality ng mga tawag.
Saan compatible ang PBX?
Ang tradisyonal na PBX system ay gumagamit ng physical phone lines at compatible ito sa analog phones (landline phones). Ikinokonekta ng PBX ang phones at extensions sa loob ng organisasyon sa isa’t isa at sa labas ng analog lines. Sa pamamagitan ng PBX system, ang kompanya ay puwedeng magkaroon ng mas maraming phones kaysa sa phone lines. Bagama’t ang PBX systems ay tradisyonal na gumagamit ng copper-based landlines, binago ng VoIP ang lahat. Ngayon, ang VoIP PBX (o IP PBX) ay kadalasang compatible sa maraming SIP phones at softphones.
Ano ang PBX hardware?
Ang tradisyonal na PBX phone systems ay kumukonekta sa Public Switched Telephone Network (PSTN) sa pamamagitan ng Plain Old Telephone Service (POTS) lines. Ang PBX system ang nagma-manage ng mga tawag sa phones at fax machines sa pisikal na pagkonekta sa kanila gamit ang copper wiring. Ang PBX phone system hardware ay karaniwang nasa isang telecom closet o server room ng opisina. Ang hardware ay kailangang i-set up, i-configure, at i-maintain ng IT staff ng kompanya. Sa paggamit ng hosted PBX systems, ang PBX ay nasa off-site habang ang mga tawag ay niruruta sa inyong phones gamit ang Internet. Ang hosted PBX ay sini-set up at mini-maintain ng kompanyang nagha-house ng PBX hardware.
Nangangailangan ba ng PBX ang VoIP?
Ang VoIP ay gumagana nang hiwalay at hindi nangangailangan ng isang PBX phone system para epektibong gumana. Ang kailangan lang ng VoIP ay isang aktibong Internet connection at isang VoIP phone. Ang mga VoIP servicer provider ngayon ay kayang mag-offer sa mga business ng pinakamaraming PBX features nang hindi nangangailangan ng on-site PBX hardware. Gayunman, kung on-site na IP PBX (VoIP-based PBX) ang inyong pipiliin, mangangailangan pa rin ng PBX ang system. Pero sa halip na pisikal na kumukonekta sa PBX gamit ang copper wiring, ang phones ay kumukonekta sa PBX gamit ang Internet.
Paano gumagana ang IP PBX phone system?
Ang IP PBX systems ay naglalagay at tumatanggap ng phone calls sa pamamagitan ng Internet sa halip na mga tradisyonal na phone line. Kino-convert ng system ang analog voice signals sa digital packets at pagkatapos ay dinidirekta ang mga ito sa VoIP service provider para mai-manage ang bawat pag-uumpisa at pagtatapos ng bawat tawag. Ang IP PBX ay batay sa SIP standards at puwedeng maging compatible sa IP phones, mobile gadgets, at softphones. Kasama sa IP PBX ang index ng lahat ng users, phones, at kanilang mga katumbas na SIP address.
Kapag tumawag ang isang user, kayang kilalanin ng PBX server ang pagkakaiba ng internal at external calls. Ang internal calls ay niruruta sa SIP address ng phone o ang user na tumatanggap ng mga tawag. Ang external calls ay niruruta sa pamamagitan ng VoIP gateway o VoIP service provider papunta sa gustong destinasyon.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng PBX at PABX?
Kung ang PBX ay isang “Private Branch Exchange,” ang kahulugan naman ng PABX ay “Private Automatic Branch Exchange.” Ang pagkakaiba ng dalawa ay nagsimula sa history ng phone systems. Noong una, ang PBX system ay nangangailangan ng switchboard operators para maikonekta nang manual ang internal callers sa angkop na extension. Iyon ay naglunsad ng koneksiyon sa pagitan ng dalawang taong gumagamit ng POTS (Plain Old Telephone Service). Sa huli, ang PBX ay umunlad bilang PABX noong naging available ang electronic switching. Hinayaan nito ang mga user na i-dial ang isang extension number para makagawa ng isang internal call nang hindi nangangailangan ng operator. Technically, dahil wala nang non-automatic PBX, ang PBX systems ngayon ang PABX na.
Ano ang PBX number?
Ang PBX number ay isang phone number na nagpapadali sa isang kompanyang mag-organisa ng incoming calls. Sa tulong ng isang PBX number, kinokolekta ng mga kompanya ang lahat ng kanilang incoming calls sa iisang number at pagkatapos ay inililipat ang mga tawag sa angkop ng opisina, department, o tao Ang PBX ay puwedeng i-program para awtomatikong maglipat ng tawag sa isa pang number kapag ang unang number ay hindi nasagot o busy.
VoIP service providers offer greater flexibility
Curious about VoIP and how it can give you the ability to make affordable calls?
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIP PBX?
Ang VoIP PBX ay isang business telephone system na gumagamit ng VoIP technology. Naiiba ito sa tradisyonal na PBX system dahil tina-transmit nito ang phone calls gamit ang IP networks kaysa sa circuit-switched telephone networks. Ang VoIP PBX systems ay puwedeng on-site o hosted (cloud-based).
Ano ang pagkakaiba ng PBX at VoIP?
Ang PBX (Private Branch Exchange) ay isang business phone system na konektado sa isang local PSTN sa pamamagitan ng landline at hinahayaan ang mga empleyadong makakonekta nang internal at external. Ang VoIP (Voice over Internet Protocol) ay gumagamit ng Internet connection para makatawag at kinokonsiderang mas flexible, scalable, at cost-efficient kaysa sa isang tradisyonal na PBX system.
Saan compatible ang PBX?
Ang tradisyonal na PBX system ay gumagamit ng landlines na wired ng telephone company. Samakatwid, ito ay compatible sa landline phones lang. Gayunman, ang VoIP-enabled na PBX system ay gumagamit ng digital signals sa halip na analog at kadalasang compatible sa iba’t ibang SIP phones at softphones.
Ano ang PBX hardware?
Ang tradisyonal na analog PBX phone systems ay gumagamit ng copper-based landlines at hardware na physical na nakalagay sa isang telecom closet o server room ng isang kompanya. Ang PBX hardware ay in-house na sini-set up, kino-configure, at mini-maintain. Sa pamamagitan ng hosted PBX systems na tumatakbo gamit ang isang Internet connection, ang PBX hardware ay off-site at mina-manage ng isang kompanya na nagha-house ng hardware.
Nangangailangan ba ng PBX ang VoIP?
Ang VoIP phone systems ay hindi nangangailangan ng PBX para mag-operate. Kailangan lang ninyo ng isang high-speed na broadband internet network connection at isang VoIP phone para makapagsimula. Ang karaniwang VoIP provider ay puwedeng mag-offer ng maraming PBX capabilities nang hindi nangangailangan ng in-house PBX hardware.
Paano gumagana ang IP PBX?
Gumagana ang IP PBX phone system sa internet sa halip na tradisyonal na phone lines. Ang system ay nakaka-operate sa pamamagitan ng pagko-convert ng analog voice signals sa digital packets at dinidirekta ang mga ito sa isang VoIP service provider para i-coordinate ang pag-uumpisa at pagtatapos ng tawag.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng PBX at PABX?
Ang PABX (Private Automatic Branch Exchange) ay naging evolution ng tradisyonal na PBX systems na nangangailangan ng switchboard operators para maikonekta nang manual ang mga tawag sa pagitan ng mga extension. Ginawang automated ng PABX ang buong proseso nang nagkaroon ng electronic switching technology.
Ano ang PBX number?
Nakatutulong ang PBX number sa mga kompanyang maorganisa ang kanilang incoming calls sa pamamagitan ng pangongolekta ng lahat ng inbound calls sa iisang number at pag-transfer ng mga ito sa angkop na tao o department. Ang PBX number ay puwedeng ma-configure para mai-transfer ang tawag sa isang number sakaling ang unang number ay busy o hindi nasagot.
Ang VoIP phone number ay mahalaga para sa business communication at customer service. Ito ay nagbibigay ng murang international calling at flexibility sa pagtanggap at pagtawag ng customer. Puwedeng malaman kung VoIP ang isang numero sa pamamagitan ng LRN lookup. Ang VoIP number ay nagbibigay ng mas mura at mas flexible na option kumpara sa regular phone numbers.