Ano ang email forwarding?
Sa email forwarding, makakapag-forward kayo ng email mula sa domain email address papuntang ibang email address. Halimbawa, gamitin ang personal email address ninyo (name@domain.com) para mag-forward ng anumang email sa inyong email address sa Gmail, Hotmail, etc.
Ginagamit din ang email forwarding para mag-redirect ng email sa isang partikular na email address. Laking tulong nito sa mga negosyanteng maraming email account. Puwedeng bigyan ng iba-ibang email address ang iba’t ibang kliyente. Matutulungan din ang kliyenteng mabasa ang lahat ng email sa iisang server, na dapat naipapadala sa iba-iba pang email address. Naaagapan nito ang pagbuhos ng napakaraming email sa mailbox.
Frequently Asked Questions
Paano gumagana ang email forwarding?
Ang email redirection ay ang pagpapadalang muli ng isang email na na-deliver na sa isang address papunta sa ibang address o sa maraming email address. Nailalagay ang email sa panibagong destinasyon. Ang terminong ito ay ginagamit din sa pag-transfer ng email sa server at sa kliyente.
Ano ang silbi ng email forwarding?
Ang pakay ng pag-forward ng email message ay para mabilisang mailipat ang kabuuang message sa taong dapat makakita nito, nangangailangan ng data na ito, o dapat binibigyan ng kaakibat na impormasyon. Sa pag-forward ng email, puwede kang magkaroon ng access sa lahat ng correspondence.
May offer ba ang LiveAgent na email forwarding feature?
May offer na email forwarding ang LiveAgent. Importanteng bahagi ito ng trabaho ng bawat agent, dahil nakagagawa rito ng tickets para sa bawat kliyente, mabilis silang naililipat-lipat sa mga indibidwal na agents, at sinisigurado nito ang pagpapatuloy ng komunikasyon.
Narito ang sampung email templates para sa sales at marketing teams. Puwede gamitin ang LiveAgent para sa mabilis at personal na suporta sa mga kustomer. Puwedeng mag-integrate ng Sendmail sa LiveAgent para sa mas mahusay na customer support. May mga feature ang LiveAgent tulad ng reporting at integrasyon sa social media. Ang Sendmail naman ay isang email routing facility na may maraming paraan ng paglipat at pag-deliver ng email. Ang integration ng Sendmail sa LiveAgent ay open source at may monitoring tools at remote administration.