Ano ang dynamic content?
Ang dynamic content ay ang nilalaman ng website na kadalasang nagbabago ayon sa pangangailangan ng viewer.
Kapag nagre-request ang customer sa web page, gagana ang app para ang content na makikita sa screen ay batay na sa preferences ng customer. Natutulungan nitong magkaroon ng magandang karanasan ang customer.
Ang dating mga pagbisita ng isang customer ay nakatutulong sa pagpili ng content na gustong makita ng user. Mainam ito bilang language support system dahil nagbabago ang wika ng content sa wika ng customer na tumitingin dito.
Frequently Asked Questions
Ano ang dynamic content?
Ang dynamic content ay pawang internet at digital content na nagbabago depende sa anumang data ang meron, at depende rin sa behavior at preference ng user. Puwede itong ma-publish bilang text, video, audio, o mixed form. Sa basehang ito, halimbawa ang YouTube algorithms na nagdi-display ng mga materyal ayon sa preferences ng user.
Pinahahalagahan ba ng mga customer ang dynamic content?
Mahalaga sa customers ang dynamic content dahil mararamdaman nilang nakaayon sa kanilang interes at preferences ang content, na diretsong ina-address sila. Karamihan sa mga social media ay gumagana sa ganitong kalakaran, pero ang ganitong content ay nakikita rin sa mga website o sa customer service.
Puwede bang gumamit ng dynamic content sa LiveAgent?
Sa LiveAgent, puwede kayong gumamit ng dynamic content. Nagbabago ito ayon sa pangangailangan ng viewer. Ang dating mga pagbisita ng customer sa website ay nakatutulong sa pagpili ng ilalabas na content. Mainam ito bilang language support system dahil nagbabago ang wika ng content sa wika ng kliyenteng nagba-browse ng site.