Ano ang kahulugan ng customize?
Ang ibig sabihin ng customize ay baguhin ang isang bagay para bumagay sa mga partikular na pangangailangan. Binabago at mino-modify ang mga produkto o serbisyo para bumagay sa personal at business na pangangailangan kung magagamit ang customization. At inaasahan nating magagamit ito. Kailangang mag-customize para puwedeng mas maging constructive, nasa punto, at unique ang mga produkto at serbisyo.
Sa customer support, kailangang bigyang-pansin ang mga indibidwal na pangangailangan araw-araw. Kailangang ng mga customer care rep na mas kilalanin ang kanilang mga customer para maintindihan ang buong larawan. Saka lang sila makapagbibigay ng indibidwal na pangangalaga. Ang mga praktikal at matulunging pagtugon ay paunang kondisyon bago gamitin ang data at multichannel outreach para puwedeng makipag-ugnayan sa pamamagitan ng platform na pinili.
Gusto ninyong hayaan na ang customer ang pumili ng interface sa komunikasyon. Ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng channel na pinili ng mga customer ay puwede ring ituring na isang paraan ng customization. Gayundin, kung meron kayong mga customer mula sa iba’t ibang mga bansa at rehiyon, pahahalagahan nila ang may pagpipiliang wika para sa komunikasyon. Ibig sabihin, ang theme, chat, at call button ay puwedeng i-customize.
Dahil iba-iba ang bawat business, puwede ninyong gamitin ang adaptive customization para bumagay ito sa inyong mga pangangailangan. Sa adaptive customization, puwede ninyong i-filter at gamitin ang mga katangiang akma sa mga pangangailangan ng inyong mga customer. Gusto ninyong makapag-offer ng customized na serbisyo at suporta gamit ang iba’t ibang platforms. Isa man itong help desk, call center, o live chat service, ang goal ay magbigay ng hindi mapantayang customer service, hindi standard kundi individualized na atensiyon. Ang isang magaling na CRM at mahusay na channeling ng info ay makatutulong para magawa ito.
Customize your own templates
LiveAgent gives you the power to design your own customer email templates, thus helping you to improve the customer service. Curious about all the opportunities?
Frequently Asked Questions
Bakit nagku-customize ng produkto ang mga kompanya?
Ang mga kompanya ay nagku-customize ng mga produkto kasi gusto nilang mag-offer ng indibidwal na pangangalaga at atensiyon sa kanilang mga customer. Kinikilala nila na ang high-quality na customer service ay nangangailangan ng indibidwal at iniangkop na approach.
Paano iku-customize ang business?
Puwedeng i-customize ang inyong business sa pamamagitan ng pag-adapt ng produkto o serbisyo ninyo sa isang naka-target na audience, pisikal na lokasyon, demographic o iba pang criteria na pinili ninyo. Bilang karagdagan, puwedeng mag-customize ang mga kompanya sa pag-offer sa mga customer nila ng partikular na selections.