Ano ang dashboard?
Ang dashboard ay may screen na nagdi-display ng impormasyon sa iisang lugar na lang para sa user para mas madaling makita at maabot ang impormasyon. Natutulungan nito ang agents na maging updated sa mga importanteng impormasyon sa kompanya.
Nagbibigay ang dashboard ng real-time data at tumutulong sa agents na i-monitor ang kanilang performance. Halimbawa, kapag may customer service agent na nag-log sa account niya, makikita niya sa webpage ng kompanya ang bilang ng open tickets na naka-assign sa kanya at ilang agents ang nagtatrabaho sa kanyang department. Kung maraming open tickets, ibig sabihin ay hindi nagtatrabaho ang agent at ang team niya nang husto para matugunan ang pangangailangan ng customers.
Frequently Asked Questions
Ano ang dashboard?
Ang dashboard ay isang tool kung saan puwede ninyong ma-manage ang impormasyon at mag-conduct ng business intelligence. Naka-display dito at itinatago sa iisang lugar ang importanteng data mula sa iba't ibang sources. Kadalasan, data visualization ang ginagamit dito na mas madaling makakapagpaintindi ng naka-display na data at ang kanilang dependencies. Puwede ring mag-track ng trends at maisantabi ang mga error dito.
Paano naa-access ang dashboard sa LiveAgent?
Dapat ay isang LiveAgent user ang gagamit para ma-access ang dashboard. Matapos mag-log in sa sistema gamit ang account ng user, makikita na ang dashboard kung saan puwedeng mag-track ng ilang bilang ng open tickets na naka-assign sa partikular na customer, pati impormasyon kung ilang tao ang nagtatrabaho sa isang department. Tinutulungan ng dashboard ang agents na ma-monitor ang kanilang performance.
Anong uri ng mga dashboard ang meron sa LIveAgent?
May tatlong klase ng dashboard. Una ang dashboard na nagsasabi sa inyo kung ano ang mga kasalukuyang nagaganap. Ikalawa ang strategic dashboard na nagta-track ng KPIs. Ang panghuli ay ang analytical cockpit na ginagamit para magproseso ng data nang matukoy ang mga strength. Sa LiveAgent, may access kayo sa dashboard.
Pangkalahatang-ideyang Analytics
Kumuha ng holistic na pangkalahatang ideya ng mga pagsisikap ng iyong suportang kustomer gamit ang aming tampok na dashboard ng pangkalahatang-ideyang analytics sa LiveAgent at pahusayin kaagad ang iyong negosyo.
Matuto nang lahat ng tungkol sa LiveAgent gamit ang mga webinar
Ang LiveAgent ay isang tool para sa pagpapakipag-ugnayan sa mga kustomer na nagbibigay ng mabilis at eksaktong suporta. Ito ay may 175 tampok at 40 integrasyon sa LiveAgent, at maaaring magamit sa 43 iba't-ibang pagsasalin. Nagbibigay rin ito ng mga benepisyo tulad ng pagtaas ng pagbebenta at pagpapalit. Ang ROI ng mahusay na serbisyo ay nakasalalay sa positibong karanasan, paggastos ng nakikipag-ugnayang kustomer, pagpapataas ng pakikipag-ugnayan ng empleyado, at pagpapanatili ng kustomer. Pinapayuhan ang mga naghahanap ng alternatibo sa Gist na subukan ang LiveAgent.
Mga Pakikipag-ugnayan sa Help Desk ng Dashlane
Paano makikipag-ugnayan sa serbisyo sa kustomer ng Dashlane sa pamamagitan ng email, live chat na suporta, numero ng telepono, social media na suporta, at serbisyo sa sarili na suporta.