Pakinabangan ang FAQ software para ma-optimize ang self-service experience ng customer

Ang self-service na pamamaraan ay mabilis na nagiging pangunahing uri ng customer support na pinipili ng parami nang paraming mga customer. Ayon sa research, ang 2 sa 3 consumer ngayon ang mas gustong maghanap ng sarili nilang sagot kaysa kumausap ng customer service agent, kaya popular ang paggamit ng FAQs bilang self-service option.

Sa tambalang LiveAgent help desk at FAQ software, mapapalakas ninyo ang loob ng mga customer na mahanap ang sarili nilang kasagutan sa mas mabilis, epektibo, at madaling paraan.

Forbes logo
airbus logo
Nascar logo
USC logo
Slido green logo
questions illustration

Ano ang FAQ software?

Kapag maraming customer ang kumakausap sa inyong support team na paulit-ulit pero pare-pareho naman ang mga tanong, hindi gaanong nagiging produktibo ang mga agent sa ganito dahil hindi nila nahaharap ang ibang isyu. Kapag may FAQ (frequently asked questions) software, puwede itong solusyon ng business ninyo para masagot ang karaniwang tinatanong sa kanila ng mga customer tungkol sa inyong mga produkto o serbisyo. Nababawasan na ang workload ng mga customer support team. Bahagi ito kadalasan ng mas complex na customer support platform.

Bakit mainam na tool ng customer support ang FAQs

Malawak ang naidudulot ng FAQ software na dagdag pa sa mahusay na organisasyon, pagtatago, at pagpapakita ng kaalaman ninyo sa mga customer. Parehong magbebenepisyo ang mga customer at agent sa ganitong paraan:

Mababawasan ang paulit-ulit na tanong

Epektibong pandagdag ang FAQs sa inyong self-service features dahil nababawasan ang pagdagsa ng paulit-ulit na tanong mula sa mga customer, kaya mas nagkakaroon na ng oras ang support team na harapin ang mas advanced na mga isyu.

Tumataas ang customer satisfaction

Mahigit sa 70% ng consumers ang mas gustong maghanap ng kasagutan sa kanilang katanungan sa website ng isang kompanya kaysa makipag-ugnayan sa customer support. Matutulungan sila kung may FAQ section kayo, kaya tataas din ang customer satisfaction sa mabilis ninyong serbisyo.

Mas mahusay ang pagiging produktibo ng mga agent

Mapapahusay pa ng FAQ software ang pagiging produktibo at epektibo ng mga agent. Gumawa ng internal na knowledge base para sa support team ninyo para maitago ang lahat ng importanteng impormasyon sa iisang lugar na accessible sa lahat.

Tulungan ang customer na matulungan ang sarili nila sa LiveAgent FAQ at knowledge base software

Mag-set up ng isang komprehensibong knowledge base gamit ang FAQs sa 4 na simpleng hakbang para masagot ang mga karaniwang tanong ng customer, magbigay ng 24/7 na self-service support, at tulungan ang customer na matulungan ang sarili nila.

knowledge base designs in LiveAgent

Mas madaling makagagawa ng content gamit ang WYSIWYG editor

Gamit ang simple pero mabisang built-in na WYSIWYG editor, madaling makagagawa ng formatted content na maaayos bilang articles na may iba’t ibang kategorya. Magdagdag ng mga photo at iba pang visuals para mas kaaya-aya ang content at mas madaling intindihin.

Dagdagan ang articles ng mga attachment

Gawing mas nakatutulong at mahalaga ang knowledge base content ninyo sa pagdagdag ng mga puwedeng ma-download na attachment na puwedeng itago ng mga customer sa computer nila para basahin nang anumang oras.

woman mapping out process on three posters
group hangout - illustration

Pag-ibahin ang content na para sa customer at sa agent

Sa paggawa ng mga kategorya at pagdagdag ng mga article sa inyong knowledge base at FAQs, puwede ninyong piliin kung ang partikular na content ay pampubliko na puwedeng mabuksan ng lahat ng customer o kung pribado na makikita ng internal support team lang sa kanilang agent panel.

Mag-set up ng maraming knowledge base at FAQs

Puwedeng mag-set up ng unlimited na bilang ng knowledge base at FAQs para sa iba’t ibang klase ng audience sa iisang LiveAgent account, na may kanya-kanyang kakaibang disenyo, settings, at content. Maganda itong gawin kung marami kayong hawak na business, produkto, serbisyo, o brand.

woman taking notes - illustration
search suggestion in LiveAgent - gif

Maglagay ng search widget na may smart suggestions

Hayaan ang mga customer na mahanap ang impormasyong kailangan nila nang mas mabilis at walang kahirap-hirap sa tulong ng search widget na automatic maglabas ng mga real-time suggestion. Maglalabas ito ng konektadong content mula sa knowledge base ninyo batay sa ginamit nilang keywords.

Gawing bahagi ng brand ninyo ang knowledge base at FAQs

Siguraduhing nakasunod ang self-service portal ninyo sa identidad ng kompanya. Madaling mag-customize ng knowledge base gamit ang mga theme na babagay sa inyong corporate image, logo, mga kulay ng brand, binagong header o footer,  custom CSS, at marami pa.

add color to design - illustration

Ano pa ang ibang offer ng LiveAgent?

Ang FAQ at knowledge base software ay bahagi lang ng aming complex na multichannel solution na merong higit sa 180 features. Paghusayin ang kabuuang customer service strategy ninyo at pagandahin ang customer satisfaction sa paggamit ng lahat ng advanced functions na nakapaloob sa LiveAgent.

LiveAgent dashboard on monitor

Matatag na ticketing system

Mag-enjoy sa paggamit ng malawakang ticket management features, kasama na ang smart ticket routing, automation rules, SLAs, ticket responsibility management, canned responses, agent collaboration tools, malawakang reporting features, at marami pang iba. Mas madali ang pag-manage ng lahat ng inyong multichannel customer communications mula sa iisang lugar na lang gamit ang aming universal inbox.

Real-time live chat

Mga 63% ng consumers ang may posibilidad na bumalik muli sa isang website na nagbibigay ng live chat support. Ang live chat tool ng LiveAgent ay may offer na karaniwan at advanced na features – mula sa maramihang chat distribution option, proactive na chat invitation, online visitor monitoring at chat history hanggang sa internal chat at real-time typing view.

quick quality customer service through live chat
two people video calling

Voice at video calls

Gumawa ng isang virtual na cloud-based call center, mag-integrate sa anumang VoIP provider, at makakuha ng tawag mula sa  landline phone o diretso mula sa website mismo (parehong voice at video) nang walang karagdagang bayad bawat minuto. Magdisenyo ng magagara at mas personal na IVR trees, gumawa ng unlimited na call recordings, at marami pa!

Social media support

Mainam na nakaka-integrate ang LiveAgent sa mga popular na social media channel tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram. Sundan ang lahat ng inyong social media message, comment, o brand mention, at i-manage silang lahat mula sa iisang dashboard na hindi na kailangan ang manual na pag-monitor ng maraming account o mag-share ng login credentials.

How to Monitor Twitter with LiveAgent | Live Agent06:38Youtube video: How to Monitor Twitter with LiveAgent
Live Agent
LiveAgent forum mockup

Self-service na portal

Inaasahan na ng mga 90% ng consumers na mag-offer ang mga brand ng online portal para sa self-service na support. Dagdag sa knowledge base at FAQs, puwede rin ninyong palawakin pa ang kapasidad ng self-service na support gamit ang community forum kung saan madaling makapagbibigay ang customer ng support ticket at mamo-monitor pa nila ang status nito mula mismo sa loob ng customer portal.

Piliin ang tamang plan para makuha ang karampatang halaga ng inyong pera

Ang LiveAgent ay may 4 na iba’t ibang plans – na walang kontrata pero malinaw at matino ang pagpresyo. Ang mga kapasidad para sa self-service ay may kasamang knowledge base at FAQs na kasama na sa lahat ng plan. Piliin ang mas nararapat sa inyong business at paunlarin pa ang level ng customer service ninyo.

$9 buwan

Small business

  • Unli na ticket history
  • 3 email addresses
  • 3 contact forms
  • 1 API key
$29 buwan

Medium business

  • Everything in Small, plus
  • 10 email addresses
  • 3 live chat buttons
  • Departments management
$0 buwan

Libre

  • 7 araw na ticket history
  • 1 email address
  • 1 chat button
  • 1 contact form

Ikaw ay Nasa Mabuting Kamay!

Alam mo ba kung ano ang isang bagay na mayroon ang Huawei, BMW, Yamaha, at O2? Tama ang hula mo... LiveAgent!

Subukan ito nang libre Hindi Kailangan Ng Credit Card

FAQ

Ano ang ibig sabihin ng FAQ?

Ang ibig sabihin ng FAQ ay Frequently Asked Questions. Listahan ito ng mga tanong na kadalasang tinatanong sa isang business na may kaakibat na kasagutan.

Bakit kailangan ninyong magkaroon ng isang FAQ section?

Ang FAQ page ay isang mahusay na paraan para masagot ang mga tanong na karaniwang itinatanong ng mga customer. Puwede itong mga tanong na nasagot na ninyo dati nang ilang beses na. Puwede rin itong mga klase ng tanong na puwedeng mabanggit dahil sa uri ng inyong business.

Paano ginagamit ang FAQs?

Ginagamit ang FAQs sa pagbigay ng sagot sa karaniwang mga tanong, at matatagpuan na ang lahat ng ito sa iisang lugar na nakikita ng lahat ng customer.

Related Articles to FAQ Software
Naghahanap ka ba ng alternatibo sa Gorgias? Ihinto na ang paghahanap at subukan na ang LiveAgent para sa lahat ng inyong pangangailangan sa customer support. May kasamang 14-araw na libreng trial.

Hanap mo ba'y alternatibo sa Gorgias?

Ang LiveAgent ay isang napakahusay na tool para sa pakikipagkomunikasyon sa mga kustomer. Tumaas ng 60% ang response time at tumaas ng 325% ang bayad na customer conversion rate ng mga kumpanyang gumagamit nito. Maaasahan ang LiveAgent sa pagbibigay ng mas mahusay, mabilis at eksaktong suporta sa kustomer, at ito ay nakatutulong sa pagpapabuti ng customer satisfaction at sales.

Ang kasaysayan ng chat ay magagamit agad kasama ng iyong mga kasalukuyang chat. Tingnan ang mga nakaraang tanong ng kustomer o maghanap ng impormasyon.

Kasaysayan ng Chat

Ang CRM software ay nagtatago ng impormasyon tungkol sa mga kustomer na ginagamit ng mga nasa sales, marketer, at ahente sa customer support. Ito ay may mga field ng impormasyon na maaaring sagutan para sa bawat kustomer o ticket at maaaring mag-integrate sa iba't ibang third-party tool at software. Ang pagkakaroon ng built-in na CRM ay may benepisyo para sa pagpapahusay ng customer service, pagkilala sa pinakamahusay at mapagkakakumpitensiyang mga kliyente, pagpapabuti sa gawain sa marketing at pagbebenta ng kompanya, at pagpapataas ng benta at kahusayan.

Ang software ng serbisyong kustomer ay pinagsasama ang makapangyarihang inbox, live chat, call center at portal ng kustomer. Pumili ng tama para sa iyong mga pangangailangan.

Software ng serbisyong kustomer

Ang mga kumpanya ay dapat magkaroon ng presensya sa social media at mga app sa pagmemensahe upang mapalakas ang ugnayan ng kustomer. Ang solusyong software ng serbisyong kustomer ay magbibigay ng napapasadyang serbisyo at magpapalakas ng ugnayan ng kustomer. Ito rin ay makakapagbigay ng mabilis at isinapersonal na serbisyo, mapapabilis ang paglutas ng mga isyu ng kustomer, at magpapahusay ng kasiyahan at katapatan ng kustomer.

Para magkaroon ng kamahusay na customer service, kailangang praktisin ang teorya ng customer service. Alamin ang mga importanteng prinsipyong ito.

Teorya ng customer service

Para magkaroon ng kamahusay na customer service, kailangang praktisin ang teorya ng customer service. Alamin ang mga importanteng prinsipyong ito.

Sa contact center software ng LiveAgent, puwedeng ma-streamline ang lahat ng communication channels na gamit ng customer sa iisang unified inbox na lang.

Magkaroon ng magandang daloy ng service experience gamit ang contact center software

Sa LiveAgent, pwede kang gumawa ng fully customizable na self-service portal na may mga kasamang FAQs, knowledge base, at customer forum para sa mga customer na gustong maghanap ng sagot sa sarili nilang mga tanong. Mas gusto ng mga customer na bumisita sa website kaysa mag-contact sa mga agent. Dagdag pa, may multichannel contact center solution ang LiveAgent na may higit sa 179 features at 40 integrations.

Nagbubuo ng knowledgebase at hindi mo alam paano magsimula? Gamitin ang aming nakahanda nang template sa FAQ para sa billing, pangkalahatang katanungan, at iba pa!

Mga template sa pahina sa FAQ

Ang isang pahina ng FAQ ay mahalaga para sa mga negosyo upang matulungan ang mga kliyente na mag-resolba ng mga isyu nang hindi na kinakailangan ang tawag sa customer support. Ito ay maaaring magbigay ng mga sagot sa mga pangkaraniwang tanong tungkol sa produkto o serbisyo, mga detalye ng pag-order, at maging impormasyon tungkol sa paglikha ng account. Ang pagkakaroon ng ganitong serbisyo ay nakakatulong sa pagpapanatili ng pagkakatulad sa pakikipag-ugnayan sa mga kliyente at sa pagbibigay ng kasiyahan sa kanila.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo