Help Scout knowledge base review

Ang Help Scout ay isang mahusay na software para sa help desk at knowledge base na may easy setup, customization options, at maayos na article editor para sa magandang presyo. Mayroon ding mahusay na user experience at features tulad ng organization ng categories, article preview, at revision history. Gayunpaman, may limitasyon sa customization at features sa basic plan at mabagal ang customer support.

Help Scout knowledge base review
Compare Help Scout knowledge base review with other in: How Help Scout knowledge base review is doing on review portals
4.6
Average rating based on data from trusted review portals
730 reviews

Ang Help Scout ay isang help desk software at knowledge base software na mahusay-husay na gumagampan sa lahat ng sitwasyon. May offer itong madaling setup, magandang options ng customization, at maayos-ayos na article editor para sa okay na presyo. Ituloy ang pagbabasa…

Pricing
Starting from:
$ 20   kada buwan
Equal to LiveAgent's Small plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: Yes

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
4.7
User experience
5
Presyo
4
Implementation
5

Key takeaways

Pros

  • Madaling i-navigate at perfect ang design
  • May mga dagdag na option para sa pag-edit ng knowledge base site
  • Simple pero naka-focus ang article editor

Cons

  • Medyo nangangailangan ng kaunting “wow” factor sa features nito

Ang pagsisimula sa Help Scout

Ang Help Scout ay isang dedicated help desk software na puwedeng gamitin bilang knowledge base software. May offer itong shared email inbox capabilities, call center support, live chat, at meron ding customer relationship management at email marketing na capabilities. Dagdag pa, ang Help Scout ay may offer ding document management tool, pati knowledge base feature. Titingnan natin itong huli, at titingnan natin kung gaano ito kadaling i-implement at kung paano ito magpe-perform sa pangkabuuan.

Madali lang magsimula sa Help Scout dahil hindi ninyo kailangang gawin ang hindi naman kinakailangang bagay sa proseso ng trial registration. Ang kailangan lang ibigay ay ang inyong email address, company name, at iba pang kaakibat na impormasyon. Hindi kailangang ibigay ang inyong payment information kaya huwag nang ilabas sa wallet ang inyong credit card para rito puwera kung gusto ninyo ng bayad na plan agad.

Ang pagsisimula sa Help Scout

Pagkatapos ninyo sa registration, puwede na kayong tumingin-tingin sa user interface ng Help Scout at pakiramdaman ito. Maganda-ganda ang disenyo ng interface nito; hitsurang fresh ito, moderno, pero intuitive at simple rin. Kahanga-hanga ang navigation nito at siguradong hindi kayo maliligaw sa interface sa kahit anong sitwasyon. Ang bawat kinakailangang tool ay nakalagay sa bandang itaas na menu bar, sa itaas ng dashboard, pati rin sa secondary navigation bar kapag kailangan ninyo itong buksan.

Help Scout mailbox overview

Madaling makita ang knowledge base, pero kailangan ninyong tandaang sa Help Scout, ang tawag sa knowledge base feature ay Docs. Kapag pinili ninyo ang option ng Docs sa itaas na menu bar, mapupunta kayo sa knowledge base at puwede na kayong magsimula sa setup ninyo. Kailangan ninyo munang pangalanan ang inyong knowledge base at pagkatapos ay pumili kayo kung bubuksan ninyo ito o iko-customize ang website. Ang pinili namin ay ang huli dahil sa simpleng natawag ang pansin namin dito at natuwa kami.

Create new collection sa Help Scout

User experience at features

Puwede ninyong busisiin ang buong page setup, salamat sa medyo extensive at simpleng intindihin na mga option. Halimbawa, ang unang setup page ay ipagagawa sa inyo ang custom domain, visibility, branding, color scheme, meta descriptions, at mga feedback option. Ang ibang section ay hinahayaan naman kayong magdagdag ng custom code, gumawa ng page translation, magdagdag ng communication option, at iba pa. Maganda ito pero nakakagulat dahil hindi lahat ng knowledge base software ay meron ito, na dapat meron. Kapag tapos na kayo, puwede na ninyo i-click ang Docs at gumawa ng category o magsimulang magsulat ng article.

Mag-customize ng inyong Help Scout knowledge base

Suwabe ang options ng organization ng categories. Simpleng gumawa lang ng category, pagkatapos ay puwede na kayong magsimulang magsulat ng article agad-agad. Kapag gumagawa ng article, may option kayong mag-import ng text mula sa ibang source, na siyang maganda. Kapag pinili ang option na new article, puwede na kayong magsulat sa knowledge base. Ang interface ay maganda rin tulad ng buong application. Ang knowledge base ng Help Scout ay may offer lang na mga essential sa pagsusulat. Hindi naman ito masama, pero ang ibang users na umaasa ng extra ay baka medyo ma-disappoint.

Paggawa ng bagong article sa Help Scout knowledge base

Meron kayong standard na toolset na kasama ang formatting options, bolding, italics, underlining, support sa links at images, bullet points, tables, at ang inyong sariling custom code. Walang hindi pa ninyo nakikita. Ang ibang options ay ang magagamit na article preview, paglipat ng article sa ibang folder, pagdagdag ng keywords para sa SEO, o ang option na makakita ng ibang kaugnay na articles. Iyon na iyon. Kahit mukhang simple lang ang features ng knowledge base, kapag isinama sa option na ma-customize ang inyong website, puwede itong maging powerful na contender sa pangkabuuan.

Preview ng article sa Help Scout knowledge base

Kapag ipa-publish ninyo ang inyong article, merong ibang option na available – ang revision history. Makikita ninyo rito kung sino ang huling nag-edit ng article at kung kailan. Wala naman nang ibang descriptive na option maliban diyan, kaya makikita ninyo ang mga ginawang revision. Habang medyo nakaka-disappoint ito, maganda pa ring feature ito na available, kasi hindi naman ito standard sa karamihan ng knowledge base software.

Pagpepresyo

May tatlong pricing option ang Help Scout na may iba’t ibang features. Ang bawat plano ay nagdadagdag ng features at nagbabawas ng limits sa ilang features, kasama na rin ang pagtaas ng presyo. Walang libreng plan na available. Tingnan natin ang bawat plan at kung ano ang ino-offer ng mga ito sa inyong business.

Standard

Ang plan na ito ay $20 kada buwan bawat user at may offer itong dalawang mailbox, isang Docs site (knowledge base), hanggang 25 users, live chat, in-app messaging, beacon help widget, custom reports, automated workflows, customer properties, API, at mahigit 50 integrations.

Plus

Ang planong Plus ay $40 kada buwan bawat user, at may offer itong lahat ng features ng Standard plan. Dagdag pa, meron din kayong limang mailbox, dalawang Docs site, walang maximum limit ng users, 25 na libreng light users, custom fields, teams, advanced na permissions, unlimited na report history, advanced na API access, Salesforce + Jira + HubSpot apps, at marami pang iba.

Pro

Ang planong Pro ay $65 kada buwan bawat user. Kasama rito ang lahat ng features ng naunang mga plano pero meron din kayong 25 mailbox, 10 Docs sites, 50 libreng light users, tiered na discounts, enterprise security, HIPAA compliance, API rate limit increase, concierge onboarding na service, isang dedicated na account manager, account optimization reviews, at marami pang iba.

Kongklusyon

Ang Help Scout ay may offer na professional na feature ng knowledge base na ginagawa ang lahat nang tama. Walang kasamang extra “wow” factor pero siguradong hindi kayo madi-disappoint ng Help Scout pagdating ng oras. Napakadali nitong i-navigate, na siyang isa sa pinaka-importanteng factors. Hindi tinatanggal ng text editor ang inyong focus sa pagsusulat kahit wala itong mga magagarbong feature. Ito ay well-balanced para siguradong ang bawat user ay makagagawa ng magandang knowledge base.

Frequently asked questions

Madalas sumablay ang search sa Help Scout Docs, paano ito aayusin?

Malamang ang paliwanag diyan ay kulang sa keywords ang inyong articles o walang keywords na kinakailangan para mahanap sila ng mga user sa knowledge base. Subukan ninyong i-revise ang inyong articles na nahihirapan kayong mahanap, at buksan ang edit screen. Puwede kayong magdagdag ng keywords nang manual sa inyong article sa keyword section, at puwede ring i-rewrite ang ilang content para siguraduhing maisasama ang keywords sa text.

Paano ako makagagawa ng article redirects sa Help Scout Docs?

Kung kailangan ninyong gumawa ng redirects, buksan ang Docs sa Help Scout, piliin ang Manage > Docs. I-click ang Redirects at piliin ang New redirect. Piliin ang URL na gusto ninyong i-redirect at magbigay ng bagong URL sa pangalawang field. Hindi ninyo kailangang i-redirect sa Docs document lang, puwede rin ninyong piliin ang external na URLs.

Product reviews

Ang 20 pinakamahusay na forum software

Ang mga customizing options, user management features, at pagkakalipat sa iba't ibang package ay ilan sa mga tinutukoy na mahalagang features ng forum software. Mayroon ding mga functionalities tulad ng pagre-record, pagtatabi ng iba't ibang uri ng content, at pagkakonekta sa social media networks. Isa pang kailangang hanapin ay ang knowledge base management at feedback at suggestion features. Sa pagbubuo ng ganitong software, mapapabuti ang customer support at makakapagbigay ng self-service na platform para sa mga customers upang madaling ma-solve ang kanilang mga issues.

Alamin ang detalye tungkol sa LiveAgent Knowledge Base. Ang Knowledge Base ay isang kinakailangang tool sa pagbibigay ng offline support sa inyong customers.

Knowledge base

Upang makabuo ng epektibong knowledge base article, dapat ito targeted, nakapokus sa user, komprehensibo, may magandang structure, mahusay ang pagkakasulat at visually appealing. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng malawak na library ng mga integrations sa anumang software, partikular na ang LiveAgent. Naglalaman din ng customer support features ang Help Center ng LiveAgent tulad ng IT helpdesk, knowledge base, at forum. Kinakailangan ding magkaroon ng komprehensibong self-service knowledge base na may FAQ section, how-to articles, troubleshooting tips, user guides, at video tutorials. Ito ay may mahalagang impormasyon para sa mga customers, prospects, at mga empleyado.

Ang paglipat mula sa HelpScout patungo sa LiveAgent ay napakadali. Sundin ang aming step-by-step na gabay at gawin ito nang mag-isa ka o makipag-ugnayan sa amin upang matulungan ka.

Magpapalit mula Help Scout patungong LiveAgent?

Kailangan mong mag-log in sa iyong LiveAgent dashboard at pumili ng pangalan para sa LiveAgent subdomain. Gumawa ng LIBRENG account at tanggapin ang T&C at Privacy policy. Gamitin mo ang iyong built-in plugin upang madaling ilipat ang iyong data mula sa HelpScout papuntang LiveAgent. I-contact ang LiveAgent team para sa tulong sa paglipat ng data mula sa HelpScout.

Ang helpdesk support ay importanteng bahagi ng inyong customer service. Ang pinaka-task nito ay ayusin ang mga problema ng customer. Basahin ang detalye.

Helpdesk support

Ang Themonic ay nag-aalok ng customer service sa pamamagitan ng email at social media support. Walang live chat o telepono customer support ang Themonic. Maaaring maghanap ng mga alternatibo sa call center, live chat, at self-service sa pamamagitan ng review ng Capterra. Pinakamahusay na alternatibo para sa ticketing ayon sa user ratings mula sa Capterra, pricing, functionality, at dali ng paggamit ang LiveAgent. Mayroong sales contacts na maaaring makontak at mag-subscribe sa newsletter ng LiveAgent.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo