Apptivo knowledge base review

Compare Apptivo knowledge base review with other in: How Apptivo knowledge base review is doing on review portals
4.3
Average rating based on data from trusted review portals
1440 reviews

Ang Apptivo knowledge base ay isang average performer na, kasama lahat ng faults nito, gumagana pa rin nang mahusay. Maraming bagay para umayos ang Apptivo sa ganitong aspekto. Kahit di ito perpekto o di pinakamahusay na makukuhang knowledge base software, napakamura nito…

Pricing
Starting from:
$ 10   kada buwan
Equal to LiveAgent's Free plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: No

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
4
User experience
3
Presyo
5
Implementation
4

Key takeaways

Pros

  • Napaka-abot-kaya ng presyo
  • Ang Knowledge base ay nagpe-perform tulad ng inaasahan

Cons

  • Medyo outdated ang interface design
  • Hindi kayo makagagamit ng videos sa KB articles

Ang Apptivo knowledge base ay isang average performer na, kasama lahat ng faults nito, gumagana pa rin nang mahusay. Maraming bagay para umayos ang Apptivo sa ganitong aspekto. Kahit di ito perpekto o di pinakamahusay na makukuhang knowledge base software, napakamura nito para sa alok nito. Puwedeng makadagdag sa knowledge base ang ilang dagdag na features sa pag-organisa, pero kung ikokonsidera ang mababang presyo nito, makukuha ninyo ang magandang halaga sa Apptivo. Gayunman, dapat ang users na may mataas na expectations mula sa knowledge base software ay ikumpara muna ito sa ibang solutions.

Ang pagsisimula sa Apptivo

Ang Apptivo ay isang detalyadong business software na binubuo ng malaking bilang ng integrated apps para sa iba-ibang gawain. Ito ay isang cloud-based na application na tunay na nakagagawa ng kahit ano – contact management, sales, customer service, marketing, at kahit pa ang knowledge management. Pero kahit na marami ang features nito, kaya ba nitong mag-perform nang mahusay sa kabuuan? Nagdesisyon kaming kunin ang Apptivo knowledge base para sa isang test para malaman kung sulit ito sa presyo.

Nagsimula kami sa paggawa ng isang libreng trial ng pinakamurang Lite plan ng Apptivo. Ang ikinagulat namin ay kung paano kami pinilit ng web application sa isang demo call sa halip na sa isang trial. Gayunman, madaling lampasan ito sa pamamagitan ng simpleng pag-click ulit ng Try for free button matapos naming gumawa ng account. Agad naming napuntahan ang trial version ng Apptivo web application at nagsimula na kaming maging pamilyar sa interface.

Apptivo - My agenda overview

Ang Apptivo ay isang detalyadong software na maraming functionalities kaya natural lang na hindi ganoong kadaling i-navigate ang interface nito. Hindi nakatulong ang mabilisang pagtingin at pag-click sa bawat posibleng menu sa paghahanap kung nasaan ang knowledge base, at hindi rin nakatulong ang search widget sa itaas ng panel. Kilala ang Apptivo sa detalaydong app list nito, kaya sinubukan naming maghanap ng isang knowledge base app na puwedeng idadag sa system. Hindi rin kami naging matagumpay sa option na ito.

Nagdesisyong kaming mag-Google search para sa knowledge base at nalaman naming ito ay nasa pagitan ng apps, pero ang pangalan ng app ay “Answers’” sa halip na “Knowledge base.” Gayunpaman, idinagdag namin ang app sa system at sinimulang na ang pag-test. Bagama’t hindi ito ang pinaka-intuitive na knowledge base software, hindi naman lahat ng Apptivo user ay gagamit nito. Lubos na naiintindihan namin kung di ibibigay ang option na ito. Makikita ninyo ito sa App section sa ilalim ng Web presence category.

Apptivo - My presence overview

User experience at features

Ang Apptivo knowledge base ay isang simpleng hitsurang knowledge base, kaya ito ay nasa average range pagdating sa appeal kumpara sa iba. Ang design ay functional at iyon ang pinakamahalaga. Kasama sa kaliwang panel ang filtering options at ang button para makagawa ng bagong article. Kapag nakapasok na kayo sa knowledge base, makikita na ninyo ang buong listahan ng articles na meron kayo. Kung kasisimula pa lang ninyo, siyempre wala pa itong laman kaya simulan na nating ayusin ito.

Kapag na-click na ninyo ang Create button, puwede na kayong magsimulang sumulat ng bagong knowledge base article. Ang editor mismo ay medyo standard. Kahit parang masyadong maliit sa umpisa ang writing field, ito ay humahaba kapag umabot na sa isang partikular na haba ang inyong text. Samakatwid, ang pag-type dito ay hindi isyu at ang inyong writing experience ay maayos lang. Meron kayong maraming fields, ang pinakaimportante ay ang mga question and answer na field.

Ang feature set ng text editor ay medyo standard, meron kayong karaniwang text editing at formatting options tulad ng isang sapat na document editor. Meron ding option para magdagdag ng pictures, pero walang option para magdagdag ng videos sa inyong articles. Hindi ninyo puwedeng i-resize ang pictures matapos ninyong i-upload ang mga ito kaya kailangan ninyong i-resize ito sa ibang editor o i-adjust and size habang ina-upload pa lang. Kailangan din nitong malaman ang eksaktong dimensions ng pinakamahusay na option para sa inyong content.

Apptivo - Create answer

Sa pangkalahatan, ang text editor ay sapat lang para sa karamihan ng paggamit pero puwede itong gumamit ng ilang visual upgrades at magdagdag ng video media support. Kapag natapos na kayong magsulat, puwede kayong tumingin sa SEO settings. Pagkatapos mag-save, makikita ninyo ang article sa article overview. Puwede kayong mag-edit nang mabilis kung kailangan dahil magbubukas ang article sa isang bagong window kapag na-click ninyo ito sa overview. Hindi namin makita ang option para mailagay ang articles sa folders o categories, na siyang nakahihinayang. Gayunman, ang knowledge base ay may search widget.

Apptivo - View of created question

Pagpepresyo

Ang mga presyo ang malamang na pinakamagandang parte ng Apptivo dahil kahit ang pinakamahal na plan ay mas mura pa rin kumpara sa ibang knowledge base software ng competitor. May apat na plans ang Apptivo at bawat isa ay higit kaysa sa nauna. Lahat ng plans ay may knowledge base feature na kasama, kaya ang pagdedesisyon ay nakasalalay sa ibang functionalities na may pakinabang sa inyo. Tingnan natin kung ano ang inyong makukuha sa bawat isa sa mga plan.

Lite

Ang Lite plan ay nagkakahalagang $10 kada buwan bawat user at ito ay naka-focus sa maliliit na sales teams. Makukuha ninyo ang 18 apps, 100 custom fields kada app, 25 workflows, 8 custom dashboards, 3rd party service integration, at 24/7 na customer support.

Premium

Ang Premium plan ay nagkakahalagang $15 kada buwan bawat user. Ang plan ay angkop sa lumalagong teams. Makukuha ninyo sa plan na ito ang 46 apps, 250 fields kada app, 75 workflows, 25 custom dashboards, 3rd party service integration at 24/7 na customer support.

Ultimate

Ang Ultimate plan ay nagkakahalagang $25 kada buwan bawat user, at ito ay para sa malalaking teams. Kasama rito ang 57 apps, 350 custom fields kada app, 150 workflows, 50 custom dashboards, 3rd party service integration, at 24/7 na customer support.

Enterprise

Ang Enterprise plan ay may customizable na pagpepresyo. Kasama rito ang 65 apps, 500 custom fields kada app, 300 workflows, 100 custom dashboards, custom integration, 24/7 na customer support + SLA, at account manager.

Kongklusyon

Sa huli, iri-rate namin ang knowledge base ng Apptivo na magaling, pero hindi mahusay. Hindi nito nalampasan ang mga inaasahan sa karamihan ng mga aspekto, pero hindi rin naman nakakadismaya. Makapagpe-perform ito nang maayos at hindi ito nagkukulang, lalo na pagdating sa murang halaga nito. Gayunman, ang mga business na magdedepende sa paggamit ng knowledge base ay malamang magustuhan ang mas magandang solution para sa tasks. Ang Apptivo ay isa pa ring mahusay na software na may kahanga-hangang functionality. Nasa sa inyo na kung ikokonsidera ninyo kung papayag kayong gamitin ito sa inyong pang-araw-araw na trabaho.

Karaniwang mga isyu at problema

Hindi namin makita ang knowledge base sa Apptivo

Ang knowledge base feature ng Apptivo ay tinatawag na Answers. Kailangan muna ninyong kunin ang app mula sa detalyadong app selection. Kapag nasa account na ninyo, pumunta sa App Store at hanapin ang Answers app sa ilalim ng Web presence category. Kapag nakuha na ninyo ang app, makikita ninyo ito sa ilalim ng Web presence menu button sa inyong dashboard.

Product reviews

Gusto ba ninyong makilala pa ang knowledge base ng HelpCrunch? Tingnan ang aming article para malaman kung paano ito gumagana at paano ito nag-perform sa aming tests.

HelpCrunch knowledge base review

Ang HelpCrunch ay isang mahusay na tool sa knowledge management na may intuitive app at mga essential na tools. Mayroong tatlong plano, kung saan mas maraming features ang magagamit kapag tumataas ang presyo. Ang basic plan ay nagsisimula sa $15 kada buwan, samantalang ang unlimited plan ay may lahat ng features. Puwedeng i-customize ang disenyo ng knowledge base at mayroon ding advance na SEO settings. Overall, maganda ang HelpCrunch knowledge base at straightforward ang workflow nito.

Naghahanap ba kayo ng detalye ng Stonly knowledge base? Basahin ang aming article para malaman kung paano ito gumagana at paano ito nag-perform sa aming tests.

Stonly knowledge base review

Ang Stonly ay isang modernong at mahusay na dinisenyong knowledge base solution na mayroong ilang templates na magsasave ng oras sa pagsusulat ng sariling structure ng article. Mayroong tatlong pricing plan ang Stonly at mayroong mga limitasyon ang Starter plan, gayunpaman, mayroong unlimited guides ang Business plan at maraming mga features na hindi matatagpuan sa Starter plan. Hindi lahat ng user ay masaya sa mga preset templates at walang option na mag-customize ng sariling template. Gayunman, magandang option pa rin ito lalo na para sa mga bagong writer.

Kinokonsidera ang Zendesk knowledge base? Tingnan ang aming review at alamin kung ito ang tamang knowledge base software para sa inyong business.

Zendesk Suite knowledge base review

Ang Zendesk Suite ay isang matatag at may iba't ibang features na software para sa knowledge base. Ngunit, may karagdagang gastos sa upgrade at hindi ganun kadaling makipag-usap sa support. Hindi rin ganun kadaling gamitin dahil sa mga interface at mabagal na customer support. Gayunman, may Knowledge Capture app na puwedeng maging kapaki-pakinabang.

Reviews - Knowledge Base Software Reviews - Knowledgeowl

Reviews - Knowledge Base Software Reviews - Knowledgeowl

Ang KnowledgeOwl ay isang software para sa knowledge management at may maraming features tulad ng article categories, autosaves, at mga setting options. Madali rin gamitin ang interface nito at maraming options sa pagsusulat tulad ng templates at copy-pasting ng articles. Nasa tatlong plan naman ang presyo nito, Flex, Business, at Enterprise, at kasama sa bawat plan ang one author at one knowledge base. May kamahalan ito kumpara sa ibang knowledge base software.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo