Froged knowledge base review

Compare Froged knowledge base review with other in: How Froged knowledge base review is doing on review portals
4.7
Average rating based on data from trusted review portals
96 reviews

May napakagandang oportunidad na ino-offer ang Froged para sa mga user na gustong gumawa ng isang knowledge base mula sa umpisa sa kanilang website. Madali nilang naiyayabang ang intuitive interface na madali at kasiya-siyang gamitin. Ang knowledge base feature ay mahusay na…

Pricing
Starting from:
$ 0.00   kada buwan
Equal to LiveAgent's Free plan Liveagent pricing
Free trial: Yes
Free version: Yes

Jana Kostelanska

Editor's rating

Jana Kostelanska
Overall rating
4.7
User experience
5
Presyo
4
Implementation
5

Key takeaways

Pros

  • Mahusay na pagkakadisenyo ng interface
  • Madaling i-navigate at gamitin
  • Simple pero epektibong knowledge base features
  • May available na free plan

Cons

  • Walang advanced text editing options
  • Puwedeng tumaas ang presyo sa mga mas mahal na plan

May napakagandang oportunidad na ino-offer ang Froged para sa mga user na gustong gumawa ng isang knowledge base mula sa umpisa sa kanilang website. Madali nilang naiyayabang ang intuitive interface na madali at kasiya-siyang gamitin. Ang knowledge base feature ay mahusay na dinisenyo at makatutulong sa inyong gumawa ng knowledge hub kaagad. Walang problema sa pagsusulat ng articles kahit na kulang sa ilang advanced text editing features na puwedeng makaligtaan ng ilang higher-level users sa mahusay na application na ito. Merong free plan ang Froged, pero puwedeng medyo mamahalan ang ilang users kapag nag-upgrade sa mas matataas na plans. Nasa sa inyo na lang kung ikokonsiderang sulit ang presyo ng ibang kahanga-hangang features.

Ang pagsisimula sa Froged

Ang Froged ay may offer ng magandang user experience mula sa umpisa. Ang pagsisimula sa free version ay aabutin lang ng ilang minuto dahil sa mabilis at madaling registration sa website. Puwede ninyong piliin ang free trial o kumuha na agad ng free version. Kapag nakumpleto na ninyo ang registration, may ilang itatanong ang Froged sa inyo para matulungan kayong matukoy kung ano ang gusto ninyong tutukan sa kanilang solution. Kasama sa options ang pagtaas ng customer engagement, pagpapahusay ng inyong customer support, o pagpapaayos ng onboarding experience. Kinokonsidera rin ng Froged kung nasaang team kayo, at ipinapakita sa inyo ang naaangkop ng tools. Sa ngayon, masasabi namin iyon at talagang malakas na umpisa ito.

Froged welcome screen with options

Sa unang pagbukas ninyo ng app, sasalubungin kayo ng option na mag-schedule ng demo o mag-short tour sa web application. May ilang software solutions na may posibilidad na ipilit sa users ang demo kaya nawawalan sila ng option na masubukan ang software nang sila lang. Mabuti na lang at nagbibigay ang Froged sa mga bagong user ng option na magdesisyon para sa kanila kung demo o trial ang gusto nila. Matatagalan bago ma-cover ang buong feature set ng Froged dahil hindi lang ito isang knowledge base solution, ito rin ay isang ganap na customer experience software na maraming functionalities. Ang review na ito ay naka-focus lang sa feature ng knowledge base, at sa ngayon, masasabi naming ito ay madali lang simulan.

Froged introduction demo popup

Ipinapakita ng tutorial kung saan ito eksaktong makikita – nasa kaliwang menu bar, sa ilalim ng Support option. I-click ang Knowledge Base at naroon ka na. Ang interface sa bahaging ito ng app ay napakadali, at may option pa kayong maisulat ang inyong unang article nang diretso sa screen. Hindi kayo pahaharapin ng Froged sa mga komplikadong hakbang at laktawan ang maraming windows – puwede kayong dumiretso sa trabaho at magsimulang magsulat agad-agad. Puwede rin ninyong i-configure ang language settings. Pero sa free version, iisang language option lang ang puwede ninyong gamitin, na puwede namang magpalit anumang oras.

Froged knowledge base

User experience at features

Napaka-intuitive magtrabaho gamit ang Froged. Para makagawa ng isang bagong document, kailangan lang i-click ang + Create a new document at puwede na kayong magsimulang magsulat. Sinusuportahan ng knowledge base ang text, pictures, videos, links, buttons, at puwede rin kayong magdagdag ng horizontal lines para mapahusay ang inyong formatting. Madaling ma-access ang lahat ng attachment na ito, salamat sa isang button na sakop lahat ng makukuhang options. Simple lang gamitin ang Froged editor sa pagsusulat ng artices gaya ng inaasahan (at hinihiling) ninyo sa isang text editor. Ang mga feature ay hindi kapareho sa mga dedicated text editor application, pero hindi ito masamang bagay para sa bawat uri ng user.

Froged knowledge base article settings

Kung meron na kayong pre-written articles, puwede na ninyong i-copy/paste o diretsong i-upload ang mga ito sa inyong knowledge base. May option din para makapagdagdag ng alt tags, meta title at description, at marami pa sa inyong document. Bawat element na inyong ia-upload, tulad ng videos at pictures, ay may kani-kaniyang maliliit na setting options. Puwede kayong magdagdag ng links sa pictures at alt texts. Ang videos ay may offer na alignment options, resizer, at pati na rin ang option para sa autoplay, kasama ng iba pa. Hindi gaanong marami ang pagpipilian, pero ang mga kinakailangang option ay sapat na sa aming karanasan.

Wala nang masasabi pa tungkol sa Froged knowledge base dahil medyo simple ang feature set. Makikita ninyo ang buong listahan ng articles sa kaliwang panel. Ang pinaka-ikinatutuwa namin ay ang option para makapagdagdag ng folders para sa madaling pag-oorganisa at pagka-categorize ng aming articles. Kasama ang isang simple at madaling i-navigate na interface, ang pagtatrabaho gamit ang Froged ay nagiging madali. Sa katunayan, ang ilang advanced text editing features ay malugod na tinatanggap, pero ang kawalan nito ay hindi sapat para maimpluwensiyahan ang aming pangkalahatang karanasan.

Pagpepresyo

Subscription basis ang pagpepresyo ng Froged, at may kasama itong apat na plans na puwede ninyong pagpilian batay sa inyong requirements. Ang bawat plan ay lumalaki at nagbibigay ng karagdagang features, at karagdagang user seats. Tingnan natin ang bawat isa at alamin kung ano ang kanilang ino-offer.

Libre

Ang free plan ay may kasamang knowledge base na ganap na gumagana. Gayunman, ito ay nagpapataw ng ilang limitasyon sa functionality. Bukas ito para sa isang user lang, at bilang karagdagan sa knowledge base, makakukuha kayong ng isang customizable na business messenger, Slack integration, at hanggang 200 na buwanang active na users.

Grow

Ang Grow plan ay €66 kada buwan at may offer na tatlong user seats. Bilang karagdagan sa features mula sa Free plan, makakukuha kayo ng engagement metrics, unlimited emails, event-based alerts, user behavior tracking, Google Meet integration, at hanggang 1000 na buwanang active users.

Scale

Ang Scale plan ay nagkakahalagang €290 kada buwan na may pitong user seats na kasama. Makukuha ninyo ang features mula sa naunang dalawang plans at may kasama pang automation rules, product flows, behavioral emails, NPS, marami pang integrations, at option para alisin ang Froged branding mula sa alerts at emails. Makakukuha rin kayo ng hanggang 10,000 na buwanang active users.

Enterprise

Ang Enterprise plan ay customizable, at nagsisimula ito sa €740 kada buwan na may minimum na sampung user seats. Ang presyo ay nagbabago depende sa bilang ng users na inyong kailangan at features na inyong pinili. Makapipili kayo ng bilang ng buwanang aktibong users, at puwedeng ma-customize ang inyong feature set.

Kongklusyon

Ang Froged ay may ino-offer na simple pero napakadaling gamiting knowledge management feature na gumagana nang maayos. Walang masyadong problema sa Froged at sa kanilang ino-offer, pero puwedeng naisin ng ilang users na ikonsidera sakaling umaasa sila sa mas advanced na text editor mula sa kanilang knowledge base software. Puwede rin itong maging napakamahal kumpara sa ibang competitors; gayunman, puwede kayong manatili sa free plan kung ito ay sapat na, lalo na kung nakagagawa naman kayo ng buong knowledge base gamit lang ito. Makakukuha rin kayo ng maraming pagpipiliang features maliban sa knowledge base na masyadong mataas ang presyo kumpara sa ibang plans. Hindi kayo madidismaya sa knowledge base ng Froged, pero nasa sa inyo na kung ikokonsidera ang ibang features na nagbibigay sa inyo ng ilang karagdagang halaga ang huling presyo.

Karaniwang mga isyu at problema

Paano kami magdadagdag ng media sa knowledge base articles sa Froged?

May + button sa bakanteng text line sa Froged editor. I-click at piliin kung anong uri ng supported media ang gusto ninyong idagdag sa inyong article. Sinusuportahan din ng Froged article editor ang copy/paste functionality, kaya puwede ninyong i-paste ang images nang diretso sa inyong articles.

Paano namin ia-access ang text formatting sa Froged?

Puwede ninyong i-access ang qualitative text formatting sa pamamagitan ng pag-double click sa alinmang text na nai-type sa knowledge base editor ng Froged. Walang option sa pagpapalit ng typeface pero puwede ninyong i-adjust ang inyong font gamit ang iba-ibang functionalities.

Product reviews

Ang 20 pinakamahusay na forum software

Ang mga customizing options, user management features, at pagkakalipat sa iba't ibang package ay ilan sa mga tinutukoy na mahalagang features ng forum software. Mayroon ding mga functionalities tulad ng pagre-record, pagtatabi ng iba't ibang uri ng content, at pagkakonekta sa social media networks. Isa pang kailangang hanapin ay ang knowledge base management at feedback at suggestion features. Sa pagbubuo ng ganitong software, mapapabuti ang customer support at makakapagbigay ng self-service na platform para sa mga customers upang madaling ma-solve ang kanilang mga issues.

Ang tawag sa mga survey at interview na ginagawa ng mga customer ay customer service surveys. Tumutulong ang mga ito sa pag-monitor at pag-track ng satisfaction ng mga customer.

Customer service survey

Ang customer service survey ay isang paraan upang maintindihan ng mga kompanya ang iniisip ng kanilang mga customer tungkol sa kanilang mga produkto at serbisyo. May apat na uri ng survey: CSAT, Net Promoter Score, CES, at milestone survey. Puwede itong ipamigay sa iba't ibang paraan tulad ng email, chat messenger, at social media. Ang pag-analisa ng mga resulta ng survey ay mahalaga para mapabuti ang karanasan ng customer.

Salesforce Sales Cloud knowledge base review

Ang Salesforce ay mayroong knowledge base na nagbibigay flexibility sa users sa text formatting. Kasama dito ang attachments tulad ng pictures, videos at links. Mahusay ang pagpepresyo nito na may iba't-ibang selection ng plans na nagkakaiba-iba sa features. Sa kabila nito, hindi ito pinakakaaya-aya at hindi rin pinakamaayos na solusyon para sa lahat ng paggamit. May mga karaniwang isyu at problema, tulad ng hindi makapagdagdag ng bagong articles sa knowledge base, ngunit maaring ayusin ito sa pamamagitan ng pagpunta sa settings. Mahalaga rin na hanapin ang knowledge base feature sa Salesforce Service Cloud upang magkaroon ng access dito.

Kinokonsidera ang Zendesk knowledge base? Tingnan ang aming review at alamin kung ito ang tamang knowledge base software para sa inyong business.

Zendesk Suite knowledge base review

Ang Zendesk Suite ay isang matatag at may iba't ibang features na software para sa knowledge base. Ngunit, may karagdagang gastos sa upgrade at hindi ganun kadaling makipag-usap sa support. Hindi rin ganun kadaling gamitin dahil sa mga interface at mabagal na customer support. Gayunman, may Knowledge Capture app na puwedeng maging kapaki-pakinabang.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo