TTNC integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang TTNC?
Ang TTNC ay isang VoIP service provider sa United Kingdom na may offer ding cloud services, pre-configured VoIP handsets, at call management. Meron silang malawak na pagpipiliang mga virtual phone number na may iba-ibang gamit sa business. Puwedeng pumili ang mga kliyente nila ng di malilimutang mga number depende sa kanilang business industry.
Paano ginagamit ang TTNC?
Ang TTNC ay puwedeng magamit na VoIP service provider para sa inyong business na nasa United Kingdom. Pumili sa kanilang mga number at ang LiveAgent help desk software na ang bahala sa inyong call center at customer tickets.
Ang ticketing system ng LiveAgent ay nama-manage ang emails, live chat, customer portal, social media, at call center sa iisang lugar lang. Lahat ng tools na ito ay suportado ng advanced features para mapadali ang daloy ng mga trabaho ninyo.
Madali nang i-manage ang calls, i-route sila sa nararapat na agents, gumawa ng IVR para mtulungan ang mga customer sa pagkontak ng tamang department, at kahit gumawa ng video calls kung mas gusto ninyo ng mas personal ang interaksiyon sa inyong customers.
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng TTNC?
- Nasa UK ang VoIP provider
- Mga di malilimutang mga numero para sa iba-ibang business
- Suportado ang maraming uri ng devices
- May cloud services
Ready to provide better phone support?
Set up your call center with the free 30-day LiveAgent trial and go beyond customer expectations
May bayad ba ang integration ng TTNC sa LiveAgent?
Libre ang integration Kapag nakuha na ninyo ang inyong TTNC phone number, puwede na itong idagdag sa LiveAgent at magsimula na kayong i-manage ang mga call mula doon. Kung marami kayong mga number, puwede rin ninyong idagdag doon.
Paano ang integration ng TTNC sa LiveAgent?
Simple lang ang proseso dahil walang kailangang pag-configure ng mga plugin o gumamit ng mga third-party service. Ang gagawin lang ay idagdag ang inyong phone number sa LiveAgent call center configuration. Narito ang paraan.
- Una, kunin ang inyong TTNC phone number para ikonekta ito sa LiveAgent call center. Pumunta sa TTNC website at i-click ang Basket > Choose a number sa kanang kanto sa itaas.
- Puwede ninyong piliin ang inyong number batay sa inyong area code at preference. Puwede kayong bumili ng di malilimutang number. Kapag nakuha na ninyo ang inyong username, password, at TTNC number lumipat sa LiveAgent.
- Kapag nasa LiveAgent na, pumunta sa Configuration > Call > Numbers at i-click ang Create button sa bandang itaas para idagdag ang TTNC number. Tapos piliin ang TTNC sa listahan ng VoIP providers.
- Sa huling bahagi ng setup, kailangan ninyong ilagay ang username, password, host, at TTNC number. Piliin ang department para puntahan ng mga call, pumili ng number prefix, at pumili kung gusto ninyong recorded ang lahat ng mga call. I-click ang Add kung tapos na.
Ang inyong TTNC number ay konektado na sa inyong LiveAgent call center. Puwede rin kayong magdagdag ng mga number nang walang dagdag na bayad.
Nais pa ninyo ng karagdagang detalye tungkol sa LiveAgent help desk software at sa mga kakayahan nito? Panoorin ang video sa ibaba para sa tour o tingnan ang aming features page para makita ang lahat ng kakayahan nito.
Explore the power of LiveAgent with TTNC integration
Enhance your customer support experience with seamless integration of LiveAgent and TTNC.
Frequently Asked Questions
Ano ang TTNC?
Ang TTNC ay isang VoIP at cloud services provider na nasa United Kingdom. Sila ay nagbibigay ng kakaiba at di malilimutang mga phone number para sa mga business sa iba-ibang industriya.
Puwede bang ma-integrate ang TTNC sa LiveAgent?
Ang TTNC ay kasama na sa LiveAgent. Dahil built-in, hindi na kailangan ng mga integration plugin o third-party service. Idagdag lang ang inyong TTNC number sa LiveAgent at magsimula nang tumawag.
May bayad ba ang integration ng TTNC sa LiveAgent?
Hindi, ang integration ay walang bayad bilang bahagi ito ng isang LiveAgent plan.