Partner
Pakisundan ang integration guide sa ibaba para masimulan ang paggamit ng GetResponse sa LiveAgent.
- Una, kailangang may aktibo kayong GetResponse account.
- Kung meron na, paki-activate ang GetResponse plugin sa LiveAgent Plugins section.
- Pindutin ang configure at kopyahin ang GetResponse API ninyo. Kumpirmahin at simulan na ang pag-subscribe!
Ano ang GetResponse?
Ang GetResponse ay isang web-based na email marketing service. Puwede ritong makapag-schedule ng email messages (na tinatawag na sequential autoresponders) at puwedeng mag-automate ng proseso ng pag-follow-up kapag may naidagdag na bagong leads. Puwede kayong mag-deliver ng newsletters, at madaling makaka-manage ng customers sa iisang easy-to-use interface. Ang GetResponse ang isa sa pinaka-popular na autoresponder service mula nang nai-launch ito ni Simon Grabowski noong 1998.
Paano ito gumagana?
Diresto na ninyong idagdag sa LiveAgent ang mga contact sa inyong GetResponse email campaigns. Para maiwasang magpadala ng mga spam email, may opt-in email na ipapadala kapag isu-subscribe ninyo ang isang contact. (Dapat kumpirmahin muna ng contact ang subscription).
Halimbawa:
Napaka-aktibo at curious na customer ni Mr. Marsellus Wallace. Gusto ninyong maging updated siya lagi sa lahat tungkol sa LiveAgent. Sa pag-activate ng GetResponse plugin, puwede ninyo siyang i-subscribe sa alinman sa mga email campaign ninyo sa kasalukuyan. Makatatanggap si Mr. Wallace ng isang opt-in email at kukumpirmahin ang kanyang subscription. Pagkatapos, puwede na siyang padalhan agad ng anumang email sa GetResponse.
Frequently asked questions
Ano ang GetResponse?
Ang GetResponse ay isang marketing tool na may features tulad ng Email Marketing, Marketing Automation, Webinars, at marami pa.
Paano ang integration ng GetResponse sa LiveAgent?
Madali lang ang integration. Kung may GetResponse account na kayo, sundan lang ang guide na ito: 1. Mag-log in sa LiveAgent 2. I-click ang Configurations > System > Plugin 3. Paki-activate ang GetResponse 4. Kopyahin ang API key 5. Ilagay ang API key sa GetResponse
Ang address ng suporta sa email ay mahalaga sa pagbibigay ng kahusayan sa serbisyo sa mga customer. May mga halimbawa ng mga address na maaaring gamitin sa LiveAgent. Upang pumunta sa mga address na ito, maaaring magpa-schedule ng demo para sa LiveAgent at Userlike. Ang Adiptel ay nag-aalok ng serbisyong customer support tulad ng live chat, help desk, at CRM. Ang mga kumpanya ay dapat magbigay ng maikling tugon sa mga tanong ng mga kustomer sa pamamagitan ng email, live chat, o social media para mapabuti ang kanilang karanasan sa pagbili ng produkto.