Duocom

Ano ang Duocom?

Duocom ang leader ng mga Spanish telecommunications company sa virtual telephone at VoIP. Ang Duocom Europe S.L ay isang telephone operator na may headquarters sa Gran Canaria, Spain, at lisensiyado ng National Markets and Competition Commission (CNMC) mula 2000.

Nakapag-develop ang kompanya ng sarili nitong makabagong technology na magkasama ang telephony at Internet para maiangkop ang virtual services sa mga partikular na pangangailangan ng bawat kliyente. Nagbibigay ng mahusay na flexibility ang mga serbisyo nila dahil puwedeng mamili ang users, kahit na anong oras, ng device (landline, mobile, VoIP, Internet) at tools na angkop sa mga partikular na pangangailangan, at puwedeng ma-reconfigure ang mga serbisyo sa real time mula sa website ng inyong kliyente.

May offer na virtual telephone services ang Duocom Europe na – kahit walang investment o maintenance cost – maisasaayos ang productivity at ang management ng inyong mga komunikasyon, na makakatipid ng inyong oras at pera.

Paano ito magagamit?

Kung kayo ay naghahanap ng isang VoIP provider para ikonekta sa inyong LiveAgent call center, mabuti nang Duocom ang inyong piliin. Ang LiveAgent call center ang mag-aasikaso ng tawag at tickets habang ang Duocom ang gagawa ng iba pang kailangang gawin. Maliban sa dalawang ito, kailangan lang ninyo ng laptop o smartphone para makapagtayo ng isang starter call center. Puwede kayong magdagdag ng ibang hardware  kapag gusto na ninyong gumawa ng improvements sa inyong call quality paglipas ng panahon.

Paano makakabenepisyo sa LiveAgent call center?

Kahit na mas pinipili ng iba ang digital customer experience, may mga naghahanap pa rin ng malalimang personal na koneksiyon sa brands na gusto nila. Ang mga call center ay magandang paraan para mapahusay ang inyong customer relationships, magbenta ng produkto, magkaroon ng bagong customers at users ng serbisyo ninyo, o magbigay ng pangkalahatang customer service.

Dahil sa humihina na ang mga tradisyonal na call center at mas dumadalas na ang paggamit sa mga call center software tulad ng LiveAgent, mas madali nang makapagbigay ng ganitong uri ng mga karanasan para sa inyong mga customer nang hindi na kailangang gumastos nang malaki. Mas abot-kaya na ang call center ng iba’t ibang uri ng mga business, malaki man o maliit.

Paano gumagana ang LiveAgent call center?

Ginagawang mas madali ng LiveAgent ang pangangasiwa at pagpapatakbo ng isang call center sa tulong ng kanilang advanced features. Halimbawa, puwede kayong gumawa ng custom na IVR (Interactive Voice Response) trees, na automatic ang pag-route ng mga customer ninyo sa nararapat na department at agent.

Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.

Call center gamit ang IVR

Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfer nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.

Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer. 

Gusto pa ninyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa features ng call center namin? Bisitahin ang aming Call Center feature page na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa kapasidad ng LiveAgent call center.

Paano ang integration ng Duocom VoIP sa LiveAgent?

Kung gusto ninyong gumawa ng LiveAgent call center gamit ang Duocom bilang VoIP provider, sundan ang simpleng guide na ito.

  • Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa itaas.
  • Piliin ang Duocom sa listahan ng VoIP providers.
Paano ang integration ng Duocom VoIP sa LiveAgent?
Piliin ang Duocom
  • Ilagay ang number, piliin ang department, ilagay ang mga detalye ng login ninyo, at piliin ang dial-out prefix number ninyo. Puwede ring ilagay o alisin ang check option na magre-record ng lahat ng tawag na makukuha at gagawin mula sa number na ito. Kung tapos ma kayo, i-click ang Add button sa ibaba.
Paano ang integration ng Duocom VoIP sa LiveAgent?
Pag-configure ng Duocom phone number

Ang phone number ay nasa LiveAgent na at handa nang gamitin. Kung gusto ninyo, magdagdag pa ng maraming _Duocom phone numbers o magdagdag ng ibang numbers mula sa ibang VoIP providers.

Paano ang integration ng Duocom VoIP sa LiveAgent?
Duocom phone number naidagdag

Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software

Naghahanap ba kayo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagtatayo o pagpapatakbo ng call center? Kung interesado kayo, basahin ang LiveAgent academy para sa karagdagang detalye tungkol sa mga call center at iba pang topics tungkol sa mundo ng customer support.

Gusto ba ninyong alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.

Frequently asked questions

Ano ang Duocom?

Duocom ang leader ng mga Spanish telecommunications company sa virtual telephone at VoIP. Ang Duocom Europe S.L ay isang telephone operator na may headquarters sa Gran Canaria, Spain, at lisensiyado ng National Markets and Competition Commission (CNMC).

Puwede bang mag-integrate ang Duocom sa LiveAgent?

Ang Duocom ang isa sa mga Voice over Internet Protocol (VoIP) service providers na available at suportado ng LiveAgent. Puwede ninyong ma-set up ang inyong call center na Duocom ang inyong pangunahing provider kung gusto ninyo.

Libre ba ang integration sa Duocom?

Hindi ninyo kailangang magbayad nang extra sa All-Inclusive LiveAgent plan at puwede ninyong i-set up ang Duocom VoIP-powered na call center sa LiveAgent agad-agad.

Balik sa Integrations Gumawa ng LIBRENG account

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

×
Mag-schedule ng one-on-one na tawag at alamin kung ano ang benepisyo ng LiveAgent sa inyong business.

Maraming petsa ang bakante

Mag-iskedyul ng demo